Wika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

NAME OF THE General Education


PROGRAM

COURSE TITLE Retorika COURSE CODE FILI102

PREREQUISITE/ None COURSE UNIT 3 units


CO REQUISITE

COURSE CO 2: Makasulat ng mga pangungusap na naaayon sa wastong gamit ng mga


OUTCOME salita sa wikang Filipino

MODULE 5 Wika

LESSON After successful completion of this module, you should be


LEARNING able to:
OUTCOME/S
1. Nakasulat ng mga pangungusap na naaayon sa wastong gamit ng mga salita sa
wikang Filipino.
2. Maipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng wika sa ating pang-araw-araw
na pamumuhay.
3. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng mga antas ng wika.

TOPICS Wika

WEEK / 5
INCLUSIVE
DATE

MODALITY Synchronous, Asynchronous (MS Teams, Zoom, or RingCentral)

LESSON PROPER

Pangkalahatang Ideya

Likas sa tao ang pagiging malikhain. Simula pa lang ng magkaroon siya ng


buhay ay nagsimula na siyang magmasid sa paligid.Lahat ng bagay sa kanyang
paligid ay binigyan ng pagpapahalaga at pagpapakahulugan. Dito nagsimulang
lumikha at gumamit ang tao ng wika. Wika ang pangunahing instrumento sa
pakikipagkapwa. Ito rin ang nagiging daan sa pagkakaisa at pagkakaunawaan ng mga
tao sa isang nasyon o bansa.
____________________________________________________________________

PAGTALAKAY

Ano ang wika?


Ang tao ang pinakamataas na antas na nilikha ng Diyos. Binigyan niya ito ng
puso upang mahalin ang iba pa Niyang nilikha at isipan upang makapag-isip ng mga
bagay-bagay na dapat gawin sa pagpapaunlad ng kapaligiran at sa pagpapanatili ng
pakikipagkapwa.
Ayon sa isang punto, ang wika ay isang paraan ng pananagisag o
pagbibigay-kahulugan sa mga tunog sa tulong ng mga bahagi ng katawan sa
pagsasalita upang makamit ang layuning makaunawa at maunawaan ng iba
(Tumangan, 1997).
Ayon naman kay Cruz, ang wika ay binubuo ng mga simbolikong salita na
kumakatawan sa mga bagay at pangyayaring nais ipahayag ng isang indibidwal sa
kanyang kapwa.

Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng binibigkas na tunog na pinili at


isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong
nabibilang sa isang kultura (Gleason, 1961)
Ayon kay Rizal, sa isang kabanata ng El Filibusterismo sa katauhan ni Simoun
na:
“May sariling wika ang bawat bayan, may sariling kaugalian at damdamin.
Habang iniingatan ng isang bansa ang kanyang wika, iniingatan niya ang sagisag ng
kanyang kalayaan, katulad ng kalayaan ng isang taong maipahayag ang sariling
opinyon. “Ang bansang may sariling wika ay isang bansang malaya.”
Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua na ang literal na
kahulugan ay “dila”, kayat ang magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong
salita ng mga kaisipan, saloobin,behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinion,
pananaw, lohika o mga kabatirang ginagawa saproseso na maaring pagsulat
o pasalita. Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing
na behikulo ngpagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng
katotohanan.
Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin at mithiin (Edward Sapir)
Ang wika ay Kasangkapan sa Pagpapahayag, Ayon kay Whitehead, isang
edukador at Pilosopong Ingles: “Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang
lumikha nito.” Ibig ipahiwatig nito na ang wika ay salamin ng lahi.
Ang wika ay mga simbolong salita ng mga kaisipan at saloobin. Ito ay isang
behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya o palagay sa tulong ng mga salita na
maaaring pasalita o pasulat.
Ayon naman kay Henry Gleason, ang wika ay isang masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa
pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang kultura.
Wika ang nagbubukIod tungo sa pagkakaunawaan ng mga tao sa isang komunidad. Ito
ang kaisahan sa pagkakaiba-iba ng pamamaraan tungo sa kaunIaran ng isang bansa.
Ayon kay GonzaIvo (2016), Wika ang pumapatid sa agwat ng mahirap at mayaman,
nag-aaraI at mga mangmang, nag-uutos at sumusunod, namamahaIa at pinamamahaIaan.

Kahalagahan ng Wika
Ang wika ay isang kodigo ng pakikipagtalastasan na karaniwang ginagamit ng ilang
grupo ng tao na kumakatawan sa isang lahi o bansa tungo sa pag-ukit ng isang malaya at
maunlad na bansa o sa pagpapatatag nito. Sa wika, nagkakaisa ang kaisipan, damdamin at
adhikain ng bawat mamamayan. Sa pamamagitan ng wika, naitatala at naihahayag ng tao ang
mga karanasan at kasaysayan ng sinaunang panahon. Sa wika, nasasalamin ang mga
pangyayari sa lipunang kanyang ginagalawan. Naipapahayag ng tao ang kanyang malaon
nang pag-ibig o galit at pagkasuklam na naging daan ng pahihirap ng kanyang loob. Ang wika
ang siyang puno’t dulo ng mga pangyayaring kinasasangkutan ng tao sa lipunang kanyang
kinabibilangan. Sa pamamagitan ng wika, nakikipag-usap at napapalapit ang tao sa kanyang
kapwa, bayan, at higit sa lahat, sa ating Poong Maykapal. Bihisang mo man ng hiyas, ginto o
palamuti ang isang tao ay mistula pa ring alipin o damong ligaw kapag ito’y walang
masasabing sariling wika.
KahaIagahan ng Wika sa Pagkatuto
Ang wika ay instrument sa komunikasyon. KaiIangan naman ang komunikasyon sa
pagkatuto. NakasuIat sa wika ang mga akIat at iba pang babasahin na binabasa upang
mapagkunan ng mga kaaIaman at karunungan ng isang mag-aaraI. NagsasaIita ang mga guro
habang nagbibigay ng mga panayam sa mga mag-aaraI. Nagtatanong ang mga guro sa
panahon ng diskusyon sa kIase at sumasagot naman ang mga mag-aaraI. Sa Iahat ng
gawaing ito, wika ang ginagamit.

Mahalagang Konsepto ng Wika


Ang wikang buhay ay dinamiko, nahuhubog ito ng panahon upang makaagapay sa
pangangailangan at makatugon sa kaunlaran. Higit na mabisa ang wika kung ito’y patuloy na
umuunlad kasabay sa pagsulong ng kaunlaran ng bayan, edukasyon, lipunnan, pulitika,
pamahalaan, relihiyon, kultura, komunikasyon at iba pang larangan. Nababakas sa wika ang
panahon ng pinagdaanan ng bansa at sa wika rin nakikita ang kaunlaran at katalinuhan ng
isang bayan (Rodrigo 2001). Ang wika ay may sariling kaangkinan at kakanyahan. Dahil sa
sariling katangian, ang wika nagkakaroon ng iba’t ibang anyo o varayti.

Mga Katangian ng Wika


2.1. Ito’y dinamiko o buhay kung kaya nadaragdagan, dumarami at umuunlad
2.2 Ito’y may lebel o antas
2.2.1. lingua franca
2.2.2. kolokyal
2.2.3. balbal
2.2.4. pampanitikan
2.2.5. lalawiganin
2.2.6 buIgar
2.3 tunog
2.4 may sistema
2.5 komunikasyon
2.6 arbitraryo
Antas ng Wika

Sa pamamagitan ng wikang ginagamit nakikilala ang kultura, ugali at kilos ng isang tao,

mababakas ang lipunang ginagalawan, antas na kinabibilangan at pinag-aaralan. Ang wika

ang nagpapakilala ng kaisipan, kinagigiliwang gawin o libangan, pilosopiya sa buhay ng isang

tao dahil sa parran ng paggamit ng wika at paano ginagamit ang wika. Ang salitang mabigkas

ay hindi na mababawi o maaalis ngunit maaaring palitan. Likas sa tao ang kanyang wika, kaya

ito ang nagpapakilala ng kanyang pagkatao, pasalita man o pasulat.

Ang mga sumusunod na antas ng wika:

1. Balbal- may katumbas itong “slang” sa Ingles. Ito’y mga salitang kalye o Panlansangan.

Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga

salita. Karaniwang ito ay nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda

nila sa kanilang pakikipag-usap. May kagaspangan ang mga salita. Tinutukoy ito na

salitang kalye o salitang kanto. Maaari ring salita ito ng kabataan o mga salita ay pana-

panahon, sumisikat, maaring nawawala o nagtatagal at napapasama sa wika o tumataas

ang antas ng wika.

1.1. Pagbuo ng salita na binibigyan ng sariling kahulugan

Salita kahulugan

1. syota - katipan

2. tsibog - kain

3. datung, atik - pera

4. parak, lispyak - pulis

5. macho - lalaking-lalaki

6. jowa - asawa

7. jokla - bakla
2. Lalawiganin ang wikang ginagamit sa tiyak na pook, tiyak na panahon. Ito’y dayalekto ng isang

wika. Maaaring mali ang gamit ng salita, mali ang panahunan, mali ang bigkas ngunit

nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang nag-uusap. Maaaring naiiba ang tono o intonasyon.

Halimbawa sa wikang Tagalog:

2.1 Nakain ka ba gulay? = Kumakain ka ban g gulay?

3. Kolokyalismo ang wikang ginagamit sa mga usapang impormal sa bahay, sa mga kaibigan sa

paaralan. Hindi maingat sa paggamit ng wika at hindi pinapansin ang wastong gramatika o ayos ng

pangungusap. Halimbawa: Bilisan ninyo, late na tayo.

4. Pampanitikan ito ang pinakamataas na antas ng wika. Dito nakikita ang kagandahan, yaman,

retorika at kariktan ng wika. Ginagamitan ito ng idyoma, salawikain, tayutay at nakikita ang masining na

paglalahad at pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng pagsulat ng tula, nobela, maikling kuwento,

sanaysay at iba pa. Ito rin ang ginagamit sa panayam o pormal na usapan.
COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Mga Gawain ng Pagtataya:


Pangalan:_____________________ Asignatura:____________
Petsa:________________________ Marka:_________________

INTERAKTIBONG PAGSASANAY

Gawain 1. Panuto: Pagkilala sa iba’t ibang lebel o antas ng wika. Sa unang kolum, suriin kung
ang lebel o antas ay: balbal, kolokyal, lalawiganin o pampanitikan. Sa ikalawang kolum naman,
ibigay ang kahulugan ng nabanggit na salita.

Mga salita Lebel Kahulugan


1. kabiyak ng
puso
2. magayon
3. balay
4. jowa
5. hawot
6. yosi
7.
naniningalang-
pugad
8. epektos
9. aniya
10. pinipintuho
Gawain 2. Panuto: PaIawakin ang mga sumusunod na pahayag.
SumuIat ng isang taIata na nagpapaIiwanag hinggiI sa kahaIagahan ng paggamit ng wika sa ating
pang-araw-araw na buhay. Ang taIata ay bubuuin ng hindi bababa sa sampung (10) pangungusap.
(15puntos)
MGA SANGGUNIAN:

Abal, M.A. (2009). Retorika (Filipino III). Mandaluyong City: National Bookstore.

Aguilar, et. al. (2013).Masining na pagpapahayag (Retorika).Pateros, Metro Manila: Grandbooks Publishing Inc.

Arrogante, Jose A. (2000). RETORIKA sa MabisangPagpapahayag. Navotas, Metro Manila: National Book Store.

Bendalan,N. M. (2013).RETORIKA: Mabisa at masining na pagpapahayag. Manila: Wiseman’s Books Trading ,Inc.

Belvez, P.M. et.al. (2001). Retorika: mabisang pagsasalita at pagsulat. Manila:Rex Bookstore.

De Dios, L.A.et.al., (2008). Modyul sa retorika, masining na pagpapahayag. Metro Manila, Grand Books Publishing

Mag-Atas, Rosarioet. al. (2002).Mabisang pagpapahayag retorika. (Filipino 3).IkalawangEdisyon. MakatiCity: Grandwater
Publications and Research Corporation.

San, Juan G. P. et al. (2007). Masining na pagpapahayag. Makati City:

Tanawan, Dolores et. al.(2003). Retorika, mabisang pagpapahayag. Quezon, City :

Elektronikong sanggunian

https://www.slideshare.net/thaddeussoria/kahulugan-at-kahalagahan-ng-wika
https://www.scribd.com/doc/152056798/Ano-Ang-Wika
https://www.slideshare.net/ReyvherDaypuyart/antas-ng-wika-77091438

You might also like