Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

HOROSCOPE T U L O N G S A P A G-A A R A L

Eli Rueda Guieb III HOROSCOPE


1. Sundan ang salit-salit na
mga kuwento ng kung ilang
tauhan sa loob ng akda ni
Guieb. Ilan bang tauhan
L UNES ang nasasangkot sa loob ng
maikling kuwento? Ano ang
ugnayan nila sa isa’t isa?
Aquarius (Enero 20 – Pebrero 18) 2. Papaano ipinakita ng akda
Hindi mo inaasahan ang kaniyang naging sagot. Alagaang mabuti ang pinasok na relasyon. na maaari ring maglaman
ng kuwento ang isang
Hindi ito madaling pangalagaan. Mag-ingat sa sasabihin ng iba. Humanda rin sa maraming pagsubok. horoscope? Ano ang punto
Ikaw lamang ang makakasagot sa iyong hinahanap na kaligayahan. ng maikling kuwento sa
paggamit ng balangkas ng
horoscope sa paggawa ng
Pisces (Pebrero 19 – Marso 20) naratibo?
3. Tinutuligsa ba o sinasang-
Bagama’t hindi ka pa tiyak kung ikaw ay magiging masaya sa iyong ginawang desisyon, nariyan ayunan ng maikling
ang iyong pamilya na laging handang tumulong sa iyo. Maaaring manibago ka sa iyong bagong buhay, kuwento ang praktis ng
pagkokonsulta ng
pero alam mo ang iyong gagawin dahil noon pa man ay pinag-isipan mo na ito. Makakatulong ang horoscope? Kung pag-
magbiyahe sa malayong lugar. aaralan ang pagkakakilala
ng mga tauhan sa loob ng
maikling kuwento, ano na
Aries (Marso 21 – Abril 19) ang sinasabi ng akda ukol
sa mga aksidenteng
Hindi ka iiwanan ng iyong mahal sa buhay. Maglaan ng oras sa seryosong pag-iisip pero huwag pagkakakilala? Ano ang
kaligtaan ang mga miyembro ng iyong pamilya. Kailangan mo sila sa ganitong panahon, at kailangan sinasabi ng maikling
kuwento ukol sa matandang
rin nila ang lahat ng pagkakataong makapiling ka. kasabihan na ang tadhana
ng tao ay nakasulat sa mga
bituin?
Taurus (Abril 20 – Mayo 20) 4. Paano nakontrol ng
Tulad ng dati, lagi kang lalapitan ng iyong mga kaibigan. Maging sensitibo sa kanilang mga horoscope ang buhay ng
mga tauhan sa loob ng
ikukuwento. Matutong makinig. Nariyan rin sila hindi lang para humingi ng payo sa iyo kundi para maikling kuwento? Papaano
makinig rin sa dapat mong ikuwento sa kanila. Umiyak ka sa kanila kung kinakailangan. kinukuwestiyon ng maikling
kuwento ang bisa ng
horoscope sa pamamagitan
Gemini (Mayo 21 – Hunyo 21) ng pagsusunud-sunod sa
mga ito nang hindi kinikilala
Maaaring nabigla ka sa sinabi ng iyong karelasyon, pero kailangan mo siyang intindihin. ang arawan dapat na
Karapatan niya iyon. Makipag-usap sa isang matalik na kaibigan. Maging sensitibo’t baka may paglabas sa mga
pahayagan?
problema rin ang iyong kaibigan. Unawain ang ibig sabihin ng salitang pang-unawa. 5. Ano ang isinusulong na
konsepto ng kasarian sa
loob ng maikling kuwento?
Cancer (Hunyo 22 – Hulyo 22) Sagutin sa pamamagitan ng
Ngayon ka higit na kailangan ng iyong asawa. Ano’t anuman ang inyong pinagdaanan, ang matagal paglalarawan sa mga
personal na ugnayang
na ninyong pagsasama ay patunay ng inyong wagas na pag-ibig sa isa’t isa. Maglaan ng oras sa seryosong isinasabuhay ng mga
pag-iisip. Huwag kaligtaan ang mga miyembro ng pamilya. Higit mo rin silang kailangan sa mga tauhan sa loob ng maikling
kuwento.
ganitong pagkakataon.

P O S T M O D E R N O 325
Leo (Hulyo 23- Agosto 22) solidong bagay ang ulap, nagiging ulan din ito.
Huwag magkulong sa kuwarto. Tanggapin ang lahat ng
nangyari. Lumabas ka’t makihalubilo. Malay mo, makatagpo ka Pisces (Pebrero 19 – Marso 20)
ng isang lumang kakilala. Alam mong walang mali sa iyo. Ano’ng mali kung ayaw
mong magkaanak? At lalong ano’ng mali kung ayaw mong mag-
Virgo (Agosto 23 – Setyembre 22) asawa? Kausapin mo pa rin ang dati mong karelasyon. Hindi pa
Magiging masaya ang iyong buong araw. Isama ang rin niya matanggap na puwede pa ring mabuhay ang tao ng nag-
karelasyon sa isang pagtitipon sa gabi. Muli mong makikita ang iisa, na siyang ginusto mo ngayon. Bantayan ang iyong pag-iisa.
mga dati mong kakilala’t kaibigan.
Aries (Marso 21 – Abril 19)
Libra (Setyembre 23 – Oktubre 23) Alam mong walang mali sa iyo. Pero maniwala ka sa sinabi
Huwag maghanap ng pang-unawa. Hindi mo ito kailangan. sa iyo ng iyong doktor. Huwag mo ring kalimutan ang sinabi sa
Pero tanggapin mo ang mga pang-unawang ibubuhos sa iyo ng iyo ng iyong asawa: “hindi ka mawawala sa aking puso.” Tandaan
mga kaibigan. Timbanging mabuti ang mga pang-unawang ito. rin ang ipinangako sa iyo ng iyong mga anak: “huwag mo kaming
May isa ring kaibigang kailangang kausapin. alalahanin.” Huwag mo nga naman silang alalahanin, may kaniya-
kaniya na silang puso.
Scorpio (Oktubre 24 – Nobyembre 21)
Bumubulwak na naman ang iyong testosterone. Mag-ingat Taurus (Abril 20 – Mayo 20)
at baka ikaw ay mapahamak sa iyong kapusukan. Pag-aralang Alam mong walang mali sa iyo. Pero huwag kang magtaka
mabuti ang pinasok na relasyon dahil tiyak na pag-uusapan ito kung iniwan ka ng iyong girlfriend. Hindi mo iyon kasalanan.
ng maraming tao. Haharap ka rin sa maraming pagsubok. Hindi rin niya iyon kasalanan. May mga taong mas buo kapag
nag-iisa. May darating pang ibang pag-ibig.
Sagittarius (Nobyembre 22 – Disyembre 21)
Matutuwa ka’t makikita mong muli ang isang dating Gemini (Mayo 21 – Hunyo 21)
kakilala. Subalit mag-ingat. Baka mauwi sa kalungkutan ang Alam mong walang mali sa iyo. Lalong wala ring mali sa
iyong kagalakan. dati mong girlfriend. Hindi porke ipinagpalit ka nito sa isa ring
babae ay may problema na ang bawat isa sa inyo. Ang karelasyon
Capricorn ( Disyembre 22 – Enero 19) ay hindi kompetisyon ng lalaki’t babae o ng babae’t babae o ng
May taong nasaktan dahil sa ginawa mong desisyon. Pero lalaki’t lalaki.
kailangan mong ipaglaban ang iyong desisyon. Karapatan mo
rin ito. Pangalagaan ang iyong bagong buhay. Cancer (Hunyo 22 – Hulyo 22)
Alam mong walang mali sa iyo. Hindi mo kasalanan kung
M ARTES bakit ganoon ang iyong mga anak. May kaniya-kaniya silang
puso. Alalahanin mo ang ipinangako mo sa iyong asawa: “hindi
Aquarius (Enero 20 – Pebrero 18) ka mawawala sa aking puso.” Ulit-ulitin mo itong sambitin sa
Alam mong walang mali sa iyo. Ano’ng mali kung lalaki kanya. Kailangan niya ang iyong katatagan, lalo na sa kaniyang
rin ang iyong inibig? Napasagot mo naman siya, at masayang- kalagayan ngayon.
masaya ka. Huwag ka lang lumipad sa ulap dahil bagama’t

326 H U L A G P O S
Leo (Hulyo 23 – Agosto 22) panahon ang pagpapayabong ng iyong pagmamahal sa lalaking
Alam mong walang mali sa iyo. Normal na umibig muli, pinili mong makatuwang. Lucky number: 6.
kahit sa dati mong estudyante. Hindi masama ang iyong
napanaginipan kagabi. Pisces (Pebrero 19 – Marso 20)
Ngayon ang pagkakataong iwanan ang iyong pag-iisa, kahit
Virgo (Agosto 23 – Setyembre 22) ngayon lang araw na ito. Kailangan ka ng iyong ama. Kailangan
Alam mong walang mali sa iyo. Ano’ng mali kung nagka- niya ng kausap. Yakapin mo siya. Kailangan niya ng ganitong
crush ka uli sa dati mong teacher na nakita mo kagabi. Hindi paniniyak. Lucky number: 1.
mo rin kasalanan kung mababa ang grades ng iyong boyfriend.
Aries (Marso 21 – Abril 19)
Libra (Setyembre 23 – Oktubre 23) Sa iyong pamilya, doon ka makakakuha ng lakas ng
Alam mong walang mali sa iyo. Hindi porke umibig ka sa kaluluwa. Mahal ka ng iyong asawa’t mga anak. Manalig ka sa
kapwa mo babae ay may problema ka na. Huwag ka rin lang kanila. Tanggapin ang yakap ng iyong mga anak. Lucky numbers:
manakit ng kapwa babae. Huwag ka ring manakit ng sinumang 6, 1 at 7.
lalaking maaaring magmahal sa iniibig mong babae.
Taurus ( Abril 20 – Mayo 20)
Scorpio (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Huwag mong isiping nag-iisa ka. Tawagan mo ang iyong
Alam mong walang mali sa iyo. Hindi mo kasalanan kung mga kaibigan at makipag-inuman sa kanila. Noon ka pa rin nila
inibig ka ng isa ring lalaking tulad mo. Huwag mo siyang bigyan gustong makausap, lalo na n’ung mabalitaan nilang iniwan ka
ng mga ulap. Hindi niya iyon kailangan. ng iyong syota. Malungkot rin ngayon ang dati mong syota. May
isa siyang kapamilyang nanganganib ang buhay. Pero pabayaan
Sagittarius (Nobyembre 22 – Disyembre 21) mo siya sa kaniyang pag-iisa. Mas gusto niya iyon. Lucky
Alam mong walang mali sa iyo. Hinni mo kasalanan kung number: 0.
mababa ang iyong mga grades. Sira ulo lang talaga ang mga
teacher mo ngayong sem na ito. Magtiyaga ka na lang. Gemini (Mayo 21 – Hunyo 21)
Malalagpasan mo rin ang semestreng ito. Masyado kang naging abala sa trabaho nitong mga
nagdaang araw. Marahil, dahil nais mong kalimutan ang
Capricorn (Disyembre 22 – Enero 19) girlfriend mong lawyer na natutong umibig sa isa ring lawyer,
Alam mong walang mali sayo. Huwag mong isiping nang- na babae rin. Magrelax. Tugunan ang tawag ng isang matalik na
agaw ka ng babae. Hindi mo siya inagaw. Kusa siyang lumapit kaibigan sa isang inuman. Lucky number: 5.
sa iyo. Huwag mo lang kalimutan ang sinabi sa iyo ng iyong
nakababatang kapatid: “Ate, ‘yung allowance ko.” Cancer (Hunyo 22 – Hulyo 22)
Magiging masaya ka ngayong araw na ito’t mabubuo ang
M IYERKULES iyong pamilya. Bibisitahin kayong mag-asawa ng inyong mga
anak. Magtiwala sa iyong mga anak. Anuman ang kanilang mga
Aquarius (Enero 20 – Pebrero 18) naging desisyon sa buhay, pinag-isipan nila iyon nang matagal.
Huwag magtaka kung magalit sa iyo ang magulang ng iyong Huwag kalimutang yakapin ang asawa. Lucky number: 7.
iniibig. Iba ang kanilang panahon. Higit na pag-ukulan ng

P O S T M O D E R N O 327
Leo (Hulyo 23 – Agosto 22) H UWEBES
Hindi mo maipaliwanag kung ano itong nararamdaman
mo ngayon. Hindi katakataka iyan. Hangga’t tumitibok ang Aquarius (Enero 20 – Pebrero 18)
puso, kaya nitong magmahal. Lucky number: 8. Magtimpi. Kausapin mo muna siya kung bakit hindi siya
sumipot sa usapan ninyo kagabi. Huwag magpabagabag sa
Virgo (Agosto 23 – Setyembre 22) alinlangan. Marami nang ipinalamong takot sa iyo ang mundo.
Pag-isipang mabuti ang naglalaro sa iyong utak bago mo Sapat na iyon, huwag mo nang dagdagan pa.
ito sabihin sa iyong boyfriend. Delikado na nga ang kaniyang
academics kaya baka hindi niya makayanan kung bibiglain mo Pisces (Pebrero 19 – Marso 20)
siya. Tutal, hindi ka pa naman tiyak diyan sa nararamdaman Hindi lahat ng tao ay kakayanin ang iyong ginawa. Kung
mo. Walang mawawala kung makikiramdam ka pa. Lucky anuman ang mga bagay na nawala o mawawala sa iyong buhay,
numbers: 4 at 8. hindi ito nangangahulugang magkakaroon ng kulang sa iyong
sarili. Magdiwang, kahit nag-iisa. Puwedeng masayang
Libra (Setyembre 23 – Oktubre 23 ) magdiwang ang tao kahit walang kasama.
Naging mabigat para sa iyo itong mga nagdaang araw.
Marami kang kasong hinahawakan sa kasalukuyan. Dagdag pa Aries (Marso 21 – Abril 19)
rito ang problema mong personal na nalutas mo naman Magbigay ng panahon sa sarili. Pag-isipang mabuti ang
kamakailan. Maaaring nasaktan mo ang dati mong boyfriend, iyong naging nakaraan. Maaaring naging mapangahas ka noon.
pero mas mahirap saktan ang sarili. Ipakita mo sa mundo na Huwag mong pagsisihan ang mga bagay na iyon. Tawag iyon ng
puwedeng mahalin ng babae ang kapwa niya babae. Tugunan panahon. Kung hindi mo na kayang sumagupa sa dahas, ipaubaya
rin ang tawag ng isang problematikong kaibigang gustong mo iyon sa iba na mas may kakayahang gawin iyon ngayon kaysa
makipag-inuman. Lucky number: 2. sa iyo. Maraming anyo ang panahon. Marami ring paraan ng
pagtutol. Huwag matakot subukan ang ibang paraan.
Scorpio (Oktubre 24 –Nobyembre 21) Siguraduhin lang na naniniwala ka sa paraang iyong pipiliin.
Huwag mahiyang yumakap sa ama. Matagal na niya itong
hinihintay sa iyo. Lucky number: 6. Taurus (Abril 20 – Mayo 20)
Pasalamat ka’t pinaunlakan ng iyong mga kaibigan ang
Sagittarius (Nobyembre 22 – Disyembre 21) anyaya mo sa kanilang makipag-inuman sa iyo kagabi bagama’t
Mag-aral nang mabuti. Mahal ang tuition. Maawa ka sa hindi dumating ang isang inaasahang kaibigan. Kulang pa ang
ate mo na nagpapaaral sa iyo’t hinihingan mo ng allowance. pagbabayad mo ng utang mong kuwento sa kanila pero sapat
Marami na siyang problema’t huwag mo nang dagdagan pa. na iyon sa kasalukuyan. Nagkuwento na rin naman sila sa iyo
Makinig sa mahalagang sasabihin ng iyong girlfriend. Lucky ng mga huling pangyayari sa kanilang mga buhay. Marami pang
number: 4 pagkakataong magkakausap kayo. Huwag mong pabayaan ang
napili mong propesyon. Maaaring sa tingin mo’y malas ka
Capricorn (Disyembre 22 – Enero 19) ngayon sa larangan ng pag-ibig, pero dapat mong isiping hindi
Tugunan ang tawag ng isang kaibigang naghahanap ng iyan kamalasan. Simula lamang iyan ng pagkamulat sa maraming
kausap. Marami ka ring utang na kuwento sa kaniya, lalo na direksiyong puwedeng tahakin ng samu’t saring ugnayan.
itong huling pangyayari sa buhay mo. Lucky number: 2.

328 H U L A G P O S
Gemini (Mayo 21 – Hunyo 21) mahalagang pagtitipon ng mga kaibigan. May panahon ng pag-
Buti’t nakipag-inuman ka sa isang kaibigan mo kahapon. iwas. Pero alam mong alam ng mga kaibigan mong hindi mo
Kung hindi’y baka hindi ka nalinawan sa komplikasyon ng mga naman sila iniiwasan. May mga panahong kailangang ilaan para
relasyon ng inyong barkada. Bagama’t inaasahan mong sisipot sa sarili, para harapin ang sarili. Marami pang paninimbang sa
ang dati mong girlfriend na may bago nang girlfriend, marami sarili ang iyong gagawin. Tiyaking ang katotohanan ng sarili ang
pang pagkakataon para makapag-usap kayo nang masinsinan iyong papanigan.
ng kaibigan mong lasenggo. Sadyang may mga bagong anyo ng
relasyong binubuo ang kasalukuyang henerasyon. Kailangang Scorpio (Oktubre 24 – Nobyembre 21)
gawin iyon dahil bilog at umiikot pa rin ang mundo. Huwag mangamba. Maiintindihan niya kung bakit hindi
ka nakasipot kagabi sa inyong usapan. Ipaliwanag mo lang sa
Cancer (Hunyo 22 –Hulyo 22) kaniya na mas kailangan ka kagabi ng iyong ama. Kung aatakihin
Ang maging mabuting asawa, hindi iyon ganoon kadaling ka ng kalungkutan, maligo ng maligamgam na tubig at
gawin. Lalo’t kung ang buong buhay ng asawa mo ay kaniyang mahihimasmasan ka rin.
ginugol sa labas ng bahay. Huwag magkulong sa bahay. Hindi
lang iyan ang iyong mundo, kung paanong hindi mo naman Sagittarius (Nobyembre 22 – Disyembre 21)
ikinulong ang iyong sarili sa loob ng bahay kahit noong malakas May gumagambala sa iyong girlfriend. Huwag kang
pa ang iyong asawa. Marami pang tao sa labas na naghihintay magselos. May sapat siyang isip para timbangin ang mga bagay-
ng iyong pagkalinga. bagay. Ngayon mo higit dapat na ipakita sa kaniya ang iyong
pagtitiwala sa kaniya. Kausapin mo rin ang iyong ate, hindi iyong
Leo (Hulyo 23 – Agosto 22) hingi ka lang nang hingi ng allowance sa kaniya. Malay mo, baka
Huwag lang sa pagtuturo isubsob ang sarili. Biyudo ka’t matulungan mo siya’t taasan pa ang iyong allowance.
malaki na ang iyong mga anak. May responsibilidad ka rin sa
iyong sarili. Kung saan ka liligaya, pagtuunan mo iyon ng pansin. Capricorn (Disyembre 22 – Enero 19)
Nagkakagusto ka sa isang mas bata sa iyo. Siguro’y naging Buti’t pinaunlakan mo ang paanyaya ng isang kaibigan
estudyante mo ito dati. Walang masama kung ikaw ay kahapon. Bukod sa nakumusta mo siya ay nakita mo rin ang isa
magtatapat. Tiyakin lang na wala kang masasaktan, lalo na ang pang dumating na kaibigang matagal na ring hindi mo nakikita,
estudyanteng karelasyon ng iyong dating estudyante. isang kaibigang nasaktan ng mga huling pangyayari sa buhay ng
inyong barkada. Hindi nga lang sumipot ang dati nitong
Virgo (Agosto 23 – Setyembre 22) girlfriend na lover mo ngayon. Babae ka’t maganda ang
Mahal ka ng iyong boyfriend. Huwag mo iyong tinatakbo ng iyong propesyon at pag-ibig. Hindi mo kailangang
pagdudahan. Problemado lang talaga siya ngayon. May isa ring kumbinsihin ang sarili na hindi ka nanakit ng kaibigan. Hindi
nakatatanda sa iyo na nagkakagusto sa iyo. Seryoso siya. Hindi ka talaga nananakit ng tao. Hindi mo rin kailangang
mo naman siya kailangang ipagtabuyan. Ginusto mo rin naman kumbinsihin ang iyong kaibigan. Naiintindihan ka niya.
siya noon, hindi nga lang puwede noong mga panahong iyon.
Timbanging mabuti ang sinasabi ng puso. B IYERNES

Libra (Setyembre 23 – Oktubre 23) Aquarius (Enero 20 – Pebrero 18)


Huwag magsisi kung hindi ka nakadalo sa isang May dalang pangamba ang araw na ito para sa iyo. Subalit

P O S T M O D E R N O 329
huwag magduda, lalo na sa iyong mahal sa buhay. Sadyang may isang kaibigan, at mag-chess kayo. At sana’y maalala mong muli
mga bagay na mas mahalaga kaysa sa sarili, sa iyong sarili o sa na pinag-iisipang maigi hindi lang ang mga pag-atake kundi,
kaniyang sarili. Mas marami ang ganoong bagay. Hindi sa sarili higit sa lahat, ang mga pag-atras.
lang pinaiikot ang mundo. Bagama’t masakit magbigay ng sarili,
mas mahirap kung kikipkipin ang sarili sa loob ng sarili. Cancer (Hunyo 22 – Hulyo 22)
Tanggapin ang limitasyon ng mundo. Tanggapin nang
Pisces (Pebrero 19 – Marso 20) maluwag sa sarili, kahit may hinanakit, ang napipintong
Ituloy mo ngayong weekend ang biyaheng matagal mo pagkawala ng mahal sa buhay. Hindi diyan nagtatapos ang iyong
nang pinaplano. Lumangoy sa dagat, ibilad ang sarili sa init ng mundo. Malawak ang mundo at sinlawak ng mundo ang
araw, huwag kalimutang mag-sunblock. Magsuot ng shades para pagmamahal na nakaimbak sa iyong puso.
hindi masaktan ang mata. Siguraduhin mong hindi mataas ang
coliform level ng dagat. Umiyak ka kung kinakailangan. Matagal Leo (Hulyo 23 – Agosto 22)
mo nang natanggap ang hahantungan ng iyong ama. Matagal Hindi lang edad ang pamantayan ng pagpapares ng tao.
mo na ring natanggap ang kinahantungan ng iyong relasyon. Bakit ba kung kelan ka tumanda ay saka ka naman pinanghinaan
Kung iiyak ka, siguraduhin mong luha iyon ng kagalakan sa pag- ng loob? Magsasabi ka lang naman, susubukan mo lang naman,
iisang matagal mo nang inaasam. ano’ng masama roon? Kung puwedeng testingin ang nasa isip,
huwag mag-atubiling eksperimentuhin ang buhay. Alam mo
Aries (Marso 21 – Abril 19) namang ang buhay ay isang laboratoryo. Pero huwag umasa ng
Maaaring nginangatngat na ng uod ang iyong katawan. isang magandang resulta.
Pero huwag malumbay. Ganyan lang talaga ang buhay. Lahat
naman ay diyan din ang punta. Tanggapin ang pagiging tentatibo Virgo (Agosto 23 –Setyembre 22)
ng maraming bagay sa mundo. Isa na ang iyong sarili. Ipagtapat sa iyong boyfriend ang bumabagabag sa iyong
isip. Hindi manghuhula ang iyong boyfriend. Kung iyong grades
Taurus (Abril 20 – Mayo 20) niya ay hindi niya mahokus-pokus, iyan pa kayang isip mo.
Kung anuman ang mga bagay na nawala sa iyong buhay, Mabuti na iyong nababasa niya ang nasa isip mo kaysa naman
hindi ito nangangahulugang magkakaroon ng kulang sa iyong sa pinahuhula mo pa siya sa galaw ng iyong utak.
sarili. Magdiwang, dahil alam mong pinakawalan mo ang mahal
mo sa buhay upang maipagdiwang ang kanyang hinahangad na Libra (Setyembre 23 – Oktubre 23)
pag-iisa. Kung puwede siyang magdiwang nang nag-iisa, puwede Huwag matakot ipaglaban ang iyong paniniwala, kahit
ka ring magdiwang nang nag-iisa. Para sa iyong sarili. Higit sa alam mong nag-iisa ka na lang sa mundo. Hindi ka naman nag-
lahat, para rin sa kaniya. iisa sa sitwasyong iyong sinuong. At kailanman ay hindi ka mag-
iisa. Dahil hindi iisa ang hugis ng pag-ibig.
Gemini (Mayo 21 – Hunyo 21)
Huwag mong ituloy ang plano mong magpatingin sa isang Scorpio (Oktubre 24 – Nobyembre 21)
psychiatrist. Wala kang problema. Ang nangyari sa iyong pag- Buti’t hindi mo pinalagpas na lumubog ang araw kahapon
ibig ay usapin lang ng pagkilatis sa mga nagbabagong hugis ng nang hindi napag-uusapan ang mga bagay na dapat pag-usapan.
relasyon, at pagtanggap sa mga bagong realidad ng inog ng Malaki ang naitutulong ng pag-uusap, lalo na sa kaso ng iyong
mundo. Matagal ka na kasing hindi nagche-chess. Yayain ang relasyon. Maging sensitibo ngayong araw na ito dahil may hindi

330 H U L A G P O S
maipaliwanag na pangambang bumabalot sa iyong karelasyon. Aries (Marso 21 – Abril 19)
Unawain mo siya. Huwag kang magduda sa iyong sarili. Tiyak Hindi lang sa uri sinusukat ang tao. Napatunayan mo ito
ka sa iyong sarili, alam mo ‘yan. sa maraming pagkakataon. Marami kang naging pakakamali.
Aminin mo iyon. Pero marami ka ring naging tama. Tanggapin
Sagittarius (Nobyembre 22 – Disyembre 21) mo ang mga iyon nang buong pagpapakumbaba. Higit kang
Huwag na huwag lalapit sa isang manghuhula para lang liligaya kung isasama mo sa iyong hantungan ang mga yakap at
mabasa ang nasa isip ng iyong girlfriend. Walang maitutulong pagmamahal ng iyong pamilya. Humanda sa marami pang yakap
ang mga baraha’t bolang kristal. Huwag na huwag mo ring at pagmamahal sa bagong buhay na iyong haharapin.
ipagpakulam ang mga terror mong teacher. Baka bumuwelta
ang kulam at ikaw pa ang mapasama. Taurus (Abril 20 – Mayo 20)
Bagama’t iniwan ka ng dati mong girlfriend, isipin mong
Capricorn (Disyembre 22 – Enero 19) nakaempake sa kanyang gunita ang maraming masasaya’t
Maglaan ng oras para sa kaniya. Hinuhugisan niya ang anyo malulungkot na araw na pinagsamahan ninyong dalawa. Hindi
ng inyong pag-ibig. Tulungan mo siyang kortehan ito. niya iyon basta-basta maiwawaglit sa anumang paglalakbay na
Kailangang kayong dalawa ang bumuo nito. Yayain siyang kaniyang gagawin. Maglakbay ka rin. Malay mo, baka makatagpo
manood ng sine. Kailangan ninyo itong dalawa. Kung walang kang muli ng bagong pag-ibig. Tandaan mo, umiikot sa mundo
magandang palabas at kung walang matipuhang magandang ang iba’t ibang uri, ang lahat ng uri, ng pag-ibig. Huwag
video o laser disc ng isang pelikula, sa bahay na lang kayo’t magmadali, pasasaan ba’t sa altar rin hahantong ang iyong
makinig ng CD. Kailangang patatagin ang inyong ugnayan. paghahanap.

S ABADO Gemini (Mayo 21 – Hunyo 21)


Hindi sinasabi ng iyong planetary system na umatras ka.
Aquarius (Enero 20 – Pebrero 18) Ayon sa galaw ng iyong mga bituin, ang sinasabi nito’y matuto
Panindigan mo ang iyong naging desisyon. Higit na kang tumanggap ng pag-atras ng ibang tao, ng pagkalas ng ibang
mahalaga iyon kaysa anupamang bagay na ginawa mo sa tanang tao mula sa orbit ng iyong mundo. Madaling unawain ang bagay
buhay mo. Magiging maligaya ka kung ipagpapatuloy mo ang na ito, lalo na kung naunawaan mo na ang ibig sabihin ng pag-
pagliligtas ng sarili at kapwa. unawa, hindi pa para sa kaniya kundi para pa sa iyo. Konsultahin
mo ang diksiyonaryo ng iyong puso at makikita mong marami
Pisces (Pebrero 19 – Marso 20) ring kahulugan ang pang-unawa. Piliin mo kung alin sa mga
Maaaring malayo ang iyong pinagbabakasyunan ngayon. depinisyong iyon ang katanggap-tanggap sa iyo at sa kaniya.
At sa iba pang mga araw ng pagbibiyahe, tiyaking sarili mo lang
ang iyong dala-dala, tulad ngayon. At sa marami pang Cancer (Hunyo 22 – Hulyo 22)
paglalakbay na iyong gagawin, huwag mo ring kalimutang baunin Ang pagbibigay ng sarili sa iba, lalo sa pamilya, sapat na
ang maraming sarili ng ibang tao na nakaempake sa kaluluwa iyon sa isang tanang buhay. Yakapin mo rin ang iyong sarili,
ng iyong puso. Isama mo sila sa iyong pagbabakasyon, dahil kung paanong pinupos mo ng yakap ang isang yumayaong asawa.
iyon ang kabuuan ng iyong pagiging isa, at pag-iisa. Nakabakat sa iyong katawan ang mga iniwang palatandaan ng
mga yakap ng pagmamahal ng iyong asawa. Haplusin mo ang
mga markang ito ng pagkataong iiwanan sa iyo ng tao at mga

P O S T M O D E R N O 331
taon ng pagsasama. Sasamahan ka, habambuhay, ng mga bakas Scorpio (Oktubre 24 – Nobyembre 21)
na ito ng pagkalinga. Hindi libog ang nagpapatakbo sa buhay ng tao.
Napatunayan mo ito sa iyong karelasyon. Akala mo kasi’y
Leo (Hulyo 23 – Agosto 22) nanlalapa ng laman ang mga tulad nila. Maraming pag-aakalang
Hindi ka na naman makatulog. Nainlab ka yata talaga. Pero dapat iwaksi. Tandaan mong maraming namamatay sa maling
huwag kang iinom ng sleeping pills. Baka bangungutin ka’t hindi akala. Mauunawaan rin ng iyong mga magulang at kapatid ang
mo na masilayan ang liwanag ng araw. Iwasan ang pagkakape, sinuong mong sitwasyon. Darating din ang panahong
lalo kang hindi makakatulog, pwera na lang kung talagang gusto maitutuwid nila ang ilang maling haka.
mong magpuyat. Huwag ring pakatiyak sa iyong plano.
Maraming bagay sa mundo na sa unang malas ay parang walang Sagittarius (Nobyembre 22 – Disyembre 21)
kinalaman sa malalaking bagay na nagaganap sa buhay. Bisitahin May ipagtatapat sa iyo ang iyong girlfriend. Kung ikaw ay
ngayong Linggo ang iyong mga anak. Bisitahin mo rin ang mabibigla, huwag na huwag mo siyang sasampalin, huwag na
puntod ng dati mong asawa. Humingi ka sa kaniya ng huwag mo siyang sasaktan. Kung hindi mo kayang tanggapin
kaliwanagan. ang sasabihin niya sa iyo, huwag matakot maglakbay, lalo na sa
loob ng sarili. Tandaan mong puwedeng maging portable ang
Virgo (Agosto 23 – Setyembre 22) identidad. Bata ka pa at marami ka pang puwedeng gawin, mga
Ipagtapat mo sa iyong boyfriend ang pagtatapat sa iyo ng bagay na magpapasariwa sa mga bagay na hindi mo gusto tulad
dati mong teacher. Karapatan niyang malaman iyon nang sa ng iyong grades.
gayon ay mapag-isipan rin niya kung ano ang kaniyang gagawin.
Ngayon mo masusubok ang katatagan ng kasalukuyan mong Capricorn (Disyembre 22 – Enero 19)
boyfriend. Pero huwag na huwag mong sinusubok ang Pakatandaan mo ang sinabi niya sa iyo kagabi habang
karelasyon. Hindi pagsubok ang relasyon. tumutugtog ang isang payapang musika, na hindi iisa ang hugis
ng pag-ibig. Matalino ka, alam mo ang ibig sabihin niyon, kahit
Libra (Setyembre 23 – Oktubre 23) hindi ka tiyak kung anong hugis ng pag-ibig ang inyong binubuo.
Maiintindihan ka rin ng dati mong boyfriend. Huwag mo Aasenso ka pa sa iyong propesyon, kaya’t maaari mo na ring
nang masyadong pag-isipan iyon. Marami pang pagkakataon taasan ang allowance na ibinibigay mo sa iyong nakababatang
para makapag-usap kayo nito nang masinsinan. Higit mong kapatid, kahit hindi tumataas ang kaniyang mga grades.
intindihin ang bago mong girlfriend. Mabuway pa ang inyong
relasyon. Kailangan pa itong patatagin. Tulad ng baroque music L INGGO
na pinakinggan ninyo kagabi sa bago mong CD, maglaan ng
sapat na oras para sa mga tahimik na pagkakataon. Huwag [Bawal manghula kapag Linggo. Araw ng Diyos. — Ed.]
matakot masaktan. Kung saka-sakaling ikaw ay masasaktan sa
iyong bagong relasyon, hindi niya sinasadyang ikaw ay saktan.
Hindi siya marunong manakit ng tao.

332 H U L A G P O S

You might also like