Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG PASYON

- Ito ay isang naratibong tula ng Pilipinas na nagsasaad ng buhay ni Hesukristo, mula kapanganakan, pagkapako
niya sa krus, hanggang sa muling pagkabuhay. Ito ay may saknong ng limang linya sa bawat linya ng
pagkakaroon ng walong pantig. Ang anyong na ito ng salaysay ng pasyon ay popular sa Pilipinas, lalo na sa
panahon ng Mahal na Araw o Semana Santa. At ito ay nagmula sa salitang Kastila “pasion” na ang ibig sabihin
ay “paghihirap”.

- Sa tradisyong Pabasa, ikinakanta ng patula ang nilalaman na Pasyon.Ito ay paraan ng mga Kristyano upang
humingi ng tawad sa Panginoon. Ito ay ginagawa tuwing Mahal na Araw.

- Dahil sa binigyan ng permiso mula sa simbahan ni Padre Antonio del Pueblo si Padre de
Belen ,napahihintulutan na ilimbag niya ang Pasyon sa Maynila noong 1704. Bilang kauna-unahang akda ng
ganitong uri ng panitikan,ito ay nakatanggap ng karangalan.

“Apat na Pasyong Naisulat”


a. P.Gaspar Aquino de Belen noong 1704
b. Don Luis Guian noong 1814
c. P. Mariano Pilapil noong 1814
d. P.Aniceto dela Merced noong 1856

- Isinaalang-alang na ang pinakapopular ang Version de Pilapil na may 8 pantig , at 5 taludtod sa bawat saknong
naisulat sa ibat- ibang wikain; Tagalog, Iloko, Bisaya at Bikol.

- Si Padre Gaspar Aquino de Belen ang kauna-unahang Pilipino na sumulat at kumanta ng pasyon sa Tagalog.

"Mga Nilalaman ng Pasyon"


1. Ang Panalangin sa Diyos at Mahal na Birheng Maria.
2. Ang Paglalang ng Panginoong Diyos sa Buong Mundo.
3. Ang Pangingimbulong Demonyo sa Mag-asawang Adan at Eva.
4. Ang panganganak ni Santa Ana kay Ginoong Santa Maria.
5. Ang pagkakatawang taong lkalawang Persona sa Sinapupunan ni Ginoong Santa Maria.
6. Panganganak kay Hesus.
7. Ang Pagbibinyag.
8. Ang Pagdalaw ng tatlong Haring Mago.
9. Ang Pagpapapugot ni Herodes sa Lahat ng Sanggol.
10. Ang pagdalaw sa Templong Jerusalem.
11. Mga Himalang Ginawa ni Hesus.
12. Hula ng mga Propeta sa ating Panginoong Hesukristo
13. Domingo de Ramos-PALASPAS
14. Lunes Santo
15. Martes Santo
16. Miyerkules Santo
17. Huwebes Santo
18 .Biernes Santo
URBANA AT FELIZA
ANG MAY AKDA

- aAng sumulat ng Urbana at Feliza ay si P.Modesto de Castro na ipinanganak sa Binan,Laguna,noong unang


hati ng ika-19 na daantaon. Nag-aral siya sa Colegio Real de San Jose,naging Kura sa Catedral ng Maynila at
pagkatapos ay sa Naik,Kabite. Bukod sa “Urbana at Feliza” ay isinulat din niya ang “Plasticas Doctrinales”
(1864) “Exposicion de las Siete Palabras”, at “Novena de San Pedro”, atb.Sa pamamagitan ng “Urbana at
Feliza” ay natagurian siyang “ Ama ng Tuluyang Klasika sa Tagalog”.

TAGPUAN

- Dalawang pook ang nabanggit sa nobelang ito. Dahil ito ay ang pagpapadala ng liham ng dalawang magkapatid,
malayo ang pook kung saan sila naninirahan. Si Urbana ay nasa Manila upang mag-aral, at si Feliza naman ay nasa
Paombong, Bulacan.

NILALAMAN
- Ang "Urbana at Feliza" na ang buong pamagat ay "Pagsusulatan nang Dalawang Binibini na si Urbana at si
Feliza" ay binubuo ng iba't ibang sanaysay at liham na naglalaman ng mga aral sa tamang pag-uugali at
pamumuhay. Ang mga ito ay naglalarawan ng mga eksena ng pang-araw-araw na buhay, pag-uusap sa pamilya, at
pakikisalamuha sa lipunan. Ang mga sanaysay ay nagbibigay-diin sa mga katangian tulad ng kabutihang-loob,
katalinuhan, at kagandahang-asal. Ipinapakita rin nito ang mga halimbawa ng wastong pakikitungo sa kapwa,
paggalang sa magulang, at pagsunod sa tamang kaugalian. Ang "Urbana at Feliza" ay nagsisilbing gabay sa mga
mambabasa sa pagpapaunlad ng kanilang sarili bilang mga mabubuting mamamayan.

SAGISAG NG PANGALAN NG PANAUHAN


- Ang pangalang “Urbana” ay sagisag ng Urbanidad o kabutihang asal ( good manners).

- Ang pangalang “Feliza” ay galing sa Kastilang “feliz” (maligaya) at ang sinasagisag ay ang kaligayahang
natatamo dahil sa pagpapakabuti at pagka-masunurin

- Ang pangalang “Honesto” ay sagisag ng kalinisang-budhi at karangalan.

You might also like