Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

HEOGRAPIYA NG DAIGDIG

Malaki ang epekto ng heograpiya sa pamumuhay ng mga sinaunang


tao. Ang katangiang pisikal ng kanilang tirahan ay humubog sa
kanilang pamumuhay at pag-unlad. Bagama’t nagdala ito ng mga
hamon, naging mahalaga ito sa pagkakaroon ng maayos na buhay ng
mga prehistorikong tao at sa pagbuo ng mga maunlad na pamayanan
na tinatawag na kabihasnan.

Nagmula ang salitang heograpiya sa wikang Greek na geo o daigdig at


graphia o paglalarawan.

Ang daigdig ay may apat na hating- globo (hemisphere): Ang Northern


Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng equator, at ang Eastern
Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian.

Longitude at Latitude
Tinatawag na longtitude ang Ang 180 degrees longitude mula
distansiyang angular na nasa sa Prime Meridian, pakanluran
pagitan ng dalawang meridian man o pasilangan, ang
patungo sa kanluran ng Prime International Date Line na
Meridian. Ito rin ang mga bilog matatagpuan sa kalagitnaan ng
(great circles) na tumatahak mula Pacific Ocean. Nagbabago ang
sa North Pole patungong South pagtatakda ng petsa alinsunod sa
Pole. pagtawid sa linyang ito,
pasilangan o pakanluran.

Ang Prime Meridian na nasa Ang Tropic of Cancer ang pinaka -


Greenwich sa England ay dulong bahagi ng Northern Hemisphere
itinatalaga bilang zero degree na direktang sinisikatan ng araw.
longitude. Makikita ito sa 23.5 o hilaga ng equator.

Ang equator ang humahati sa Ang Tropic of Capricorn ay ang


globo sa hilaga at timog pinakadulong bahagi ng Southern
hemisphere o hemispero. Ito rin Hemisphere na direkta ring sinisikatan
ay itinatakdang zero degree ng araw. Matatagpuan ito sa 23.5 o timog
latitude. ng equator.

Heograpiyang pantao
Ape – sinasabing pinagmulan ng Chimpanzee – pinapalagay na
tao pinakamalapit na kaanak ng tao,
ayon sa mga siyentista

Australopithecine – tinatayang Lucy – pinakatanyag na


ninuno ng makabagong tao; Ape Australopithecus afarensis na
na may kakayahang tumayo nang natuklasan ang mga labi noong
tuwid 1974

Ang Homo sapiens ang pinakahuling species ng ebolusyon


ng tao. Isa sa mga uri nito ay ang Homo sapiens
Neanderthalensis, na nabuhay mula circa 200,000
hanggang 30,000 taon BP. Mas malaki ang utak ng Homo
sapiens kumpara sa mga naunang species, na
nagpapahiwatig ng mas mataas na kakayahan sa
pamumuhay at paggawa ng kagamitan. Ang Neanderthal
ay may kaalaman sa paglilibing ng mga patay,
samantalang ang Cro-Magnon ay kilala sa kanilang sining
ng pagpipinta sa kuweba

Homo Sapiens Neanderthalensi Cro-Magnon

You might also like