Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

CvSU Mission

CvSU Vision Cavite State University shall


Republic of the Philippines provide excellent, equitable and relevant
The premier university in historic
Cavite recognized for excellence in
CAVITE STATE UNIVERSITY educational opportunities in the arts,
character development, academics, Bacoor City Campus science and technology through quality
research, innovation, and sustainable Soldiers Hills IV, Molino VI, instruction and relevant research and
community engagement development activities.
City of Bacoor, Cavite It shall produce professional,
🕾 (046) 476 - 5029 skilled and morally upright individuals for
global competitiveness.
www.cvsu.edu.ph

Bacunata, Teofilo lll B.

1-2M

PAGSUSURI NG PANITIKAN

ANG KALUPI

NI BENJAMIN P. PASCUAL

I. Batayang Kaalaman
A. Pamagat

- Ito ay pinamagatang ‘’Ang kalupi’’ dahil tinatalakay sa kwento ang pagkawala ng


kalupi ng babae at maling paghatol nito sa batang nag nakaw ng kanyang kalupi na
naging dahilan ng pagkamatay ng batang si Andres
- Ang pamagat na "Ang Kalupi" ay isang maikling kuwento ni Benjamin Pascual na
may parehong pamagat. Ito ay isang kwento na naglalarawan ng buhay at pangarap
ng isang batang lalaki na nagngangalang Peping.

B. Manunulat
- Si Benjamin P. Pascual ay nobelistang ipinanganak sa lungsod ng Laoag,
IlocosNorte. Nakasulat na siya ng dalawang nobela at maraming maikling kwento sa
wikang Ilokano.
- Batay sa nabasa ko tungkol sa ‘’Ang Kalupi’’ ni Benjamin Pascual siya ay gumagamit
ng Realismo, Simbolismo, At Pagpapahayag ng Emosyon na estilo ng pagsulat
- Kilala si Benjamin Pascual dahil sa kanyang angking galling sa larangan ng
panitikang Filipino na kilala sa kanyang mga kuwento, nobela, at sanaysay
II. Buod
- Ang Kalupi “Ang Kalupi”. Ito ay isang maikling kwento na isinulat ni Benjamin
Pascual. Ito ay tungkol sa isang tao na gumawa ng maling desisyon na hindi muna
pinag-isipan nang mabuti. Isang araw, mamimili si Aling Marta ng kanilang kakainin
sa pananghalian dahil hindi lang ito pangkaraniwang araw lamang, kundi ito ay ang
araw ng pagtatapos ng highschool ng dalagang anak ni Aling Marta. Habang
patungo si Aling Marta sa pamilihang bayan sa Tundo, aksidenteng nabangga siya
ng isang nagmamadaling batang lalaki. Nainis si Aling Marta at pinagalitan niya ang
bata. Humingi ng pasensya ang bata, at pinabayaan na lamang ni Aling Marta. Nang
siya ay bibili na ng mga tuyong isda at ilang kartong mantika, napansin niya na wala
sa bulsa ang kanyang kalupi. Agad niyang natandaan na binangga siya ng isang
batang lalaki at tiniyak niya na ang batang lalaki ang nagnakaw ng kanyang kalupi.
Nagmadaling naglakad si Aling Marta upang mahuli ang batang lalaki na sa tingin
niya ay kumuha ng kanyang kalupi. Nang makita niya ang batang madungis sa labas
ay agad niyang hinablot ang damit ng bata. Pilit na pinaamin ang inosenteng bata sa
pagkuha ng kanyang kalupi. Ngunit ang batang lalaki ay panay ang tanggi kahit na
pilit na pinapaamin ni Aling Marta. Marami na ang nakapaligid sa kanila dahil sa
pagsigaw nito sa bata. Dahil sa dami na ng tao na nakapaligid kina Aling Marta at sa
batang lalaki, nakakuha ito ng atensyon ng pulis. Nagtanong ang pulis upang
malaman kung ano talaga ang nangyari. Sa daming akusa ni Aling Marta, tiniyak pa
rin ng bata na hindi siya ang kumuha ng kalupi. Nagtanong na ang pulis kung saan
nakatira ang bata, pero sinabi ng bata na wala siyang bahay, at palipat-lipat lang
siya ng bahay. Dinala ng pulis si Aling Marta at ang bata upang masolusyonan ang
problema. Naghintay sa labas ang dalawa habang naghihintay pa sa isa pang
kasama na pulis. Habang naghihintay sa labas, naiinis pa lalo si Aling Marta dahil sa
abala na ginawa ng batang lalaki at siya ay dapat nakauwi na agad para maghanda.
Hindi na napigilan ni Aling Marta at sinimulan niyang saktan ang batang lalaki.
Nagkaroon ng pagkataon makatakas ang bata at agad siyang tumakbong palayo.
Ngunit sa di-inaasahang pagkataon, habang palayo ang bata, sabay siyang
nabangga ng isang sasakyan. Bago pumanaw ang batang lalaki, ay inigiit niya na
wala talaga siyang ninakaw. Pumunta nalang siya sa pamilihan nagpautang na lang
siya sa tindera upang makakain sila ng panghapunan. Habang pabalik na sa bahay
si Aling Marta, naisip niya na ang nangyari sa bata ay kapalit sa pagkuha ng
kanyang kalupi. Pagkauwi ni Aling Marta, laking gulat niya nang tinanong ng
kanyang asawa kung saan niya nakuha ang kanyang bitbit na ulamin at pangluto
para sa kanilang hapunan at sinabi na iniwan ni Aling Marta ang kanyang kalupi sa
bahay. Sa pagkarining sa sinabi mula sa kanyang asawa, umikot ang paningin ni
Aling Marta at tuluyan nang nawalan ng ulirat.
III. Istilo ng pagkakasulat

- Ang tema ng maikling kwento na ito ay inhustisyang nakakamit ng mga salat sa pera at
walang kapangyarihang mga tao. Ipinapaksa rin dito ang magiging epekto kung tayo ay
maghuhusga sa ibang tao sa pamamagitan ng pisikal nakalagayan.

IV. Mensahe ng panitikan

- Sinasalamin nito ang katotohanan na hinuhusgahan ang isang tao base sa anyo at
estado nito sa buhay. Ipinapakita sa ‘’Ang Kalupi’’ ang isyu ng kahirapan ang nagiging
dahilan ng kawalan ng boses at balakid sa hindi pagkamit ng hustiya

V. Uri ng panitikan

- Ang Kalupi ay isang maikling kuwento. Ito ay nagpapakita ng realidad na may mga
bagay na hindi nabibigyang hustisya sa lipunan.

VI. Teoryang ginamit


- Teoryang Realismo
- Ang Kalupi ay isang teoryang realismo dahil layunin nito na ipakita ang mga karanasan
at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Ang panitikan ay hango sa totoong
buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang
kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.

You might also like