Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Sean Drex Pangilinan

Nagsimula ang aking paglalakbay sa mundong ito bilang


isang inosenteng bata na puno ng kuryosidad. Sa unang
araw ko sa elementarya, bagamat nahihiyang makipag-
ugnayan, natutunan ko ang halaga ng edukasyon at
kahalagahan ng pag-aaral. Dito ko rin nakilala ang mga
kaklaseng itinuring na kasama at naranasan ang harapin
ang mga hamon na hindi ko dati'y nasanayang harapin,
pati na rin ang mga tagumpay. Kahit hindi na parangalan
na "With Honors," ako naman ang nanguna sa aming klase
noong ika-5 at ika-6 na baitang, na lubos na nakatulong
sa'kin na mas pagbutihin pa.

Sa pagtuntong ko ng high school, una kinakabahan dahil


mas marami nang studyante ang makikita at
makakasalamuha ko, masaya dahil mararanasan ko na ang
tinatawag nilang "high school life." Kaya noong Grade 7,
nagkaroon ako ng mga kaibigan na naging isa rin sa mga
dahilan kung bakit gusto ko pang pumasok sa paaralan.
Noong Grade 8 naman, modular ang set-up dahil sa
paglaganap ng COVID-19 na malaki talaga ang epekto sa
lahat. Mabuti na lang noong Grade 9, nagkaroon na kami
ng kaluwagan at pinayagan na pumasok sa paaralan,
bagaman limitado lamang ang mga mag-aaral na
makakapasok. Isa ako sa napili at ito'y isang magandang
oportunidad para mas matuto kumpara sa modular setup.
Noong huling taon ko sa junior high school, mas natutunan
kong mag-focus sa aking akademiko kumpara noong
Grade 7, dahil mas naintindihan ko na ang kahalagahan ng
pag-aaral. Sa pagpupursigi ko sa Grade 10, nagresulta ito
sa pagkakaroon ko ng "With Honors" at "Best in Science"
noong kami ay nag-moving up noong taong 2023.

Sa ngayon, nasa Grade 11 na ako at nasa STEM na strand


na nais kong kunin ang kursong Civil Engineering. Sa
pangarap kong ito, patuloy kong pinag-aaralan ang math
at iba pang mga subject na may kaugnayan sa kursong
aking pinipili. Masaya ang taon ng pag-aaral na ito dahil
karamihan sa aking mga kaklase ay may parehong layunin
sa buhay, na nagbibigay-daan sa mas malalim na
koneksyon sa isa't isa. Kahit araw-araw ay may mga
schoolworks na kailangang tapusin, patuloy pa rin akong
nag-aaral, dahil hindi ko nais na makakuha ng mababang
marka.

Batid ko na ang aking paglalakbay ay patuloy pa rin. Ang


aking paglalakbay mula sa pagkabata hanggang Grade 11
ay puno ng mga karanasan, pagsubok, at tagumpay na
nagbigay-daan sa aking pag-unlad at paglago bilang isang
indibidwal.

You might also like