Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

The Basic of Faith 2 (Ang Pag-aaral ng 10 Utos 7).

______________________________________________________________________________________
Huwag kang mangangalunya.

Aralin 7
Huwag kang mangangalunya
- Sinabi ng Diyos na Siya ay napopoot at mapanghusga laban sa mga mapangalunya. Kaya naman,
pagsisihan ang pangagalunyang ginawa mo at tanggapin si Jesus bilang iyong Tagapagligtas at
Panginoon. -

✜ Bibliya / Exodo 20 : 14.

✜ Pamagat / Huwag kang mangangalunya.
✜ Layunin / ⓐ Alamin nang tiyak ang ibig sabihin ng “Huwag kang mangangalunya”.
ⓑ Pagsisihan ang pangangalunya at tanggapin si Jesus bilang Tagapagligtas
at Panginoon.
✜ Pagbabasa ng Bibliya / Luke 22 ~ John 2.

Mon Tue Wed Thu Fri

Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 1 Chapter 2

✜ Panimula.

✎ <Huwag kang mangangalunya>.

ⓐ <Ang pagkakahati ng Sampung Utos>.
㉮ Ito ay maaaring mahati sa dalawang parte: ‘Una hanggang Ikaapat na Utos’ at ‘Ikalima
hanggang Ikasampung Utos’.
㉯ Ang mga paksa ng Una hanggang Ikaapat na Utos at Ikalima hanggang Ikasampung Utos,
㉠ “Una hanggang Ikaapat na Utos” ay patungkol sa kung paano ibigin ang Diyos lamang.
㉡ “Ikalima hanggang Ikasampung Utos” ay itinuturo kung paano ibigin ang ating kapwa.
ⓑ <Noong nakaraang linggo at ngayong linggo>.
㉮ Noong nakaraang linggo,
㉠ Mula sa Ikalima hanggang Ikasampung Utos, “Paano ibigin ang iyong kapwa”.
㉡ ang ikalawang utos ay,
➮ Ang Ikaanim na Utos (Huwag kang papatay).
㉯ Sinasabi rito,
㉠ na “Huwag mong kikilitin ang buhay ng ibang tao”.
㉡ At sinabi ni Jesus,
➮ ang pagpapahayag ng mas malalim na kahulugan ng pagpatay kung saan nakasaad, “Ito
rin ay pagpatay kung ikaw ay nagalit at nang-alipusta sa isang tao.”
✌ Ngayong linggo,
➮ Pag-aaralan natin ang Ikapitong Utos, “Huwag kang mangangalunya”.

~1~
✌ Ito ang buong nilalaman ng pag-aaral ngayon:
㉮ Paksa: Huwag kang mangangalunya.
㉯ Nilalaman : ㉠ Alamin nang tiyak ang kahulugan ng “Huwag kang mangangalunya”.
㉡ Pagsisihan ang iyong mga mapangalunyang pag-uugali at tanggapin si Jesus
bilang iyong Tagapagligtas at Panginoon.

A. Huwag kang mangangalunya

✎ < Huwag kang mangangalunya>.

ⓐ Binibigyang kahulugan ang pangangalunya bilang “lahat ng sekswal na kaisipan, mga salita, at
mga kilos sa labas ng kasal (tahanan) na relasyon.
ⓑ Kaya naman, dapat nating aralin at pagnilayan ang Ikapitong Utos,
➭ upang mapagsisihan ang mapangalunyang pag-uugali at tanggapin si Jesus bilang iyong
Tagapagligtas at Panginoon.

✜ Pagsusuri.

✎ Isulat <Exodo 20 : 14, Mateo 5 : 28>.

ⓐ <Exodo 20 : 14>.
__________________________________________________________________________________________

ⓑ <Mateo 5 : 28>.

✌ Upang ibuod ang <Exodus 20 : 13, Matthew 5 : 28>.
㉮ <Exodus 20 : 14>.
➭ Huwag kang mangangalunya.
㉯ <Matthew 5 : 28>.
➭ Ang sinumang tumingin sa isang babae nang may pagnanasa.
# Ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso.

✜ Pagbibigay- kahulugan.

✎ <Huwag kang mangangalunya>.

ⓐ Ang kahulugan ng pangangalunya na sinabi sa ‘Exodo 20 : 14’.
㉮ Ano ang pangangalunya?
㉠ Ang Hebreong salita nito ay ‘Naab’
㉡ Ito ay nangangahulugang,
➭ ang isang asawang lalaki ay nagkaroon ng sekswal na ugnayan sa isang babae na
mayroon ng asawang lalaki o ang isang asawang babae ay nagkaroon ng sekswal na
ugnayan sa isang lalaki na mayroon ng asawang babae.’

~2~
㉯ Nang mas detalyado,
㉠ Bago ang kasal.
➭ Ang pagkakaroon ng sekswal na ugnayan sa pagitan ng isang lalaki at isang babae kahit
wala pang pormal na kasal.
㉡ Pagkatapos ng kasal.
➭ Ang pagkakaroon ng sekswal na ugnayan sa asawa ng ibang lalaki (o sa asawa ng ibang
babae), o pagkakaroon ng sekswal na ugnayan sa ibang babae (o lalaki) na hindi mo
naman pinakasalan.
㉢ Sa proseso ng pakikipaghiwalay.
➭ Ang pagkakaroon ng seskwal na ugnayan sa asawa ng ibang lalaki (o sa asawa ng ibang
babae) sa hindi pa kinakasal na babae o lalaki kahit wala pang legal o pormal na
paghihiwalay.
㉣ Pagkatapos ng pangungulila.
➭ Ang pagkakaroon ng sekswal na ugnayan sa ibang lalaki (o babae) kahit hindi pa pormal
na ikinakasal ulit.
✌ Ang pangangalunya ay,
➭ ‘lahat ng sekswal na pag-uugali sa labas ng kasal’.
✌ Isulat sa ibaba ang kahulugan ng pangangalunya ayon sa ‘Exodus 20 : 14’.
_______________________________________________________________________________________

ⓑ Ang kahulugan ng pangagalunya na sinabi sa ‘Matthew 5 : 28’.
㉮ Sinabi ni Jesus,
㉠ ang higit pa sa pangkalahatang kahulugan ng pangagalunya (Exodus 20 : 14),
㉡ itinuro Niya ang orihinal na kahulugan ng pangangalunya (Matthew 5 : 28) na,
➭ “Ang sinumang tumingin sa isang babae nang may pagnanasa ay nangangalunya na sa
babaing iyon sa kanyang puso.”
㉯ Upang suriin nang mas detalyado,
㉠ Ang negatibong konotasyon ng pahayag ay,
➮ “Magiging masaya ako na makasama ang isang magandang babae (o isang guwapong
lalaki)” ay isang likas na kagustuhan at hindi isang gawa ng pangangalunya.
㉡ Ang kahulugan ng ‘tumingin’
➮ Ang ‘tumingin’ dito ay tulad ng isang ‘inahing manok na naglilimlim sa kanyang mga
sisiw’. Samakatuwid, ang kahulugan ng ‘tumingin sa isang babae nang may pagnanasa’
ay hindi tumutukoy sa pagtingin lamang nang walang anumang masamang hangarin.
Ngunit, ito ay tumutukoy sa ‘isang taong may mahalay na pag-iisip tungkol sa babae
(lalaki) na kanyang tinitingnan at naghahanap ng pagkakataon na angkinin, kontrolin, at
gamitin siya bilang instrumento ng pansariling kasiyahan.
✌ Kaya naman, ang pinaka kahulugan ng pangangalunya na ayon kay Jesus ay,
➮ Lahat ng halimbawa ng aktwal na pangangalunya at lahat ng halimbawa na kung saan.
ang kilos ay ginawa nang may intensyon kasama ng malinaw na layunin at kasama ng
iyong puso, hindi lang ng mata.
✌ Isulat ang kahulugan ng pangangalunya na nakasulat sa ‘Mateo 5 : 28’.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
~3~
✌ <Huwag kang mangangalunya >.
㉮ Isulat ang buod ng kahulugan ng “Huwag kang mangangalunya” (Exodus 20 : 14, Matthew
5 : 28).
______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
㉯ < Huwag kang mangangalunya >.
➭ Ang pangangalunya ay tumutukoy sa “lahat ng sekswal na kaisipan, salita, at kilos sa
labas ng kasal. At sinumang tumingin sa babae (o lalaki) nang may mahalay na pagnanasa
at may tiyak na layunin upang mangalunya sa kanya (babae man o lalaki) kasama ng puso
at hindi lang ng mata.

✜ Kaugnayan.

✎ <Huwag kang mangangalunya>.

ⓐ Ang pangangalunya ay “ang lahat ng sekswal na kaisipan, salita, at kilos na labas sa kasal.”
ⓑ Kaya naman, dapat nating pagnilayan ang “Huwag kang mangangalunya” upang ating,
➭ Mapagsisihan ang mga mapangalunyang pag-uugali at tanggapin si Jesus bilang iyong
Tagapagligtas at Panginoon.

① Paano mo tinitingnan ang “pagkahumaling sa pisikal, paghahalikan, pagsayaw, mga panoorin, mga.
sekswal na magasin, at iba pa.”
ⓐ Iugnay ito sa salita ni Jesus patungkol sa pangangalunya (Mateo 5 : 28)?
Bakit sa tingin mo?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
ⓑ Ilagay ang iyong sarili sa harapan ng salita ni Jesus (Mateo 5 : 28).
Anong uri ka ng tao? Bakit ka ganoon? Isulat sa ibaba ang tiyak na detalye kung bakit.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
✌ <Pagkahumaling sa pisikal, paghahalikan, pagsayaw, mga panoorin, mga sekswal na magasin,
at iba pa>.
㉮ Isulat ang epekto ng “pagkahumaling sa pisikal, paghahalikan, pagsayaw, mga panoorin,
mga sekswal na magasin, at iba pa” sa pangangalunya.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

~4~
㉯ < Pagkahumaling sa pisikal, paghahalikan, pagsayaw, mga panoorin, mga sekswal na
magasin, at iba pa>.
➭ Maging maingat sa “pagkahumaling sa pisikal, paghahalikan, pagsayaw, mga panoorin,
mga sekswal na magasin, at iba pa.” Bilang karagdagan, huwag makisama sa mga mapanga-
lunyang tao, bantayan ang mga nakikita, maging maingat sa mga maruruming biro. Tingnan
kung paano ka manamit. Maging maingat sa pakikihalubilo sa mga lalaki at babae, at sa
teatro, mga palabas, sayaw, computer, at mga librong pornograpriya. Maging maingat sa
katamaran at alak.

② <Tungkol sa pagsasama bago pa ang kasal at ang kontraktwal na kasal (contract marriage)>.
ⓐ <Genesis 2 : 24>.
㉮ Isulat ang ‘Genesis 2 : 24’.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
㉯ ‘Genesis 2 : 24’,
➭ sinasabi na, “iniiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina, magsasama sila ng kanyang asawa,
at sila’y magiging isa.”
ⓑ Mula rito,
㉮ Ang ibig sabihin ng “ipagsama” ay “upang ipagdikit gamit ang pandikit”.
➭ Kapag ang dalawang papel na idinikit gamit ang pandikit ay ipinaghiwalay, masisira ang
papel. Sa kaparehong paraan, ang pangangalunya ay isang kriminal na pagkakasala na
sumisira sa pamilyang itinatag ng Diyos sa pamamagitan ng institusyon ng kasal at sumisira
sa kautusan ng Diyos.
㉯ Ang mga sekswal na ugnayan,
➭ ay naaayon lamang sa batas kung ito ay ginagawa ng mag-asawang lalaki at babae sa loob
ng legal na kasal. Samakatuwid, ‘lahat ng sekswal na kaisipan, salita, at kilos sa labas ng
kasal’ ay labag sa batas.
✌ Kaya naman, ang kasal ay,
➭ hindi isang bagay na ginagawa ng mga tao dahil sa pangangailangan o panlipunang
kaugalian. Ayon sa Bibliya, inutusan ng Diyos ang mga tao na mamuhay sa mundong ito
sa ganoong paraan, at ang kasal ay bahagi ng proseso ng pagtupad sa utos na iyon.
ⓒ Ngayon, maraming halimbawa ng ‘pagsasama bago pa ang kasal o mga kontraktwal na kasal
(contract marriage) sa paligid natin.
㉮ Ang mga ganitong pangyayari,
➭ ay nagaganap kapag binabalewala ng mga tao ang Salita ng Diyos at inuuna ang kanilang
sariling mga ideya tungkol sa kasal.
㉯ Ang ‘pagsasama bago pa ang kasal’
➮ ay pagtanggi na maging tapat sa prinsipyo ng sekswal na pagtatalik sa loob ng hangganan
ng kasal at pagtanggi sa mga tungkuling kaakibat ng pag-aasawa, na humahantong sa
pansamantalang pagsasama dahil lang sa pangangailangan.
✌ Upang mas bigyang- linaw,
➭ Ang kontraktwal na kasal ay pansamantalang pamumuhay nang magkasama sa loob ng
natitirang bahagi ng buhay ng isang tao.
✌ <Patungkol sa pagsasama bago pa ang kasal at ang mga itinakdang kasal>.
㉮ Magbigay ng mga halimbawa ng pagsasama bago pa ang kasal at ang mga kontraktwal na
kasal (contract marriage) na nakikita mo sa iyong paligid. Isulat kung bakit ang mga ito ay
hindi tama ayon sa Bibliya.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
~5~

㉯ < Patungkol sa pagsasama bago pa ang kasal at kontraktwal na kasal (contract marriage) >.
➭ Kapag tayo ay ikinasal, dapat tayong mamuhay nang magkasama alinsunod sa kalooban
ng Diyos upang hindi magkaroon ng pagsasama bago pa ang kasal o ang mga kontraktwal
na kasal (contract marriage) na salungat sa kalooban ng Diyos.

③ <Mga isyu tungkol sa magkaparehong kasarian>.

ⓐ Isulat ang ‘Roma 1 : 26 ~ 27’.
㉮ <Roma 1 : 26>.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
㉯ <Roma 1 : 27>.

✌ Ito ay upang ibuod ang ‘Roma 1 : 26 ~ 27’.
㉠ Hinayaan sila ng Diyos sa mahahalay na pagnanasa.
㉡ Bilang resulta,
➮ ayaw nang makipagtalik ng babae sa lalaki ayon sa likas na kaparaanan at sa halip ay
sa kapwa babae sila nakikipag-ugnayan.
# ay sa kanilang kapwa babae (lalaki) sila nahuhumaling.
ⓑ Upang bigyang kahulugan ang ‘Roma 1 : 26 ~ 27’.
㉮ Sa 'Roma 1 : 19 ~ 24',
㉠ sinasabi na ‘ang mga tao ay naging espiritwal na marurumi’.
㉡ Kinalaunan, sa ‘Roma 1 : 26 ~ 32’,
➮ itinala na ang mga taong espiritwal na marurumi ay ‘marurumi rin sa kanilang moral’
# at inilista sa isang tiyak na hanay ang mga kababalaghan na matatagpuan sa mga
taong marurumi.
㉯ At sa ‘Roma 1 : 26 ~ 24’,
㉠ ay nakasaad ang isang tiyak na kababalaghan na matatagpuan sa mga taong marurumi sa
espirituwal at moral.
㉡ Ang espesyal mula sa mga iyon ay,
➮ “Ayaw nang makipagtalik ng babae sa lalaki ayon sa likas na kaparaanan at sa halip ay
sa kapwa babae sila nakikipag-ugnayan. Ganoon din ang mga lalaki: ayaw na nilang
makipagtalik sa mga babae ayon sa likas na kaparaanan, at sa kanilang kapwa lalaki
sila nahuhumaling.” Sa ibang salita “Ginagawa nila ang mga kasuklam- suklam na bagay.”
㉢ Ito ay “ang mga hindi matuwid na paggamit ng mga sekswal na gawaing pinahihintulutan
sa pagitan ng mga legal na mag-asawa.”
➮ Sa madaling salita, itinatakwil nito ang mga kasuklam- suklam na gawain ng mga
magkaparehong kasarian. (Sanggunian: Genesis 19 : 4 ~ 9, Levitico 18 : 22, Deuterono-
mio 23 : 17, Isaias 19 : 22 ~ 24, 1 Corinto 6 : 9~ 10, Efeso 4 : 19, 2 Pedro 2 : 6, Juda 1 :
7).
㉰ Sinasabi sa Bibliya,
㉠ ang mga lalaki ay nagkakaroon ng mapagmahal na puso sa kapwa nila lalaki.
➮ Tumutukoy sa ugnayan ng magkaparehong kasarian na salungat sa paraan ng paglikha
ng Diyos kung saan ang lalaki ay minamahal ang babae at ang babae ay minamahal ang
lalaki.
~6~
㉡ Ang pagsabi ng “hindi namin ito mapigilan- isinilang kami sa ganitong paraan.”
➮ ay isang napakaseryosong problema. Sa katunayan, ito ay isa sa mga pangkaraniwang
argumento na ginagamit ng mga tao upang bigyang- katuwiran ang kanilang pananaw
tungkol sa mga magkaparehong kasarian. Taliwas sa pinaniniwalaan ng maraming tao,
‘ipinapakita sa pananaliksik ngayon na ang mga isyu tungkol sa mga magkaparehong
kasarian ay hindi likas sa mga tao (inborn)’.
✌ Sa anumang pagkakataon ay hindi natin dapat sabihin na kung ano ang ipinagbabawal sa
Bibliya ay mali.
➮ Kaya naman, dapat maging malinaw sa atin na ang oryentasyon ng mga magkaparehong
kasarian at ang mga isyu tungkol sa mga magkaparehong kasarian ay kabilang sa mga hilig
at pag-uugali na lumalabag sa Ikapitong Utos.
✌ < Mga isyu tungkol sa mga magkaparehong kasarian>.
㉮ Magbigay ng mga halimbawa patungkol sa mga magkaparehong kasarian na nakikita mo sa
iyong paligid. Ilahad kung bakit iyon ay hindi tama ayon sa Bibliya.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
㉯ <Mga isyu tungkol sa mga magkaparehong kasarian >.
㉠ Gayunpaman, hindi tama na tratuhin ang mga isyu tungkol sa mga magkaparehong
kasarian na para bang ito lamang ang kasalanan na lumalabag sa Ikapitong Utos.
➭ Ang mga isyu tungkol sa magkaparehong kasarian ay isa lang sa maraming mga
sekswal na kasalanan ng mga bumagsak na tao, at dapat nating ituring ang lahat ng mga
ito bilang mabibigat na kasalanan, hindi lamang ang isa o iilang kasalanan.
㉡ Kapag tinawag natin ang mga isyu tungkol sa mga magkaparehong kasarian bilang isang
malubhang kasalanan,
➭ ngunit mayroon tayong mas mabigat pang kasalanan na pasan natin, hahamakin tayo
ng mundo, at sa kasamaang-palad, ang Magandang Balita na ating ipinapangaral ay
hahamakin, at maging ang ating Diyos ay hahamakin din.

✌ < Huwag kang mangangalunya>.

ⓐ Ang pangangalunya ay,
➭ ‘ang lahat ng sekswal na kaisipan, salita, at kilos na labas sa kasal’. Ang Diyos ay napopoot
at paniguradong huhusgahan ang mga nangangalunya. (Levitico 20 : 10, Roma 1 : 18, Pahayag
21 : 8).
ⓑ Ngunit upang matakasan ang paghuhusga ng kapootan ng Diyos,
㉮ Ang isa ay dapat na,
➭ lubusang pagsisihan ang kasalanan ng pangangalunya (Lucas 5 : 31 ~ 32). Pagkatapos ay
tanggapin si Jesus bilang iyong Tagapagligtas at Panginoon. (Roma 3 : 23 ~ 25).
㉯ Kung gayon,
➭ Lilinisin ng Diyos ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng dugo ni Jesu Cristo na
dumanak sa krus. Bilang karagdagan, ituturing ng Diyos ang banal na 33 taong buhay ni
Jesus bilang iyo at tatawagin ka bilang matuwid. (Roma 5 : 1).

~7~
✜ Pagsasabuhay

✎ Sa pamamagitan ng aralin ngayon,

ⓐ Isulat ang katotohanang partikular mong nalaman o napagtanto.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
ⓑ Upang maisabuhay ang iyong mga napagtanto,
㉮ Ilahad ang mga tiyak na paraan kung paano mo isasabuhay ang katotohanang iyon.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
㉯ Isulat kung bakit mahalagang isabuhay ang iyong mga napagtantong katotohanan.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

✜ Bilang Konklusyon.

✎ <Huwag kang mangangalunya>.

ⓐ Ang pangangalunya ay,
➭ ‘ang lahat ng sekswal na kaisipan, salita, at kilos na labas sa kasal’. Ang Diyos ay napopoot
at paniguradong huhusgahan ang mga nangangalunya. (Levitico 20 : 10, Roma 1 : 18, Pahayag
21 : 8).
ⓑ Ngunit upang matakasan sa paghuhusga ng kapootan ng Diyos,
㉮ Ang isa ay dapat na,
➭ lubusang pagsisihan ang kasalanan ng pangangalunya (Lucas 5 : 31 ~ 32). Pagkatapos ay
tanggapin si Jesus bilang iyong Tagapagligtas at Panginoon. (Roma 3 : 23 ~ 25).
㉯ Kung gayon,
➭ Lilinisin ng Diyos ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng dugo ni Jesu Cristo na
dumanak sa krus. Bilang karagdagan, ituturing ng Diyos ang banal na 33 taong buhay ni
Jesus bilang iyo at tatawagin ka bilang matuwid. (Roma 5 : 1).

~8~

You might also like