Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

PANGALAN: _________________________________________BAITANG AT SEKSYON: ____________

PANUTO: Basahin at intindihing mabuti ang nakasaad sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot.
Isulat ang letra ng iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Habang papasok sa paaralan si Joseph ay nakita niya ang isang matanda na patawid ng daan. Tila wala
itong kasama at hirap sa paglalakad. Inalalayan ni Joseph ang matandang patawid sa kalsada. Anong ugali ang
ipinakita ni Joseph?
a. Pagiging matalino
b. Pagiging maagap
c. Pagkamatapat
d. Pagsasaalang-alang sa kapakanan sa kapwa

_____2. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapuwa maliban sa isa.
Alin ito?
a. Kinaibigan ng Lito ang batang katutubo na bagong lipat sa kanilang paaralan.
b. Tinulungan ni Ana si Mely sa kanyang problema dahil umaasa siyang tutulungan din siya nito pagdating
ng araw.
c. Kahit magkaiba ng relihiyon si Toni at Itok ay nananatili silang magkaibigan.
d. Nag-aaral ng mabuti si Gino bilang pagpapasalamat sa pagsasakripisyo ng kaniyang mga magulang.

_____3. Nakita mo sa balita na nasalanta ng malakas ng bagyo ang bayan ng Zambales. Maraming tao ang
napinsala ang mga ari-arian. Bakas sa kanila ang pag-aalala kung paano ang gagawing pagsisimula. Bilang
bata,ano ang maaari mong gawin?
a. Alamin kung ano ang kalagayan ng mga tao roon.
b. Pupunta ako at magbibigay ng tulong.
c. Taimtim akong mananalangin na sana ay malampasan nila ang pagsubok na ito.
d. Wala akong gagawin dahil hindi ko naman kilala ang mga nakatira doon.

_____4. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kapuwa?


a. Matapang na sinuong ni Mang Arnaldo ang baha upang mailigtas ang bata na naiwan sa loob ng
kanilang bahay.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

b. Pinaghihiwalay ni Ashley ang basurang nabubulok at di nabubulok.


c. Nililinis ni Tomy ang kanilang bakuran araw-araw.
d. Kinukuha ni Ariel ang gamit ng kanyang kaklase ng walang paalam.

_____5. Ano ang ibig sabihin ng katagang “ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng pag-ibig mo sa iyong sarili”?
a. Huwag mong aawayin ang iyong kapuwa.
b. Piliin mo lamang ang nakalulugod sa iyong sarili.
c. Tumulong kung may kapalit na ibibigay.
d. Pahalagahan mo ang iyong kapuwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.

______6. Ang Pilipinas kasama na ang iba pang mga bansa sa buong mundo ay nakaranas at patuloy na
nakararanas ng epidemya dulot ng Covid-19 virus. Alin sa sumusunod ang maaari mong gawin upang maiwasan
ang pagkalat nito?
a. Magbilad sa araw dahil nakakawala raw ito ng virus.
b. Magpunta kung saan-saan.
c. Magsuot ng facemask, maghugas ng kamay at panatilihin ang social distancing.
d. Takpan ang bibig kung babahing o uubo.

______7. Matagal nang lumalaban sa sakit na cancer ang kaibigan ng iyong nanay. Sila ay may kakayanan
naman sa buhay kaya nasusuportahan nila ang pangangailangan sa kaniyang pagpapagamot. Ngunit minsan,
siya ay pinanghihinaan pa rin ng loob. Ano ang maaari mong gawin?
a. Ipanalangin ang kanyang kagalingan at makabalik sa dating maayos na kalusugan.
b. Sasabihin sa kanya na pagsubok lamang ito at makakaya niya itong lagpasan.
c. Sasabihin sa nanay na huwag na ulit itong puntahan at baka sila ay mahawa.
d. Magbibigay ng tulong sa abot ng makakaya.

______8. Ang iyong kotse ay di sinasadyang mabangga ng isang matandang nagtitinda ng kakanin. Sinabi
niyang siya ay biglang nahilo kaya hindi nakontrol ang pagmamaneho at ito’y bumunggo sa likuran ng iyong
sasakyan na nagdulot ng gasgas. Kita sa kanyang itsura na wala siyang kakayahan sa buhay, anong pagpapasya
ang iyong gagawin upang masolusyunan ang problemang ito?
a. Dalhin siya sa pulis at ipakulong.
b. Sabihin na ipagagawa nya ito at kailangan niyang bayaran.
c. Kausapin ang matanda na maaari niyang hulugan ang danyos ng kanyang nasira.
d. Kausapin ang matanda na mag-ingat sa susunod upang hindi na ito muling mangyari.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

_______9. Si Janjalani ay isang Muslim. Ang kaniyang kaibigan na si Luis ay isang Kristiyano ngunit kahit
magkaiba man sila ng paniniwala ay patuloy pa rin silang magkaibigan. Ano ang kanilang ipinapakita?
A. Pagsasaalang alang sa paniniwala ng isa’t isa
B. Pagtulong sa kapwa
C. Pakikipagkapwa
D. Pagmamahal sa sarili

_____10. Ang inyong barangay ay naglunsad ng proyektong “tapat mo, linis mo”. Bilang pakikiisa sa programa,
ano ang maaari mong gawin?
a. Maagang gumising upang itapon sa ilog ang mga basurang naipon.
b. Palagiang linisin ang harap ng bahay.
c. Magsiga upang mabawasan ang mga basurang naipon.
d. Ugaliin ang paglilinis sa loob at labas ng bahay, isagawa ang wastong pagtatapon ng basura.

_____11. Ayon sa balita ay mananalasa ang pinakamalakas na bagyo sa inyong lugar. Ang iyong mga magulang
ay naghanda na ng mga kagamitan sa maaaring paglikas. Bukod dito, ano pa ang maaari ninyong gawin?
a. Taimtim na manalangin na huwag nang manalasa ang bagyo.
b. Maghintay na lamang sa pagdating nito.
c. Magbasa at mag-aral sa loob ng tahanan.
d. Ihanda ang paying at bota kung sakaling magkaroon ng pagbaha.

______12. Ang iyong ina ay nagkasakit at hindi makabangon sa higaan. Kayo ng kapatid mo ay papasok sa
paaralan, ano ang gagawain mo?
a. Gigisingin ang nanay at sabihin ihanda na ang inyong pagkain.
b. Hayaan na munang makapagpahinga ang nanay at ikaw na muna ang mag-asikaso ng kailangan ninyong
magkapatid.
c. Huwag na lang munang pumasok upang may magbantay sa nanay.
d. Huwag na lang munang pumasok dahil walang mag-aasikaso sa inyong magkapatid.

_____13. Ang iyong kaklase ay naospital dahil sa pagkakasakit. Ilang araw siyang hindi nakapasok kaya halos
hindi siya makasunod sa aralin nang siya ay bumalik. Paano mo siya matutulungan?
a. Papakopyahin ko siya ng mga naging aralin sa aking notebook.
b. sasabihan siya na bumawi na lamang sa susunod.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

c. Aayain ko siya na sabay kaming mag-aral pagkatapos ng oras ng klase upang siya ay maturuan ko.
d. Pakokopyahin ko na lamang siya ng sagot kung sakaling magkaroon ng pagsusulit.

_____14. Nabalita sa inyong lugar ang ilang insidente ng pandurukot kaya nagpatupad ng curfew hours ang
inyong baranggay upang mapanatili ang kapayapaan pati na proteksyunan ang mga kabataang tulad mo. Bilang
pakikiisa, paano mo maipapakita ang pagsunod dito?
a. Lalabas man ako ng aming bahay, sa malapit lang para hindi ako mahuli.
b. Susunod ako kapag may tanod na nakabantay.
c. Susunod ako sa itinakdang oras dahil ito ay para sa kaligtasan ko rin naman.
d. Gagala pa rin ako sa gabi at magtatago na lang kung may makakakita.

_____15. Ano ang maaaring mangyari kung ang mga tao ay hindi susunod sa batas ng kinabibilangang
pamayanan?
a. Mawawala ang kaayusan at katahimikan.
b. Marami ang mawawalan ng trabaho.
c. Magkakagalit-galit ang mga tao.
d. Sasakit ang ulo ni kapitan.

_____16. Suriin ang bawat sitwasyon at tukuyin kung alin sa mga ito ang nagpapakita ng pagsasalang-alang sa
kapakanan ng kapuwa.
a. Inabutan ni Dony ang batang namamalimos saka ito pinagtawanan.
b. Ibinigay ni Sol ang mga butas niyang damit para sa nasalanta ng bagyo.
c. Inalalayan ni Miguel ang kaklse nyang pilay sa pagtawid sa kalsada.
d. Ipinapanalangin ni Angelo na sana ay umulan ng malakas upang walang pasok bukas.

_____17. Nabalitaan mo na nagkasakit ng malubha ang inyong kapitbahay na dating nakaalit ng inyong
pamilya. Ano ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon?
a. Ibabalita ko agad sa aking nanay upang siya ay matuwa.
b. Dadalawin ko siya at titiyakin na malubha nga ang kanyang sakit.
c. Pupuntahan ko siya at kukumustahin.
d. Ipapanalangin ko na sana siya ay gumaling sa kabila ng di pagkakaunawaan ng aming mga pamilya.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

_____18. Napanood mo sa telebisyon ang ilang bansa na patuloy na nakararanas ng kagutuman dahil sa
kahirapan. Bilang bata, ano ang magagawa mo sa ganitong kalagayan?
a. Ako ay magdarasal na sana ay tulungan sila ng Diyos sa kanilang kalagayan.
b. Wala akong gagawin dahil hindi ko naman sila kilala.
c. Padadalhan ko sila ng pagkain at tubig.
d. Naaawa man ako pero wala akong magagawa dahil ako ay bata pa.

_____19. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagkalinga sa kapuwa?


a. Sinsamahan ni Ali ang kanyang nanay sa tuwing ito ay mamamalengke.
b. Nagsusuot ng facemask si Ron kapag lalabas ng bahay.
c. Isinama ng mamang pulis ang batang namamalimos upang ito ay paliguan at pakainin.
d. Ang pamilya Santos ay nagtatanim sa kanilang bakuran.

_____20. Ang iyong nanay ay nagtitinda ng mga meryenda upang may pangtustos kayo sa araw-araw, bilang
anak, paano mo matutulungan ang iyong ina?
a. Maglalaro muna ako bago ako tumulong.
b. Tutulong ako sa pagbebenta ng aming paninda kung ako ay bibigyan niya ng pera.
c. Tutulong ako sa aking nanay dahil nakikita kong siya ay napapagod at nahihirapan.
d. Sasabihan ko ang kapatid ko na tulungan niya si nanay.

_____21. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapuwa at


kinabibilangang pamayanan?
a. Si Mang Tony ay nagsisiga ng mga basura tuwing umaga upang makabawas sa basurang itinatapon niya.
b. Pinalalakad ni Romeo tuwing gabi ang kanyang alagang aso upang dumumi.
c. Tinutulungan ni Ana ang kanyang nanay sa paglalaba tuwing Linggo.
d. Ang pamilya ni Andrew ay tumutulong sa pagbibigay ng donasyong pagkain at gamot sa mga taong
kapos sa kanilang lugar.

_____22. Ano ang maitutulong ng pagdarasal sa panahon pagsubok at suliranin?


a. Nakatutulong itong makapagpagaan ng pakiramdam at mawala ang pag-aalala dahil may Diyos na
tutulong sa atin.
b. Masasagot nito ang problema natin.
c. Walang kasiguruhan na pakikinggan ang dasal natin.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

d. Sasagana ang buhay natin.

_____23. Madalas mong makita ang kaklase mo na hindi kumakain sa oras ng recess. Tinanong mo siya at ang
sabi niya ay walang maibigay na pang baon ang kanyang nanay kaya nabatid mong sila ay hirap sa buhay.
Paano ka makakatulong sa ganitong sitwasyon?
a. Magsasawalang kibo dahil bata pa ako at wala akong magagawa.
b. Kausapin ang nanay na kung puwede ay dagdagan ang baon mong pagkain upang mabigyan mo ang
iyong kaklase.
c. Pagalitan ang nanay ng iyong kaklase dahil kawawa ito.
d. Sabihin sa ibang kaklase na walang baon ang kaklase mong ito.

_____24. Basahin ang maikling tula. Ano ang mensaheng ipinahahayag nito?
Ang paggawa ng mabuti ay tanda ng pagmamahal sa Diyos
Tulungan ang kapuwa kung dumating ang unos.
Bilang pasasalamat sa bigay Niyang biyaya
Palagi tayong magmahal at tumulong sa ating kapuwa.

a. Kapag tayo ay tumulong sa kapuwa tiyak na bibiyayaan tayo ng Diyos.


b. Ang pagpapasalamat sa Diyos ay maaari nating ipakita sa pamamagitan ng pagtulong sa kapuwa.
c. Ang Diyos ay mabuti sa lahat.
d. Palagi tayong tumulong upang tayo ay purihin ng iba.

_____25. Ang hangin na ating nalalanghap ay biyaya mula sa Diyos. Maging ang puno, mga ilog at dagat at
lahat ng nasa kapaligiran ay buhat sa kanya. Paano natin maipakikita ang pasasalamat sa Kanya sa lahat ng
biyayang ito?
a. Magdasal at magpasalamat para sa mga bagay na ito.
b. Palaging magsimba tuwing Linggo.
c. Alagaan at ingatan na huwag masira ang mga biyayang ito gaya ng pagtatanim at pag-iwas sa
pagtatapon ng basura sa mga ilog.
d. Alagaan ang mga likas yaman dahil ito ang nagbibigay kabuhayan sa atin.

_____26. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pananampalataya sa Diyos?


a. Palaging nagdarasal si Melda na sana ay makaahon sila sa hirap ngunit hindi siya kumikilos.
b. Ang pamilya Santos ay nakaugalian nang magsimba tuwing araw ng Linggo.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

c. Nagdarasal si Ali na sana ay gumaling na ang kanyang nanay ngunit patuloy na nag-aalala para dito.
d. Pagdarasal ang nagbibigay lakas ng loob kay Aling Susan dahil alam niyang may Diyos na umaalalay at
gagabay sa kanya sa lahat ng desisyon niya sa buhay.

_____27. Araw ng Martes at kayo ay magkakaroon ng gawain sa Sining. Naatasan kayo ng inyong guro na
magdala ng gamit sa arts. Kumpleto na ang mga gamit mo kaya handa ka nang magsimula. Nakita mo ang
kaklase mo na tila hindi makali at nalaman mong wala siyang gamit dahil walang pambili ang kanyang nanay.
Ano ang gagawin mo sa ganitong pagkakataon?
a. Lalapitan ko siya at sasabihing magsabay kaming gumawa upang mapahiram ko siya ng ibang gamit.
b. Pagtatawanan ko siya dahil wala siyang maipapasa.
c. Sasabihin sa guro na walang gamit ang kaklase.
d. Hahayaan mo na lang siya dahil hindi mo na iyong problema.

_____28. Mahigpit na ipinatutupad ng inyong barangay na sinupin ang mga alaga ninyong hayop upang hindi
ito magkalat o magdulot ng aksidente sa kalsada. Paano ka makikiisa sa gawaing ito?
a. Titiyakin kong nakatali lagi ang aking alagang hayop.
b. Sa gabi ko pakakawalan ang aking alaga upang walang taong makakita.
c. Hindi ko papansinin ang sinasabi nila dahil alam kong mabait ang aking alaga.
d. Titiyakin kong nasa loob lamang ng aming bakuran ang aking alaga upang hindi magdulot ng abala sa
iba.

_____29. Ano ang magiging epekto kung ang mga tao sa pamayanan ay susunod sa wastong paghihiwalay ng
mga basurang nabubulok at di nabubulok?
a. Mas dadali ang trabaho ng mga nangongolekta ng basura.
b. Mas maayos ang sistema ng pagtatapon ng basura at madidisiplina ang mga tao.
c. Matutuwa ang kapitan ng barangay sa pagsunod ng kanyang nasasakupan.
d. Giginhawa ang buhay ng tao.

_____30. Kamakailan ay nagkaroon ng matinding lindol sa Turkey kung saan ay maraming gusaling gumuho at
maraming tao ang namatay. Bilang bata, ano ang magagawa mo para sa mga taong nakatira rito?
a. Ipagdarasal na sana ay huwag ng maulit ang ganitong sakuna at bigyan ng kalakasan ang mga taong
nakaligtas mula rito.
b. Ipagdarasal na sana ay huwag itong mangyari sa amin.
c. Tatanungin ang Diyos kung bakit nangyari ito.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

d. Sabihin sa nanay na pumunta kayo doon at magbigay ng tulong.

_____31. Basahin ang sumusunod na pagpipilian at tukuyin kung aling sitwasyon ang nagpapakita ng pakikiisa
sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat.
a. Palaging nagpupunta sa bahay dalanginan ni Aling Rosa upang magpasalamat sa Diyos.
b. Hindi nakakalimutan ni Denis na magdasal tuwing gabi.
c. Ipinapanalangin ni Lourdes na sana ay biyayaan ang lahat ng tao ng makakain at ilayo sa anumang sakit
at karamdaman.
d. Ipinapanalangin ni Joseph na sana ay matanggap siya sa trabaho.

_____32. Alin sa sumusunod ang kabutihang dulot ng pagdarasal?


a. Nagkakaroon ng uganayan sa Diyos at nakapagpapalalim ng pananampalataya sa Kanya.
b. Ibinibigay nito ang ating kahilingan.
c. Tinutulungan nitong magkaisa ang mga tao.
d. Isa itong mabuting kaugalian.

_____33. Ang iyong ama ay nawalan ng trabaho at ang iyong kapatid ay nagkasakit. Hindi malaman ng iyong
nanay kung ano ang gagawin. Ano ang sasabihin mo sa iyong nanay upang mapagaan ang kaniyang
pakiramdam?
a. Sasabihin sa nanay na ito ay pagsubok lamang.
b. Sasabihin sa nanay na siya na muna ang magtrabaho.
c. Sabihin sa nanay na sama-sama silang magdasal upang humingi ng gabay at magtulungan upang
makaisip ng solusyon sa kanilang pinagdaraanan.
d. Hihingin ang pagpayag ng in ana ikaw muna ang magtatrabaho para sa inyong pamilya.

_____34. Matagal nang nangungupahan sa inyo ang pamilya ni Mang Arnaldo. Bukod sa maayos silang
magbayad ay tila nagging pamilya na ang inyong turingan dahil sa pagdamay sa isa’t isa. Ngunit nang dumating
ang pandemya, isa siya sa nawalan ng trabaho kaya halos tatlong buwan na silang hindi nakakabayad sa inyo.
Ano ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon?
a. Kausapin si Mang Arnaldo at sabihin na kung maaari ay lumipat na sila ng ibang matitirhan.
b. Sabihan si Mang Arnaldo na humanap agad ng trabaho upang makabayad.
c. Humanap na ng ibang uupa sa bahay.
d. Kausapin si Mang Arnaldo at sabihing huwag munang mag-alala sa pambayad sa upa at saka na lamang
ito unti-untiin kung makahanap na siyang muli ng trabaho.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

_____35. Si Susan ay isang guro sa unang baitang. Napagdesisyunan niyang kupkupin ang isa sa kanyang mag-
aaaral na hindi kayang tustusan at paaralin ng sarili nitong magulang. Anong magandang kaugalian ang taglay
ni Susan?
a. Pagiging mapagbigay
b. Pagkamaunawain
c. Pagkalinga sa kapwa
d. Pagiging madasalin

_____36. Basahin ang linya mula sa awitin. Anong mensahe ang ipinahahayag nito?
“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang,
Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya”

a. Lahat ng tao ay nilikha upang upang tumulong sa kapuwa.


b. Lahat ng tao ay sabay sabay na mamamatay.
c. Lahat ng tao ay nilikha ng Diyos.
d. Lahat ng tao ay mahal ng Diyos.

_____37. Bilang bata, paano mo ipakikita ang pagkalinga sa iyong kapuwa?


a. Magbibigay ako kung may sobra.
b. Tutulong lamang ako kung may nakakakita.
c. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya.
d. Tutulong ako kung may kapalit o may bayad.

_____ 38. Ano ang kahihinatnan kung ang bawat tao ay may pagkalinga sa bawat isa?
a. Ang mga tao ay mamumuhay ng payapa.
b. Wala ng taong mahihirapan at makakaramdam na siya ay mag-isa.
c. Ang Diyos ay malulugod sa bawat isa.
d. Ang tao ay mamumuhay ng sagana.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

_____39. Dumaan ka sa harap ng simbahan at nakita mong may matandang tila naliligaw. Siya ay mukhang
gutom at sinabi sa iyo na kung pwede mo siyang alalayan papasok ng simbahan. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi ko siya papansinin dahil baka may masama siyang gawin sa akin.
b. Ibibili ko siya na makakain at maiinom at saka ako tatawag sa barangay upang tulungan siyang
matawagan o mahanap ang kanyang kamag-anak .
c. Hahanapin ko ang pari at saka ko ibibilin ang matanda.
d. Iiwanan ko na siya agad dahil marami pa akong gagawin.

_____40. Si Mina ay may sakit at mag-isa na sa buhay. Ang siyang tumutulong sa kanya sa araw-araw ay ang
kanyang mga kapitbahay. Binibigyan siya ng mga ito ng pagkain, nilalabhan ang kanyang mga damit at
nililinisan ang kanyang mga sugat. Anong magandang kaugalian ang ipinakikita ng mga tao sa paligid niya?
a. Pagkalinga sa kapwa
b. Pagmamahal
c. Pagkamadasalin
d. Pagbabalat-kayo

_____41. Kung ikaw ang isa sa mga kapitbahay ni Mina, ganito rin ba ang iyong gagawin? Bakit?
a. Oo, dahil darating ang araw na baka may magbigay sa akin ng pabuya para sa aking pagtulong.
b. Oo, dahil walang ibang tutulong sa kanya at alam kong mahirap ang mag-isa.
c. Oo, dahil mabait siya.
d. Hindi, dahil hindi ko naman siya kaanu-ano.

_____42. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagpapasalamat sa Diyos?


a. Nagdarasal lamang si Amy kung siya ay may problema.
b. Ibinabahagi ng pamilya Reyes ang kanilang biyaya sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa.
c. Nagsisimba si Aling Marites tuwing Linggo ngunit masasamang salita lagi ang lumalabas sa kanyang
bibig.
d. Nagpupunta sa bahay dalanginan si Aling Rosa upang alukan ng kanyang paninda ang mga nagsisimba.

_____43. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng iba’t-ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos maliban sa isa.
Alin ito?
a. Taunang nagbibigay ng donasyon sa simbahan si Ara bilang pasasalamat sa lahat ng biyayang kanyang
natatanggap
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

b. Pagdalo sa banal na misa tuwing Linggo


c. Ginagamit ang talento upang makapaglingkod sa simbahan.
d. Nagnanakaw si Lupin upang magbigay tulong sa bahay ampunan.

_____44. “Ang pagbabahagi sa kapuwa ay isang paraan ng pasasalamat sa Diyos.” Ano ang ibig sabihin nito?
a. Tayo ay binibiyayaan ng Diyos kaya nararapat lamang na ibahagi natin ito sa iba.
b. Mabuti ang Diyos sa lahat ng oras.
c. Magbigay lamang tayo sa ating kapuwa kung may sobra.
d. Bigyan lamang ang mga taong kaya din magbigay sa iyo.

_____45. May bahay ampunan na malapit sa inyong bahay. Araw-araw mong nakikita ang ilang bata sa labas
habang papasok ka sa trabaho. Ang mga namamahala rito ay lumapit sa iyo upang humingi ng kaunting
donasyon para sa pangangailangan ng mga bata rito. Ano ang gagawin mong pagpapasya?
a. Hindi na ako ulit dadaan doon para hindi nila ako makita.
b. Aampunin ko ang isang bata doon.
c. Magbibigay ako sa abot ng aking makakaya.
d. Pagtataguan ko ang mga namamahala upang hindi ako mahingan.

_____46. Habang nasa biyahe ay hawak mo ang iyong laruang kotse. Nang biglang kumatok sa bintana ng
inyong sasakyan ang isang pulubi. Ianbutan siya ng barya ng iyong tatay ngunit napansin mong nakatitig siya sa
iyong laruan at tila nakangiti. Ano ang gagawin mo?
a. Ibibigay ko ang aking laruan dahil marami pa naman akong laruan sa bahay.
b. Ipapakita ko ang aking laruan at lalo ko siyang iinggitin.
c. Itataboy ko ang bata.
d. Aabutan ko na lamang siya ng pagkain.

_____47. Bilang bata sa ikalimang baitang, sa paanong paraan mo ipakikita ang pasasalamat sa Diyos?
a. Magbabahagi ako ng aking baon sa mayaman kong kaklase.
b. Ipagdarasal ko na sana ay umulan ng malakas upang mawalan kami ng pasok.
c. Ibabahagi ko ang talentong bigay ng Diyos sa pamamagitan ng pagtuturo ng sayaw sa mga batang may
interes dito.
d. Sasabihin ko sa guro ang mga kaklase kong nambubully.
_____48. “Ibigin mo ang iyong ama at ina.” ay isa sa sampung utos ng Diyos. Paano mo ito isasabuhay?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

a. Sinusunod ko lagi ang utos ni tatay dahil binibigyan niya ako ng limang piso.
b. Sinasabi ko kay nanay na may gagawin kaming proyekto upang makatakas ako sa gawaing bahay.
c. Iniipon ko ang baon na ibinibigay ni nanay at tatay.
d. Nirerespeto at minamahal ko ang aking mga magulang.

_____49. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng malalim na ugnayan sa Diyos maliban sa isa. Alin ito?
a. Matibay na pananampalataya.
b. Positibong pananaw sa buhay.
c. Pagbabahagi ng biyaya sa kapuwa.
d. Pagsuko sa mga pagsubok.

_____50.Ang pagpapasalamat sa Diyos ay maaari nating ipakita sa iba’t-ibang pamamaraan. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapakita nito?
a. Ipatanaw na malaking utang na loob ang taong nabigyan mo ng tulong.
b. Huwag tulungan ang taong nagkasala sa iyo.
c. Purihin at pasalamatan lamang ang Diyos sa panahon ng kasaganahan.
d. Magbahagi sa kapuwa ng biyayang iyong natatanggap.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

Key to Correction
1. D
2. B
3. C
4. A
5. D
6. C
7. A
8. D
9. A
10. D
11. A
12. B
13. C
14. C
15. A
16. C
17. D
18. A
19. C
20. C
21. D
22. A
23. B
24. B
25. C
26. D
27. A
28. D
29. B
30. A
31. C
32. A
33. C
34. D
35. C
36. A
37. C
38. B
39. B
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

40. A
41. B
42. B
43. D
44. A
45. C
46. A
47. C
48. D
49. D
50. D

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

Talahanayan ng Ispisipikasyon

Code Kasanayan sa ANTAS NG PAGTATASA AT KINALALAGYAN NG AYTEM Bilang Porsyento


pagkatuto ng ng aytem
aytem

Pagbabalik Pag- Paglalapat Pag- Pagtatay Paglikha


-tanaw unawa aanalisa a
EsP5PD 2 4,9,15,16 14,27,28 1,5,6,9 8, 22,29 15 30%
- IVa-d Nakapagpapakita
– 14 nang tunay na
pagmamahal sa
kapwa tulad ng:

a. pagsasaalang-
alang sa
kapakanan ng
kapwa at sa
kinabibilangang
pamayanan

EsP5PD Nakapagpapakita 5 18,22 11 3,7,15,32,33 31 10 20%


- IVa-d nang tunay na
– 14 pagmamahal sa
kapwa tulad ng:

b. pakikiisa sa
pagdarasal para
sa kabutihan ng
lahat; at
EsP5PD Nakapagpapakita 19,35, 40 12,13,20,37,41 15,34,36, 38,39, 15 30%
- IVa-d nang tunay na
– 14 pagmamahal sa
kapwa tulad ng:

c. pagkalinga at
pagtulong sa
kapwa
EsP5PD Nakapagpapakita 49 42,43,46 25,47,48 26,44,50 24,45 10 20%
- IVe-i – ng iba’t ibang
15 paraan ng
pasasalamat sa
Diyos

You might also like