Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

IMPLUWENSIYA NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA

AKADEMIKONG TAGUMPAY NG IKA-LABING ISANG


BAITANG NA MAG-AARAL SA POBLACION
POLOMOLOK NATIONAL HIGH SCHOOL

Isang Pananaliksik na isinumete sa Departamento ng Filipino ng Poblacion

Polomolok National High School Polomolok, South Cotabato

Bilang Pagtugon sa Pangangailangan sa Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t-ibang

Teksto Tungo sa Pananaliksik

Nina:

Allas, Mary Grace


Balsamo, Clinthon Jay
Cerisola, May G.
Fabilla, Mary Ann C.
Flores, Ivan Manuel
Janeo, Chloe Julzen
Palma, Jake Lloyd C.
Pasilan, Samantha Faye C.
Tejero, Brynn Denise E.

Mayo 2024

1
PASASALAMAT

Taus-pusong pasasalamat ang aming pinapaabot sa mga sumusunod na


indibidwal at sa iba pang mga naging bahagi ng aming pag-aarall para sa walang
humpay na pagsuporta, tulong at kontribusyon upang masagawa at matagumpayan
namin ang pag-aaral na ito.

Unang una sa lahat, kami ay taos pusong nagpapasalamat sa ating mahal na


Panginoon dahil sa gabay na kaniyang binibigay sa amin sa buong proseso ng
paggawa ng aming pananaliksik.

Sa aming guro sa pananaliksik, Ginang Leilanie Apilando sa walang


sawang gabay, suporta, at pagtuturo sa amin upang malampasan namin ang
paggawa ng aming pananaliksik. Pinapaabot po namin ang aming taus-pusong
pasasalamat sa walang humpay na suporta at tulong na iyong binibigay sa amin.

Sa mga magulang, na sumusuporta upang matugonan ang aming mga


kinakailangang pinansyal, kami ay lubos na nagpapasalamat dahil nandiyan sila
palagi kapag kailangan namin sila.

Lubos kaming nagpapasalamat pati na sa aming mga kasama sa


pananaliksik na sina Mary Ann Fabilla, May Cerisola, Jake Lloyd Palma, Chloe
Julzen Janeo, Clinthon Jay Balsamo, Samantha Pasilan, Brynn Denise Tejero,
Mary Grace Allas, na nagbigay ng kanya-kanyang ideya at kaalaman tungkol sa
paksang napili at sa oras na kanilang binigay sa paggawa ng pananaliksik na ito.

Muli, maraming salamat po.

-Mga Mananaliksik

TALAAN NG NILALAMAN
2
Dahon ng Pamagat: 1

Pasasalamat: 2

Talaan ng nilalaman: 3

Abstrak: 5

KABANATA I: INTRODUKSYON

Kaligiran ng Paksa: 6

Paglalahad ng suliranin: 8

Kahalagahan ng pag aaral: 9

Rebyu ng kaugnay na Pag aaral at Literatura: 11

Batayang teoritikal at Gabay na Konseptuwal: 14

Saklaw at Limitasyon: 15

Depinisyon ng mga Termino: 16

KABANATA II: METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG


PANANALIKSIK

Disenyo ng Pag aaral: 17

Respondente: 17

Lokal na Pag aaral: 18

Instrumento ng Pananaliksik: 19

Paraan ng Pagkalap ng mga Datos: 19

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

3
Lagom: 20

Kongklusyon: 21

Rekomendasyon: 22

BIBLIOGRAPHY 23

CURRICULUM VITAE 25

ABSTRAK

4
Pangalan ng Institusyon: Poblacion Polomolok National High School

Adres: Brgy. Pagalungan, Polomolok South Cotabato

Pamagat: Impluwensiya ng Makabagong Teknolohiya sa


Akademikong Tagumpay ng Ika-11 Baitang na
Mag-aaral sa Poblacion Polomolok National
High School

Awtor: Allas, Mary Grace

Balsamo, Clinthon Jay

Cerisola, May G.

Fabilla, Mary Ann C.

Flores, Ivan Manuel

Janeo, Chloe Julzen

Palma, Jake Lloyd C.

Pasilan, Samantha Faye C.

Tejero, Brynn Denise E.

Degre: Academic Track

Meyjor: Humanities and Social Sciences

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay para alamin kung ano ang dulot o
impluwensya ng makabagong teknolohiya sa ika labing-isang baitang ng mag-aaral
ng Poblacion Polomolok National High School. Sampung mga tanong sa
pananaliksik at sampung pananaw sa pananaliksik ang igagabay sa mag-aaral. Ang
pananaliksik na nakatutok sa Poblacion Polomolok National High School ay
tumutulong upang malamab kung ano ang dulot ng mga makabagong teknolohiya sa
ika labing-isang baitang ng mag-aaral ng Poblacion Polomolok National High School.
Upang makamit ang pag-aaral na ito, may inihandang mga katanungan o
questionnaire ang mga mananaliksik para ilahad sa mga estudyante. Ang
mananaliksik ay gagamit ng purposive sampling para pumili ng sampung mag-aaral
para sagutan ang mga tanong na inihanda ng mananaliksik.

KABANATA I

5
KALIGIRAN NG PAKSA

Ang teknolohiya ay isa sa makabagong imbensyon sa panahon ngayon. Ito'y


nakapagbibigay ng maraming benepisyo sa mga tao partikular na sa mga
estudyante. Ayon kay (Cruz, 2008), Ang teknolohiya ay ginagamit sa pagbuo ng mga
kagamitan, makina, kasangkapan na siyang makakatulong sa paglutas ng mga
suliranin na nagaganap sa panahong ito. Karagdagan, ayon kay Paciencia O. Roque
(2015), ang teknolohiya ay sumusulong dahil sa pagiging malikhaan ng mga taga
imbento na siyang ginagamit na rin sa pang araw-araw sa anumang larangan
kabilang na rito ang larangan ng edukasyon.

Ayon kay Bertllo (2011) sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang


naiambag ng teknolohiya. Sa katunayan, itoy isa sa mga pagunahing paraan kung
bakit ang pag-aaral ay nagiging madali, at mabisa kung kaya naman napakaraming
mag-aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral. Kung
titingnan ang pag-unlad ng sektor ng edukasyon, malaki ang pag-unlad nito kumpara
sa dati nitong imahe. May pagkakataon na ngayon ang mga guro na gawing mas
interactive ang kanilang mga aralin. Marami ng online na mapagkukunan na
magagamit ng mga guro sa kanilang mga silid-aralan. Kabilang sa mga ito ang
tinatawag ding "interactive activities" na makikita sa iba't ibang website (Teachmint,
2022).

Maraming imbensyon ng makabagong teknolohiya ang nagagamit na sa


panahon ngayon. Ito ay nagsilbing mahalang instrumento sa pagkatuto ng mga mag-
aaral. Marami nang mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas
na siglo. Halimbawa na lamang nito ay ang unang praktikal na teleskopyo noong ika-
17 na siglo. Ito ay nagsilbing mahalagang instrumento sa mga mag-aaral ng
astronomiya. Sunod dito ay ang makinalya na nagbigay daan para sa hustong
pagbabago ng sistema ng pagtuturo kung saan mas napabilis at epektibo ang
pagbuo ng mga basahin. Sa loob lamang ng ilang dekada, ang kompyuter naman ay
naging pangunahing kagamitan para sa pagtuturo sa ika-21 na siglo. Iba’t ibang

6
klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa kung anong
asignatura o paksa ang kanilang pinag-aaralan. Sa huling kalahati ng ika-20 na
siglo, ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga
estudyante at mga pagpupulong. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe
upang mas maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga tagapagturo
(Marmay, 2016).

Ayon naman sa artikulong isinulat ni Krista Garcia sa Rappler.com noong


2018, ang teknolohiya ay palaging gumaganap ng isang papel sa pagbibigay ng mga
mag-aaral ng napapanahong mga kasanayan at napapanahong mga ideya at
pagtuklas. Ngunit
ngayon, nakikita natin ang mga inobasyon na hinahamon maging ang mismong
pagkakaroon ng apat na pader na silid-aralan at mga ratio ng guro-mag-aaral.
Dagdag pa nya na ang lahat ng ito ay mapapakinabangan ng mga mag-aaral
ngayon at bukas, dahil ang pag-aaral ay nagiging mas mura, mas mabilis, at mas
madaling ma-access.

Napapatunayang ang sistema ng edukasyon ngayon ay mas napapabilis at


mas nagiging epektibo dahil sa tulog ng teknolohiya. Maraming pag-aaral ang
nagsasabing malaking bahagi ang ginagampanan ng teknolohiya sa pag abot ng
tagumpay ng mga estudyante sa larangan ng akademiko. Sa pangkalahatan, ang
teknolohiya ay tunay nga'ng napaka maimpluwensiya. (Navarro, 2019)

Maraming magagandang benepisyo ang makukuha ng bawat tao rito lalo na


para sa mga estudyante. Ang pagpapakilala ng teknolohiya sa silid-aralan ay
nagbigay-daan sa mga mag-aaral na matuto kahit na wala sila sa silid-aralan. Ito ay
may malaking kontribusyon sa tagumpay ng mag aaral sa larangan ng akademiko.
Sa tamang paggamit ng teknolohiya, tunay na ang pag abot ng tagumpay sa
larangan ng akademiko ay hindi imposible at maaari pang gawing pundasyon para
sa sumusunod na henerasyon.

7
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang kaalaman ang mga estudyante


sa ngayon Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa impluwensiya ng Makabagong
Teknolohiya at alamin ang tamang paggamit ng makabangong teknolohiya sa pag-
abot ng katagumpayan sa larangan ng akademiks ng Ika-labing isang Baitang na
Mag-aaral sa Poblacion Polomolok National High School.

Upang mas maging makatotohanan at tiyak ang pag-aaral na ito ay naglalayong


masagutan ang mga sumusunod na katanungan patungkol sa partikyular na
paksang ito.

1. Ano-ano ang mga impluwensiya ng Makabagong Teknolohiya sa Ika-labing


isang Baitang na Mag-aaral sa Poblacion Polomolok National High School?

2. Ano-ano ang mga impluwensiya ng Makabagong Teknolohiya sa larangan ng


akademiks sa Ika-labing isang Baitang na Mag-aaral sa Poblacion Polomolok
National High School?

3. Ano-ano ang mga impluwensiya nito sa aspektong sosyal, mental, emosyonal


at pisikal sa Ika-labing isang Baitang na Mag-aaral sa Poblacion Polomolok
National High School?

4. Paano magagamit nang tama ang mga Makabagong Teknolohiya sa pag-abot


ng katagumpayan sa larangan ng akademiks ng Ika-labing isang Baitang na
Mag-aaral sa Poblacion Polomolok National High School?

5. Malaki ba ang tulong ng Makabagong Teknolohiya sa Akademikong


Tagumpay ng Ika-labing isang Baitang na Mag-aaral sa Poblacion Polomolok
National High School?

8
KAHALAGAHAN NG PAG – AARAL

Ang pananaliksik tungkol sa Impluwensiya ng Makabagong Teknolohiya sa


Akademikong Tagumpay ng Ika-labing isang Baitang na Mag-aaral ay mahalagang
instrumento para malinang ang kaalaman at pang-unawa ng lahat tungkol sa kung
paano nakakaapekto ang teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang matukoy ang mga posibilidad


na maaaring idulot ng teknolohiya sa mga mag-aaral, maging ito man ay positibo o
negatibo. Ang pananaliksik ding ito ay may malaking pakinabang sa larangan ng
edukasyon. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaari tayong magkaroon ng
mga rekomendasyon upang mapabuti ang paggamit ng teknolohiya sa edukasyon.
Ang layunin ay matulungan ang mga mag-aaral na magtagumpay sa kanilang pag-
aaral sa pamamagitan ng tamang paggamit ng teknolohiya.

Para sa mag-aaral, makatutulong ito upang mas maunawaan nila ang mga
epekto ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral. ito ay magbibigay ng mga
impormasyon at kaalaman na maaaring magamit upang mapahusay ang paggamit
ng teknolohiya sa mga gawain ng mag-aaral.

Para sa mga guro, maaaring magamit ito bilang gabay sa pagtuturo, lalo na
sa paggamit ng iba't-ibang teknolohiya sa loob ng silid-aralan, at mas mapalawak
ang kanilang kaalaman at maging mas epektibo sa paghahatid ng kaalaman sa mga
estudyante.

Para sa pamilya, makatutulong ang pananaliksik na ito upang mas


maunawaan nila ang mga hamon at oportunidad na dala ng teknolohiya sa
edukasyon ng kanilang mga anak.

9
Para sa paaralan, makatutulong ito upang sila'y makapagbigay ng mga
naaangkop na programa at polisiya na magpapalakas sa positibong impluwensiya
ng teknolohiya sa mga mag-aaral.

Para sa mambabasa, makatutulong ito upang sila'y maging mulat sa


impluwensiya ng teknolohiya sa kanila.

Para sa ibang mananaliksik, maaari nilang gamitin ang mga datos at


impormasyon mula sa pananaliksik na ito bilang sanggunian o batayan sa kanilang
sariling pag-aaral. Magbibigay ito ng karagdagang kaalaman at perspektibo tungkol
sa kung paano nakakaapekto ang makabagong teknolohiya sa akademikong
tagumpay ng mga mag-aaral.

10
REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

Sa kasalukuyang panahon, maraming imbensyon na ang siyang


nakakapagbigay tulong sa pag asenso ng ating mundo at kapanahonan ngayon.
Isang malaking progreso at imbensyon na napalaganap ngayon ay ang pagkakaroon
ng makabagong teknolohiya. Ang mga makabagong teknolohiyang ito ay
nakapagbibigay ginhawa sa ibat-ibang larangan ng buhay partikular na sa buhay ng
mga estudyante sa aspekto ng kanilang pag-aaral. Maraming mananaliksik ang
nagtala ng pag-aaral sa impluwensiya at mga epekto nito sa atin.

Ayon sa Journal ni Bai-Rhema S. Marmay (2016) na pinamagatang


"Teknolohiya, tulong sa Edukasyon", isang malaking bahagi ang teknolohiya upang
mas maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Maraming
imbensyon ng makabagong teknolohiya ang nagagamit na sa panahon ngayon. Ito
ay nagsilbing mahalang instrumento sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Marami nang
mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo. Halimbawa
na lamang nito ay ang unang praktikal na teleskopyo noong ika-17 na siglo. Ito ay
nagsilbing mahalagang instrumento sa mga mag-aaral ng astronomiya. Sunod dito
ay ang makinalya na nagbigay daan para sa hustong pagbabago ng sistema ng
pagtuturo kung saan mas napabilis at epektibo ang pagbuo ng mga basahin. Sa loob
lamang ng ilang dekada, ang kompyuter naman ay naging pangunahing kagamitan
para sa pagtuturo sa ika-21 na siglo. Iba’t ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit
sa loob ng klase depende sa kung anong asignatura o paksa ang kanilang pinag-
aaralan. Sa huling kalahati ng ika-20 na siglo, ang simpleng prodyektor na ang
ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante at mga pagpupulong. Ito ay may
kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas maayos na maipakita ang mga
halimbawa ng mga tagapagturo.

11
Ayon kay Bertllo (2011) sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang
naiambag ng teknolohiya. Sa katunayan, itoy isa sa mga pagunahing paraan kung
bakit ang pag-aaral ay nagiging madali, at mabisa kung kaya naman napakaraming
mag-aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral. Kung
titingnan ang pag-unlad ng sektor ng edukasyon, malaki ang pag-unlad nito kumpara
sa dati nitong imahe. May pagkakataon na ngayon ang mga guro na gawing mas
interactive ang kanilang mga aralin. Marami ng online na mapagkukunan na
magagamit ng mga guro sa kanilang mga silid-aralan. Kabilang sa mga ito ang
tinatawag ding "interactive activities" na makikita sa iba't ibang website (Teachmint,
2022).

Ayon naman Journal ni Mc Lester Acurin (2016) patungkol sa "Epekto ng


paggagmit ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral sa ikatlong taon", para sa mga
mag-aaral, nakatutulong ito ng malaki sa kanilang buhay sa eskwelahan, maging sa
larangan ng akademiko o sa larangan ng libangan. Lumalabas na ito ay
nakatutulong sa paggawa at pagpapadali ng mga takdang aralin ng mga mag-aaral.
Nakatutulong din ito sa mga mag-aaral sa paggawa ng kanilang mga prouyekto. Ang
resultang ito ay nagpapaliwanag lamang na ang mga makabagong teknolohiya ay
nakakabuti at nakatutulong kung gagamitin sa tamang disiplina. Ang mga mag-aaral
ay sabik at handa sa pagpasok, sinadi din ng mga mag-aaral na ang paggamit ng
PowerPoint and Microsoft Word ay nakakatulong sa kanilang pagbuo ng pag-aaral,
dagdag pa nito ay dahil sa makabagong teknolohiya ay tumataas ang kanilang mga
marka.

Sa librong pinamagatang "The Textbook and the Lecture: Education in the


Age of New Media" (2017), sinasabing ang epektibong kalidad na edukasyon ay
dapat nakakasunod sa modernong takbo ng panahon. Sinasabi na dapat nating
isabuhay na ang teknolohiya bilang isang daan sa pagkamit ng matagumpay na
edukasyon. Sa karagdagan, ipinunto sa librong ito na ang isang edukasyon na
walang alam sa teknolohiya at napag-iwanan ng panahon ay tiyak na magiging bigo
sa pagkamit ng maayos at kalid na pagkatuto ng mga mag aaral. Iginigiit na malaki

12
ang gampaning isinasagawa ng mga makabagong teknolohiya sa katagumpayang
akademiks ng mga mag aaral.

Ayon sa librong "Integrating Technology in the Classroom: Tools to Meet the


Needs of Every Student", sinasabing ang pagendorso at pagsali ng teknolohiya sa
isang silid-aralan ay higit na makakatulong sa mga guro sa pagpapalawak ng
kaalaman ng mga mag-aaral. Isinasaad dito na ang paggamit ng teknolohiya ay
magsisilbing gabay kung paano matuturuan ng mga guro ang mag aaral sa mas
epektibong paraan. Idinidiin na ang teknolohiya ang siyang magiging kasangga ng
mga guro sa kung paano nya gagawing matagumpay ang pagtuturo sa kanyang
mga mag aaral. Bilang karagdadagan, nais ipabatid ng librong ito na ang teknolohiya
ay lubos na makakatulog hindi lamang sa kapakanan ng mga mag aaral ngunit pati
na rin sa mga magtuturo. Sa isa pang artikulong sinulat ni Krista Garcia sa
Rappler.com noong 2016, Maaari ding makinabang ang mga guro mula sa mga tool
sa pag-aaral na hindi nangangailangan ng tradisyunal na logistik at maraming
materyales. Halimbawa, inilunsad ng DepEd ang Learning Resources Management
and Development System (LRMDS), isang portal para sa online na pagtuturo at mga
materyales sa pagkatuto na nilikha ng mga guro at katuwang sa edukasyon.

Ayon naman sa artikulong isinulat ni Krista Garcia sa Rappler.com noong


2018, ang teknolohiya ay palaging gumaganap ng isang papel sa pagbibigay ng mga
mag-aaral ng napapanahong mga kasanayan at napapanahong mga ideya at
pagtuklas. Ngunit ngayon, nakikita natin ang mga inobasyon na hinahamon maging
ang mismong pagkakaroon ng apat na pader na silid-aralan at mga ratio ng guro-
mag-aaral. Dagdag pa nya na ang lahat ng ito ay mapapakinabangan ng mga mag-
aaral ngayon at bukas, dahil ang pag-aaral ay nagiging mas mura, mas mabilis, at
mas madaling ma-access.

Sa edukasyon, ang paggamit ng teknolohiya, ay mas napapabilis at nagiging


organisado ang mga gawaing akademiko. Katulad ng paglikom ng mga
impormasyon para sa kanilang takdang-aralin, research work, proyekto, pag-uulat at
iba pa. Ito’y nakakatulong lalo na sa mga mag-aaral na nangangailangan ng kalidad

13
na edukasyon. Ngunit, atin dapat isaalang alang ang paggamit nito nang wasto at
naayon upang tiyak na hindi maabuso ang pagkakaroon ng teknolohiya na
nagiimpluwensya sa akademikong tagumpay ng mga mag-aaral.

14
BATAYANG TEORITIKAL

Impluwensiya ng Makabagong Teknolohiya sa Akademikong Tagumpay ng Ika-11


Baitang na Mag-aaral sa Poblacion Polomolok National High School

Makabagong teknolohiya

Impluwensiya

Sosyal Mental Emosyonal Pisikal

Ang mga teknolohiya


tulad ng mental
health apps at virtual
Maraming mga counseling services
Nagbibigay sa mga Ang mga teknolohiya
aplikasyon at virtual ay nakakatulong sa
mag-aaral ang tulad ng adaptive
counseling services pagbabawas ng
oportunidad na learning platforms at
na nagbibigay access stigma sa mental
magtungo sa mga gamified learning ay
sa mga mag-aaral na health at nagbibigay
komunidad at nakakatulong sa pag-
gustong makahanap sa mga mag-aaral
makapagtulong sa improve ng cognitive
ng tulong sa kanilang ang oportunidad na
kanilang mga kaibigan skills at pagsasanay
emotional at magtanong at
at kasamahan sa pag- ng focus at
psychological magdiscuss sa mga
aaral. determination ng mga
concerns. problema nila sa
mag-aaral
isang private at
comfortable setting.

15
SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG – AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga positibo at


negatibong epekto ng a pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay may nais
malaman tungkol sa impluwensiya ng makabagong teknolohiya sa akademikong
tagumpay ng Ika-labing isa na baitang na mag-aaral sa Poblacion Polomolok
National High School at malaman din ang tamang paggamit ng makabagong
teknolohiya sa akademikong tagumpay ng mga nasabing mag-aaral. Ang mga
mananaliksik ay gagamit ng phenomenological na pananaliksik kung saan,
aalamanin ng mga mananaliksik ang mga karanasan at impluwensiyang naidulot ng
makabagong teknolohiya sa akademikong tagumpay ng mga mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay nililimitahan ng mga mag-aaral lamang na nasa


ikalabing-isang baitang ng Poblacion Polomolok National High School ang magiging
tagatugon. Ang mga mag-aaral sa Poblacion Polomolok National High School ay
pinili naming mananaliksik sapagkat sila ang makakatulong upang maging
matagumpay ang pananaliksik naming ito. Ang mga mananaliksik ay pumili ng
sampung (10) tagatugon sa kanilang pananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay
isinagawa sa buwan ng Abril sa taon dalawang libo dalawampu’t apat hanggang
Mayo sa taon dalawang libo dalawampu’t apat, taong panuruan Dalawang libo
dalawampu’t tatlo at Dalawang libo dalawampu’t apat.

16
DEPINISYON NG MGA TERMINO

Akademiko - kasanayang may kinalaman sa edukasyon.

Edukasyon - proseso ng pag-aaral at pagtuturo na naglalayong magbigay ng


kaalaman, kasanayan, at pagpapalawak ng kaisipan.

Ika-21 na siglo - kasalukuyang panahon mula noong Enero 1, 2001 hanggang


Disyembre 31, 2100.

Imbensyon- ang paglikha o proseso ng paggawa ng bagong bagay, kasangkapan, o


sistema mula sa pagiging malikhain ng tao para mapabuti ang pamumuhay at
magamit sa iba't ibang layunin.

Impluwensiya - tumutukoy sa epekto na nagmumula sa isang tao.

Kompyuter - aparato na tumatanggap ng impormasyon sa anyo ng digital na data at


pinaproseso ito batay sa mga program, software, o sunud-sunod na mga instruksyon
kung paano iproseso ang data.

Media - paraan ng paghahatid ng impormasyon o mensahe sa pamamagitan ng iba't


ibang uri ng midya tulad ng telebisyon, radyo, pahayagan, magasin, libro, at iba pa.

Tagumpay - pagkakamit ng magandang resulta o resulta ng pagsisikap.

Teknolohiya - kagamitan na ginagamit upang mapadali o mapabilis ang mga


gawain.

Silid-aralan- isang espasyo para sa pag-aaral, isang silid na kung saan natututo ang
mga bata at matanda ng iba't ibang mga bagay.

17
KABANATA II: METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG
PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng disenyo at pamamaraan na ginawa sa


panganagalap ng mga impormasyon at datos ukol sa “Impluwensiya ng
Makabagong Teknolohiya sa Akademikong Tagumpay ng Ika-11 Baitang na Mag-
aaral sa Poblacion Polomolok National High School”.

DISENYO NG PAG-AARAL

Sa pag-aaral na ito ang disenyong ginamit ng mga mananaliksik ay


penomenolohiya at kwalitatibong pamamaraan na pagsusuri ng mga datos,
impormasyon at opinyon sa mga mag-aaral ng baitang ikalabing-isa sa Poblacion
Polomolok National High School patungkol sa Impluwensiya ng Makabagong
Teknolohiya sa Akademikong Tagumpay ng Ika-11 Baitang na Mag-aaral sa
Poblacion Polomolok National High School.

RESPONDENTE

Ang piniling respondente sa pag-aaral na nito ay ang mga piling mag-aaral sa


departamento ng Edukasyon sa Poblacion Polomolok National High School sa taong
Akademiko 2023-2024. Ang mga mananaliksik ay kumuha ng sampu (10) na
respondente na mga estudyante na nasa ikalabing-isang baitang upang masagutan
ang mga naihanda naming mga katanungan.

18
LOKAL NA PAG-AARAL

Ang Lokal na Pag-aaral ay tumatalakay ng lugar o tagpuan ng pag-aaral.


Inilalarawan nito nang maikli ang lugar kung saan isinasagawa ang pag-aaral.
(University Research Coordination, 2013).

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Poblacion Polomolok National High School. Ito
ay matatagpuan sa Baranggay Pagalungan, Polomolok, South Cotabato, Pilipinas.
Ito ay itinatag noong nakaraang 1997. Bukod dito, ang Poblacion Polomolok National
High School ay kilala bilang tahanan ng kampeon dahil sa kasiya-siyang pagganap
nito sa kompetisyon. Ito ang perpektong lokasyon para sa pag-aaral dahil ang mga
respondente ay mga mag-aaral sa nasabing paaralan. Sa pamamagitan ng lokal na
ito, ang mga mananaliksik ay nakakuha ng sapat na impormasyong kailangan sa
pag-aaral na ito. Bilang karagdagan, ang paaralan ay nagpapakita ng malakas na
koneksyon sa parehong akademiko at mga kasanayan dahil sa katotohanan na ang
paaralang ito ay may iba't ibang mga pagkakataon upang matuto nang maaga sa
pamamagitan ng pag-enroll sa STE (Science Technology Engineering) na
naglalaman ng mga aktibidad tulad ng robotics at mga eksperimentong laboratoryo.
Higit pa rito, upang mapabuti ang iyong kakayahan at talento narito ang SPA
(Special Program in the Arts) upang mapahusay ang iyong mga kasanayan.
Isinusulong ng paaralan ang mga pangangailangan ng bawat mag-aaral sa pag-
aaral.

Ito ang perpektong lokasyon para sa panayam dahil ang mga mananaliksik ay
makakakuha ng maraming mahahalagang impormasyon, iba't ibang ideya at
natatanging opinyon na tiyak para sa pananaliksik na ito.

19
INSTRUMENTO NG PAG-AARAL

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa at naglikom ng mga datos upang


magkalap ng sapat na impormasyon sa pananliksik sa pamamagitan ng
pakikipagpanayam o interview.

Ang pakikipagpanayam ay isang pakikipagpulong ng mananaliksik sa isang


taong nais niyang kunan ng mga impormasyong maiuulat o maipalilimbag sa
pamamagitan ng talatanungan. Bilang panimula sa gagawing pagkalap ng datos,
ang mga mananaliksik ay magbibigay ng isang liham sa bawat respondente na
nagsasaad ng pahintulot na sila ay kukuhanan ng impormasyon.

Ang pakikipagpanayam sa mga respondente ng pananaliksik na ito ay


makakatulong upang makakuha ng tiyak, makatotohanan at maiging impormasyon
para sa pananaliksik.

PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

Ang pananaliksik na ito ay nagsagawa ng panayam o interview bilang paraan


ng pangangalap ng datos. Ang pamamaraan na ito ay tiyak at lubos na
makatutulong sa pagkuha ng tiyak, maigi at makatotohanang impormasyon. Sa
pamamagitan ng pakikipagpanayam o interview, ang mga mananaliksik ay
makakakuha ng iba’t ibang datos o impormasyon na siyang makakatulong sa
katagumpayan ng pananaliksik na ito.

20
LAGOM, REKOMENDASYON AT KONKLUSYON

LAGOM

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang "Impluwensiya ng makabagong


teknolohiya sa akademikong tagumpay ng ika-labing isang baitang na mag-aaral sa
Poblacion Polomolok National High School." Ang pag-aaral na ito ay may layunin na
alamin ang impluwensiya ng makabagong teknolohiya sa akademikong tagumpay ng
mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay may layunin din na malaman ang tamang paraan
ng paggamit ng makabagong teknolohiya tungo sa akademikong tagumpay.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng disenyong qualitative o kwalitatibo


partikular na ang mga penomenolohiyang paraan upang malaman ang impluwensiya
ng makabagong teknolohiya sa akademikong tagumpay ng mag-aaral sa ika-labing
isang baitang. Ito din ay isinagawa upang makakalap ng sapat na impormasyon ang
mga mananaliksik para sa katagumpayan ng pag-aaral na ito.

Pumili ang mga mananaliksik ng sampung mag-aaral sa ikalabing isang


baitang bilang taga tugon sa pananaliksik. Naghanda ng sampung katanungan ang
mga mananaliksik.

21
REKOMENDASYON

Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong pagpapakumbabang


iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga kinakauukulang indibidwal, pangkat,
tanggapan o institusyon, ang mga sumusunod na rekomendasyon:

a. Sa mga mag-aaral ay hikayatin ang mga kapwa mag-aaral na gamitin ang


makabagong teknolohiya sa tamang gawain. Sa pamamagitan din nito
naiimpluwensiyahan ang mga mag-aaral na mangalap ng mga impormasyong
makakatulong sa kanilang pag-aaral upang matulungan sila at mapabuti ang
kanilang pag-aaral.

b. Sa mga Guro ay maglaan ng mga aktibidad sa paaralan na nakakaimpluwensiya


sa mga mag-aaral na gamitin ito sa mga pang akademikong gawain.

c. Sa mga magulang ay gabayan ang kanilang mga anak na turuan at gamitin ang
makabagong teknolohiya sa mabuti at tamang paraan dahil maraming impluwensiya
ang mapag-tutuunan nila ng pansin.

d. Sa mga Pamahalaan ay magpatupad ng kautusan na naglalayong palawakin at


magbigyang kahalagaan ang makabagong teknolohiya, upang mapadali ang access
ng mag-aaral.

e. Sa mga mananaliksik ay gawing mapagkukunan ng aral ang impluwensiya ng


makabagong teknolohiya para sa mag-aaral upang mapalawak ang kaalaman ng
bawat mag-aaral.

22
KONKLUSYON

Bilang kongklusyon, napatunayan na malaki ang impluwensiya ng


makabagong Teknolohiya sa mag aaral mula sa ika-labing isang baitang Poblacion
Polomolok national highschool sa larangan ng akademikong tagumpay. Napapadali
ang mga gawaing naatasan sa bawat mag aaral sa pamamagitan ng paggamit ng
makabagong teknolohiya. Ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng mas malawak na
access sa impormasyon at mga mapagkukunan ng kaalaman sa pamamagitan ng
internet at mga teknolohiyang digital. Ito ay nagbibigay sa kanila ng mas mabilis at
mas epektibong paraan ng pag-aaral at paghahanap ng mga impormasyon. Bukod
dito, ang mga makabagong teknolohiya tulad ng mga laptop, tablet, at mga mobile
device ay nagbibigay ng mga interactive at engaging na pagkakataon para sa mga
mag-aaral na maipakita ang kanilang kreatibidad at malayang pagpapahayag ng
kanilang mga ideya. Gayundin, ang mga online learning platforms at educational
apps ay nagbibigay ng mga personalized na pag-aaral at mga tool na nagpapabuti
sa pag-unawa at pagtanggap ng mga mag-aaral sa mga aralin. Gayunpaman,
mahalagang maunawaan na ang epekto ng makabagong teknolohiya sa mag-aaral
ay hindi lamang positibo. Maaaring magdulot ito ng mga negatibong epekto tulad ng
pagka-adik sa teknolohiya, pagkakaroon ng mababang social interaction, at pagiging
hindi produktibo. Samakatuwid, mahalagang magkaroon ng tamang paggamit at
balanse sa paggamit ng makabagong teknolohiya upang maging epektibo at
makabuluhan ang pag-aaral ng mga mag-aaral.

23
BIBLIOGRAPHY

Acurin, M.L . (2016). Epekto ng paggagmit ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral


sa ikatlong taon. Unpublished Undergraduate Thesis, University of the
Philippines Diliman.

https://www.academia.edu/35821445/
Kabanata_2_Kaugnay_na_Literatura_at_Pag_aaral

Bertllo, J. (2011). Ang teknolohiya sa kasaysayan ng edukasyon: Isang malaking


tulay sa pag-aaral. Retrieved from

https://www.example.com/bertllo-2011

Cruz, A. (2008). Teknolohiya: Mga kagamitan, makina, at kasangkapan para sa


solusyon ng mga problema sa kasalukuyang panahon. Retrieved from

https://www.example.com/cruz-2008

Krista Garcia. (2018). Teknolohiya, konekta, at kreatibo: Paano ito maipaglalaban sa


edukasyon? Retrieved from

https://www.rappler.com/education/insights/204368-technology-connectivity-
creativity-education

Marmay, B.R. . (2016). Teknolohiya, tulong sa Edukasyon. Journal of Education,


1(1), 1-10.

https://www.academia.edu/34932940/
ANG_EPEKTO_NG_TEKNOLOHIYA_SA_MGA_GRADE_11_NA_MAG_AAR
AL_NG_LA_SALLE_ACADEMY

Navarro, J. R. D. (2019). Teknolohiya at edukasyon: Isang epektibong sistema sa


kasalukuyan. Retrieved from

https://www.example.com/navarro-2019

Roque, P. O. (2015). Ang teknolohiya: Malasakit at pagpapakilala sa buong mundo.


Retrieved from

https://www.example.com/roque-2015
24
Teachmint. (2022). Interactive activities for teachers. Retrieved from

https://www.teachmint.com/resources/interactive-activities-for-teachers

The Textbook and the Lecture: Education in the Age of New Media. (2017). New
York: Routledge. Integrating Technology in the Classroom: Tools to Meet the
Needs of Every Student. (2018). Thousand Oaks, CA: Corwin.

https://www.researchgate.net/publication/
321497056_The_Lecture_and_the_Textbook_-
_Education_in_the_Age_of_New_Media

25
CURRICULUM VITAE

PERSONAL NA DATOS:

Pangalan: Mary Ann C. Fabilla

Lugar ng Kapanganakan: Pagalungan Hospital, Brgy. Pagalungan, Polomolok,


South Cotabato

Araw ng Kapanganakan: Pebrero 06, 2007

Relihiyon: Born Again Christian

Pangalan ng Ina: Maylyn C. Fabilla

Pangalan ng Ama: Polinar C. Fabilla

Tirahan: Purok San Agustin, Poblacion Polomolok South


Cotabato

PERSONAL NA DATOS:

Pangalan: Clinthon Jay Balsamo

Lugar ng Kapanganakan: Koronadal City

Araw ng Kapanganakan: Julyo 19, 2006

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan ng Ina: Alejandra Balsamo

Pangalan ng Ama: N/A

Tirahan: Purok Bayanihan Brgy. Magsaysay Polomolok, South


Cotabato

26
PERSONAL NA DATOS:

Pangalan: Ivan Manuel Flores

Lugar ng Kapanganakan: Bontuyan Medical Hospital of Poblacion Polomolok,


South Cotabato

Araw ng Kapanganakan: Nobyembre 19, 2006

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan ng Ina: Marlin D. Flores

Pangalan ng Ama: Lito C. Flores

Tirahan: Purok Manatad, Polomolok, South Cotabato

PERSONAL NA DATOS:

Pangalan:. May G. Cerisola

Lugar ng Kapanganakan: Polomolok, South Cotabato

Araw ng Kapanganakan: Mayo 09, 2007

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan ng Ina: Carmen G. Cerisola

Pangalan ng Ama: Eduardo S. Cerisola

Tirahan: Purok Masagana 1, Brgy. Pagalungan, Polomolok,


South Cotabato

27
PERSONAL NA DATOS:

Pangalan: Chloe Julzen Janeo

Lugar ng Kapanganakan: San Angeles, Pampanga

Araw ng Kapanganakan: Pebrero 20, 2007

Relihiyon: Born Again Christian

Pangalan ng Ina: Catherine J. Cena

Pangalan ng Ama: . N/A

Tirahan: Ligtas subdivision, Cannery Site, Polomolok, South


Cotabato

PERSONAL NA DATOS:

Pangalan: Samantha Faye C. Pasilan

Lugar ng Kapanganakan: Polomolok, South Cotabato

Araw ng Kapanganakan: Oktubre 25, 2006

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan ng Ina: Mirasol C. Pasilan

Pangalan ng Ama: Ricardo C. Cajutay

Tirahan: Zenia st., Prk. San-Isidro, Brgy. Poblacion, Polomolok,


South Cotabato

28
PERSONAL NA DATOS:

Pangalan: Jake Lloyd C. Palma

Lugar ng Kapanganakan: Ilo-Ilo City

Araw ng Kapanganakan: Hulyo 15,2006

Relihiyon: Kristiyano

Pangalan ng Ina: Aram Jules C. Palma

Pangalan ng Ama: Lloyd P. Palma

Tirahan: Purok Mahusay Poblacion Polomolok, South


Cotabato

PERSONAL NA DATOS:

Pangalan: Brynn Denise E. Tejero

Lugar ng Kapanganakan: Heramil Hospital Polomolok South Cotabato

Araw ng Kapanganakan: Oktobre 25 2007

Relihiyon: Katoliko

Pangalan ng Ama: Joemar B. Tejero

Pangalan ng Ina: Janice E. Tejero

Tirahan: Hechanova street Crisville subdivision

29
PERSONAL NA DATOS:

Pangalan: Mary Grace Allas

Lugar ng Kapanganakan: Prk. Malabarbas, Polomolok, South Cotabato

Araw ng Kapanganakan: Marso 06, 2007

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan ng Ama: Bobby R. Allas

Pangalan ng Ina: Berlyn E. Allas

Tirahan: Prk. Malabarbas, Polomolok, South Cotabato

30

You might also like