Bangang Manunggul

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ano ang naging kaugnayan ng Kosmolohiya ng Sinaunang Pilipino sa Bangang

Manunggul na naging basehan ng ating kasaysayan at paniniwala?


Sinasalamin ng disenyo ng Bangang Manunggul ang maritime culture ng Pilipinas at ang
paniniwala ng ating mga ninuno na ang kaluluwa ng yumao ay naglalayag patungo sa kabilang
buhay. Sa pagkakadiskubre nito, napagtibay ang katotohanang may kamalayan sa kosmolohiya
ang ating mga ninuno at sila ay may antisidente ng paniniwala tungkol sa kaluluwa at kabilang
buhay bago pa man ipakilala ng mga Kastila ang Katolisismo sa bansa.
Naniniwala ang ating mga ninuno na ang tao ay binubuo ng dalawang bahagi, ang
panlabas at panloob na bahagi. Ang panlabas na anyo ay ang katawan samantalang ang panloob
na anyo ay kinabibilangan ng kaluluwa (pag-iisip) at ginhawa. Naniniwala rin ang ating mga
ninuno na kapag mabuti ang kaluluwa ng isang tao, mamumuhay siya nang maginhawa.
Ipinapakita sa disenyo ng Bangang Manunggul na naglalakbay ang kaluluwa ng yumao
patungo sa kabilang buhay. Buhay pa rin ang paniniwalang ito hanggang sa ngayon. Halimbawa,
ipinagdarasal ang ika-40 na araw mula sa kamatayan ng isang yumao sapagkat pinaniniwalaang
naglalakbay pa muna ang kaluluwa ng namatay bago ito tuluyang makapunta sa kabilang buhay.
Pinaniniwalaan din na ang kaluluwa ng mga anito o nuno ay nagbabalik sa kalikasan upang
bantayan ang kanilang naiwang pamilya. Sa kadahilanang ito, malaki ang pagrespeto ng mga
sinaunang Pilipino sa kalikasan at masasalamin ito sa pagta”Tabi-tabi po, Nuno” at pagbibigay
nila ng mataas na pagpapahalaga sa kapaligiran. Dahil din sa antisidenteng paniniwalang ito ng
ating mga ninuno, maraming nahikayat na magpabinyag sa Katoliko nang tayo ay sakupin ng mga
Kastila sapagkat may pagkakatulad ang paniniwala ng mga sinaunang Pilipino sa relihiyong
Katoliko, tulad ng pagsamba sa santo.
Sa kasalukuyan, mas malawak at malinaw na ang ating kaalaman tungkol sa patutunguhan
ng ating kaluluwa pagkatapos ng buhay natin dito sa lupa, maaaring ito ay sa langit o sa
impiyerno.
Sa pananaliksik tungkol sa Bangang Manunggul, matututunan nating pahalagahan ang
isang yumao at sa pamamagitan ng pag-alala natin sa kanila, matututo tayong alagaan ang iba
pang tao sa paligid natin. Tulad ng ating mga ninuno na inaalagaan ang kapaligiran dahil
naniniwala silang nagbabalik dito ang kaluluwa ng yumao, palagi rin nating alalahanin na nais ng
yumaong mahal natin sa buhay na tayo ay gumawa ng tama at mabuti.

You might also like