Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

I- LAYUNIN
Sa katapusan ng pagtatalakay sa paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1)Maipaliwanag ang kahalagahan ng talakayan sa sariling pagkakaintindi; at
2)Mapalalim ang pagpapahalaga sa wikang Pilipino sa ibat-ibang antas at larangan.

II- PAKSANG ARALIN


Paksa: Talakayan: Masisinang Palitan at Talaban ng Kaalaman
Sanggunin: Teachers Guide, DLP
Kagamitan: DLP, Biswal eyds, Laptop at Projector

III- PAMAMARAAN:
A.Panimulang Gawain
1.Panalangin
2.Pagganyak
Pagmasdan ang mga ginulong salita, iayos at ibigay ang kahulugan nito.
a. NAYAKALAT
b. DADILIBISESKA
c. NABALAP IDNIH
d. AYEDI GN NOYSYRAB
e. SOKUP TA NAHASIAK
B.Pagtatalakay
Gamit ang Jumbled words, nabuo ang mga salitang may kaugnayan sa paksang ating tatalakayin. Nais
kong maintindihan at matukoy ninyo ang talumpati at ang kanyang mga katangian.
1.Talakayan
2.Aksesibilidad
3.Hindi Palaban
4.Baryasyon ng Ideya
5.Kaisahan at Pukos

Gabay na Tanong:
1. Batay sa mga salitang nabuo ano sa palagay niyo ang ating tatalakayin ngayong araw?
2. Bakit mahalagang matutunan ang talakayan at ang mga katangian nito?
C.Paglalapat
Panuto: Isulat sa table na makikikita sa ibaba.Ibigay ang depinisyon ng mga salitang sa kaliwang
bahagi.
Talakayan
Aksesibilidad
Hindi Palaban
Baryasyon ng Ideya
Kaisahan at Pukos

D.Paglalahat
1.Anu-ano ang mga katangian ng Talakayan? Ibigay ang depinisyon nito batay sa naintindihan.
2.Batay sa aralin, anong magandang kaisipan ang iyong natutunan sa pag-aaral ng talakayan at mga
katangian nito na maiangkop sa pamumuhay?

IV- PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng teksto ang mga sumusunod na katangian sa ibaba. Isulat ang iyong
sagot sa papel.
1.Ito ang pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawan o higit pang kalahok na nakatuon sa tukoy na
paksa.
2.Hindi dapat nawawalan ng magalang na tono, paraan ng pagpapahayag ng bawat kasali sa talakayan.
3.Ito ang pagkakaiba-iba ng pananaw ng mga pahayag.
4.Ito ay mahalaga upang hindi mawala sa punto ng usapin.
5.Ito ang pagiging komportable ng mga mag-aaral sa kanilang partisipasyon sa talakayan.

V- TAKDANG ARALIN
Panuto: sumulat ng isang teksto. Isaalang-alang ang talakayan at ang mga katangian nito. Isulat sa isang
buong papel.

You might also like