Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Baitang Tatlo
I. Layunin
a. Ang mag-aaral ng baitang tatlo ay mauunawaan na ang paggalang sa
paniniwala ng iba ay mahalaga
b. Matukoy ang iba’t ibang pamamaraan na nagpapakita ng paggalang
c. Maipapakita ang respeto sa iba’t ibang paniniwala
II. Paksang Aralin
Paksa: Pagpapakita ng Paggalang
Sanggunian: https://youtu.be/-VVjtyS2A4M?si=sBzf1jRLUskazjXF
Kagamitan: PowerPointPresentation at mga Larawan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng Liban
B. Panlinang na Gawain
1.Pagganyak
Buuin ang mga salita sa pamamagitan nang pagbibigay ng katumbas
na letra sa alpabeto batay sa mga bilang na nakasaad.
2. Paglalahad ng Paksa
Ang guro ay ipapaliwanang ang kahulugan kung bakit iyon ang mga
salitang kanyang pinasagutan at palalawakin niya ito sa pamamagitan ng
pagbibigay ng ilang halimbawa bago magtungo sa lesson.
3. Pagtatalakay
Mga Gawain na Nagpapakita ng Paggalang o Pagrespeto sa
paniniwala ng iba:
1. Pagmamasid nang walang halong pangungutya
2. Pagtahimik habang nakikinig lamang
3. Hindi pagsalungat sa anumang gawain ng ibang relihiyon
4. Hindi pambabastos o ginagawang katawa-tawa ang ibang ritwal
5. Pag-unawa sa mga gawaing banal ng iba
4. Paglalahat

Ipaliliwanag ng guro na “Ang pagrespeto ay mahalaga na dapat


isabuhay ng bawat isa. Ang paggalang sa kapwa, sa kanilang paniniwala
at pagiging iba ay mahalaga sapagkat ito’y pagpapakita rin na ikaw bilang
isang tao na may ibang paniniwala ay karapat dapat ding irespeto”

5. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Panuto: Sa manila paper na ibinigay ng guro, idikit ang mga litrato na
hinihingi sa bawat hanay. Sa hanay A, idikit ang mga litrato na
nagpapakita ng mga gawaing hindi dapat gawin at gayahin ng mga
mag-aaral na gaya mo. Sa hanay B naman ay idikit ang mga litrato na
nagpapakita ng paggalang at pagrespeto sa paniniwala ng iba.
Unang Pamamaraan: Hatiin sa apat na grupo ang klase at ibigay ang
panuto na kailangang sundin ng mga ito.
Ikalawang Pamamaraan: Bigyan ng tig-iisang manila paper at pentel
pen ang bawat grupo. Ibigay rin ang mga litratong kakailanganin ng
mga mag-aaral para sa pangkatang gawain.
Ikatlong Pamamaraan: Bigyan ang bawat grupo ng tig lilimang minute
upang tapusin ang Gawain
Ikaapat na Pamamaraan: Pagkatapos ng lahat ng grupo ay ipapaskil
ang kanilang ginawa sa pisara. Ang guro na ang bahalang mag-check
ng mga ito at bigyang puntos ang mga mag-aaral.

IV. Pagtataya
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8. Tingan ang mga larawan sa hanay A. Sumulat ng
pangungusap kung paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa ibang paniniwala sa
hanay B. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
V. Takdang Aralin
Gumupit ng limang litrato na nagpapakita ng paggalang at pagrespeto sa iba’t ibang
paniniwala o relihiyon. Sa isang short bond paper ay idikit ang mga ito.

You might also like