Kalikasan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

NAME: Shaira J.

Agad FIL102-Cc2

KALIKASAN

Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa ating Panginoon. Dito nanggagaling lahat ng bagay na
ating ikanabubuhay. Ito ay maganda at kapakipakinabang. Mula sa pagkain, tirahan, gamot at
marami pang iba. Dito rin nanggagaling ang ating kaalaman na dahil sa kuryosidad sa
napakahiwagang nilikha ng Diyos, nasusubok natin ang hangganan ng ating kaalaman. Dito sa
ating bansa, napakataas ng ating biodiversity. Marami tayong mga hotspots na tinatawag na
mapapakinabangan natin para lumago at lumawak ang turismo sa ating bansa. Mayaman din
tayo sa likas na yaman. Ang ilang sa mga ito ay hindi pa natin alam kung paano gagamitin at ang
ilan ay di pa natin natutulakasan. Ang kakulangan natin ng kaalaman sa kahalagahan ng
kalikasan, abusadong paggamit nito at walang disiplina at limitasyon pagpapatayo ng mga
inprastraktura, maling paraan pagtatapon ng basura, mali paraan ng pangingisda ang naging
dahilan kung bakit nagkakaroon ng di inaasahang mga sakuna. Halos taon-taon tayong
nakakaranas ng matinding pagbaha, landslide, phenomena at pagbabago ng klima.Tayong mga
mamamayan at lahat ng nabubuhay dito sa mundo ang naaapektuhan ng mga sakuna at hindi
magandang pagbabagong ito.

Nararapat lamang na pangalagaan ang ating mga likas na yaman sapagkat dito tayo kumukuha
ng ating mga pangangailangan sa ating pamumuhay at dito rin nakasalalay ang ating kaligtasan.
Huwag na nating antayin pa na mailagay sa panganib ang buhay natin, at magkaroon ng
realisasyon sa kahalagahan ng kalikasan. Simulan natin sa ating sarili, sa sariling bakuran at sa
maliit na komunidad. It will make a difference. Kumilos na tayo habang pwede pa nating isalba
at maenjoy ang biyayang binigay sa atin ng Panginoon. Madalas nating magamit ang salitang
kalikasan tulad na lang pag tayo ay sinasamaan ng tiyan, nasasabi natin na “ako ay tinatawag ng
kalikasan”. Sa mga taong hindi kaagad makakaintindi ng ibig sabihin non ay aakalaing tao ang
kalikasan. Pero hindi nila alam na ang kalikasan ay ang ating ginagalawan. Ang kalikasan ay
madalas na nababalita sa atin dahil ito ay may mabuti at masamang naidudulot sa atin depende
sa ating pangangalaga. Mararapat nating pangalagaan ang ating kalikasan sapagkat itoy biyaya
ng diyos. Huwag nating pabayaang masira ang ating kalikasan dahil ito ay ating yaman at
maaaring magkaroon ng hindi tamang pagkabalanse sa atin na pwedeng magdulot ng panganib.

Sa panahon ngayon kitang- kita at damang- dama natin ang lupit ng kalikasan. Buhay ang
sinisingil sa atin pag itoy gumanti. Bagyon,pagguho ng lupa,lindol at pabago bago ng klima ay
ilan lamang bunga ng ating pagpapakabaya sa kalikasan. Tulad na lamang ng bagyong Ondoy,
ang daming buhay at ari-arian ang nasira niya. Halos burahin ang Pilipinas sa mapa. Hanggang
ngayon ay bakas na bakas pa rin ang kaniyang ginawa. Landslide na binabaon ng buhay ang
tao,na para kang inilibing ng buhay. Pabago pabago ng klima na nagdudulot ng sakit hanggang
sa mahantong sa kamatayan at nakakaapekto rin sa ting mga pananim na nagbubunga ng
kakapusan ng pagkain hanggang sa magmahalan ang mga ito. Lindol na kumikitil ng buhay at ari
arian. Sa makatuwid hindi biro pag nagalit ang kalikasan. Dapat tayong kumilos upang maayos
natin ang mga suliranin sa usaping kalikasan. Magtanim tayo ng mga puno upang mabawasan
ang pagbaha at mga “landslide” na maaring mangyari sa mga kalbong kabundukan at para na rin
mabawasan ang init ng ating mundo o maiwasan ang “global warming”. Iwasan din nating
magtapon ng basura sa mga yamang tubig upang makaiwas sa pagkamatay ng mga isda. At para
rin hindi dumumi o mamatay ang yamang tubig. Huwag din gumamit ng mga dinamita sa
pangingisda nang hindi masira ang ating mga koral na bato. Iyan lamang ang mga ilang
halimbawa upang makaiwas sa mga delubyong kayang ibigay ng kalikasan. Pangalagaan natin
ang kalikasan sapagkat dito rin nanggagaling ang ating mga pangangailangan lalo’t higit ang
hangin na ating inihihinga. Sa tulong ng mga ahensya ng pamahalaan mas mapapadali ang
pagsagip sa ating inang kalikasan. Makakatulong rin ito sa mga susunod pang henerasyon,
sana’y masaksihan pa nila ang tunay na kagandahan ng ating minamahal na kapaligiran. At sa
ganitong pamamaraan matutulungan din natin na magising mula sa matagal na pagkakahimlay
ang ating bansang Pilipinas.

You might also like