Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Precious Shem Dayola

Aneixa Abao

I. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod


1. Tanka – isang uri ng tula na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang
taludtod. Ang mga karaniwang paksa o tema ng tanka ay pagbabago, pag-iisa o pag
ibig.
2. Haiku – isang uri ng tula na binubuo ng labimpitong pantig na may tatlong
taludtod. Ang mga karaniwang paksa o tema ng haiku ay kalikasan o pag-ibig.
3. Ponemang Suprasegmental – ginagamit sa pagbigkas ng mga salita upang higit na
maging mabisa ang pakikipagtalastasan.
4. Diin – Ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng isang salital
5. Tono – Ito ang taas baba ng inuukol sa pagbibigkas ng pantig ng isang salita.
Nagpapalinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap.
6. Antala – Ito ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensahe.
7. Pabula – Ito ay mga kuwentong galing sa imahinasyon ng manunulat. Ang mga
ginagawang karakter dito ay mga hayop at kadalasan ay nagbibigay ito ng
mahahalagang aral sa buhay.
8. Modal – Ito ay mga salitang malapandiwa na ginagamit sa pagpapahayag ng
kagustuhan, posibilidad, kakayahan, pahintulot at obligasyon
9. Sanaysay - Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang
naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
10. Pangatnig - Ang pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng dalawang
salita, parirala, sugnay o pangungusap.
11. Maikling Kuwento - Isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintahan o
impresyon lamang.
12. Panuring - Ang panuring ay isang salita o grupo ng salita na tinutukoy ang isang
bagay sa isang pangungusap.
13. Dula- ayong kay Aristotle, isang masining at makaagham na panggagagaya sa
kalikasan ng buhay. Ito'y kinatha at itinanghal upang magsilbing salamin ng buhay.
14. Anapora - ang Anapora ay tumutukoy sa mga salitang ginagamit upang tumukoy
sa isang salita, pangungusap, o mga parirala na nabanggit na sa teksto.
15. Katapora - ang Katapora naman ay tumutukoy sa mga salitang ginagamit upang
itago o hindi na ulitin ang isang salita, pangungusap, o mga parirala na nabanggit na
sa teksto.
Precious Shem Dayola
Aneixa Abao

II.Venn Diagram
Tanka at Haiku
Pagkakapareho:
-ang tangka at haiku ay ilang anyo ng tula na pinapahalagahan ng panitikang
Hapon.
Pagkakaiba:
-ang tangka ay may limang taludtod na may kabuuan ng 31 na pantig. May
sukat na 5-7-5-7-7.
-ang haiku ay may tatlong taludtod na may kabuuan ng 17 na pantig. May
sukat na 5-7-5.

Kababaihan noon at ngayon


Pagkakapareho:
-Humaharap pa rin ang Ilang kababaihan ng diskriminasyon galing sa ibang
tao dahil sa kanilang kasarian.

Pagkakaiba:
-Mas maraming oportunidad ang mga kababaihan ngayon pagdating sa
edukasyon.
-Hindi nabigyan ng oportunidad ang mga kababaihan noon na mag-aral dahil
inaasahan sila ng mga tao na manatili lamang sa bahay at alagaan ang kanila
mga asawa.

III.Magbigay ng dalawang halimbawa ng sumusunod


1. Diin - /bu.HAY/ (alive) /BU.hay/ (life) /ba.TA/ (robe) /BA.ta/ (child)
2. Tono - talaga 213 (pag-aalinlangan) talaga 231 (pagpapatibay) kahapon 213
(pag-aalinlangan) kahapon 231 (pagpapatibay)
3. Antala - "Hindi, ito ang gagagamitin ko." "Hindi ito ang gagamitin ko."
Precious Shem Dayola
Aneixa Abao

4. Anapora – Sina Jose Rizal at Andres Bonifacio ang mga bayaning Pilipino.
Sila ay mga dakilang Pilipino
-Laging naiiwan ni Pedro ang kanyang gamit. Kaya siya ay laging
pinaalalahan ng kaniyang ina
5. Katapora – Ito ay isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na
kasaysayan
- Siya ang dahilan kung bakit nabasag ang salamin. Tumatakbo si
Marc sa loob ng silid kanina
Precious Shem Dayola
Aneixa Abao

IV. BUOD

NAGKAMALI NG UTOS
Nag-iisang anak lamang ang prinsesang tutubi kaya kung sino man ang mang
aapi sa prinsesa ay talagang ipaglalaban ng buong kaharian ng tutubi. Isang
araw ay naisipan ng prinsesa na tumakas ng kaharian. Dali dali lumipad ang
prinsesa nang hindi namamalayan ng kanyang mga alalay. Dahil libang na
libang ito sa kanyang pamamasyal ay hindi na nito napansin ang pangingitim
ng langit. Tila nagbabadya ang isang malakas na ulan. Kaya't ang prisesa ay
dalidaling lumipad pabalik ng kaharian. Ngunit huli na ito dahil si prisesa
tutubi ay inabutan ng malakas na ulan. Walang nagawa ang prisesa kundi
sumilong sa mga puno. Ngunit sa punong kanyang tinigilan ay marami pala
ang nakatirang matsing. Hindi nagustuhan ng mga matsing ang pag silong ng
prinsesa at ang mga ito ay inaalipusta pa si prinsesa tutubi. Dahil sa galit ay
umalis ang prinsesa sa puno kahit malakas pa ang ulan. Nang makauwi ng
kaharian ay agad itong nagtungo sa silid ng amang hari at isinumbong ang
ginawa ng matsing.tinanggap ng mga matsing ang hamon ng mga tutubi.
Kinabukasan ay nagkita ang grupo ng mga matsing at ang napakaraming
tutubi sa gitna ng parang. Ang mga matsing ay may dalang kahoy na
pamukpok. Mabilis na lumipad ang kawal na tutubi at sinabi nito ang inutos
ng hari na maglaban. Sa kabilang panig naman ay sinabi ng lider ng mga
tutubi na dumapo sa ulo ng mga matsing at kapag may panganib ay lumipad
palayo. Nagsimula ang labanan nang magsiliparan ang mga tutubi. Ang mga
matsing naman ay panay ang pukpok sa ulo ang ginagawa at hindi nila
namamalayan na pinupukpok na nila ang kanilang mga sariling ulo. Nakita ng
mga lider ng matsing ang mga pang yayari. Nagkamali sya ng utos. Gusto
mang baguhin ang inutos ay huli na. Pinukpok ng isang matsing ang ulo ng
lider. Kaya't nang matapos ang laban ay nakabulagtang lahat ang mga
matsing. Samantalang ang mga tutubi naman ay hindi man lang tinatamaan.
Naipag higanti nila ang prinsesa at ang kanilang kaharian.
Precious Shem Dayola
Aneixa Abao

NIYEBENG ITIM
Nabilanggo noon si Li Huiquan ngunit nakalaya na. Gayunman, kahit wala na
sa loob ng piitan ay tila bilanggo pa rin siya ng mga bagay na tumatakbo sa
kaniyang isipan. Upang maibaling ang atensiyon sa ibang bagay, ninais niyang
magtinda na lamang ng prutas. Ito na ang hudyat na nais na niyang
magbagong buhay. Ngunit hindi naaprubahan si Huiquan bilang tagatinda ng
prutas dahil puno na. Dahil desidido, kahit ano na lamang ay ititinda niya.
Napagdesisyunan niyang damit na lamang ang ibenta. Napahintulutan na si
Huiquan. Naging abala siya sa pagbili ng materyales para sa kaniyang karitong
gagamitin. Siya rin mismo ang gumawa nito na ginawa niya hanggang Bagong
Taon. Sa ikalimang araw ng bagong taon, nag-umpisang lumakas ang benta ni
Huiquan. Marami siyang naipagbiling mga damit na umabot sa dalawampung
piraso. Ngunit sa mga sumunod na araw ay lumamlam ang benta ni Huiquan.
Hindi siya nawalan ng pag-asa. Isang araw ay nakapagbenta siya ng mga
kasuotang makakapal para sa apat na karpintero na nagbigay init sa nilalamig
na mga manggagawa. Dito namulat si Huiquan na ang oportunidad ay
kumakatok kaninuman, kailanman.

MUNTING PAGSINTA
Ang Munting Pagsinta ay isang dula na galing sa Mongolia. Humahanap ng
mapapangasawa ng kanyang anak si Yesugei sa Tribong Merit upang
makabawi sa kanyang atraso sa kanila. Sa gitna ng kanilang paglalakbay,
napagdesisyonan nilang magpahinga. Habang sila ay nagpapahinga, nilibot ni
Temujin ang paligid at napadpad siya sa isang dampa kung saan nakatira ang
isang dalaga na si Borte. Nabigla si Borte nang biglang bumagsak ang pinto ng
kanilang kusina na likha ng aksidenteng pagkabuwal ni Temujin. Napasigaw
siya ng makita si Temujin ngunit huminahon lang din siya pagkatapos.
Nakinig siya sa sinasabi ni Temujin sa kung ano ang pakay niya. Nagulat siya
nang sinabihan siya ni Temujin na magpakasal sila kung makarating sa
tamang edad. Pumayag siya sa alok ni Temujin. Pagkatapos nito ay bumalik na
si Temujin at kanyang ama.

You might also like