Feonah, Kristine, Christopher

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

The base of Faith.

______________________________________________________________________________________
Ang Tulay

Aralin 1
Ang Tulay
- A sinner can go to God only through Jesus Christ.
Therefore, one must repent his sins and accept Jesus as his Savior and Lord -

✜ Bibliya / John 3 : 16, 14 : 6.

✜ Pamagat / Ang Tulay.
✜ Layunin / ① Upang makilala ng mga mag-aaral ang tulay na ipinagkaloob sa atin ng
Paginoon upang maayos natin ang ating ugnayan sa Kanya.
② Sila ay magsisisi ng buong puso at tatalikuran na rin nila ang kanilang
mga kasalanan. Tatanggapin na rin nila si Jesus sa kanilang buhay bilang
Panginoon at Tagapagligtas at mananampalataya sa Kanya.
✜ Pagbasa sa Bibliya / Matthew 1 ~ Matthew 5.

Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes

Kabanata 1 Kabanata 2 Kabanata 3 Kabanata 4 Kabanata 5

PAGSISIMULA :

Itinuturo sa Bibliya na mahal ng Diyos ang lahat ng mga tao at ninanais Niya na makilala Siya. Subali’
t hindi nadarama ng mga tao ang pag-ibig ng Diyos sapagkat sila ay nalalayo sa Kanya. Ano nga ba ang
dahilan ng pagkakalayo ng mga tao sa Diyos?

~1~
Sinasabi sa Isaias 59 : 2 na ang kasalanan ng tao ang dahilan ng pagkakalayo sa Diyos.
At sinasabi rin sa Roma 3 : 23 na ang lahat ay nagkasala at walang sinuman ang karapat-dapat sa
paningin ng Diyos. Wala kahit isa man. Ang kasalanan ay ang lahat ng bagay na ating nagagawa na hindi
karapatdapat para sa kapurihan ng Diyos. Ang mga kasalanang ito ay humahantong sa...

Ang pagkakalayo nating ito sa Diyos ay humahantong sa KAMATAYAN ... At ito ang sinasabi sa
Roma 6:23 na “ Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan...” At kapag ang tao ay namatay,
dadaan siya sa isang paghuhukom kung saan malalaman niya kung saan nga ba siya karapatdapat, sa
langit ba o sa impyerno. Kung siya ay namuhay ng makasalanan dito sa mundo at hindi nagsisi,
ipapatapon siya sa impyerno at doon ay magkakaroon ng panghabambuhay na kaparusahan. Kung sa
tingin ng mga tao ay maaalis nila ang mga kasalanang ito sa pamamagitan ng paggawa ng mga
mabubuting bagay, pwes, mali ito. Ang mga mabubuting bagay na ito tulad ng laging pagsisimba,
paghahandog, pagtulong sa kapwa o iba pa ay isa lamang basura sa harap ng Diyos at kailanman ay hindi
makapag-aalis ng kasalanan. Kung ganon, paano tayo makakaalis sa kapootan ng Diyos? Meron pa bang
paraan upang tayo ay makaiwas dito? Oo, meron. Sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang
Anak ng Diyos.

Ayon sa Juan 3 : 16,“dahil sa labis na pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay Niya ang Kaisa-
isa Niyang Anak upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkakaroon
ng buhay na walang hanggan.”Si Jesus ay namatay para sa ating mga kasalanan upang sa pamamagitan
Niya tayo ay makalalapit nang muli sa Diyos. Ibig sabihin,

~2~
Siya lamang ang maaaring maging tulay ng tao patungo sa Diyos. Ngunit kahit na ibinigay na ng
Diyos ang Kanyang Anak na si Jesus, nasa sa atin pa rin ang desisyon kung tatanggapin ba natin Siya o
hindi. Hindi ibig sabihin na namatay si Jesus para sa kasalanan ng mga tao ay

ligtas na ang lahat. Yaon lamang mga taong nagsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan, at mga
sumampalataya at tumanggap na kay Jesu-Cristo bilang kanilang Tagapagligtas at Panginoon ang mga
ligtas na.

Ang bawat tao ay kinakailangang magpasiya para sa kanyang sarili kung tatanggapin ba niya si Cristo
sa kanyang buhay.
Ang puso natin ay katulad ng isang tahanan at tayo ang nakaupo sa loob bilang hari. Ibig sabihin sa
lahat ng bagay na ating ginagawa ay sarili natin ang nasusunod at hindi natin pinapakinggan ang sinasabi
ng Diyos.

Ngunit sinasabi ni Jesus sa atin :“Nakatayo ako sa labas ng pintuan at tumutuktok. Kung diringgin
ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, ako’y papasok(Pahayag 3 : 20).”

Paano pinapapasok ng isang tao si Jesu-Cristo sa kanyang buhay? Sinabi rin ni Jesus,“Anuman ang
hilingin ninyo sa aking pangalan ay gagawin ko.”Juan 14 : 14 Samakatuwid, maaari mong hilingin kay
Jesus na pumasok Siya sa iyong buhay sa pamamagitan ng isang panalangin. At kung tapat mong
hihilingin at ipapanalangin ito, si Jesu-Cristo ay pumasok na sa iyong buhay.

~3~
At kapag tinanggap na rin natin ang Panginoong Jesus sa ating buhay ay nagkaroon na rin tayo ng
buhay na walang hanggan.

PAGSASABUHAY :

Ang Panginoong Jesus lamang ang tanging daan at tulay upang tayo ay makalapit sa Ama, wala ng iba.
Hinding hindi natin maaalis ang ating mga kasalanan sa pamamagitan lamang ng mabubuting bagay
sapagkat ang lahat ng ito ay basura lamang sa harap ng Diyos. Ang tanging bagay na makakapag-alis ng
ating mga kasalanan ay ang Banal na dugo ng ating Panginoong Jesus. At ang paraan lamang upang tayo
ay makakaiwas mula sa panghabang buhay na kaparusahan sa impyerno ay sa pamamagitan ng pagsisisi
at pananampalataya sa Panginoong Jesus bilang Hari at Tagapagligtas.

Kapag nagawa na natin ito, kailangang talikuran na natin ang lahat ng ating mga salanan at sa bawat
desisyon na ating gagawin ay sumagguni muna tayo sa Kanya. At kailangang ipagpasiya na rin natin ang
ating sarili na sumunod sa kanyang mga utos.

① Ibuod ang pag-aaral at isulat.

________________________________________________________________________________________________

② Isulat ang mga bagong natutunan at mga napagtanto sa pamamagitan ng pag-aaral

ngayon.
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

~4~

③ Isulat ang mga bagong determinasyon sa pamamagitan ng pag-aaral ngayon.

④ Base sa pag-aaral ngayon, isulat ang mga panalangin ng determinasyon upang

manampalataya.

~5~

You might also like