Komfil Ass

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Shaileen D.

Moredo
BSA-1A
Huling Limang Oras
by Pinoy Collection

Tumunog na ang bell. Hudyat para magsiuwian na ang mga estudyanteng kagaya ko. Pero bakit ang
aga? Siguro ay nagkaroon na naman ng biglaang pagpupulong ng mga guro para sa darating na
foundation day. Mukhang umaayon sa akin ang tadhana dahil ngayon din ang pag-uwi ng aking ina
galing sa abroad.
Nasasabik na ako dahil noong limang taong gulang lang ako ng huli ko siyang makita. Ano na
kayang itsura nya ngayon na ako ay nasa ikalawang baitang na ng pagiging high school.
Sa aking pag uwi ay may nasulyapan akong isang babaeng umiiyak, tinulak ako ng aking
pagkausyoso para tanungin kung bakit sya umiiyak.
“Ale, bakit po kayo umiiyak?” natanong ko sa babae.
“Hindi ko na kasi makikita ang aking anak habangbuhay.”
“Kung hindi ninyo po mamasamain, maari ho ba kayong sumama sa akin upang mawala ang inyong
lungkot, iyon ay kung nais nyo lamang,” ang di ko mawari kung bakit ko nasabi.
Ang pagtango niya at pag-abot sa akin ng kanyang kamay ay senyales lamang ng kanyang pagpayag.
Hindi namin namamalayan ang oras habang kami ay magkasama, tila isang panaginip ang
nangyayari. Sa kalagitnaan na aming kasiyahan ay nagwika ang ale, “Maari mo bang ipikit ang iyong
mga mata?”
Sinunod ko ang kanyang utos at gayon na lamang ng maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang
mga labi sa aking noo at ang narinig ko ay ang kanyang pagsabi sa akin ng “Mahal Kita”.
Sa aking pagmulat ay nawala ang ale na hindi ko man lang naitanong kung ano ang kanyang
pangalan. Biglang umihip ang malamig na hangin na niyakap ang aking buong paligid.
Hindi ko namalayan ang oras. Tiningnan ko ang aking relo.
“Aba, anong oras na kailangan ko na pa lang umuwi” nasabi ko sa aking sarili. Nilisan ko ang lugar
na iyon ng may tanong na hindi ko alam kung kailan masasagot.
Sa aking pag-uwi ay nakita ko ang aking ama na tila kakatapos lang lumuha. Anong problema?
Lumapit ako sa kanya at nagmano. Siya ay biglang nagwika,
“Anak iniwan na tayo ng nanay mo, namatay siya sa aksidente limang oras na ang nakalilipas.”
Imbis na umiyak ay naitanong ko lang sa kanya kung may litrato siya ng aking ina, nagulat na
lamang ako sa aking nakita…
Hindi nya ako iniwan ng walang paalam. Ipinarating niya sa akin kung gaano ako kahalaga at
kamahal niya.
Siya pala ang ale na aking nakasama kanina, ang umiiyak na ale.
Ang inakala ko na isang istranghero ay ang mahal kong ina. Kahit sa kaunting panahon ay nakasama
ko siya. Sa huling limang oras ay pinuno ang buhay ko ng kasiyahan na noon ko lang naranasan.

You might also like