Professional Documents
Culture Documents
Pansabadong Nobena Sa Birhen NG Antipolo
Pansabadong Nobena Sa Birhen NG Antipolo
Birhen ng
Kapayapaan
at Mabuting
Paglalakbay
Pansabadong Debosyon
1
PANANALANGIN NG SANTOROSARYO
MEMORARE
Alalahanin mo, O Milagrosang Birhen ng Antipolo, na kailanman
hanggang sa ngayon ay wala pang isa mang lumapit sa iyo na
napasaklolo o humingi ng tulong na hindi mo kinaawaan. Kaya
sa pananalig naming ito ay lumalapit kami sa iyo, Birhen ng mga
birhen at Ina namin, dumudulog kami sa harap mo, at wala nga
kaming ibang alay, kung hindi mga karangian at panalangin.
Huwag mong ipagwalang bahala ng iyong maawaing loob at
malaking nais sa pakikinig at pagtingin sa amin at Madali mong
ipagkaloob ang mga idinudulog namin, Amen.
SUMASAMPALATAYA AKO
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa
lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman
ako kay Jesuskristo, iisang anak ng Diyos, Panginoon nating
lahat. Nagkatawang tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Ipinagpakasakit ni Poncio
Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing. Nanaog sa
kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay
na mag-uli. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula't paririto at
huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal
na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga santo, sa
kapatawaran ng mga kasalanan, at sa pagkabuhay na mag-uli ng
nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan, Amen.
1
AMA NAMIN
Ama namin sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang Kahrian Mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa
para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin
sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga sala, para
ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At
huwag mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa
lahat ng masama, Amen.
ABA GINOONG MARIA
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong
Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at
pinagpala naman ang iyong Anak na si Jesus. Santa Maria Ina ng
Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung
kami'y mamamatay, Amen.
LUWALHATI
Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo. Kapara noong
una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang-hanggan.
Amen.
3
MGA MISTERYO SA LUWALHATI (Miyerkules at Linggo)
1. Ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesus.
2. Ang Pag-akyat sa Langit ni Jesus.
3. Ang Pagpanaog ng Espiritu Santo.
4. Ang Pag-akyat sa Langit sa Mahal na Birhen.
5. Ang Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen.
Pagkatapos dasalin ang “Aba Po Santa Mariang Reyna’ o ang
pag-awit ng ‘Salve Regina,’ susundan ng Litanya.
Prinsipe ng Kapayapaan,
Dinggin Mo kami.
Ikaw ang daan, katotohanan at buhay,
Dinggin Mo kami.
4
Santa Maria,
Ipanalangin mo kami.
Santa Mariang Ina ng Diyos,
Ipanalangin mo kami.
Santa Mariang pinaglihing walang bahid ng kasalanan,
Ipanalangin mo kami.
Birhen ng Antipolo,
Ipanalangin mo kami.
Birhen ng mga Galeon,
Ipanalangin mo kami.
Birheng tagapagtanggol sa mga masasamang mananakop,
Ipanalangin mo kami.
Birheng lapitan ng mga maysakit,
Ipanalangin mo kami.
Birheng malapit sa aming puso,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng Sambayanang Pilipino,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng mga dukha,
Ipanalangin mo kami
Ina ng mga mahihina,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng mga tumatangis,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng mga nangangamba,
Ipanalangin mo kami.
5
Ina ng mga nababagabag,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng mga naguguluhan,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng mga walang mapagsumbungan,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng mga walang makapitan,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng mga walang mauwian,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng mga di makarating sa kanilang paroroonan,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng mga nangingibang bayan,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng mga lumilikas patungo sa ligtas na lugar,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng mga naghahanapbuhay sa ibang bansa,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng mga naghahanapbuhay sa karagatan at
himpapawid,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng mga naghahanapbuhay sa pamamagitan ng
paglalakbay,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng mga nawawalan ng pag-asa,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng mga naghahanap ng daan pabalik sa Diyos,
Ipanalangin mo kami.
6
Ina ng Katotohanan,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng Pananampalataya,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng Pag-asa,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng Pag-ibig,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng Awa ng Diyos,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng Grasya ng Diyos,
Ipanalangin mo kami.
Ina ng Simbahan,
Ipanalangin mo kami.
7
Reyna ng mga nakikinig sa Banal na Espiritu,
Samahan mo kami.
Reyna ng mga binyagan,
Samahan mo kami.
Reyna ng mga tinatawag sa paglilingkod,
Samahan mo kami.
Reyna ng mga nag-aalay ng sarili,
Samahan mo kami.
Reyna ng mga bayani,
Samahan mo kami.
Reyna ng aming lahi,
Samahan mo kami.
Reyna ng aming mag-anak,
Samahan mo kami.
Reynang tagapagtanggol namin sa kaaway,
Samahan mo kami.
Reynang tinutularan namin sa kabanalan,
Samahan mo kami.
Reynang gumagabay sa amin sa kabutihan,
Samahan mo kami.
Reynang dinadala kami sa pagtulong sa kapwa,
Samahan mo kami.
Reyna at tala ng Bagong Ebanghelisasyon,
Samahan mo kami.
Reyna at tala ng pakikipagdiyalogo at pakikipagkasundo,
Samahan mo kami.
Reyna at tala ng katarungan,
Samahan mo kami.
8
Reyna at tala ng lahat ng sa iyo ay namimintuho,
Samahan mo kami.
9
nagmamaliw na pagmamahal na
magdadala sa amin sa Iyong kaharian.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Jesukristong aming Panginoon,
Tugon: Amen.
10
NOBENA SA BIRHEN NG ANTIPOLO
TUWING ARAW NG SABADO
PANIMULA
HIMNO:
Awit kay Maria (Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay)
11
Namumuno: Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo,
Tugon: Amen.
12
HIMNO:
Patron ng Paglalakbay
I. Dalisa'y ang kalooban
Taga sunod ng Panginoon
Takbuhan nating lahat
Tangguhulan ng maralita
Daingan ng nasasaktan
Handang making
sa mga api
Patron ng naglalakbay
Tungo kay Kristo Jesus.
(ulitin: I at II)
13
PANALANGIN SA PAG-NONOBENA
O Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, ipakilala mo
sa bawat pamilyang Pilipino ang kapayapaan na hindi maibibigay
ng sino man, kapayapaang lubos at sadyang ipinagbilin ng iyong
Anak sa kaniyang mga alagad, kapayapaang lubos na magbibigay
sa amin ng lakas na patawarin namin ang aming mga kaaway sa
lahat ng nagawa nila sa amin. Igawad mo sa aming puso at
kaluluwa ang kapayapaang totoo, At habang kaming naglalakad
at nangingibang bayan dito sa bayang kahapis hapis. Pangunahan
mo kami sa landas na binabagtas namin sa buhay at matutuhan
sana namin ng lubos ang landas ng pag- asa, at pagtalima sa utos
ng Diyos. Ituro mo at dalhin kami sa kagalingan, sa anumang
aming gagawin at iisipin, ilayo mo kami sa mga silo ng kasamaan,
nang sa iyong tulong at saklolo ay makamtan namin sa oras ng
kamatayan ang iyong kaluwalhatian.
Alalahanin mo, O Milagrosang Birhen ng Antipolo, na kailanman
hanggang sa ngayon ay wala pang isa mang lumapit sa iyo na
napasaklolo o humingi ng tulong na hindi mo kinaawaan. Kaya
sa pananalig naming ito ay lumalapit kami sa iyo, Birhen ng mga
birhen at Ina naming, dumudulog kami sa harap mo, at wala nga
kaming ibang alay, kung hindi mga karangian at panalangin.
Huwag mong ipagwalang bahala ng iyong maawaing loob at
malaking nais sa pakikinig at pagtingin sa amin at Madali mong
ipagkaloob ang mga idinudulog namin.
14
PAGPUPUGAY SA MAHAL NA BIRHEN NG ANTIPOLO
O pinaka- banal na Birhen, pinili ng pinakaganap na Ina ng ating
Panginoong Jesukristo kami’y nagagalak sa marangal na handog
na ipinagkaloob sa Iyo bilang tagapagkupkop at kaaliwan ng
sangkatauhan. O magiliw na Ina, subaybayan mo rin ang aming
buong buhay lalung-lalo na sa bawat hakbang na aming ginagawa
sa buhay. Pinamalas mo ang Iyong pagmamahal sa mga anak
mong umiibig at lagging tumatawag sa Iyo sa oras ng
pangangailangan at kagipitan. Sa mga oras at sandalling ito, kami
ay lumuluhog muli sa Iyo upang ipakita muli sa amin ang Iyong
pagkakandili at aw ana makamtan namin ang mga hinihiling sa
nobenang ito.
15
Ang mga alagad ni Kristo
Sa lahat na biyaya Mo
Nakilalang totoo
Tanang kapangyarihan mo
Balang taong nasok dito
Kaawaan mo ay makamtan.
Ikaw ay aking igagalang, Birhen ng Kapayapaan.
16
Isang bata sa Angono
Sa ilog napadapiyo
Di naano,di nalunod
Sa awang Iyong saklolo
Na nahayag na totoo
Sa maraming mga tao.
Ikaw ay aking igagalang, Birhen ng Kapayapaan.
17
Mga bulag sampung pilay
At mga lumping lupaypay
Pagkatanaw, pagkasilay
Nang mukha mo ay nagtagumpay
Tayo ay magsamang Magsaysay
Nang kanyang kabagsikan.
Ikaw ay aking igagalang, Birhen ng Kapayapaan.
18
Sa pananatili ng kalinisan ng puso
upang sa gayo’y kami ay
kalugdan ng Diyos at makaharap
kami doon sa pagpipiging sa
Langit ng Kordero ng kalinis-linisan.
Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay,
Ipanalangin mo kami.
19
Isinasamo namin na turuan mo at
ilawan ang aming kaluluwa
upang kami ay tumanglaw,
magturo at makitulong sa
kaginhawaan ng iba at
kagalingan ng kapwa namin tao.
Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay,
Ipanalangin mo kami.
20
Upang gawaran ng pagpapala
ang lahat ng mga tahanang
nabuwag dahil sa tukso at
pagwalang halaga sa Sakramento
ng Kasal.
Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay,
Ipanalangin mo kami.
PANALANGIN NG PASASALAMAT
Mahal na Birhen, kami ay naririto ngayon upang pasalamatan ka
ng buong puso at pag-ibig dahilan sa biyayang pinagkaloob mo
sa amin.
Tanda ng aming pasasalamat sa mga biyayang aming tinanggap,
patuloy naming ipahahayag ang Iyong kaluwalhatian sa
pamamagitan ng pagpapalaganap ng nag-aalab na panata sa iyo.
Puspos ng pasasalamat, patuloy kaming nananalangin sa Iyo
upang patuloy naming magampanan ang aming tungkulin sa
Diyos, sa aming sarili, sa aming pamilya at sa aming pamayanan,
Amen.
23
PANALANGIN SA KAPAYAPAAN
O Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay,
kaming iyong mga anak ay natitipon dito upang parangalan at
papurihan ka. Marapatin mong ipagkaloob sa amin ang iyong
tulong bilang Birhen ng Kapayapaan sa ikaluluwalhati at
ikararangal ng Diyos Ama. Ipagkaloob mo sa amin ang
kapayapaan ng puso at kaluluwa na makatutulong sa amin na
madaig ang aming pagnanasa sa mga bagay ng daigdig na ito.
Ikaw nawa ang maging taga-akay at pananggalang naming sa
gitna ng kahinaan namin sa buhay. Ipag-adya mo kami Mahal na
Ina sa bingit ng kamatayan, akayin ang buong sangkatauhan sa
kapayapaan at pag-ibig upang sa pamamagitan ng iyong tulong at
biyaya ay magtamasa kaming lahat ng kapayapaan at ng walang
hanggang buhay, Amen.
PANALANGIN NG MANLALAKBAY
O Banal na Ina ng Diyos, aming kamahal-mahalang Ina ng
Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, tingnan mo po kami na
may buong pagpapakumbabang humihingi ng iyong pag-gabay at
patnubay sa paglalakbay na aming gagawin sa buhay. Ipanalangin
mo po kaming mga naglalakbay na laging magkaroon ng
kaligtasan at matiwasay na lakad. Kasama ng Iyong Anak, lagi
mo kaming ipag- adya sa kapahamakan at ipagtanggol sa mga
taong may hatid na masamang balak at gawain. Tulungan kami sa
aming mahabang paglalakbay sa buhay, tanglawan ang aming
landas na tinatahak upang mapayapa kaming makarating sa lugar
na aming patutunguhan at saan man kami maparoon, Amen.
24
PANALANGIN SA BIRHEN NG KAPAYAPAAN AT
MABUTING PAGLALAKBAY, BIRHEN NG ANTIPOLO
26
PANGWAKAS NA AWIT
HIMNO:
Birhen ng Antipolo
Titik: Victor C. De Jesus, SJ
Musika: Eduardo P. Hontiveros, SJ
27
Diyosesis ng Antipolo
KATEDRAL NG ANTIPOLO
Pandaigdigang Dambana ng Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay
Parokya ng Immaculada Conception
28