Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

I. General Overview
Catch-up Subject: Values Education Grade Level: 8
Quarterly Theme: Cooperation Sub-theme: Peace between and
(refer to Enclosure No. 3 of DM 001, s. 2024, Quarter 4)
among States, humans,
and the natural
environment
(refer to Enclosure No. 3 of DM 001, s. 2024, Quarter 4)

Time: 1:00 – 4:00 ng hapon Date: May 10, 2024


II. Session Outline
Session Title:
“Ang Tigre at Ang Langgam”
Session
Objectives: A. Natutukoy pangunahing konsepto at tema na nauugnay sa
harmonya at kapayapaan
B. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagkakaisa at
pagtutulungan sa pagharap sa mga hamon at pagbabago sa
buhay.
C. Naipapakita ang kakayahan sa pakikipagtulungan at
pagkakaisa sa pamamagitan ng iba't ibang aktibidad tulad ng
role-playing, paggawa ng likhang-sining at graphic oranizers.
D. Nakabubuo ng mga plano at hakbang sa kung paano
mapalakas ang kooperasyon, kapayapaan at pagkakaisa sa
sariling buhay at sa paligid

Key Concepts:  Maitaguyod ang harmonya at kapayapaan sa pagitan ng


mga indibidwal sa pamamagitan ng edukasyon,
kooperasyon at pagpapalakas ng ugnayan upang
mapanatili ang kaligtasan at kaunlaran ng lahat.

III. Teaching Strategies


Components Duration Activities and Procedures
A. Panimula
1. Pampukaw sa Dating Kaalaman
Pagpapakita ng mga ginulong letra
1. alubpa
2. tikanpani
3. poyha

B. Pangganyak
1:00-2:00 Magpakita ng mga larawan. (tigre at langgam)
A. Introduction ng hapon Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang nakikita ninyo sa larawan?
and Warm-Up
2. Alin sa dalawa ang malakas?
30 mins 3. Posible kayang matalo ng langgam ang tigre sakaling
maglaban sila?

C. Paglalahad ng Aralin
Mayroon tayong babasahin ngayon na isang pabula na
pinamagatang "Ang Tigre at Ang Langgam"

(Dugtungang Pagpapabasa DRTA)

B. Concept 1:00-2:00 D. Pagtatalakay sa Aralin


Exploration ng hapon Pamprosesong tanong:

Page 1 of 5
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

1. Paano naging mahalaga ang kooperasyon sa


pagtatagumpay ng mga langgam laban sa tigre?

2. Paano naipakita sa kwento ang kahalagahan ng


pagkakaisa at pagtutulungan sa pagharap sa mga
hamon?
3. Ano ang mga hakbang na ginawa ng mga langgam
upang maging epektibo ang kanilang pagtutulungan
laban sa tigre?
30 mins
4. Paano naipakita sa kwento ang konsepto ng
kapayapaan bilang isang layunin ng pagtutulungan at
respeto sa kabila ng pagkakaiba-iba?

5. Paano naging daan ang kooperasyon sa pagkakaroon


ng kapayapaan sa gubat sa kuwento?

C. Valuing 2:00-3:00
ng hapon 1. Gawaing Paglinang sa Kabihasaan

60 mins Pangkatang Gawin:

Pangkat 1: Role-playing: Gumanap bilang mga


karakter sa kwento at baguhin ang wakas ng kuwento
ayon sa kanilang pananaw sa pagbabago at
kapayapaan.

Pangkat 2: Sining ng Komiks: Gumuhit ng komiks na


naglalarawan ng pangyayari sa kwento. Maaaring
magdagdag ng mga bubuksan na pahayag upang
ipakita ang mga pangyayari na nagpapakita ng
kooperasyon at kapayapaan.

Pangkat 3: Gamit ang Venn Diagram, Paghambingin


ang katangian ng tigre at ng langgam.

Pangkat 4: Gamit ang Talahanayan: Isulat ang


kahalagahan ng pagkakaisa at respeto sa pagharap sa
mga hamon, batay sa mga aral na natutunan mula sa
kwento.

Paglalapat
1. Ano ang mensahe ng kwento tungkol sa kapayapaan
at kooperasyon sa pakikisalamuha sa iba't ibang uri ng
tao o hayop?
2. Ibigay ang aral na makukuha sa kuwento.
3. Paano naging instrumento ang kooperasyon sa
pagbabago ng pananaw ng tigre at sa pagtataguyod ng
kapayapaan sa kanilang kapaligiran?
4. Paano naging epektibo ang diskarte ng mga langgam
sa pagtugon sa hamon ng tigre na may layuning
makamit ang kapayapaan?

Page 2 of 5
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

E. Paglalagom
Paano naipakita sa kwento na ang kooperasyon at
pagkakaisa ay maaaring magdulot ng kapayapaan
at pagbabago sa anumang sitwasyon?

3:00-4:00
ng hapon F. Pagtataya
Journal Writing
Panuto: Sumulat ng journal batay sa paksang tinalakay.
60 mins Magbigay ng mga plano o hakbang na nais mong gawin
batay sa mga aral na natutunan mo sa kwento. Ilahad
kung paano mo gagamitin ang mga ito upang mapalakas
ang kooperasyon, kapayapaan, at pagkakaisa sa iyong
sariling buhay at sa iyong paligid.

Prepared By:

MAE MARIE W. DOMINGUEZ


Teacher III

Recommending Approval: Approved:

NELY M. ROSILLO JOENEL B. FERRER


Head Teacher III School Head

Page 3 of 5
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Ang Tigre at ang Langgam


Isang tigre ang naglalakad. Naghahanap siya ng mapagpapahingahan. Nakakita siya ng isang
malilim na puno. Agad siyang nahiga sa ilalim nito. Ngunit bigla siyang napatayo! May naramdaman
siyang kumagat sa kanya. Inalam niya kung ano ito. Isang langgam ang nakita niyang papaakyat na sa
puno.

"Hoy, Langgam! Ikaw ba ang kumagat sa akin?" usig niya sa langgam.

"Pasensya ka na. Hindi ko sinasadya. Nasaktan kasi ako nang ako'y mahigaan mo," paliwanag ng
langgam.

"Kayliit mo'y ang tapang mo! Gusto mo bang lumaban sa akin?" hamon ng tigre sa langgam.

"Aba, hindi! Paano ako lalaban sa iyo ay ang laki-laki mo?" mabilis na sagot ng langgam.

"Lalong hindi ako papayag na pakawalan ka na lang pagkatapos mo akong kagatin. Bumaba ka riyan
at harapin mo ako!" galit na sabi ng tigre.

"O sige na nga. Pero dahil malaki ka, tatawag ako ng aking mga kasama," wika ng langgam.

"Sige, tawagin mo pa ang buong lahi mo. Wala kayong laban sa akin," mayabang na sagot ng Tigre.

Hindi na sumagot ang langgam.

Tahimik na umalis na lamang ito.

Maya-maya ay nagbalik ito kasama ang napakaraming langgam.

"Narito na kami. Ako at ang aking mga kasama ay handa na. Gusto mo pa bang lumaban?" tanong ng
langgam.

"Kahit ako nag-iisa, sa laki kong ito, wala kayong panalo sa akin. Isang tapak ko lang ay patay kayong
lahat," nagyayabang na sagot ng tigre.

"Kung gayon, umpisahan na natin," sabi ng langgam.

Nagsimulang maglaban ang tigre at mga langgam. Tila iisang kumilos ang mga langgam. Sa
isang saglit lang ay napuno ng langgam ang buong katawan ng tigre at sinimulan nilang kagatin ito.
Hindi malaman ng tigre ang kanyang gagawin. Nagtatalon siya para mahulog ang mga langgam.
Ngunit matibay ang kapit ng mga ito. Mula ulo hanggang paa ay may nakakagat sa kanya. Hindi niya
makuhang gantihan ang mga langgam. Isa man ay wala siyang mapatay sa mga ito. Dahil dito, hindi
na siya nakatiis.

"Suko na ako! Tama na!" sabi nito. Biglang bumitaw ang mga langgam sa tigre.

"O, bakit nagsisimula pa lamang ang laban ay suko ka na?" tanong ng langgam.

"Ngayon ay alam ko na. Kahit pala kayo maliliit ay hindi ko kayang talunin dahil may pagkakaisa kayo,"
malumanay na sabi ng tigre.

"Kung gayon hindi mo na kami aapak-apakan, maging ang ibang maliliit na hayop dito sa gubat?"
tanong ng langgam.

"Oo, ipinangangako ko," sagot naman ng tigre.

Page 4 of 5
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Hindi na sumagot ang langgam. Lumakad na ito kasunod ang mahabang pila ng mga
kasamang langgam. Alam niyang magbabago na ang tigre.

Nakaalis na ang mga langgam ay tulala pa rin ang tigre. Hindi pa rin siya makapaniwala sa
nangyari sa kanya. Dati'y halos lahat ng hayop sa gubat ay takot sa kanya. Langgam lamang pala ang
katapat niya.

Page 5 of 5

You might also like