Professional Documents
Culture Documents
Noli Me Tangere
Noli Me Tangere
Sa pamamagitan ng mga karakter tulad ni Ibarra, Maria Clara, Elias, Sisa, at marami pang
iba, ipinapakita ng nobela ang mga paghihirap, pangarap, at pagnanais ng mga Pilipino
para sa katarungan at kalayaan. Ang "Noli Me Tangere" ay hindi lamang isang kuwento
ng pag-ibig at paghihiganti, kundi isang mapanlikha at makabuluhang pagsasalaysay ng
mga suliranin at hamon ng lipunan sa panahon ng kolonyalismong Kastila.
Scene 1: Ang Pagtitipon
Narrator: Nagtipon ang mga mamamayan upang mag-celebrate ng San Diego fiesta. Nahahati
ang bulwagan ng bahay sa dalawa. sa isang banda, naroon ang mga kalalakihan at kababaihan.
Nagkakasayahan sila habang nagpapalitan ng mga kuro-kuro at biruan. Sa isang banda ay makikita
sina Padre Damaso,ang dating kura ng San Diego, si Padre Sibyla na kura ng Binundok, si Ginoong
Laruja, at si Tinyente Guevarra. Kumpara sa mas maraming mga nasa kabilang banda, mas maingay
pa ang usapan ng apat na nabanggit. Pinakamaingay sa kanila
P. Damaso: Tshh...Nakayayamot ang bansang ito! Halatang iba ang pamamahala dito kumpara sa
pamamahala sa
Madrid! Ang masama pa, puro mga Indio ang nakatira! Ayoko talaga sa mga Indio! Dalawampung
taon akong nagsilbi at
nagtiis sa pagdidildil ng kanin at saging sa bayan ng San Diego bilang Kura Paroko. Ngunit nang
umalis ako ay iilang
matatanda at hermanos terceros lamang ang naghatid sa akin! Mga walang utang na loob.
G. Laruja: Magdahan-dahan kayo Padre Damaso, pagkat nasa ilalim tayo ng bubong ng isang Indio!
P. Damaso: Hmp! Huwag kayong mag-alala. Matagal nang hindi itinuturing ni Tiago ang sarili niya
bilang Indio.
G. Laruja: Sigurado naman hong hindi naman kasing-saklap ng nangyari sa inyo ang sa amin.
P. Damaso: Naku! Sigurado akong nagsayang ka lamang ng pera sa pagpunta rito. Wala kang ibang
kakainin kundi tinola sa mga handaan at matutulog na hindi nasisiyahan.
Narrator: Natigilan ang lahat nang biglang dumating ang maybahay, si Kapitan Tiago, kasama ang
isang mukhang galling sa mahabang paglalakbay.
Kapitan Tiago: Mga ginoo, ikinalulugod kong ipakilala ang anak ng aking nasirang kaibigang si Don
Rafael.
Narrator: kabilang sa pagtitipon ay si Crisostomo Ibarra na bagong balik mula sa Europa. Si Ibarra ay
muling bumalik sa Pilipinas matapos ang maraming taon ng pag-aaral sa Europa. Sa pagtitipon,
ipinakilala niya ang kanyang mga plano para sa pag-unlad ng kanyang bayan. Ito ay isang pagkakataon
para sa mga karakter na magpakilala sa isa't isa at magtulungan sa mga planong pangkomunidad .
Tinyente Guevarra: (bubulong kay G. Laruja) Sino kaya ang bisitang kasama ni Don Santiago?
Kapitan Tiago: Siya ay si Juan Crisostomo Ibarra. Galing siya ng Europa. Sinundo ko siya mula sa
kanyang paglalakbay.
Ibarra: ikinalulugod ko po kayong lahat na makiklala. Aba, Padre Damaso, ang kura ng San Diego.
ikinagagalak ko pong makitang muli ang isang matalik na kaibigan ng aking ama. (waring
makikipagkamay) Uhh, mukhang nagkakamali ako. Patawad ho, Reverencia.
P. Damaso: Hindi ka nagkakamali, hijo. Ngunit hindi ko kailanman naging matalik na kaibigan ang
iyong ama.
T. Guevarra: Kung gayon ay ikaw pala ang anak ng nasirang si Don Rafael Ibarra.
T. Guevarra: Isang mabait na tao ang iyong ama. Nakilala ko at malimit kong makasama ang inyong
ama at masasabi kong isa siya sa mga kagalang-galang at matapat na mamamayan ng Pilipinas.
Ibarra: Maraming salamat po. Pinawi ng mga papuri ninyo sa aking ama ang mga duda ko tungkol sa
nangyari sa kanya, gayong ako na kanyang anak ay walang kaalam-alam.
Ibarra: Marapatin ninyong gayahin ko ang tradisyon sa Alemanya na pagpapakilala ng bisita kung
wala siyang kakilala. ikinagagalak ko kayong makilala, ako si Juan Crisostomo Ibarra.
Ibarra: (ngingiti at matatawa) Kahit na magaganda ang mga taga-Europa ay wala pa ring tatalo sa
ganda ng mga
kababaihan sa ating bansa. Narrator: Si Ibarra’y lumalakad na di batid kung saan siya patututungo.
Sa mahinang lakad ay narating niya ang Liwasan
ng Binundok. Nagpatuloy siya sa daang Sakristiya, naroon ang mga Intsik na nagtitinda ng sorbetes
at mga babaeng nagbibili ng punungkahoy
Ibarra: (Sa sarili) Diyos ko, sa gabing ito’y parang pangarap lamang ang pitong taon ko sa Espanya.
Narrator: Naramdaman niya ang dantay ng isang magaang kamay sa kanyang balikat. Namalas niya
ang tinyentengnakangiti.
T. Guevarra: Binata, mag-iingat ka sa mga lihim ninyong kaaway. Ang nangyari sa inyong ama ay
dapat maging isang aralsa inyo.
Ibarra: Ipagpatawad ninyo sa wari ko’y naging mahal sa inyo ang aking ama. Ngunit sa aking
pagkakabatid ay wala ako o kahit ang aking ama na mga lihim na kaaway.
T. Guevarra: Madalas ang sobrang kapanatagan ay nagdadalasa atin sa ilang kapahamakan. (tumigil
at nagmuni-muni bago sumagot ulit) Hanggang sa huling hininga ng inyong amang si Don Rafael ay
hindi siya makapaniwala na mayroon pala siyang nagtatagong mga kaaway.
Ibarra: (maluha-luha) Ngayon ay alam ko na ang dahilan kung bakit si Kapitan Tiago ay nag-
aalangan na magsabi sa akin ng mga nangyari sa aking ama. Ngunit bakit siya nakulong sa piitan?
Ano ang naging kasalanan niya?
T. Guevarra: Ang tanging kasalanan niya ay dahil siya ang pinakamayamang tao sa buong San Diego.
Ngunit huwag kayong mag-alala. Ang mabulok sa bilangguan sa bansang ito ay maituturing na
kabayanihan.
M. Clara: (silip ng silip sa bintana) Mahabaging Panginoon, tanghali na. Ano kaya ang dahilan ng
kanyang pagkahuli?
Narrator: Ang kanyang pagkainip ay napawi nang may kalesang pumara sa tapat ng kanilang
tahanan.
Ibarra: (bumaba ng kalesa) Magandang araw po, Tiya Isabel. Nais ko po sanang makausap si Maria
Clara.
T. Isabel: Ay, nandyan siya sa loob. Halika, tuloy ka. (ituturo kay Ibarra ang daan)
K. Tiago: Como estas, Ibarra. Salamat naman at dumalaw kang muli sa aming tahanan.
Ibarra: Magandang tanghali, Don Tiago. Nais ko lang po sanang makausap ang inyong anak.
K. Tiago: Aba’y sige. Clarita! Nais kang makausap ni Ibarra! Isabel, sunduin mo siya sa kwarto at
malamang ay nag-aayos
iyon o nahihiya. (susunduin ni T. Isabel si Maria Clara sa kwarto) Oh, ayan na siya. Maaari na kayong
mag-usap sa asotea.
Ibarra: Maswuerte ako at naipagkasundo tayo ng ating mga magulang upang ikasal. Dahil kung hindi
ay hindi na ako
Maria Clara: (may dalang pamaypay at binubukas-sara iyon) Napakatamis ng iyong dila, Crisostomo.
Siguro’y dahil diyan ay nabihag mo ang maraming kababaihan sa mga bansang iyong napuntahan.
Ibarra: Isa nang magandang obra ng Diyos ang aking sinisinta. Bakit pa ba ako hahanap ng iba?
Maria Clara: (nagtakip ng bibig ng pamaypay) Sinungaling. Hindi ako makapaniniwalang sinasara mo
ang iyong mata pagdating sa ganda ng ibang dilag sa Europa.
Ibarra: Ang kagandahan ay nasa panlasa ng tao. Ito ay naroroon sa taong sumusuri ng kagandahan.
At mula sa aking puso, sinsasabi ko sayong ikaw ang aking pinaka-iniibig. (tumigil ng saglit) Patawad
aking sinta, ngunit kailangan ko nang lisanin ang iyong piling. Bukas ay Todos Los Santos, kaya’t
kailangan kong puntahan ang isang tao doon upang tulungan ako bukas.
K. Tiago: Paano mo nalaman iyon? Hindi ka pa naman nakaranas na umibig hindi ba? (tatawa)
T. Isabel: Hay naku, Tiago. Ako’y tigil-tigilan mo nga. Hindi ako manhid sa mga dating manliligaw.
(tatawa rin)
K. Tiago: Clarita, kung ikaw ay nababagabag, magtulos ka ng kandila para kay San Roque at San
Rafael. paniguradong
Narrator: Kinaumagahan, aalis sina Tiya Isabel at Maria Clara, nang makasalubong nila si Padre
Damaso na papunta ng kanilang bahay.
P. Damaso: Magandang umaga rin Isabel, Maria Clara. Mukhang may pupuntahan kayo, ah. Saan ang
inyong tungo?
Maria Clara: Pupunta kami ng Beateryo, padre. Kukunin ko lamang ang aking mga natirang gamit
doon.
P. Damaso: Sige. O bueno, kakausapin ko lamang ang iyong ama. (aantandaan ng krus ang dalawa)
Nawa’y ligtas kayong makapaglakbay.
Narrator: Nang umalis na ang dalawa, pumanhik na ng hagdan ang pari habang mukahang may
iniisip.
P. Damaso: May gusto akong sabihin sayong importante. Doon tayo sa lugar na hindi tayo maririnig.
P. Damaso: Tandaan mo nang mabuti ang mga sinabi ko sa iyo, Santiago. Iniisip ko lamang ang
inyong kapakanan.
Narrator: Sa pagkabagabag ni Kapitan Tiago ay pinatay niya ang pinasindi niyang kandila kahapon
kay Maria Clara.
P. Damaso: Bueno, aalis na ako. (bubulong) Sinabi na nga ba at ang kahilingan ko rin ang
masusunod.
Narrator: Dahil sa Todos Los Santos noong araw na iyon, ang sementeryo ng bayan ng San Diego ay
nabuhay muli dahilsa pagdagsa ng mga tao. pumunta rin si Ibarra para bisitahin ang puntod ng ama
utusan: Mawalang-galang na po. Alam po ba ninyo kung nasaan na ang malaking krus sa puntod na
iyon na may pangalang “Don Rafael Ibarra”?
Sepulturero: Ahh. Yung krus sa puntod na may mga bulaklak? Sinunog ko na.
Utusan&Ibarra: Sinunog?!
Ibarra: Kung gayon ay bakit hinukay ang bangkay ng aking papa? Saan mo dinala ang bangkay
niya?!
Sepulturero: (nanginginig na sa takot) H-hindi po. Mabigat noon ang bangkay at napakalakas ng
ulan. Kaya inilagak ko muna sa ilog ang bangkay niya. Patawad po, Señor.
Narrator: Sa sobrang sakit ng nadama para sa ama ayt hindi na napigilan pa ni Ibarra ang damdamin.
Nang hindi na niya kaya, ay mabilis siyang tumalikod at umalis. Sa kanyang daan pauwi ay
nakasalubong niya ang kura ng San Diego, si Padre Salvi. Tiningnan siya ng masama ni Ibarra, hinila
ang kanyang suot na sutana at kinausap.
Ibarra: Ikaw! Ikaw ba ang gumawa ng ganoong kalapastanganan sa aking ama? Ikaw ba?! Sumagot
ka!
P. Salvi: Kung anuman iyon, sinasabi ko sa iyo ngayon pa lamang na wala akong alam tungkol sa
sinasabi mo.
P. Salvi: Sigurado akong hindi ako ang iyong hinahanap, kundi ang pinalitan kong kura na si Padre
Damaso.
Crispin: Magpahinga naman tayo, Kaka. Kanina pa tayo nakatayo at nagpapatunog ng kampana.
(tunog ng batingaw)
Crispin: Bayaran mo na kaya yung sinabi nila na ninakaw ko na ginto sa simbahan? Sige na, para
hindi na sila manggulo at
maka-uwi na ako.
Basilio: Naku, Crispin! Dalawang multa na ang inabot ko sa Sakristan Mayor. At ang sinasabi nilang
ninakaw mo ay
dalawang onsa ng ginto. Tatlumpu’t dalawang reales iyon! Kumbaga’y tatlumpu’t dalawang kamay.
Hindi sasapat ang
Crispin: Natatakot na kasi ako, eh. Napakasama kasi ng Kura at lalo na ng Sakristan Mayor.
Napakasinungaling nilang
lahat. umuwi ka na lang ngayon, Kaka. Sabihan mo si Inang na ayaw na nating mag-sakristan. alam
ko naming
paniniwalaan ka ni Inang kaya ikaw na lang ang magsabi sa kanya. Sabihin mo sa Inang na may sakit
ako. Kaya hindi ako
maka-uwi.
Narrator: At dumating ang itinuturing nilang berdugo ng simbahan: ang Sakristan Mayor.
Sakristan Mayor: Mga pasaway na bata! Kahit kalian kayo, wala na kayong magawang tama sa
simbahan! Ikaw Basilio!
Magmumulta ka ng dalawang reales dahil sa hindi magandang tunog ng kampana! Hindi ka rin uuwi
ng alas-otso kundi
alas-diyes na ng gabi!
Sakristan Mayor: Wala akong pakialam! Sasagot ka pa? (aambang sasampalin si Basilio) At ikaw
Crispin! Hindi ka uuwi
hangga’t hindi mo inilalabas ang dalawang onsang gintong ninakaw mo! Kahit kailan mga wala
kayong galang! Pati
Crispin: Hindi ko naman poi yon ninakaw eh. Wala po akong ninakaw na kahit ano.
Sakristan Mayor: At sumasagot ka pa? Ito ang sa iyo! (pinagsusuntok at kakaladkarin na si Crispin)
Basilio: Crispin!
Narrator: Wala nang nagawa pa si Basilio para sa kapatid. Tanging mga hambalos, impit na sigaw, at
daing na lamang ang
buong simbahan. Kaya’t kinalag niya ang tali ng batingaw upang makapadausdos siya mula sa
bintana ng kampanaryo.
May maririnig na dalawang putok ng baril sa lansangan, ngunit walang sinuman ang pumansin.
Narrator: Samantala, sa labas ng bayan ay makikita ang maliit na dampa nina Sisa, ang ina nina
Basilio at Crispin. Masaya siyang nagluluto ng tuyong tawilis, tapang baboy-ramo, at isang hita ng
patong-bundok na nahingi niya kay Pilosopo Tasyo. Nagsaing din siya ng maputing kanin at namitas
ng kamatis sa kanyang bakuran upang gawing sawsawan.
Sisa: Naku! Sigurado akong matutuwa ang mga anak ko sa inihanda kong ulam. Nakikita ko nang
gutom na gutom sina
Crispin at Basilio mula sa simbahan. Siguradong magugustuhan ni Crispin ang tuyong tawilis na
pinakapaborito niya habang pinipigaan ng kamatis! At, buti na lang nakahingi ako kay Pilosopo
Tasyo ng tapang baboy-ramo at hita ng patong bundok. Siguradong maglalaway si Basilio kapag
nakita ito!
Narrator: Habang naghahanda si Sisa ay siya naming pagdating ng kanyang asawa, si Pedro.
Pedro: Nagugutom ako, Sisa. Aba, ang sarap ng hinain mo ah. Matikman nga.
Narrator: Bago pa matapos ni Sisa ang sinsasabi ay nakain na ng kanyang sugapang asawa ang ulam.
Pakiramdam niya ay siya ang kinakain nito. Wala na lang siyang magawa kundi ang pigilan ang luha.
Sisa: Hindi mo man lang hihintayin ang pagdating ng mga anak mo? Alam ko ay susweldo si Basilio
ngayong araw.
Pedro: Ah, ganun ba? Ipagtabi mo ako ng isang reales. Sige na at baka mahuli ako sa sultada ng
tinali ko.
Narrator: Wala nang nagawa pa si Sisa. Sobra ang kalungkutan niya kaya’t pinasaya na lamang niya
ang sarili sa pagkanta. Nagluto na lamang siya ng natirang tatlo pang tawilis at tiniis ang kanyang
gutom, dahil alam niyang hindi na kakasya pa ang ulam sa tatlong katao. Nagulat na lamang siya
dahil sa sumunod na nangyari. Dumating si Basilio na humahangos.
Nagsimula ang eksena sa bahay nina Sisa at Basilio. Sa gitna ng gabi, nang marinig ni Sisa ang
tigil na humahangos na tinig ni Basilio, nanginginig siya sa takot. Agad niyang napansin ang
dugo sa mukha ng kanyang anak.
Basilio: (Tatango) Oo, Inang. Salamat at buhay siya. Ngunit ako po'y dumanak ng dugo.
Sisa: (Nag-aalala) Bakit ka duguan? Anak...
Basilio: Tumakas po ako sa kumbento. Pinauwi lang ako ng Sakristan Mayor ngayong gabi.
Basilio: Pinarusahan po siya ng Sakristan Mayor dahil nagnakaw daw siya ng dalawang onsa ng
ginto. Hindi naman siya nagnakaw talaga, ngunit hindi daw siya pauuwiin hanggang hindi niya
daw iyon ibinabalik.
Sisa: Mahabaging panginoon, kawawa naman ang aking bunso. Hindi naman ganoong tao ang
anak ko. Hayaan mo anak at kakausapin ko ang kura bukas. Dadalhan ko siya ng gulay bukas at
hihilingin ang kalayaan ng iyong kapatid. Matulog ka na at huwag mo nang isipin pa iyon.
Narrator: Sa pag-aalaga ni Sisa sa sugat ng anak, ipinakita niya ang kanyang pagmamahal at
pangangalaga. Ipinagtanggol ni Basilio ang sarili mula sa mga pang-aabusong natanggap niya
sa kumbento, at nagpakita ng determinasyon na protektahan ang kanyang kapatid. Natulog na
ang mag-ina sa kanilang papag. Naglalaro pa rin sa isipan ni Basilio ang sinapit ni Crispin sa
sulok ng kumbento habang takot na takot. Umuukilkil sa isipan niya ang mga daing at sigaw ni
Crispin habang wala siyang magawa dahil sa sariling takot.
Sisa: Si Basilio ho ay nasa bahay ngunit si Crispin ay naiwan dito. Ibig ko sanang makita...
Kusinera: Naiwan nga ngunit tumakas din pagkatapos magnakaw ng maraming bagay. Baka nga
hinahanap na siya ng mga guardia civil sa inyo, eh. Alam mo, napakabuti mong asawa ngunit
masasama naman ang mga anak mo tulad ng kanilang ama. Lalo na yung maliit? Naku! Baka
higitan pa niya ang ama niya.
Narrator: Tumatakbo na si Sisa dahil sa takot na mahuli ang kanyang mga anak dahil sa
kasalanang hindi nila ginawa. Sa kalituhan ay halos madapa-dapa siya sa daan.
Sisa: Opo, ako si Sisa. Ngunit hindi mga magnanakaw ang aking mga anak.
GC2: Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Ilabas mo ang iyong mga anak! Nakatakas ang
nakatatandang anak mo. Nasaan yung mas bata?
GC 1: Kung gayon ay ikaw ang isasama naming. Hindi ka makalalabas ng kwartel habang hindi
mo itinuturo ang mga anak mo!
Narrator: Dinala na ng mga guardia civil ang kaawa-awang si Sisa sa kuwartel ng mga guardia
civil. Doon siya ikinulong habang hindi niya itinuturo ang mga anak.
Narrator: Mabilis na tumakbo papalayo ng kuwartel si Sisa habang umiiyak. Gula-gulanit na ang
kanyang damit dahil sa pangit na kondisyon sa kulungan. Hindi na ininda ni Sisa ang nangyari sa
kanya, bagkus ay hinanap na lamang niya ang kanyang mga anak. Nagpunta siya sa kanilang
dampa upang tingnan kung nandoon si Basilio.
Sisa: (nasa dampa, sumisigaw) Basilio! Crispin! Mga anak ko! Nasaan na kayo?
Basilio: (hinahanap ang ina sa lansangan) Inang! Inang! Nasaan na kayo, Inang? Inang!
Narrator: Pumunta si Sisa sa bahay ni Pilosopo Tasyo, ngunit wala siyang nadatnang tao.
Sisa: Basilio! Crispin! Mga anak ko! Nandyan ba kayo? Tandang Tasyo! Andyan ho ba ang mga
anak ko? Wala atang tao.
Basilio: Inang! Inang! Nandyan ba kayo, Inang? Inang! (sumilip sa bangin malapit sa bahay)
GC 3: Hoy! Ikaw yung hinahanap naming bata ah. Huwag kang gagawa ng masama!
Narrator: Sa takot ni Basilio ay napatakbo siya at di sinasadyang napunit ang tela ng kanyang
damit na may bahid na ng
dugo at nasabit sa sanga ng isang malagong halaman malapit sa bangin. Nakarinig si Sisa ng
putok ng baril mula sa kanilang bahay kaya’t pinuntahan niya iyon.
Sisa: Diyos ko po! Mga anak ko! Crispin, Basilio? Basilio? Basilio! Damit ito ni Basilio! May dugo.
Mapula. (tatawa at ngingiti) Damit ni Basilio may dugo! (tatawa ng malakas)
Maria Clara: Pakiwari ko’y binabantayan niya ang lahat ng kilos ko. Natatakot ako sa kanyang
mga tingin. Kinikilabutan ako sa tinig niya na waring napakahiwaga. Madalas ay hindi ko
maunawaan ang kanyang mga sinasabi. Itinatanong niya sa akin kung hindi ko raw ba
napapanaginipan ang sulat at ang aking ina. Maging sina Sinang at Andeng ay nakababalitang
hindi raw masyadong kumakain ang kura at tila napapabayaan ang sarili. (takot)
Ibarra: Ngunit hindi maaaring hindi natin siya kumbidahin. May kaugalian tayo dito. At isa pa’y
narito na siya.
Narrator: Papunta si Padre Salvi kina Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Napipilitan ang ngiti nito.
Padre Salvi: Malamig ang hangin dito sa labas, baka kayo magkasakit. Hindi ba kayo natatakot
magkasakit o magkasipon?
Ibarra: Isang kasiyahan sa bukid ang inihanda naming ang aking mga kaibigan. Maaari po ba
kayong dumalo?
Ibarra: Sa may batis po sa gubat idaraos, malapit sa puno ng balite. Iyo po ang napiling lugar ng
mga dalaga.
Padre Salvi: Para patunayan na ako’y walang sama ng loob sa iyo dahil sa nangyari, malugod
kong tinatanggap ang iyong paanyaya.
Ibarra: Maria Clara, aalis na ako. Magkita nalang tayo bukas. Padre Salvi mauna na po ako sa
inyo.
Narrator: Isang lalaki ang sumalubong kay Ibarra habang siya’y naglalakad.
Lalaki: Hindi po ninyo ako nakikilala, ginoong Crisostomo. Subalit may dalawang araw ko ng
hinihintay ang iyong pagdating ditto sa bayan ng San Diego.
Lalaki: Tinatawag nila akong tulisan kaya’t wala isa mang nagnanais tumulong sa akin. Nawawala
po ang aking mga anak
Ibarra: Sumabay kayo sa akin sa paglalakad at saka ninyo sabihin ang inyong pakay.
Utusan: Hindi po siya nagpakilala, pero ang sabi niya ay kilala mo daw siya.
Ibarra: Elias! Tuloy ka. Hindi ko inaakala na ikaw ang darating. Tara mag-usap tayo.
Elias: Patawad, Señor. Pero dapat talaga ay mag-ingat na kayo. Marami kayong lihim na kaaway!
Elias: Marami pa silang mga nagtatago sa likod ng mga nakangiting mukha at mabait na
katauhan. Isa na ang taong madilaw kanina sa kanila. Hindi lamang po ako sigurado sa iba sa
kanila. Upang hindi kayo mapahamak, kailangang hindi malaman ng inyong kaaway na kayo’y
handa. Mas mabuti kung makikita ng inyong kaaway na kayo’y hindi nag-iingat at kayo’y
nagtitiwala sa lahat.
Ibarra: Ikinalulungkot ko lamang ang pagkamatay ng taong iyon kanina. Kung nabuhay siya ay
malamang napakinabangan natin siya upang matunton ang iba ko pang kaaway.
Elias: (napangiti) Patawad, Don Ibarra ngunit nagkakamali kayo. Sa galit niya, kung siya’y buhay,
ay magtatago na lamang siya mula sa baluktot nating pamahalaan. Ngunit mukhang nilalayon
ng Diyos ang mamatay siya. Sana ay lagi ninyong paghandaan ang bawat sandali dahil
paniguradong naghahanda rin sila upang mapuksa ka. Bueno, Señor. Aalis na ako. Maraming
salamat po.
Ibarra: Ako ang dapat magpasalamat dahil niligtas mo ang aking buhay. Magkikita pa ba tayo
ulit?
Elias: Oo naman, Señor. Kahit kalian ninyo naisin at kahit kalian ninyo ako kailangan. May
pagkakautang pa ako sa inyo,
at alam kong hindi sapat ang aking ginawa upang mabayaran iyon.
JCI: (Naghahanap ng mga kakilala sa bayan) Marahil ay maaari ko nang hanapin si Elias. Siya ang
aking kaibigan mula pa noong kabataan.
JCI: (Nagulat ngunit tuwang-tuwa) Elias! Mabuti naman. Ikaw, kamusta na ang iyong buhay dito sa
bayan?
Elias: (Nagtatago ng kalungkutan) Hindi gaanong maganda, Juan. Nararanasan pa rin namin ang
hirap at katiwalian.
Elias: (Mapait na ngiti) Ganun pa rin, Juan. Subalit hindi ako nawawalan ng pag-asa. Alam kong may
pag-asa pa para sa ating bayan.
JCI: (Nagbibigay ng pangako) Ako rin, Elias. Hindi ko hahayaang magpatuloy ang katiwalian at abuso
sa ating lipunan.
(Sa pag-uusap ng dalawa, ipinakita nila ang kanilang determinasyon na labanan ang katiwalian at
abuso sa lipunan.)
Basilio: Batikan mo ng maigi ang lubid Crispin, baka sabihin ng sakristan-mayor na tinatamad tayo.
Crispin: Eh paano kuya eh nanghihina na ako.
Basilio: Halika umupo muna tayo.(Umupo ang dalawa)
Crispin: Magkano ba ang sasahurin mo ngayon kuya?
Basilio:Dalawang piso lang…
Crispin: Kuya pewde mo bang bayaran ang sinasabi nilang ninakaw ko?
Basilio: Naloloko ka na ba, ano naman kaya ang ipangbibili nating pagkainkay Inay?( Tumalikod si
Crispin at umiyak)
Basilio: Tahana na. Di ba sabi ni Mang Tasyo sa atin na may masarap dawtayong hapunan.
Crispin: Hindi pa ako na nananghalian. Hindi daw ako pwedeng umalishanggang sa hindi ko
ibinabalik ang dalawang onsa na ninakaw ko daw.Pero hindi naman talaga ako nagnakaw kundi ang
sacristan mayor.
Basilio: Ano?!
Crispin: (Lumingon kay Basilio) Hindi ba siya ang laging pumupunta sa silidng kura.(Biglang
dumating ang Sakristan Mayor)
Sakristan Mayor: Ano ka mo?!(Nagulat ang dalawang bata sa pagdating ng Sakristan Mayor.
Tumayosilang dalawa.)
Sakristan Mayor: Hoy Basilio, minumultahan kita ng kalahati sa hindi motamang pagtugtug at ikaw
Crispin, mananatili ka dito hanggang sa hindi mobinabalik ang ninakaw mo at halika sumama ka sa
akin.
Crispin: (Nagmamakaawa) Kuya, kuya tulungan mo ako!!! (Ipinagsanggala ni Basilio si Crispin kaya
nagalit ang sacristan Mayor)
Sakristan Mayor: (Sabay sampal kay Basilio) Makulit ka ah.(Natumba si Basilio. Dahil sa sakit hindi
niya na nagawang makatayo)
Crispin: Kuya!kuya!(Samantala, upang maaliw si Sisa sa paghihintay sa kanyang mga anak ay
manaka siyang umaawit hanggang sa…)
(Pagtuktuk ng pinto)
Basilio: Nay!Nay!(Patakbong pumunta sa pinto si Sisa at sa pagbukas ng pinto ay..)
Sisa: Basilio…
Narrator: Sa gitna ng gabi, nang marinig ni Sisa ang tigil na humahangos na tinig ni Basilio,
nanginginig siya sa takot. Agad niyang napansin ang dugo sa mukha ng kanyang anak.
Basilio: (Hinawakan ang dalawang siko ni Sisa. Umiiyak.) Nay…si Crispin po…
Sisa: Si Crispin?! Anong nangyari sa iyong kapatid?!
Basilio: Kinuha po ng sacristan mayor si Crispin…
Sisa: Bakit?!
Basilio: Sinasabi po kasi ng Sakristan Mayor na nagnakaw daw po siCrispin sa Kura. Hindi ko po
alam ngayon kung saan dinala ng SakristanMayor si Crispin.
Sisa: Diyos ko po, pinararatangan nilang magnanakaw si Crispin ko.(Hinawakan sa balikat) Hayaan
mo Basilio at makikiusap ako sa kurabukas. Halika at kumain ka muna.(Pumunta sila sa
mesa)Basilio: Nay, wala po akong gana.
Sisa: Alam kong hindi mo naibigan ang tuyo. Ipinaghanda ko kayo ngpagkain ngunit dumating ang
iyong Ama at inubos lahat.
Narrator: Sa pag-aalaga ni Sisa sa sugat ng anak, ipinakita niya ang kanyang pagmamahal at
pangangalaga. Ipinagtanggol ni Basilio ang sarili mula sa mga pang-aabusong natanggap niya
sa kumbento, at nagpakita ng determinasyon na protektahan ang kanyang kapatid. Natulog na
ang mag-ina sa kanilang papag. Naglalaro pa rin sa isipan ni Basilio ang sinapit ni Crispin sa
sulok ng kumbento habang takot na takot. Umuukilkil sa isipan niya ang mga daing at sigaw ni
Crispin habang wala siyang magawa dahil sa sariling takot.
Sisa: (Ibinaba ang hawak-hawak na bayong) Magandang umaga po,pwede ko po bang Makita
si Crispin.
Utusan: Huwag ka nang magkaila Sisa , matapos makapagnakaw anganak mo ay umalis siya
kaagad. Dahil dito ay inutusan akong ipagbigay-alam ‘to sa guardiya sibil. Marahil ay naroon na
sa inyo ang mga sibilupang dakpin ang anak mo.
Sisa: Ano ho?!(Nagmamadaling nilisan ni Sisa ang kausap)
Sisa; (Habang tumatakbo) Diyos ko, huwag mong pabayaan ang akingmga anak!
(Nang malapit na si Sisa sa kanilang tahanan ay nakasalubong niya angmga guardiya sibil)
Guardiya Sibil 1: Di ba ikaw si Sisa? Nasaan ang mga ninakaw ng anakmo?
Sisa: Ninakaw?! Wala po akong nalalaman sa mga sinabi ninyo.
Guardiya Sibil 2: Ganoon pala ah, hala sumama ka sa amin. Hindi kamakakalaya hanggang
hindi ibinabalik ang ninakaw ng mga anak mo!(Hinawakan ng mga guardiya sibil si Sisa sa siko)
Sisa: Huwag po…maawa naman po kayo sa akin…
*Sa kwartel(Itinulak ng guardiya sibil si Sisa papunta sa kulungan)
Guardiya Sibil 1: Mananatili ka dyaan hanggang hindi nagpapakita angmga anak mo!(Isinara
ng guardiya sibil ang kulungan)
*Makalipas ang ilang sandali…
Narrator: Binuksan ng guardiya sibil ang kulungan at nakita nyang nakaupo si Sisa, sya’y
lumapit kay sisa at
Guardiya Sibil 2: Sige, umalis ka na at baka magbagoang utos ng alperes!
Sisa: (Tumayo) Talaga po…
Guardiya Sibil 1: Oo sige na, at huwag mo palang kakalimutan na hanapinang mga anak mong
magnanakaw!
Sisa: (Mahina ang boses) Basilio, Crispin…
Narrator:Tumakbo ng mabilis palabas sa kulungan si Sisa at pumunta sa kanyang tahanan.
Sisa: Basilio! Crispin! mga anak ko nariyan na ba kayo?(Hinahanap ni Sisa ang kanyang mga
anak hanggang sa makita niya angkapirasong damit ni Basilio na may dugo. Dahan-dahan na
kinuha ni Sisaang kapirasong damit habang nanginginig ang kanyang kamay.)
Sisa: (Umiiyak na tumatawa) Kapirasong damit ni Basilio ko may dugo
…Oonga may dugo! He…he…he…mapulang dugo. La,la,la,la,la…may dugongmapula…dugo…
ha…ha…ha…dugo…
Narrator: pagkatpos ng pangyayari, umuwi sa kanilang tahanan si maria clara at nakita siya tia
Isabel habang umiiyak at nagtanong…
Tiya Isabel: Bakit ka umiiyak iha?
Maria Clara: (Umiiyak) Tiya Isabel, ginawa pong eskomulgado si Ibarra athanggang sa hindi
siya inaalisan nito ay pinagbabawalan po ako Ama namakipagkita sa kanya.
Tiya Isabel: Iha, hindi naman namatay si Padre Damasi kayanakasisigurado akong patatawarin
niya rin si Ibarra.
Maria Clara: Ewan ko Tiyang ngunit natitiyak kong may kinalaman si Padre Damaso sa
ginawang pagpapasiya ng Papa.(Biglang bumukas ang pinto)
Maria Clara: Papa…
Kapitan Tiyago: Ang pinangangambahan kong mangyari ay nangyari na,Isabel.
Tiya Isabel: Anong ibig mong sabihin?
Kapitan Tiyago: Iniutos sa akin ni Padre Damaso na sirain ang kasal ninaIbarra at Maria Clara.
Narrator: Nang marinig ito ni Maria Clara ay napaiyak siya)
Kapitan Tiyago: Taha na iha, sabi sa akin ni Padre Damaso ay mayipakikilala siyang binatang
kamag-anak at inilalaang katipan mo.
Tiya Isabel: Naloloko ka na ba?! Akala mo ban a parang pagpapalit lang ngdamit ang
pagpapalit ng kasintahan! Bakit hindi mo kasi kausapin ang arsobispo?!
Kapitan Tiyago: Isabel, kung ano ang sinasabi ng Praile ay iyon lamangang susundin ng
arsobispo.
Narrator: Makalipas ang ilang araw biglang dumating si Donya Victorina sa bahay ni kapian
tiago, kung saan sya ay bumisita kay maria clara at nagdala ng doctor upang tignan kung ano
ang kalagayan ng dalaga.
Donya Victorina: Kapitan Tiyago, nabalitaan kong nagkasakit si Maria Clarakaya idinala ko si
Dr. De Espadaña.
Kapitan Tiyago: Gracias Donya Victorina. Isabel, pwede mo bang samahansi Dr. De Espadaña
sa silid ni Maria Clara.
Tiya Isabel: O sige. Sumunod po kayo sa akin.
Narrator: Nang makaalis na ang dalawa ay…
Donya Victorina: Kapitan Tiyago, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo si Don Alfonso Linares,
ang inaanak ng isang kamag-anak ni Padre Damaso.
Kapitan Tiyago: (Makikipagkamay) Karangalan ko pong makilala kayo.
Linares: Gayun din po ako.
Narrator: habang sila naguusap ay biglang dumating si Padre Damaso at tila ba’y sobrang
pagaalala sa dalaga na si maria clara
Padre Damaso: Santiago, may sakit daw ang aking inaanak?!
Kapitan Tiyago: Opo Padre Damaso!
Narrator: Nang mapag-alaman ito ni Padre Damaso ay mabilis na tinungo niya ang silid ni
Maria Clara,Pagbukas ng pinto ni Padre Damaso, nakita niya na ginagamot na ang dalaga ng
doctor.
Padre Damaso: Maria Clara!(Lumapit si Padre Damaso kay Maria Clara)
Padre Damaso: Iha, maayos ka lang ba, magpahinga ka nang maayos ah,sigurado ako na
gagaling ka kaagad.
Maria Clara: (Malumanay na nagsalita) Opo…
Padre Damaso: Sige maiiwan mo na kita saglit, magpahinga ka lang ah.
Maria Clara: (Malumanay na nagsalita) Opo…
Padre Damaso: (Nalulungkot) Kaawa-awang bata…
Narrator:Nang lumabas si Padre Damaso ay lumapit si Linares
Padre Damaso: Sino ka?
Linares: Ako po si Linares, inaanak ng iyong bayaw na si Carlicos.
Padre Damaso: Ah, ikaw ba iyon…ikinagagalak kitang makilala.
Linares: Ito po ang sulat ng aking Ama at Ina
Padre Damaso: Hmmm…trabaho at asawa. Kung trabaho ay madali lang
at ang asawa ay…
Linares: Hindi pa naman po ako nagmamadali…
Padre Damaso: Ah! Alam ko na...halika iho at sumama ka sa akin. Isabel,pwede mo bang
ipabatid kay Maria Clara na may gusto akong ipakilala sakanyang panauhin.
Tiya Isabel: O sige po, Padre Damaso.(Binuksan ni Tiya Isabel ang pintuan sa silid ni Maria
Clara. Nilapitan niTiya Isabel si Maria Clara.)
Tiya Isabel: Iha…
Maria Clara: Tiya Isabel…
Tiya Isabel: May gusto daw ipakilala sa iyo si Padre Damaso.
Maria Clara: Sige po tiya papasukin mo po sila
Tiya Isabel: Maaari na po kayong pumasok Padre Damaso.
Padre Damaso: Halika iho, sumama ka sa akin.
Narrator: Pumasok ang dalawa sa silid ni Maria Clara
Padre Damaso: Iha, ikinagagalak kong ipakilala sa iyo si Don Alfonso Linares, isang kamag-
anak ko.
Linares: Hindi ko akalain na makakakita ako ng mala-anghel nakagandahan.
Padre Damaso: (Napangiti) Huwag kang mahiya iha, hindi siya iba sa akin.