Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

1

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Batang Pilipino Magalang Ako;
Alamin at Sundin Mo
Filipino – Unang Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Batang Pilipino Magalang Ako; Alamin at Sundin Mo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Leni Grail C. Pabuaya
Editor: Marlyn A. Publico
Tagasuri: Vicente A. Pines Jr., Rhenan H. Nisperos, Myleen C. Robiῆos
Ana Lorma A. Dahiroc
Tagaguhit: Rolando Durdas Jr.
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Dee D. Silva
Mary Jeanne B. Aldeguer Eduard C. Amoguis
Analiza C. Almazan Ernie M. Aguan/Marilyn E. Sumicad
Ma. Cielo D. Estrada Lourdes A. Navarro
Mary Jane M. Mejorada Marlyn A. Publico

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Davao del Norte


Office Address: Mankilam, Tagum City,
Davao del Norte, Region XI
Telefax: (084) 216 0188
E-mail Address: depeddavnor.lrmds@deped.gov.ph
1

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Batang Pilipino Magalang Ako;
Alamin at Sundin Mo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob
sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin
ang modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring
sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa
ang mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang
gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito.
Inaasahan namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay
mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at malalim na
pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya
mo yan!

ii
Aralin Batang Pilipino
1.1 Magalang Ako
Alamin Natin
Magandang araw mga bata! Sa modyul na ito ay
pag-aaralan natin ang mga magagalang na pananalita
sa angkop na sitwasyon at ang mga mensaheng nais
ipabatid ng nabasang pananda, patalastas, babala o
paalalang makikita sa ating paligid. Makatutulong ito sa
iyo bilang bata upang iyong mapagyaman ang iyong
pagkatuto at ang iyong pagkatao.

Kasanayang Pampagkatuto:

-Nagagamit ang magagalang na pananalita sa angkop


na sitwasyon tulad ng pagpapakilala ng sarili,
pagpapahayag ng sariling karanasan at pagbati
(F1WG-IIa-1); at

-Nasasabi ang mensaheng nais ipabatid ng nabasang


pananda patalastas babala o paalala
(F1PP-IIa-1).

1
Subukin Natin
Isulat ang salitang MAGALANG kung ang
pangungusap ay nagpapahiwatig ng paggalang at
HINDI MAGALANG kung hindi nagpapahiwatig ng
paggalang. Ilagay ang inyong sagot sa patlang bago
ang bilang.
_____________________1. Nanay, puwede po ba akong
maglaro sa labas ng bahay?
_____________________ 2. Ako si Vigo, ikaw anong
pangalan mo?
_____________________ 3. Magandang umaga po Maam!
_____________________ 4. Teacher, masaya po ako ngayon
kasi kaarawan ko po.
_____________________ 5. Hindi masarap ang niluto mo!
Ang pakla.

Aralin Natin
Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa
iba’t ibang paraan at sitwasyon. Sa kabuoan, ang
paggamit ng mga ito ay nagpapakita ng pagrespeto at
paggalang sa kausap.

Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong.


Batang Magalang
Ni: Leni Grail C. Pabuaya

Ang batang magalang ay dakila


Sa kilos at salita ay kahanga-hanga
Sa mga magulang
ipinagmamalaki siya
Maging sa lipunan siya’y kilala
Naging huwaran ng kabataang tulad niya

2
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ito sa
sagutang papel.

1. Ano ang pamagat ng tula?


2. Sa anong paraan ipinapakita ng batang magalang
ang kaniyang paggalang?
3. Paano ipinakita ng batang magalang ang kaniyang
kabutihan?

Gawin Natin
Kompletuhin ang mga pahayag sa pamamagitan
ng pagbibigay ng angkop na magagalang na
pananalita.
Halimbawa: “po,” “opo,” “hindi po”

1. Magandang gabi ___________________.


2. Kailan ______________ kayo dumating?
3. ____________________, nagkakamali po kayo.
4. Masaya ___________________ ba kayo?
5. _____________________,magbabakasyon po kami sa
Boracay.

Sanayin Natin
Basahin ang mga sitwasyon at sagutin ang tanong.

1. Isang umaga, nakita mo ang iyong guro sa


tindahan. Ano ang sasabihin mo?
2. Binigyan ka ng iyong kaklase ng biskwit. Ano ang
sasabihin mo sa kaniya?
3. Wala ka nang papel at kailangan niyo ito sa klase.
Ano ang sasabihin mo sa iyong kaklase upang ikaw
ay makahingi?
3
4. Nanalo ka sa isang patimpalak sa inyong paaralan.
Paano mo sasabihin ang iyong karanasan?
5. May bisita kayo sa bahay at tinanong ang pangalan
mo. Paano mo ipakikilala ang sarili mo?

Tandaan Natin
Mahalagang maalala at magamit ang
________________ na pananalita sa pang araw-araw na
buhay. Sa kabuoan, ang paggamit ng mga ito ay
nagpapakita ng respeto at ______________________ sa
kausap. Kaya mahalagang mapagsanay ang
kasanayang ito.

Suriin Natin
Gamitin ang mga salitang nasa ulap upang mabuo
ang diwa ng pangungusap.

1. Magalang ang batang gumagamit ng “po” at


“opo” kung karaniwang _________________ niya ito
kapag kausap ang nakatatanda.
2. Kung magalang ang isang bata, __________________
itong kausap.
3. _______________________ng pamilya ang mga
batang magalang.

4
4. ______________________ ay karaniwang ginagamit sa
pagpapakilala ng sarili.
5. Ang batang ____________________ ay kinalulugdan.

Payabungin Natin
Iguhit ang masayang mukha kung ang
pahayag ay nagpapakita ng paggalang at
malungkot na mukha kung hindi.

___________1. Hoy! Umalis ka diyan!


___________2. Makikiraan po
___________3. Yehey! Nanalo po ako!
___________4. Ang pangit ng gupit mo!
___________5. Magandang araw po sa lahat.

Pagnilayan Natin
Bilang isang bata, napakahalaga na matutong
maging magalang sa bawat kapuwa tao hindi lamang
sa mga nakatatanda kundi sa lahat ng taong
makasalamuha. Ang pagiging magalang ay isang
napakabuting ugali na dapat taglayin ng isang batang
tulad mo.
Maging magalang tayo upang maging magandang
halimbawa.

5
Aralin

1.2
Alamin Natin
Kumusta ka na? Sa araling ito, mahalagang
maunawaan mo bilang isang mag-aaral ang mensaheng
nais ipabatid ng iba’t ibang pananda, patalastas,
babala o paalala na makikita sa ating pamayanan. Ito
ay para makamit natin ang kaayusan, kalinisan,
kagandahan at kapayapaan sa pamayanan.

Kasanayang Pampagkatuto:

-Nasasabi ang mensaheng nais ipabatid ng nabasang


pananda patalastas babala o paalala
(F1PP-IIa-1).

6
Subukin Natin
Iguhit sa kahon ang kung ang nakalagay
sa bawat bilang ay pananda, patalastas, babala o
paalala at kung hindi tumutukoy sa anuman sa
nabanggit.

1. Bawal magtapon ng basura dito.

2. Harap ko linis ko, harap mo linis mo.

3.

4. Malusog ang bata.

5. Mag-ingat sa aso.

Aralin Natin!
Basahin at unawain ang kwento.Sagutin ang mga
tanong.

7
Sa Tawiran
(Hango sa Landas sa Wika at Pagbasa)
Lydia B. Liwanag, Ph.D.,2011

Habang papasok sa paaralan, nakita ko si Noel sa


tawiran. Kaklase ko siya. “Halinang tumawid, dahil wala
nang sasakyan,” yaya ni Noel.
“Teka muna, bukas pa ang berdeng ilaw para sa mga
sasakyan. Nalimutan mo ba, na tanda iyon sa
pagtakbo ng mga sasakyan. Hintayin natin ang pulang
ilaw. Sa pagbubukas ng pulang ilaw ay hihinto rin ang mga
sasakyan. Kaya puwede na tayong tumawid,” paliwanag
ko.
“Hayun, bumukas na ang dilaw na ilaw,” sabi ni Noel.
“Hintayin pa natin ang pulang ilaw,” sambit ko.
“Sa wakas, bumukas na ang pulang ilaw!” Tuwang-
tuwa si Noel habang tumatawid kami sa tawiran.

Sagutin Natin!
1. Saan nagkukuwentuhan sina Noel at kaklase niya?
___________________________________________________.
2. Bakit nais ni Noel na tumawid na?
___________________________________________________.
3. Kailan dapat tumawid sa daan?
___________________________________________________.
4. Bakit hindi dapat tumawid kapag dilaw ang ilaw?
___________________________________________________.
5. Bakit dapat sa tawiran tumawid?
_________________________________________________.

8
Gawin Natin!
Pag-aralan nang mabuti ang larawan sa bawat
bilang. Isulat ang tamang mensaheng gusto nitong
ipabatid.

Sanayin Natin!
Pag-aralan ang bawat larawan sa Hanay A.
Hanapin sa Hanay B ang angkop na mensaheng
ipinapahiwatig ng bawat larawan.

Hanay A Hanay B

1. ________ a. Pook - Paaralan

2. ________ b. Lahat ng upuan ay


puno na
3. ________ c. Bawal ang likong U

4. ________ d. Pook Pagamutan

5. _________ e. Bawal manigarliyo


9
Tandaan Natin!
Ang ating pamayanan ay may mga _____________,
______________, ____________________ na dapat
nating kilalanin, unawain at sundin. Ito ay para makamit
natin ang kaayusan, kalinisan, kagandahan at
kapayapaan sa pamayanan.

Suriin Natin!
Ngayong panahon ng pandemya, mahalagang
maunawaan ng isang batang katulad mo ang mga
pananda, babala o paalala upang maging ligtas sa
banta ng COVID 19.
Piliin sa kahon ang wastong paalala o babala na
tumutukoy sa bawat pananda. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.

A. Iwasang hawakan ang mga mata, ilong at bibig


B. Panatilihin ang isang metrong distansya
C. Palaging maghugas ng kamay
D. Huminto at maghintay dito
E. Hindi makapasok ang walang face mask

1. 2 3.
_______ _______ _________

4. 5.

________ ________

10
Payabungin Natin!
Iguhit sa iyong kuwaderno ang mga larawan ng
pananda, babala o paalala na angkop sa mga
mensahe.
1. Bawal putulin ang sanga.

2. Itapon ang basura sa basurahan.

3. Babae at lalaki

4. Bawal magtapon ng basura.

5. Bawal manigarilyo.

Pagnilayan Natin!
Mahalagang malaman at matutuhan ng isang
batang tulad mo ang mensaheng nais ipabatid ng
iba’t ibang pananda, patalastas, babala o paalala na
makikita sa ating pamayanan upang sa gayon ay
masunod ang mga ito at makamit ang isang maayos,
malinis at ligtas na pamayanan.

Bata, matalino ka! Alamin at sundin ang mga ito


para sa iyong mas maayos na bukas.

11
Susi sa Pagwawasto

Aralin 1.1

12
13
Subukin Natin Aralin Natin Gawin Natin
(Sagutin Natin)
1. 1.Itapon ang
1.sa tawiran basura sa
2.Dahil wala nang basurahan
2. sasakyan 2.Babae at lalaki
3.kapag umilaw na 3.Bawal putulin
ang pulang ilaw ang sanga
3.
4-5.depende sa 4.Bawak
sagot ng bata magtapon ng
4. basura
5. Bawal
manigarilyo
5.
Suriin Natin Tandaan Natin Sanayin Natin
1.E Pananda,patalasta 1. c
s,babala o paalala 2. d
2.D
3. a
3.B 4. e
5. b
4.A
5.C
Payabungin Natin
1-5 depende sa
pagguhit ng bata
Sanggunian

Department of Education. K to 12 Most Essential Learning


Competencies.2020

Liwanag, Lydia B. Landas sa Wika at Pagbasa,Binagong


Edisyon 2011

14
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665, (082) 221-6147

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like