Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Filipino

Lahat tayo ay nakakaramdam ng mga matinding emosyon. Gaya ng saya, galit, lungkot, takot at marami
pang iba. Ngayong panahon, marami na tayong matatagpuan na iba’t ibang klase ng pag-ibig. Magroon
tayong pag-ibig sa Diyos, sa kapaligiran, sa mga kaibigan, sa ating minamahal sa buhay at iba pa. Ngunit
ang pag-ibig na aking tatalakayin sa sanaysay na ito, ay ang pag-ibig ko sa aking pamilya.

Pero una sa lahat, ano nga ba ang ibig sabihin ng pag-ibig? Kung titingin ka sa diksyonaryo, ang
kahulugan nito ay isang emosyon na nararamdaman para sa iyong minamahal. Ngunit para sa akin, ang
pag-ibig ay kapag minamahal mo ang isang tao ng walang kapalit o kondisyon. Na kahit sa harap ng mga
problemang maaari nating maharap sa ating buhay, pinipili mo pa ring tunay na mahalin siya. Ganon ako
sa sarili kong pamilya. Dahil di lang naman tungkol sa romantiko ang salitang pag-ibig.

Ayon nga sa isang tula na isinulat ni Jay-ar A Arquero, “Matigas man ang yong ulo, sila ay di titigil para
sayo. Ikaw man ay may pagkakamali, ikaw ay patatawarin muli. Dahil sila' y patatawarin ka, hanggat kaya
nila.” Sang-ayon ako sa saknong ito dahil ganto rin magmahal ang aking mga magulang, pati na rin ang
aking mga kapatid. Yung tipong kahit mayroon ka ng pagkakamaling ginawa, mayroom pa rin
magmamahal at tatanggap sa iyo. Subalit hindi dapat natin iniaabuso ang mga pagkakataon na ito, dahil
dapat mayroon pa rin tayong respeto sa kanila

You might also like