Professional Documents
Culture Documents
Pananaliksik 3
Pananaliksik 3
Pananaliksik 3
PAGSUSURI NG
IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
Baitang 11
Ikaapat na Kwarter
– Ikatlong Linggo – Aralin 3
Pagbuo ng Tentatibong Bibliograpi/Bibliograpiya
Gawain A
Panuto: Suriin nang mabuti ang mga nakasulat sa loob ng kahon at kilalanin ang sangguniang ginamit sa mga
pagpipilian sa susunod na pahina. ( internet, bulletin, research journal, dokumento ng pamahalaan, aklat)
Bibliograpi/ Bibliograpiya
Bibliograpi
Tinatawag din itong talaaklatan, listahan ng mga sanggunian o talasanggunian.
Listahan ng mga ginamit na sanggunian bilang batayan sa pananaliksik.
Ang mga ginagamit sa talasanggunian ay maaaring mga materyal na aklat,
diksyunaryo, ensayklopedia, pananaliksik at tesis, pahayagan, magasin, journal,
dokumento, bulletin, artikulo, at iba pang sulatin na nagmula sa internet (website
pages) at iba pang di limbag na batis o sorses tulad ng pelikula, programa sa
telebisyon at radyo sa pagkuha ng mga mahahalagang impormasyon at datos.
Mababasa rito ang mga pangalan ng awtor, pamagat ng aklat o anumang ginamit
na reprensya; publikasyon; lugar at petsa ng pagkakalimbag.
Makikita sa bandang hulihan ng aklat o anumang proyektong isinusulat gaya ng
pananaliksik sa Ingles, Filipino, Agham at Agham-Panlipunan.
Isinusulat at inihahanay nang paalpabeto batay sa apelyido ng awtor upang
madaling hanapin at makita ang sangguniang ginamit.
Kailangang tiyaking tama ang mga bantas na gagamitin sa pagbuo nito tulad ng
tuldok, tutuldok, kuwit, panaklong at hanging indention.
Kahalagahan ng Bibliograpi
Ginagamit ng taong nagsasaliksik.
Napapadali at napapagaan ang gawain ng mga susunod na mananaliksik dahil
nabibigyan sila ng mayamang ideya kung saan maaaring umpisahan ang pagbabasa.
Una itong isinasagawa bago pa man ang pamagat upang masigurado ng
mananaliksik na may mapagkukunan siya ng mga datos o may nabuo at
nagawang pag-aaral na magkatulad ang paksa.
Patunay ng nagsasaliksik na ang lahat ng kanyang ideya o konseptong binanggit
sa kanyang pag-aaral ay kakikitaan ng katotohanan, katumpakan o katiyakan ng
mga impormasyon.
Inilalatag ito upang maipakita ang lugar ng ginagawang pananaliksik sa mas malawak
na larangang kinabibilangan nito.
Sinusuportahan nito ang kredibilidad ng ginagawang pananaliksik dahil nagiging
Malaya nang mag-aaral sa pagsangguni sa mga awtoridad sa paggawa ng kanyang
pag-aaral upang maiwasan ang kaso ng Plagiarism.
➢ Kakikitaan ng lawak at lalim ng pananaliksik na naisagawa ng tagapagsaliksik
➢ Nagpapakita ng kalidad o uri ng mga ideyang isinasama ng tagapagsaliksik sa kanyang pag-aaral.
Baquiran, R. Hiwatig: Pagsipat sa mga Tekstong Poetiko at Popular. Manila: UST Publishing
House, 2014.
Bernales, R. et. al. Pagbasa, Pagsulat, Pananaliksik: Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino 2-
Antas Tersyarya. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc., 2009.
Evasco, E. et. al. Saliksik: Gabay sa Pananaliksik sa Agham Panlipunan, Panitikan at Sining.
Quezon City: C & E Publishing, Inc., 2011.
Kapag dalawa o higit pa ang mga may-akda at nasa magkakaibang pahina ang artikulo:
Balagtas, A., & Brizuela, M. (2015, November 17). Pagsasara ng mga kalye naging kalbaryo
sa libo-libong napilitang maglakad. Inquirer libre, pp.1,2.
c. Artikulo sa Magasin
Villanueva, J. (SY 2010-2011). Ang mga Pagkaing Tsino. Alitaptap, 22(4), 8-10
GMA News. (17 November, 2015). President Noynoy Aquino (P-Noy) strongly advocated for
the participation of Filipino micro, small, and medium enterprises in the regional trade among
APEC member- economies (.com/? Facebook status update). Retrieved from
https://www.facebook.com/gmanews/?fref=nf#
Gawain 1
Panuto: Ngayong malinaw na sa iyo ang pagbuo ng tentatibong bibliograpi, suriing mabuti ang mga
bibliographic entries kung may pagkakamali sa pagkakasulat ng mga ito.
Muling isulat ayon sa tamang ayos nito.
1. Ateneo de Manila University Press. Philippine Studies Loyola Heights, Vol.16, “Poetry of of the Early
Tagalogs” Lumberto, Bienvenido. No. 20. Quezon City:
2. Retorika para sa Mabisa at Masining na Pagsulat, De La Salle University Press.Manila: 1997. Bisa S.
3. 2001.Pananaliksik para sa kolehiyo. et.al. Isang Pahapyaw na Sulyap. Victoria Publishing.
Dominguez, T., Manila:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA sa patlang kung
ang pahayag ay naglalarawan sa Pagbuo ng Tentatibong Bibliograpi at MALI naman kung hindi.
_______1. Ang bibliograpi ay tala ng mga sangguniang ginamit bilang batayan ng pag-aaral ng pananaliksik.
_______2. Sa unang pagbanggit ng sanggunian, dapat naka italisado ang pagkakasulat ng pamagat ng aklat.
_______3. Ang mga talasanggunian na ginamit ay pwedeng materyal na aklat, ensayklopidya, artikulo,
pananaliksik at tesis at mga iba pang sulatin na makukuha sa internet.
_______4. Hindi na kailangang isama ang bilang ng tomo na pinagkunan ng impormasyon tulad ng
ensayklopidya.
_______5. Ang pagkakaayos ng mga sanggunian batay sa apelyido ng unang awtor ng bawat sanggunian ay
dapat sekwensyal .
_______6. Makikita sa pinakaunang bahagi ng papel-pananaliksik ang talaan ng sanggunian.
_______7. Sa isang artikulo na may iisang awtor, isinusulat ang mga sanggunian mula sa pinakabago
patungo sa
pinakalumang petsa ng publikasyon.
_______8. Maaari ring gamitin ang mga pelikula, programa sa telebisyon at radyo, cassette at CD bilang iba
pang
reperensya sa pagbuo ng bibliograpi.
_______9. Isinusulat nang pabaligtad ang lahat ng pangalan ng awtor (apelyido muna kasunod ang daglat ng
unang
pangalan).
______10. Ang anumang sangguniang nakukuha mula sa internet, hindi na dapat ilagay ang tiyak na URL
(Uniform
Resource Locator) kung saan nagmula ang artikulo.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong upang sukatin ang natutuhan sa paksang tinalakay. Piliin
ang mga sagot sa pagpipilian na nasa kahon.