Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Mga Tekstura ng Musika

Modyul ng mga Mag-aaral sa Musika 5


Ikaapat na Kwarter- Ikalima -Ikawalong Linggo

TEKSTURA

MERLY B. LIWAYAN
Tagapaglinang ng Modyul

DepEd. CAR. Schools Division of Mountain Province


Bauko District I. Guinzadan Norte Elementary School
Tuklasin
Ang texture ay elemento ng musika na nagsasaad kung gaano karami ang tunog o
melody na naririnig sa isang awit. Kadalasan ang texture ng musika ay inilalarawan na
manipis o makapal. Manipis ang texture ng musika kung ito ay binubuo ng isang tunog mula
sa iisang boses o instrumento. Kung minsan ang isang umaawit ay sinasaliwan ng gitara,
piyano o alinmang instrumento.Sa pagkakaroon ng saliw ang musikang maririnig ay binubuo
ng dalawa o higit pang mga tinig o tunog, ang texture nito ay makapal.

Suriin
Ano ang uri ng musika ang hilig mong napapakinggan? Ito ba ay musika mula sa ganap nang
isang soloista, koro o pangkat ng mga manunugtog? Bakit ito ang gusto mo?

Ang musika ay binubuo ng mga linya ng tunog na pinagsama-sama. Isa sa


nagbibigay kontribusyon sa kagandahan ng musika ay ang texture o tekstura.

Mga Uri ng Tekstura sa Musika


I. Monophonic
Ang salitang monophonic ay hango sa salitang mono na nangangahulugang isang
tunog. Makikita sa komposisyon na may iisang linya ng musika na pamboses o pang-
instrumento. Ang pag-awit ng koro nang sabay-sabay sa iisang tinig o unison ay isang
halimbawa ng musika na may monophonic texture. Ito rin ay maririnig sa mga pagtatanghal
ng isang manunugtog ng piyano, gitara o violin.
Narito ang isang halimbawa ng awitin na may monophonic texture. Awitin ito nang
sabay-sabay sa iisang tinig.

2
II. Homophonic
Ang monophonic ay binubuo ng dalawang tunog, ang isa ay mula sa boses at ang isa naman ay
mula sa isang instrumentong nagsasaliw ng melody. Kadalasang ginagamit ang piyano at gitara bilang
pansaliw. Ang ganitong uri ng texture ay mapapansin sa mga awiting bayan. Narito ang isang awitin na
may homophonic texture.
III. Polyphonic
Ang salitang polyphonic ay mula sa salitang poly na ang ibig sabihin ay marami. May
mga awitin o tugtugin na binubuo ng isa o higit pang melody nang sabaysabay tulad ng partner
song at round song.

A. Partner Song
Binubuo ng dalawang melody na mula sa dalawang magkaibang kanta o awit na maaring
awitin nang sabay o maaring mauna ang isa.
Ang dalawang kanta o awitin dapat pareho ang rhythm at ang haba at isinusulat sa parehas na
meter at scale.
Isang halimbawa ng partner song ay ang Leron-Leron Sinta at
Pamulinawen

3
B. Round song
Ito ay mga awitin na may
dalawa, tatlo o higit pang
bahagi na inaawit ng dalawa,
tatlo, o higit pang mga
pangkat.
Inaawit ng grupo
ang parehas na
melody, subalit
nagsisimula sila
sa iba’t ibang
pagkakataon.
Makikita sa itaas ng mga staff ang hudyat ng bawat bahagi ng awit.

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Bilugan ang mga larawan ang nagpapakita ng monophonic na awitin.

4
Gawain 2:
Magsulat ng halimbawa ng awitin ayon sa kanyang tekstura.
Monophonic Homophonic Polyphonic
1. 1. 1.

2. 2. 2.

Tayahin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay elemento ng musika na tumutuon sa patong-patong na tunog na naririnig sa isang musika o
awitin.
A. dynamic C. tempo
B. texture D. harmony

2. Ang texture ng musika ay inilalarawan na


A. mabilis at mabagal C. makapal at manipis
B. matagal at madali D. malakas at mahina
3. Ito ay napapansin sa mga komposisyon na may iisang himig ng musika na pamboses o
pang-instrumento.
A. texture C. homophonic
B. monophonic D. polyphonic

4. Ito ay binubuo ng dalawang patong na tunog.


A. texture C. homophonic
B. monophonic D. polyphonic

5. Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang linya ng musika.


A. texture C. homophonic
B. monophonic D. polyphonic

6. Ang poly any nangangahulugang


A. makapal C. marami
B. manipis D. kaunti

7. Ito ay binubuo ng dalawang melody na mula sa dalawang magkaibang kanta o awit na


maaring awitin nang sabay.
A. melody C. partner song
B. round song D. rhythm

8. Ito ay awitin na may dalawa, tatlo o higit pang bahagi na inaawit ng dalawa, tatlo o higit pang
pangkat.
A. melody C. partner song
B. round song D. rhythm

9. Kapag inaawit ng grupo ang Pamulinawen sa iisang melody, ang texture nito ay
.
A. texture C. homophonic
B. monophonic D. polyphonic

10. Ang banda ay isang polyphonic texture dahil ito ay may


A. iisang melody C. maraming melody
B. dalawang melody D. walang melody

You might also like