Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Basic of Faith (Ang Pag-aaral sa Sampung Utos 1).

______________________________________________________________________________________
Paglingkuran ang Diyos lamang.

Aralin 1
Paglingkuran ang Diyos lamang
- Mahalin ang Diyos, ngunit mahalin Siya nang buong puso, kaluluwa, at lakas.
Paniguradong huhusgahan ng Diyos ang mga makasalanan na hindi minamahal ang Diyos sa ganitong
paraan -

✜ Bibliya / Exodo 20 : 3.
✜ Pamagat / Paglingkuran ang Diyos lamang.
✜ Layunin / ⓐ Upang malaman na dapat mahalin ng isang tao ang Diyos nang buong puso,
kaluluwa, at lakas.
ⓑ Upang pagsisihan ng isang tao na hindi niya minahal ang Diyos nang buong
puso, kaluluwa, at lakas at upang tanggapin si Jesus.
✜ Pagbabasa ng Bibliya / Mark 13 ~ Luke 1.

Mon Tue Wed Thu Fri

Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 1

✜ Panimula.

✎ <Paglingkuran ang Diyos lamang>.

ⓐ <Ang Kapootan ng Diyos laban sa mga Makasalanan>.
㉮ Ang Diyos ay paniguradong maghahayag ng Kanyang kapootan laban sa mga makasalanan.
㉯ Ano ang dahilan ng kapootan ng Diyos?
㉠ Ito ay dahil sa ‘mga kasalanan’ ng mga tao.
㉡ Ang ‘mga kasalanan’ ay ang hindi pagmamahal sa Diyos lamang (kalapastanganan) at
hindi pagmamahal sa kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili (kasamaan)’.
✌ Ang mga tiyak na katangian ng mga kasalanan (kalapastanganan at kasamaan)
➮ ay lubusang ipinapakita sa ‘Sampung Utos (Exodo 20 : 1 ~ 17)’.
ⓑ <Ang mga tiyak na katangian ng mga kasalanan na ipinapakita sa Sampung Utos>.
㉮ Ang Sampung Utos ay maaaring hatiin sa dalawang malaking bahagi: ‘Ika-una hanggang Ika-
apat na Utos’ at ‘Ika-lima hanggang Ika-sampu na Utos’.
㉯ <Ang pagkakahati ng 2 bahagi ng Sampung Utos>.
㉠ Ang tema ng ‘ika-una hanggang ika-apat’ ay patungkol sa ‘mahalin ang Diyos lamang
(kabanalan)’.
➮ Bukod dito, itinuturo nito na ang ‘hindi pagmamahal sa Diyos lamang (kalapastanganan)’
ay kasalanan’.
㉡ Ang tema ng ‘ika-lima hanggang ika-sampu’ ay patungkol sa ‘mahalin ang kapwa tulad
ng pagmamahal sa sarili (katuwiran)’.
➮ Bukod dito, itinuturo nito na ang ‘hindi pagmamahal sa kapwa tulad ng pagmamahal sa
sarili (kasamaan) ay kasalanan’.
~1~
✌ Simula ngayon, pag-aaralan natin nang detalyado ang Sampung Utos hanggang sa susunod
na 10 linggo.
㉠ Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, suriin mong mabuti ang sarili mong mga kasalanan
sa harapan ng Diyos.
㉡ Higit pa rito,
➮ magsisi at gumawa ng malinaw na pagpapasya na tatanggapin mo si Jesu-Cristo bilang
iyong Tagapagligtas at Panginoon.
✌ Ito ang buong nilalaman ng pag-aaral ngayon:
㉮ Paksa : Paglingkuran (Mahalin) ang Diyos lamang.
㉯ Nilalaman : ㉠ Mahalin natin ang Diyos nang buong puso, kaluluwa, at lakas.
㉡ Pagsisihan natin na hindi natin minahal ang Diyos nang buong puso, kaluluwa,
at lakas at tanggapin natin si Jesus.

A. Huwag kang sasamba sa ibang diyos maliban sa akin.

✎ Dapat mong paglingkuran ang tunay na Diyos lamang.

ⓐ Dapat mong mahalin ang Diyos nang buong puso, kaluluwa, at lakas.
ⓑ Kapag hindi mo minahal ang Diyos sa ganitong paraan, iyon ay kasalanan (kalapastanganan).
➮ Paniguradong parurusahan ng Diyos ang mga kasalanang ito (kalapastanganan at kasamaan).

✜ Pagsusuri.

✎ <Exodo 20 : 3>.
ⓐ Isulat ang <Exodo 20 : 3>.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
ⓑ Ito ay upang ibuod ang <Exodo 20 : 3>.
✎ Huwag
➭ kang sasamba sa ibang diyos maliban sa akin.

✜ Pagbibigay-kahulugan.

✎ <Huwag kang sasamba sa ibang diyos maliban sa akin>.

ⓐ <Maliban sa akin>.
㉮ Ang salitang ito sa Hebreo ay ‘Al Panai ( ‫’)עַל־ ָּפ ָּנַַי‬.
㉯ Ang salitang ‘Al Panai ( ‫’)עַל־ ָּפ ָּנַַי‬
➭ ay pinagsamang salita na ‘al’ na nangangahulugang ‘laban sa akin, salungat ng aking sarili’
at ‘Panai’ na nangangahulugang ‘mukha ni Jehovah’.
✌ Samakatuwid, ang kahulugan ng ‘Al Panai ( ‫ ’)עַל־ ָּפ ָּנַַי‬ay,
➮ ‘sa harap ng mukha ni Jehovah’.

~2~
ⓑ <Huwag kang sasamba sa ibang diyos maliban sa akin>.
㉮ Kaya naman, ang kahulugan ng “Huwag kang sasamba sa ibang diyos maliban sa akin” ay,
➭ Mahigpit na ang Diyos lamang ang dapat mong paglingkuran.
㉯ Ang Diyos,
➭ mahigpit Niyang ipinagbabawal sa atin ang paglilingkod sa ibang mga diyos at idolo
maliban sa Kanya.
✌ Ang Diyos ang tanging tunay na Diyos.
➮ Kaya nga, hindi ka dapat maglingkod sa ibang mga diyos (idolo) sa harap ng Diyos. Ngunit
mahigpit na maglingkod sa Diyos lamang.
✌ <Huwag kang sasamba sa ibang diyos maliban sa akin>.
㉮ Isulat ang buod ng “Huwag kang sasamba sa ibang diyos maliban sa akin.”
_______________________________________________________________________________________

㉯ <Huwag kang sasamba sa ibang diyos maliban sa akin>.
㉠ Dapat mong mahalin ang nag-iisang tunay na Diyos.
㉡ Gayunpaman, ang hindi pagmamahal sa tanging tunay na Diyos (kalapastanganan) ay
isang kasalanan.
➮ Paniguradong parurusahan ng Diyos ang kasalanang ito (kalapastanganan).

✜ Kaugnayan.

✎ Mahalin ang Diyos lamang.

➮ Mahalin ang Diyos nang iyong buong buhay, tulad ng isang handog na inialay sa Diyos nang
buong-buo habang sinusunog.

① <Mahalin ang Diyos nang buong puso, kaluluwa, at lakas>.

ⓐ Isulat ang <Deuteronomio 6 : 5>.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
ⓑ Ito ay upang ibuod ang <Deuteronomio 6 : 5>.
㉮ Ibigin mo si Yahweh na iyong Diyos.
➮ nang buong puso, nang buong kaluluwa at nang buong lakas.
✌ Ang paraan para mahalin ang Diyos ay
➮ ang mahalin siya ‘nang buong puso, nang buong kaluluwa at nang buong lakas’.

② <Mahalin mo si Yahweh na iyong Diyos nang buong puso, kaluluwa, at lakas>.

ⓐ <Nang buong puso>.
㉮ ‘Mahalin ang Diyos nang iyong buong pagkatao.’
㉯ Ang tao ay binubuo ng tatlong bahagi: kaalaman, emosyon at kalooban.
➮ Alam at hinuhusgahan ng kaalaman kung ano ang tama at mali; ang emosyon ay naaantig
o nadadama ng kung ano ang kanilang hinuhusgahan na tama; at ang kalooban ay kumikilos
ayon sa nalalaman nito (kaalaman) at pinadadama ng (emosyon).
~3~
✌ Samakatuwid, ang “Mahalin ang Diyos nang iyong buong puso” ay nangangahulugang,
➮ pamumuhay nang buong pagpapasakop ng buong pagkatao (kaalaman, emosyon at
kalooban) sa Diyos.
ⓑ <Nang buong kaluluwa>.
㉮ ‘Mahalin mo ang Diyos nang iyong buong buhay.’
㉡ Isipin mo ang isang sanggol na nasa kapahamakan, siya ay nasa isang nasusunog na bahay.
➮ Ang ina ng sanggol ay tatakbo sa nasusunog na bahay upang iligtas ang kanyang anak,
nang walang pagsasaalang-alang sa kanyang sariling buhay. Ito ang ibig sabihin ng ibigay
ang iyong buong buhay.
✌ Kaya naman, ang kahulugan ng ‘mahalin mo ang Diyos nang buong kaluluwa’ ay,
➮ ‘upang mahalin ang Diyos nang buong buhay, hindi isinasaalang-alang ang sariling
buhay, kundi ihahandog ito nang buong-buo sa Diyos.’
ⓒ <Nang buong lakas>.
㉠ Ibig sabihin, ‘Mahalin mo ang Diyos nang iyong buong enerhiya.’
㉯ Isipin ang pagkakaiba sa pagitan ng isang ‘marathon runner’ at isang ‘100-meter sprinter.’
➮ Ang isang mananakbo ay hindi tumatakbo ng 42.195km ng katulad sa kung paano tumakbo
ang isang 100m na mananakbo. Gayunpaman, ang mananakbo sa 100-meter, kung siya ay
tumatakbo nang may buong kalakasan, pinipigil niya ang kanyang paghinga habang
tumatakbo hanggang sa makarating sa katapusan.
✌ Kaya naman, ang kahulugan ng ‘mahalin mo ang Diyos nang buong lakas’ ay,
➮ Tulad ng pagtakbo sa 100-meter, kung saan pinipigil niya ang kanyang paghinga at
tumatakbo nang buong kalakasan, ang mahalin ang Diyos nang iyong buong lakas ay ang
mahalin Siya nang iyong buong enerhiya.
✌ <Mahalin mo ang Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong lakas>.
㉮ Ibuod ang kahulugan ng “Mahalin mo ang Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at
nang buong lakas.”
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
㉯ <Mahalin mo ang Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong lakas>.
㉠ Ang handog na sinusunog sa panahon ng Lumang Tipan ay isang handog na ginawa sa
Diyos sa pamamagitan ng pagsunog ng handog.
➮ Ang handog ay dapat walang kahit na anumang depekto sa labas man o sa panloob
ngunit ito ay dapat na malinis na handog. Kapag hinandog na ito, itatali ang kanyang mga
binti sa harap at sa likod, puputulin ang ulo at hahayaan itong mamatay habang dumadanak
ang dugo. At pagkatapos, tatanggalin ang balat, hihiwain ang tiyan, ilalabas ang lahat ng
mga lamang-loob, at hihiwa-hiwain ang handog at pagpipiraso-pirasuhin, at ikakalat ang
lahat ng mga bahagi sa altar ng sinunog na handog kung saan napakainit. At pagkatapos,
ang bawat bahagi ng handog ay lubusang masusunog. At sa oras na iyon, maaamoy ng
Diyos ang usok ng sinunog na handog at tatawagin itong mabangong handog. Kung
paanong ang isang sinunog na handog ay lubusang pinatay, sinunog at inihandog sa
Diyos, ang mahalin ang Diyos nang buong buhay ay ‘ang mahalin ang Diyos nang buong
puso, buong kaluluwa, at buong lakas’.
㉡ Nais ng Diyos na mahalin natin Siya nang buong puso, kaluluwa, at lakas.
➮ Ngunit kapag hindi natin naabot ang pamantayang ito, tinatawag ito ng Diyos na
kasalanan (kalapastanganan), at Siya ang Diyos ng kapootan na paniguradong
magpaparusa sa mga makasalanan at ihahayag Niya ang Kanyang kapootan.
~4~

③ <Ang Diyos na nais na mahalin natin Siya nang lubusan at Siya lamang>.
ⓐ <Isulat ang mga sumusunod na bersikulo sa Bibliya>.
㉮ Isulat ang ‘Deuteronomio 4 : 39’.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
㉯ Isulat ang ‘Isaias 44 : 6’.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
㉰ Isulat ang ‘Awit 16 : 4’.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
✌ <Ang Diyos na nais na mahalin natin Siya nang lubusan at Siya lamang>.
㉠ Isulat ang kahulugan ng “Ang Diyos na nais na mahalin natin Siya nang lubusan at Siya
lamang.”
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
㉡ <Ang Diyos na nais na mahalin natin Siya nang lubusan at Siya lamang>.
➮ Sa totoo lang, wala namang talagang ibang diyos. Ang mga Persiano ay naglilingkod sa
apoy, ang mga taga-Ehipto ay sumasamba sa araw, at ang mga Indiano ay sumasamba
sa mga toro at elepante; ang Griyego ay sumasamba kay Jupiter at ang Roma ay kay
Zeus; ang mga Tsino, Hapon, at maraming Koreano ay sumasamba kay Buddha. Maliban
pa rito, ang iba ay sumasamba sa mga ‘dragon, ahas, aso.... Ang lahat ng ito ay mga idolo
na ginawa lamang ng tao, ngunit hindi sila mga diyos. Gayundin, sa bahay ng ibang tao,
sumasamba sila sa mga multo, hardin ...., ang iba ay sa araw, buwan, o mga bituin. Ang
iba ay sa ilog, gubat, mabangis na hayop, o kahit na sa isda sa dagat.
Ngunit, ang Diyos panigurado Niyang sinabi, “Dahil dito, tandaan ninyo at huwag
kalilimutan na sa langit at sa lupa’y walang ibang Diyos liban kay Yahweh. (Deuteronomio
4 : 39).” Nagbigay din ng babala ang Diyos, “Ang mga bumabaling sa ibang diyos,
sulirani’y sunud-sunod (Awit 16 : 4).”
ⓑ Ngunit sa panahon ngayon ang mga tao ay sumasamba sa maluhong idolo.
㉮ <Pera>.
㉠ Ang diyos ng mga tao ngayon ay ‘pera (kayamanan)’.
㉡ Ang pera ay hindi masama.
➭ Kailangan natin ng pera. Ang pera ay ang gantimpala sa iyong paghihirap at
pagsusumikap. Ang kayamanang nakamit nang may katapatan ay mahalaga sa harap ng
Diyos. Maging sa Bibliya, ipinangako rin ng Diyos na gagantimpalaan ang mga
nagsisipagtrabaho at nagsisipagod.
Gayunpaman, hindi dapat mapalitan ng pera ang Diyos. Ang pagmamahal sa pera ay
hindi dapat mas malaki kumpara sa pagmamahal sa Diyos. Sinasabi sa 1 Timoteo 6 : 9 ~
10 na, “Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan.”
✌ Dapat ang Diyos lamang ang iyong mahalin ‘nang buong puso, kaluluwa at lakas’,
➭ hindi ang pera. Ngunit kung mas mahal mo ang pera kaysa sa Diyos, kung ganoon ang
perang ito ay ang ugat ng lahat ng kasamaan at ang iyong nagiging idolo.
~5~
㉯ <Kasikatan at karangalan>.
㉠ Sa oras na maipanganak ang tao, kinakailangan na sila ay maipakita at maipakilala.
㉡ Ang pagnanais na makuha ang atensyon ng ibang tao, ito ay hindi naman mali.
➭ Ito ay katanggap- tanggap kung ninanais ng isa na maipakita ang kanyang kagandahan
at talento sa iba at upang magustuhan o mahalin siya ng ibang tao.
✌ Ngunit kung ang kasikatan at karangalan, napapalitan na nito ang Diyos,
➭ ang kasikatan at karangalang ito na ang nagiging iyong idolo at pumapalit sa Diyos.
㉰ <Kasiyahan>.
㉠ Nais ng mga tao na maging masaya.
㉡ Gayunpaman,
➭ kung ang kasiyahan na ang nagiging layunin ng iyong buhay at napapalitan na nito ang
Diyos, kung ganoon ginagawa na tayo nitong kapus-palad. Nilikha tayo ng Diyos upang
maging masaya. Nagiging masaya tayo sa pamamagitan ng ating mga libangan, talento o
pag-ibig sa pagitan ng mag-asawa. Gayundin, nagbigay din ang Diyos ng sekswal na
kagalakan sa institusyon ng kasal.
✌ Ngunit,
➭ kung pinapalitan na nito ang Diyos, at ito na ang nagiging layunin ng iyong buhay, kung
ganoon ito ay nagiging iyong idolo.
㉱ <Kaalaman>.
㉠ Ang mga mag-aaral ay dapat na mag-aral nang maigi at makakuha ng magagandang
marka.
㉡ Ngunit,
➭ kung ang tanging layunin ng iyong pag-aaral ay upang isulong ang sarili, upang
malaman ito ng iba, upang umangat ang katayuan sa buhay, kung ganoon ang pag-aaral
ay iyong nagiging idolo. Ang layunin ng pag-aaral ay dapat upang maipamalas natin ang
kalooban ng Diyos sa ating mga piniling larangan at maitaas ang Kanyang pangalan.
✌ Gayunpaman, kung ipinagmamalaki mo kung gaano ka kahusay mag-aral,
➭ at ang layunin ng iyong pag-aaral ay upang iangat ang iyong sarili, kung ganoon ito ay
nagiging iyong idolo at kinamumuhian ito ng Diyos.
✌ <Sa panahon ngayon ang mga tao ay sumasamba sa maluhong idolo>.
㉠ Ibuod ang nilalaman ng “Ngunit sa panahon ngayon ang mga tao ay sumasamba sa
maluhong idolo.”
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
㉡ <Sa panahon ngayon ang mga tao ay sumasamba sa maluhong idolo>.
➭ Sa aking buong buhay, dapat kong ilagay ang Diyos bilang sentro ng lahat at
paglingkuran Siya nang lubusan, hindi ang mga diyus-diyosan o idolo sa pangkalahatan
o maging ang ‘pera, edukasyon, mga anak, karangalan...’ Anumang bagay na nangunguna
higit kaysa sa Diyos ay isang idolo, at kinasusuklaman ito ng Diyos at paniguradong
ihahayag Niya ang Kanyang kapootan.

✌ <Mahalin mo ang Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong lakas>.
ⓐ Ibuod ang buong nilalaman ng “Mahalin mo ang Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa,
at nang buong lakas.”
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
~6~

ⓑ <Mahalin mo ang Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong lakas>.
㉮ Huwag kang sasamba sa ibang diyos maliban sa akin.
➭ Ang pangunahing aral ng unang utos ay, “sa ating buhay, ang Diyos dapat ang magmay-
ari ng lahat ng bagay.” Sa aking pang-araw-araw na buhay, dapat na walang ibang diyos na
umiiral tulad ng ‘pera, edukasyon, mga anak, karangalan’, ngunit ang Diyos dapat ang maging
sentro ng lahat at paglingkuran Siya nang lubusan. Anumang bagay na nangunguna higit
kaysa sa Diyos ay isang idolo at kinasusuklaman ito ng Diyos at paniguradong ihahayag Niya
ang Kanyang kapootan.
㉯ Kaya naman, upang maiwasan ang kapootan ng Diyos at magkaroon ng kapayapaan sa Kanya,
㉠ dapat mong pagsisihan na hindi mo nagawang mahalin ang Diyos nang iyong puso,
kaluluwa at lakas.
㉡ Bukod dito,
➭ dapat mong tanggapin si Jesus bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas at mamuhay
nang minamahal ang Diyos nang iyong buong puso, kaluluwa, at lakas.

✜ Pagsasabuhay.

① Sagutin nang taos-puso ang mga sumusunod na katanungan.

ⓐ Ayon sa pag-aaral, ano ang idolo?
Isulat ito nang may tiyak na mga halimbawa.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
ⓑ Kung gayon, anong uri ng mga idolo ang pinaglingkuran mo bukod sa Diyos?
Isulat ito nang may tiyak na mga halimbawa.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

② Kung ikaw ay namuhay na pinaglingkuran ang gayong mga idolo kaysa sa mahalin ang Diyos, ano.
ang gagawin ng Diyos sa iyo?
Isulat ang mga tiyak na paraan kung paano mo maiiwasan ang kapootan ng Diyos.
ⓐ Magsisi (Sumangguni sa Totoong Pagsisisi).
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
~7~

ⓑ Tanggapin si Jesus (Sumangguni sa Mahalagang Pananampalataya).
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
ⓒ Isulat nang tiyak kung paano mo gagamitin ang ‘pera, kasikatan, karangalan, kasiyahan,
kaalaman, atbp.’
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

✜ Bilang Konklusyon.

✎ <Mahalin ang Diyos lamang>.

ⓐ Ang pangunahing aral ng unang utos na ito ay,
㉮ “Ang Diyos dapat ang magmay-ari ng lahat ng bagay sa ating buhay.”
㉯ Sa aking buong buhay,
➭ ang mga diyus-diyosan o idolo sa pangkalahatan, maging ito man ay ‘pera, pag-aaral, mga
anak, karangalan...', ito ay hindi dapat maging mga diyus-diyosan o idolo ng aking buhay,
ngunit dapat kong ilagay ang Diyos bilang sentro ng lahat at paglingkuran Siya nang lubusan.
Anumang bagay na nangunguna higit kaysa sa Diyos ay isang diyus-diyosan, at
kinasusuklaman ito ng Diyos at paniguradong ihahayag Niya ang Kanyang kapootan.
ⓑ Kaya naman, upang maiwasan ang kapootan at kaparusahan ng Diyos at magkaroon ng
kapayapaan sa Diyos,
㉮ dapat mong pagsisihan na nabigo kang mahalin ang Diyos nang buong puso, kaluluwa, at
lakas.
㉯ Bukod dito,
➭ dapat mong tanggapin si Jesus bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas at mamuhay nang
minamahal ang Diyos nang iyong buong puso, kaluluwa, at lakas.
~8~

You might also like