10 Stages of Market Cycles Tagalog

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

10 Stages of Market Cycles (tagalog)

Sa isang trader at investor napaka importante para sa kanila na malaman ang kinatatayuan
ng market.
Alam nila ang ibat ibang stages na pinagdadaanan ng market. At importante na malaman
mo rin ito.

May iba't ibang stages ang market cycle. At kung mapag aaralan mo nang mabuti, hindi ka
na manghuhula kung kailan ka mag iinvest or papasok sa market. Ang knowledge mo sa
market cycle ang tutulong sayong trading and investing sa cryptocurrency markets.
Bakit nangyayari ang cycle?

Ang cycle ay nangyayari sa lahat ng aspeto ng pamumuhay. Ito ay dumadating sa iba't-


ibang kaparaanan— minsan maikli katulad ng life cycle ng mga insekto or kung minsan
naman ito ay umaabot ng milyong taon.

Hindi importante kung nasa anong market tayo, ang lahat ay dumadaan sa cyclical stages,
bakit?
kasi meron silang one thing in common at ito yung tinatawag na human involvement.

Ang human emotions ang nagiging ugat ng systematic errors in human decision making
ayon sa pag aaral ng behavioral economics ng tao. Ilan sa mga ito ang cognitive bias ( ito
yung bandwagon effect, na nagtutulak sa isang tao na gawin or isipin ang isang bagay
katulad ng iba) at emotional bias (
sa madaling salita over-optimism or over-pessimism).

Ito ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit karamihan sa mga investors at traders ay nag
fafail na marecognize na ang market ay cyclical—or hindi lang talaga nila macontrol ang
kanilang mga emosyon sa panahong kailangan nila itong gawin.

Hindi porke may nalalaman ka na sa market cycle, ay madali na lang timingan ang market.
Kailangan mong ma evaluate nang maigi kung ano ang current cycle na kinatatayuan mo.
At matutunan controlin ang iyong emosyon for maximum investment and trading returns.

The psychology of a market cycle

1. Hope

Ito yung unang sign ng recovery ng market.


Unti unti mo makikitaan ng positive signals para sa panibagong bull run. Pero, ang
karamihan sa mga investors ay maingat pa rin at hindi nag lalabas ng malaking pera.
2. Optimism

Ito naman ang pangalawang stage, at mapapansin mo na tumataas na yung price kasi may
pumapasok nang bagong pera sa market. Nangyayari ito pag na sustained ang uptrend ng
market sa maraming mga buwan.
Dito comportable na ang mga investors sa positive outlook ng market.

3. Belief

Bumalik na ang tiwala ng mga investors. Dito sa stage na ito makikita ang unang sign na
nasa bull market na nga tayo.

4. Thrill

Dahil sa sobrang excitement ng mga tao at ang price ng market ay lalong tumataas, sila ay
nag iinvest sa kahit anong project sa paniniwala na hindi sila magkakamali. Importante na
imonitor mo din ang excitement level mo, sapagkat ito ang magiging hudyat na kailangan
mo na umexit sa market.

5. Euphoria

Siguro naman natatandaan nyo ang nangyari noong late December 2017? Kung saan ang
mainstream media ay walang humpay na nag lalabas ng mga article about bull market. At
Nag lalabasan din ang mga bagong batang milyonaryo. Habang nangyayari ito, ang mga
smart investor ay kumukuha na ng kanilang mga profit.

Kapansin pansin din sa stage na ito ang pagiging stagnant ng market—at ito ang unang
magiging senyales na nagbabago na ang trend nang market.
Napaka risky ng stage na ito sapagkat ang mga tao ay nagiginng kampante.

Iniisip nila na short break lang ito at mag papatuloy pa rin ang bull-run. Kaya naman
karamihan ng mga investor sa ganitong stage ay hindi handa sa nalalapit na market reversal.
Stage 7: Anxiety

Sa wakas, unti unti nang na rerealize ng mga tao na walang forever(sa bull market).
Napapansin nila na bumababa ang value ng asset, pero karamihan iniisip pa rin na ito ay
market correction lamang at baka mag patuloy pa rin ang bull market. Hahawakan lang nila
ang kanilang mga holdings at maghihintay na tumaas ulit ang value.

Stage 8: Denial

Kaya naman ang value ng kanilang mga investments ay patuloy na bumababa. Pero matigas
ang ulo ng mga investors at hindi nila ibebenta ang kanilang mga holdings, sa pag-aakala
na ito ay isang malaking correction lang ng market.
Nagiging defensive sila at naniniwala na nag invest sila wisely.

Stage: 9 Panic

At patuloy parin ang pag decline ng market at ang realidad ng bear market ay nandito na.
Dito na natin makikita ang major sell-off. Kasi binabalot na nang takot ang mga investors,
sinusubukan nilang isalba ang kanilang mga funds.

Stage 10: Depression

Nawalan na nang pag-asa ang mga tao dahil sa nararanasan ng market. Dahil ito ay nasa
pinaka ibaba na ng cycle. Dito na rin mag sisimula ang stabilization and consolidation. Sa
stage na ito hindi mo masasabi kung kailan makaka recover ulit ang market, because it
takes a very long time.
Sa kabilang banda ang stage na ito ay buy signal para sa mga smart investors.
Conclusion

Itong sampung stages ng market cycle ay paulit-ulit lang. Pero hindi sa lahat ng market ay
nafofollow ang pag kakasunod sunod na nakalagay sa chart or kung kelan ito mangyayari.
Pero kahit ganon, makakapag-bigay ito sa atin ng idea about the psychology of market
cycles. Maiintindihan din natin na ang market ay hindi mag papatuloy sa pag baba hangang
umabot sa zero.

You might also like