Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Panoorin ang dokumentaryong Powerpoint ni Dexter Cayanes.

Matapos nito, lumikha

ng maikli subalit makabuluhang reaksyong papel tungkol dito (Filipino o Ingles).

Ipakita ang kaugnayan ng palabas sa isyu ng Environmental Crisis and Sustainable

development sa konteksto ng globalisasyon.

Ang dokumentaryong Powerpoint ni Dexter Cayanes ay isang malikhaing presentasyon

ng mga isyu at pakikibaka ng mga katutubong Mangyan, ipinapakita niya rito ang kahalagahan

ng pakikisalamuha sa mga katutubo at pag-unawa sa kanilang kultura at tradisyon upang maging

kadayo-dayo at kaenga-engayong bisitahin at pasyalan ang mga lugar na ito at upang

maisakatuparan ang tunay na pangangalaga sa kalikasan. Maliban pa sa presentasyon, isa sa mga

tumatak sa isip ko ay ang kumento ng isang manunood na nagsabing ang pinakatumatak daw sa

kaniya ay ang mga salitang "Marunong ba kayong makinig?" ang dahilan ay dahil daw lahat

ng tao ay nagsisikap na magsalita, ngunit walang nagsisikap na makinig. Kung ako ang

tatanungin, tama siya, walang mapapala sa mga diskusyon dahil mahirap magkasundo kung hindi

naman nagkakaintindihan.

Ang konsepto ng globalisasyon ay hindi lamang nangangahulugan ng paglago ng

ekonomiya at teknolohiya, kundi pati na rin ng pagkakaiba-iba at pagkakawatak-watak ng mga

kultura at tradisyon. Sa konteksto ng Environmental Crisis and Sustainable Development, ang

mga katutubong kultura tulad ng sa Mangyan ay nagbibigay sa atin ng mahahalagang aral sa

pangangalaga sa kalikasan. Ang kanilang mga tradisyon tulad ng kaingin ay hindi lamang

simpleng gawain kundi isang paraan ng pangangalaga sa kabundukan. Sabi nga sa

dokumentaryo, “Bahagi ng kultura ng mga mangyan ang pagkakaingin. Paano ito naging

masama sa kalikasan kung ilang daang taon na nila ito ginagawa?” Kung kaya nating

makinig sa kanila, paniguradong magkakaroon tayo ng mga mas mainam na solusyon sa


environmental crisis at sa kung paano ang tamang pangangalaga ng kabundukan. Ang pag-unawa

sa kanilang pamamaraan ng pangangalaga at pagsasabuhay ng kalikasan ay maaaring maging

gabay natin sa pagtuklas ng mga solusyon sa mga hamong dulot ng environmental crisis.

Ang dokumentaryo ni Dexter Cayanes ay nagpapakita rin ng kawalan ng tamang suporta

at pagkilala sa mga katutubong komunidad sa kanilang pangangalaga sa kalikasan. Ang

kakulangan sa edukasyon at oportunidad sa mga lugar tulad ng sa Mangyan ay nagdudulot ng

patuloy na pagkakawasak ng kalikasan at pangkabuhayan ng mga katutubo. Imbis na pagtuunan

ang sariling atin, napakalakas pa ng loob natin tangkilikin ang mga dayuhang nagmimina. Sabi

nga sa dokumentaryo, “pag nasira ang kalikasan pare-parehas lang tayong mawawalan, pare-

parehas lang tayong mamamatay (pinoy) pero ‘yung mga may ari ng minahan, walang

mawawala sa kanila dahil hindi sila taga rito—wala silang pakialam sa atin. Dahil kung may

pakialam sila, hindi nila sisirain ang kalikasan.” Umusbong man ang globalisasyon na siyang

may layunin na magkaisa tayo, pakatandaan na nagdudulot din ito ng paglago ng

industriyalisasyon at komersiyalisasyon, na madalas ay nauuwi sa labis na pagsasamantala at

pagsasamantala sa likas na yaman. Bago natin tangkilikin ito, nawa ay tignan muna natin ang

sariling atin. Sa kabila ng modernisasyon at globalisasyon, pakinggan muna natin ang ating

kapwa—ang mga katutubong kultura tulad ng sa Mangyan. Nananatili silang may mga

tradisyonal na pamamaraan ng pangangalaga sa kalikasan. Sa konteksto ng sustainable

development, mahalaga ang pag-unawa sa mga katutubong kaalaman at praktika upang

makahanap ng mga solusyon na nakabatay sa lokal na kaalaman at pangangailangan. Walang

may gustong masiraan ng bahay kapalit ng damit—hindi ito gusto ng mga Mangyan, at tiyak

akong hindi mo rin gusto. Kaya sino-sino pa ba ang mangangalaga ng lugar na ‘to kundi tayong
mga ipinanganak at lumaki rin dito—tayong mga Pilipino. Kaya tatanungin ko kayo,

"Marunong ba kayong makinig?"

You might also like