Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON V - BIKOL
SANGAY NG MGA PAARALANG PANGLUNSOD
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG KOMPREHENSIBO NG MASBATE
Lunsod Masbate

SANAYANG PAPEL SA FILIPINO


(Learning Activity Sheets)

Baitang: 8 Kwarter: 4 Sanayang Papel Blg.: 6

Pangalan ng Mag – aaral: __________________________ Iskor: ______________


Baitang at Pangkat: _______________________________ Petsa: _____________

I I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO
➢ Naipahahayag ang pansariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang mga salitang
naghahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat (Hal.: totoo, ngunit)
F8PU-IVi-j-40

II. PANIMULANG KONSEPTO

P Pahayag sa Pagsang-ayon
➢ Nangangahulugang pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa
isang pahayag.

Halimbawa: bilib ako sa iyong sinabi.. Iyan din ang palagay ko…
` ganoon nga.. Iyan ay nararapat..
Kaisa mo ako sa bahaging iyan.. Totoong..
Maasahan mo ako riyan.. Sang-ayon ako..
Sige..

Pahayag sa Pagsalungat
➢ Nangangahulugang pagtanggi, pagtaliwas, pagtutol o pagkontra sa isang
ideya.

Halimbawa: Hindi totoong..
Sumasalungat ako sa.. Hindi ako sang-ayon..
Ayaw ko ang pahayag na.. Hindi ako naniniwala riyan..
Hindi ko matatanggap ang iyong sinabi..
Sundan ang sumusunod na hakbang sa pagpapahayag ng pansariling paniniwala at
pagpapahalaga:
1. Unawaing mabuti ang isyu o paksa.
2. Suriin ang dalawang panig.
3. Maging magalang sa pagpapahayag ng opinyon o reaksyon.

III. MGA GAWAIN

MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY 1
Panuto: Punan ng angkop na pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat ang bawat
pahayag. Piliin mula sa kahon ang sagot.
1. ____________ ipinamalas ni Aladin ang kanyang pagiging matapang sa pagligtas niya kay
Florante mula sa dalawang mabangis na liyon.
2. _______________ na pagtangkaang pugutan ng ulo ni Sultan Ali-Adab ang kanyang
sariling anak na si Aladin.
3. _______________ sa pagkakaupo ni Adolfo sa trono bilang hari ng Albanya dahil sa
kanyang kataksilan.
4. ________________ na naging masaya si Laura na maging reyna ni Konde Adolfo.
5. ________________ na nalupig ang kaharian ni Konde Adolfo dahil sa tulong ng hukbo ni
Menandro.

Hindi ako naniniwala Totoong Maling-mali talaga

Sumasang-ayon ako Tutol ako

PAGSASANAY 2
Panuto: Gamit ang mga pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat, ilahad ang iyong sariling
paniniwala at pagpapahalaga sa mga kaisipang hango sa binasa. Isulat ang iyong
sagot sa kahon.

1. Dahil kay Flerida na iniibig ni Aladin ay


hindi natuloy ang balak na pagpatay ni
Sultan Ali-Adab sa binata. Hiniling ng
dalaga sa sultan na palayasin na
lamang si Aladin sa kaharian at ang
kapalit ay magpapakasal siya dito.
2. Pinagbintangan ni Sultan Ali-Adab na
iniwan daw ni Aladin ang kanyang
mga alagad na naging sanhi ng
pagkagapi mula sa kanilang kaaway.
Dahil dito’y nais pugutan ng ulo ni
Sultan Ali-Adab si Aladin.

B. PAGTATAYA

Panuto: Gamitin ang mga pahayag sa pagsang-ayon at pagsalungat sa pagpapaliwanag ng


inyong pagpapasya sa paksa. Isulat ang inyong sagot sa loob ng kahon.
.
1. Ipinadala si Florante sa Atenas noong siya’y bata pa upang doon ay mag-aral. Dito niya
napagtanto ang turo ng magulang na kung mamimihasa ang isang bata sa saya at
madaling pamumuhay ay walang kahihinatnan na ginhawa ito. Ang mundo ay puno ng
kahirapan kung kaya’t dapat ay patibayin ang kalooban dahil kapag ang tao ay di
marunong magtiis, hindi niya mapaglalabanan ang mga pagsubok na hatid ng mundo.

2. Nang magising si Florante ay nagitlahanan kung bakit siya nasa kamay ng isang moro.
Agad namang nagpaliwanag si Aladin na siya ang tumulong at nagligtas sa kaniya kung
kaya’t hindi siya dapat mabahala.Si Florante ay taga-Albanya at si Aladin naman ay
taga-Persya. Ang dalawang bayan na ito ay magkaaway ngunit sa ginawang pagtulong
at pagkalinga ay naging magkatoto sila.
3. Si Laura na lamang ang natitirang pag-asa para kay Florante ngunit muli niyang
maaalala na si Laura na kanyang mahal ay nasa piling na ng kanyang kaaway na si
Konde Adolfo. Mas nanaisin pa niyang mamatay nalang kaysa sa palaging maalala
na ang kanyang sinisinta ay may kasama nang iba.

IV. SUSI SA PAGWAWASTO

V. SANGGUNIAN

. Kontekstuwalisadong Banghay Aralin sa Filipino 8 pahina 136-139

Mga Bumuo ng Sanayang Papel

RICHELLE ANN G. PEÑALES ARLIN A. JARDIN MARITES C. CLEOFE


Guro I MT – II HT VI – Puno ng Kagawaran, Filipino

Tiniyak ang Kalidad:

MARIE GRACE B. MANLAPAZ


Sangay na Superbisor sa Filipino

You might also like