Pagbasa Research

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Division of Bulacan
GUIGUINTO NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL
Poblacion, Guiguinto, Bulacan

ISANG KUWALITATIBONG PAG-AARAL TUNGKOL SA MGA EPEKTO NG BISYO SA


MGA MAG-AARAL NG GRADE 11 SA GUIGUINTO NATIONAL VOCATIONAL HIGH
SCHOOL

Isang Pamanahonang Papel na Iniharap sa Faculty ng Senior High School

sa Guiguinto National Vocational High School


Bilang Bahagi ng Pangangailangan para sa Asignaturang Filipino 11

Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t Ibang Teksto

Tungosa Pananaliksik at

Asignaturang Research 1

Ampongan, Ashly Nicole B.

Baguio, Janine Rose P.

Calusin, Jesrel D.

Cruz, Fredmore S.

Domingo, Juan Pablo M.


Dela Cruz, Princess Yasmin F.

Diosana, Gwen Zyra C.


Santiago, Rachel L.

Tugadi, Annel Heart P.

Grade 11- STEM C

Mayo 2024
MGA EPEKTO NG BISYO SA MGA MAG-AARAL NG GRADE 11 SA GUIGUINTO
NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL

Talaan ng Nilalaman

Pahina ng Pamagat…….….……………………………………………................................1
Talaan ng Nilalaman...……....………………………………………...………….………....2

I. Panimula/Introduksyon

Paglalahad ng Paksa at Pagbanggit ng Suliranin ....................................................................3


Layunin/Paglalahad ng Suliranin…………………………………………………………….4
Kahalagahan ng Pag-aaral …………………………………………………………………...5

II: Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Naunang pag-aaral na may kinalaman sa paksa………………………………………………6

III: Metodolohiya/Pamamaraan

Pamamaraan na ginamit sa pananaliksik……………………………………………………....8


Hangganan ng Pag-aaral……………………………………………………………………….8

IV: Resulta ng Pag-aaral/Pagtatalakay

Pinapakita ang resulta ng datos na nakalap sa pag-aaral………………………………..…….9

V: Konklusyon at Rekomendasyon

Kabuuan…………………………………………..…………………………………………10

Bibliographi/Talasanggunian
MGA EPEKTO NG BISYO SA MGA MAG-AARAL NG GRADE 11 SA GUIGUINTO
NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL

Kabanata I

Intoduksyon

Panimula

Sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan, patuloy na hamon para sa mga mag-aaral ng

Grade 11 sa Guiguinto National Vocational High School ang panganib na dala ng mga iba't

ibang bisyo sa kanilang pagaaral at kalusugan. Ang mga halimbawa ng kadahilanan nito ay ang

pagkakaroon ng stress, pagiging "teenager", at dahil na rin sa impluwensya ng mga taong

nakapaligid sakanila. Ang mga bisyo, tulad ng paninigarilyo, pag-aabuso sa alak, at paglalaro ng

sugal, ay mga gawi na maaaring magdulot ng negatibong epekto hindi lamang sa kanilang

kalusugan kundi maging sa kanilang pag-aaral at pag-unlad bilang kabataan.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, layon ng mga mananaliksik na masusing suriin at

unawain ang mga epekto ng mga nabanggit na bisyo sa mga mag-aaral ng Grade 11 sa Guiguinto

National Vocational High School. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong magbigay-linaw sa kung

paano nakaaapekto ang mga bisyo sa kanilang mga desisyon, asal, pagaaral, pagunawa, at pang-

araw-araw na pamumuhay.

Sa pagtalakay sa mga resulta ng pananaliksik, inaasahan na magiging daan ito upang

mabigyan ng tamang kaalaman at kamalayan ang mga mag-aaral hinggil sa panganib at epekto

ng mga bisyo sa kanilang katawan at isipan. Layunin nitong maging gabay at inspirasyon sa

kanila upang matutunan ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa kanilang kalusugan at magkaroon

ng mas maayos na pamumuhay na malayo sa masasamang impluwensya ng lipunan.

Sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-unawa sa mga epekto ng bisyo, ang pananaliksik na

ito ay nais na maging hakbang tungo sa pagpapalakas ng kamalayan at pagtutulungan ng mga

mag-aaral, guro, at magulang sa Guiguinto National Vocational High School upang mapanatili

ang maayos at maunlad na kapaligiran sa kanilang paaralan.


MGA EPEKTO NG BISYO SA MGA MAG-AARAL NG GRADE 11 SA GUIGUINTO
NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL
Ang suliranin at kaligiran nito

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pag aaral patungkol sa iba't ibang klase ng bisyo

at mga epekto nito sa mga mag aaral ng baitang 11 ng Guiguinto National Vocational

Highschool.

Ang paksang " Mga Epekto ng Bisyo sa mga Mag-aaral ng Grade 11 sa Guiguinto

National Vocational High School" ay napili para alamin ang dulot ng bisyo sa mga magaaral na

nasa ikalabing-isang baitang ng Guiguinto National Vocational Highschool.

1.) Ano ang iba't-ibang uri ng bisyo na maaring makaapekto sa pagaaral ng estudyante na nasa

ikalabing-isang baitang?

1.1 Paninigarilyo

1.2 Alak

1.3 Pagsusugal

2.) Ano-ano ang maaring dahilan kung bakit naimpluwensyahan na magbisyo ang isang mag-

aaral?

2.1 Stress

2.2 Naimpluwensyahan ng mga taong nakapaligid sa kanila

2.3 Pagiging teenager

Kahalagahan ng pag-aaral

Nilalayon ng pag-aaral na ito na makinabang ang mga sumusunod:

Mag-aaral

-Sila ang pangunahing benepisyaryo ng pananaliksik na ito sapagkat kung

mapagtutuunan ng pansin ang pagaaral na ito, maaring bumaba ang bilang ng mga mag aaral na

may bisyo pati na rin ang may balak na subukan ito.


MGA EPEKTO NG BISYO SA MGA MAG-AARAL NG GRADE 11 SA GUIGUINTO
NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL
Mga Magulang

- Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, isa sa mga benepisyaryo ang mga magulang

sapagkat layunin nitong mabawasan ang pagkabahalang nararamdaman ng mga magulang.

Mga Guro

- Ang pananaliksik ay makakatulong upang magkaroon ng kaalaman at ideya ang mga

guro kung paano magbibigay ng sapat na kaalaman sa mga mag aaral kaugnay sa mga epekto

nito.

Mga mananaliksik sa hinaharap

-Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay sa mga mananaliksik sa hinaharap upang

patuloy na lumawak ang kaalaman at pagtuunan ng pansin ang mga konsepto na kaugnay sa iba't

ibang klase ng bisyo at mga epekto nito.


MGA EPEKTO NG BISYO SA MGA MAG-AARAL NG GRADE 11 SA GUIGUINTO
NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL
Kabanata II

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ayon sa isang pananaliksik ng mga mag aaral sa University of Perpetual Help System

DALTA, ang bisyo ay nagangahulugan masamang hilig o masamang pinagkakabihasaan.Marami

sa mga kabataan ngayon ang nagpapakasaya sa droga, alak, at iba pang gawain. karamihan sa

kanila nagagawa ito hindi lamang sa dahilan na magpakasaya. Nagagawa nila ito dahil sila ay

may mga hinaharap na problema at hindi nila alam kung paano ito harapin. Sila ay nakakaranas

ng mga maraming problema , katulad ng kawalan ng tiwala sa sarili at pagmamahal sa magulang,

kaya nalululong sa pagbabarkada at sa bisyo. Nawala na ang pag-iisip na meron pang

magandang kinabukasang madadatnan. Para sa kanila pansamantalng nawawala ang lahat ng

iniisp nila kapag sila ay nagpapakasaya sa mga bisyo nila.

Maraming klase ng bisyo ang hindi maiwas iwasan ng mga kabataan , gaya ng;

paninigarilyo, pag-iinom ng alak , at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang paninigarilyo ay

isang bisyo na kung saan ang mga kalalakihan ang kadalasang gumumagawa at gumagamit. Sa

panahong ito Malaya ang mga kabataan na gawin ang paninigarilyo kahit saan at anumang oras.

Ito ay nakakasama at maari itong mag dulot ng hindi kaaya-aya sa pandinig ng mga tao sa

lipunan at nag bibigay ng mga sakit sa ating katawan. Marami ng mga kabataan ang pumasok sa

bisyong ito. Ang paninigarilyo ay ginawa na nilang libangan o pampalipas-oras ngunit maraming

masamang ipekto ito sa ating kalusugan at pag aaral (Cruz,2019).Ayon naman sa pananaliksik

mula sa Philippine College of Criminilogy, ang alak ay ang tinuturing na “drug of choice” ng

kabataan. Maraming kabataan ang nagdurusa sa sobrang paginom ng alak sa murang edad.

Bilang resulta lumalaki ang problema ng ating bansa tungkol sa kalusugan. Kada taon tinatayang

5,000 kabataan na may edad na hindi bababa ng 21 ang namamatay dahil sa kalasingan.Bukod sa

sigarilyo at alak, hindi na nakakapagtaka na isa din ang ilegal na paggamit ng droga sa mga

nakakapag ligaw ng landas ng mga kabataan. Ang pag-abuso sa droga ay tumaas sa mga bansang

kabilang sa ASEAN (Association of Southeast Asian Nations), lalo na sa mga kabataang lalaki
MGA EPEKTO NG BISYO SA MGA MAG-AARAL NG GRADE 11 SA GUIGUINTO
NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL
sa pagitan ng 15 at 30 taong gulang. Ang tumaas na porsyento ukol sa pag-abuso sa droga ng

mga kabataan ay ipinakita ng pananaliksik ng Global Burden of Disease (Nawi et.al , 2021).

Ang lahat na mga kaugnay na pag aaral na ito ay napag alaman na ang anumang uri ng

bisyo, ay nakakasira ng pag aaral. Ang mga bisyong ito ang siyang kumukuha ng atensyon at

interes ng mga kabataan , at nawawala ang kanilang pansin sa kanilang pag aaral. Bukod sa

masasamang epekto ng bisyo sa edukasyon, higit din itong nakakasama sa kalusugan ng mga

mag aaral. Mula sa mga pananaliksik na ito ay mahihinaho na ang isang taong nalulong sa bisyo

ay sinasayang lamang ang kaniyang panahon at pera, sa halip na gumawa ng makabuluhang

bagay.

Sinisira ng bisyo ang kaisipan ng tao, at naipapasa din ang negatibong epekto nito sa mga

taong nakapaligid sa kanila.


MGA EPEKTO NG BISYO SA MGA MAG-AARAL NG GRADE 11 SA GUIGUINTO
NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL

Kabanata III

Metodolohiya/Pamamaraan

Upang maisagawa ang pananaliksik na ito, gagamitin ng mga mananaliksik ang

phenomenological na disenyo. Ang Dovetail (2023) ay nagsasaad na ang phenomenology ay

isang uri ng pananaliksik na sinusubukan na ipaliwanag ang kalikasan ng mga bagay sa

pamamagitan ng paggamit ng mga mata ng mga tao. Ito ay nangangahulugang "pag-aaral ng mga

phenomena." Sa madaling salita, ito ay ang pag-aaral kung paano nakikita ng iyong audience ang

mga bagay o phenomena.

Ang mga kabataan na nakaranas ng paggamit ng masasamang bisyo tulad ng vape,

sigarilyo, o pag-inom ng alak ay ang mga paksa ng pag-aaral. Ang konsepto ng criterion ay

gagamitin ng mga mananaliksik para sa purposive sampling. Ang random na pagpili ng mga

sampling unit mula sa bahagi ng populasyon na may pinakamaraming impormasyon sa mga

katangian ng interes ay kilala bilang purposive sampling, ayon kina Guarte at Barrios (2006).

Ang mga mananaliksik at mga panayam ang gagamitin bilang sa pag-aaral na ito. Ang

isang pakikipanayam ay itinuturing na isang "pag-uusap na may layunin" (Bingham et al., 1931),

na isinagawa sa layuning makakuha ng mga sagot sa mga tanong na itinatanong sa pamamagitan

ng mga karanasan, opinyon, o pag-uugali ng isang indibidwal. Para sa pag-aaral na ito, ang mga

istrukturang pamamaraan ay mahalaga sa pagkolekta at pagsusuri ng data. Ang isang uri ng

panayam na nagpapakita ng higit na organisasyon ay ang structured na panayam. Tinitiyak nito

na ang bawat kalahok ay tatanungin sa parehong paraan, kasunod ng isang hanay ng mga tanong

na paunang natukoy. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga standardized na protocol ng panayam

at mga talatanungan, tinutulungan nito ang mga mananaliksik na mangolekta ng pare-parehong

data para sa pagsusuri at pinapanatili ang pagkakapare-pareho ng lahat ng pakikipag-ugnayan sa

mga kalahok.
MGA EPEKTO NG BISYO SA MGA MAG-AARAL NG GRADE 11 SA GUIGUINTO
NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL

Kabanata IV

Resulta ng Pag-aaral/Pagtatalakay
MGA EPEKTO NG BISYO SA MGA MAG-AARAL NG GRADE 11 SA GUIGUINTO
NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL

Kabanata V

Konklusyon at Rekomendasyon

Mayroong iba't ibang dahilan kung bakit maaaring magkaroon ng ng bisyo ang isang

mag-aaral maaring dahil sa tulak at impluwensya ng kaibigan, problema sa pang araw-araw na

pamumuhay at marami pang iba. Ngunit dahil sa bisyo maaring naapektuhan nito ang kakayahan

ng isang estudyante na gumawa ng desisyon sa buhay. Itinatampok ng mga natuklasan ng

panayam ang kahalagahan ng pagtitimpi sa paggamit ng anumang bisyo dahil maaring

magsimula ito magdulot ng negatibong epekto. Bilang pagtatapos nararapat na bigyan pansin ng

Guiguinto National Vocational High School ang mga estudyante na nasa ika-labing isa na baiting

na suriin ang iba't ibang bisyo na kanilang ginagawa at bigyan sila ng leksyon sa maaring

mangyari sa kanila sapagkat maaring magsimula itong magdulot ng pagkagambala sa kanilang

pag-aaral at negatibong epekto naman sa kanilang kalusugan.

Talasanggunian

APA PsycNet. (n.d.-b).

Retrieved from https://psycnet.apa.org/record/1931-04231-000

Dovetail Editorial Team. (2023, February 7). What is Phenomenology in Qualitative Research?
Retrieved from https://dovetail.com/research/phenomenology-qualitative-research/

Guarte, J. M., & Barrios, E. B. (2006). Estimation under purposive sampling.

Communications in Statistics. Simulation and Computation, 35(2), 277–284.

You might also like