Esp 3 Periodical Test 4th Quarter 2023 2024 With Tos and Answer Key

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ANTIPOLO

TABLE OF SPECIFICATIONS
FOURTH QUARTERLY ASSESSMENT IN EsP 3

Learning Week No. of Easy Average Difficult Test


Competencies No. Days (60%) (30%) (10%) Placement
Remembering Analysis Applying
Understanding Evaluating Creating
1. Nakapagpapakita ng
pananalig sa Diyos

1-4 20 1, 2, 13,14,15,16 19,20 1-20


3,4,5,6,7,8,9, ,17,18
10,11,12,
2. Nakapagpapakita ng
paggalang sa paniniwala
ng iba tungkol sa Diyos 5-8 20 21,22,23,24, 33,34,35,36 39,40 21-40
25,26,27,28, ,37,38
29,30,31,32
Total 1-8 40 24 12 4 40
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A CALABARZON
SANGAY NG LUNGSOD NG ANTIPOLO
Distrito I-B
PAARALANG ELEMENTARYA NG BAGONG NAYON I

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO PARA SA IKATLONG BAITANG
T.P. 2023-2024

Pangalan: _____________________________________ Petsa: _____________________


Baitang/Pangkat_______________________________ Iskor: ______________________

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang ____________ay isang paraan ng pagpapakita ng pananalig sa Diyos.


A. pagsimba C. paglalaro
B. pag-aaral D. pakikipagkwentuhan

2. Alin sa sumusunod na larawan ang nagpapakita ng paraan ng pananalig sa Diyos?

A. B. C. D.

3. Ako ay _______________ sa loob ng pook sambahan o simbahan.


A. naglalaro C. nagdarasal
B. kumakain D. nakikipagkuwentuhan

4. Ito ang pagpapakita ng ganap na pananampalataya sa Diyos sa lahat ng ating kinakaharap sa


buhay.
A. pag-awit C. panghuhula
B. pananalig D. panggagaya

5. May padasal sa inyong bahay, tahimik na nananalangin ang mga matatandang kasapi ng
simbahan. Ano ang gagawin mo?
A. Maglalaro ng Cellphone.
C. Manonod ako sa telebisyon.
B. Magpapatugtog ako ng radyo.
D. Makikinig ako at sasali sa pagdarasal.

6. Habang ikaw ay nagdarasal, ang iyong katabi ay gustong makipaglaro sa iyo. Ano ang
gagawin mo?
A. Paalisin ko siya sa tabi ko
B. Sasapukin ko siya kasi maingay.
C. Titigil na ako pagdarasal at uuwi na.
D. Pagsasabihan ko siya na pagkatapos na lang ng pagsimba kami maglalaro at
ipagpapatuloy ko ang aking pagdarasal.

7. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pananalig sa Diyos?


A. Naniniwala sina Paul at Paula na patatawarin sila ng Diyos matapos ilihim sa
kanilang ate na sila ang nakasira ng salamin nito.
B. Hindi na muling nagsimba si Apple dahil hindi naman natupad ang kanyang hiling.
C. Sinisi ni Kurt ang Diyos sa pagkawala ng kanyang mahal na aso.
D. Hindi nakakalimot si Dianne na magdasal araw-araw.

8. Bago magsimula si Sheryl sa kaniyang pag-aaral ay mataimtim siyang nananalangin sa


Diyos. Tama ba ang kaniyang ginagawa? Bakit?
A. Oo, dahil ito ang kaniyang gabay
B. Oo, dahil makatutulong ito upang lumaki siya.
C. Oo, dahil ito ang magbibigay sa kaniya ng sagot.
D. Oo, dahil malaki ang maitulong nito sa pag-unlad ng kaniyang ispirituwalidad na
gawain.

9. Maagang gumigising si Arnel araw-araw upang simulan ang mga nakatakdang gawain. Alin
sa sumusunod ang una niyang dapat gawin pagkagising?
A. kumain
B. magdasal
C. mag-ehersisyo
D. maglaro ng mobile games

10. Nakaugalian na ni Myrna ang magdasal bago at pagkatapos kumain. Alin sa mga larawan
ang nagpapakita nito?

A. C.

B. D.

11. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng pananalig sa Diyos.


A. Pakikinig sa salita ng Diyos
B. Pagdarasal bago matulog
C. Pagbabasa ng banal na aklat
D. Pakikipagkwentuhan sa kapitbahay

12. Paano mo mahihikayat ang iyong kaibigan na magbalik loob sa Diyos sa kabila ng mga
pagsubok na nararanasan?
A. Uutusan ko siya na magbasa kami ng salita ng Diyos.
B. Sasabihan ko siya na pumunta sa bahay dalanginan.
C. Kakausapin ko siya na pumunta kami sa mga relihiyosong tao upang mapangaralan
siya.
D. Kakausapin ko siya nang masinsinan at ipahahayag ang kabutihan na ginawa ng
Diyos sa lahat.

13. Ano ang tawag sa isang sagradong lugar kung saan nananahan ang ating Diyos kung kaya
dapat itong irespeto?
A. parke B. hardin C. paaralan D. simbahan

14. Ang _____________ ay itinuturing na paraan ng pakikipag-usap sa ating Dakilang


Maylikha.
A. Pagsulat C. Pagsayaw
B. Pagsigaw D. Pagdarasal
15. Nananalig si Carlo na manalo siya sa isang patimpalak sa pagbigkas. Sa halip na siya ay mag-
ensayo kasama ang kanyang guro ay lumiliban siya upang maglaro ng computer games. Tama
ba ang ginawa ni Carlo?
A. Hindi, dahil hindi niya isinama ang kanyang guro.
B. Oo, dahil sapat na ang kanyang pananalig upang manalo.
C. Oo, dahil mas mahalaga ang paglalaro ng computer games
D. Hindi, dahil kailangan pa rin niyang mag-ensayo upang manalo.

16. Nakita mong naglalaro sa loob ng isang kapilya ang mga bata. Ano ang gagawin mo?
A. Sisigawan ko sila para tumigil na sa paglaro.
B. Pagsasabihan ko sila na maglaro na lamang sa palaruan.
C. Hahabulin ko sila hanggang mapilitan silang lumabas ng kapilya.
D. Hahayaan ko sila sa kanilang paglalaro at hindi ako sasali sa kanilang
paglalaro upang hindi na makadagdag sa ingay.

17. Alin sa mga sumusunod na larawan ang likha ng Diyos?

A. B. C. D.

18. Nakita mo na pinupunit ng iyong kamag-aaral ang mga pahina ng isang banal na aklat.
A. Tutulungan ko siya sa pagpunit ng Koran.
B. Hahayaan ko na lamang si ya sa kanyang ginagawa.
C. Sasabihin ko na huwag niyang punitin ang mga pahina ng banal na aklat.
D. Sasabihin ko na sunugin na lang niya para hindi na siya mapagod sa pagpunit nito.

19. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng pananalig sa Diyos?
A. Ipinagdarasal ni Eden na palagi silang maging malusog.
B. Ibinabahagi ni Elsie sa social media ang mga salita ng Diyos.
C. Sama-samang nagsisimba ang mag-anak ni Pedro tuwing lingo
D. Ipinagdarasal ni Liza na magkaroon siya ng sakit upang hindi makapasok sa
paaralan.

20. Paano maipakikita ang pananalig sa Diyos sa gitna ng mga suliraning kinakaharap?
A. Sa pamamagitan ng pagkanta.
B. Sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan
C. Sa pamamagitan ng pagpunta sa bahay dalanginan.
D. Sa pamamagitan ng pagsusuri ng problema na may panalangin.

21. May kamag-aral ka na konserbatibong manamit dahil sa relihiyong kinaaaniban niya.


Pinagtatawanan siya ng iba mong mga kaklase dahil baduy raw. Ano ang gagawin mo?
A. Wala akong pakialam sa kanila.
B. Pagtatawanan ko rin kasi baduy siya.
C. Iiwasan ko siya kasi baka pagtawanan rin ako.
D. Igagalang ko ang kanyang paniniwala at pagsasabihan ang mga kaklase.

22. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos?
A. Pupunitin ko ang pahina ng banal na aklat.
B. Hahayaan ko ang aking kaklase na paglaruan ang rosary.
C. Hindi ko papansinin ang isang batang pinagtatawanan ang nagbabasa ng Koran.
D. Sasabihan ko ang aking kapatid na huwag maingay dahil nagdarasal ang kapitbahay
naming Muslim.
23. Ano ang dapat gawin ng isang batang tulad mo tuwing araw ng Linggo?
A. magsimba C. maglinis ng bahay
B. mamasyal sa mall D. matulog maghapon

24. Tayong mga Pilipino ay may iba’t-ibang paniniwala sa Diyos kayat dapat natin ito
___________.
A. igalang C. pagtawanan
B. kainisan D. ipagmayabang

25. Nakita mong nag-aalis ng tsinelas ang kaibigan mong Muslim na magdarasal sa kanilang
Moske. Ano ang iyong gagawin?
A. Hahayaan mo siya.
B. Pagagalitan mo siya
C. Papalitan mo ng sapatos ang tsinelas niya
D. Ipapasuot mong muli ang kanyang tsinelas

26. May dalang Bibliya ang iyong kaibigan at pupunta siya sa inyo. Ano ang gagawin mo?
A. Wala kang gagawin.
B. Hindi mo papapasukin.
C. Magkukunwaring hindi mo siya nakita.
D. Patutuluyin at makikinig sa salita ng Diyos.

27. Ano ang nararapat mong gawin kung alam mong pupunta ang iyong kaibigang Muslim sa
inyong bahay sa araw ng iyong kaarawan?
A. Sasabihan ko na huwag na lang siyang pupunta.
B. Hahayaan ko lang siyang kumain kahit may karneng baboy.
C. Ihahain ko sa kanya ang mga pagkaing maaari niyang kainin
D. Sasabihin ko sa aking nanay na puro lutong may karne ng baboy ang dapat naming
ihanda.

28. Malakas ang tunog ng pinanunuod ng iyong ate. Narinig mong nagdarasal ang mag-anak na
Muslim na inyong kapitbahay. Ano ang iyong gagawin?
A. Pababayaan ko na lamang ang aking ate.
B. Tatahimik na lamang ako habang sila ay nagdarasal.
C. Hihintayin ko na lamang ang aking ate na hinaan ang kanyang pinapanunod.
D. Magpapaalam ako sa aking ate na hihinaan ko ang kanyang pinapanuod dahil
nagdarasal ang aming kapitbahay.

29. Nakita mo ang iyong Lolo na namimigay ng ostia dahil ito ay isang ministro. Ano ang
gagawin mo?
A. Lalapitan mo siya at ngingitian.
B. Ikakahiya mo siya sa kanyang ginagawa.
C. Magtatago ka upang hindi ka niya makita.
D. Ipagwawalang bahala mo ang kanyang ginagawa.

30. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng kahalagahan sa paggalang ng


paniniwala ng iba tungkol sa Diyos?
A. Pagkakaroon ng panganib.
B. Magkakagulo ang bawat isa.
C. Magiging masaya ang bawat-isa.
D. Magkakawatak-watak ang bawat isa.
31. Ano ang dapat mong gawin kung ikaw ay naglalaro sa kalye at daraan ang prusisyon?
A. Tatahimik ako habang dumaraan ang prusisyon.
B. Hindi ko papansinin at mag-iingay ako habang may prusisyon.
C. Itutuloy ko ang paglalaro sa kalye habang dumaraan ang prusisyon.
D. Kakausapin ko ang bawat kasama sa prusisyon upang mapansin ako.

32. Paano mo maipakikita ang paggalang sa paniniwala ng kaibigan ng iyong pinsan na iba ang
relihiyon at paniniwala kaysa sa inyo?
A. Hindi ako makikipag usap sa kanya.
B. Hahayaan ko ang aking pinsan sa nais niyang gawin.
C. Makikipagkaibigan ako sa kaniya kahit iba ang aming paniniwala sa Diyos.
D. Maayos ko siyang kakausapin matapos akong ipakilala ngunit hindi ibig sabihin ay
makikipagkaibigan na ako.

33. Gusto mong manood ng pelikula ng paborito mong artista sa araw ng sabado. Wala kang
ibang makakasama kung hindi ang kaibigan mong Seventh Day Adventist. Ano ang
gagawin mo?
A. Aawayin ang kaibigan.
B. Pilitin ang kaibigang samahan ka.
C. Hindi na papansinin ang kaibigan.
D. Ipagpaliban na lang ang panunuod.

34. Nakita mong iba ang posisyon ng mga Muslim sa pagdarasal. Isa kang Kristiyano. Ano ang
gagawin mo?
A. Tuksuhin sila.
B. Pagtatawanan sila.
C. Igagalang ang paraan nila ng pagdarasal.
D. Ipilit sa kanila ang pamaraan ng iyong pagdarasal.

35. Ano ang nararapat mong gawin kapag isa sa kaibigan mo sinasabi sayo na ang aral ng
kanyang simbahan ang katotohanan?
A. Sisigawan ang kaibigan.
B. Maglalakad palayo sa kaibigan.
C. Susuntukin at aawayin ang kaibigan.
D. Mahinahon na makipag-usap sa kaibigan.

36. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa paniniwala
ng iba sa Diyos?
A. Pakikinig sa kanilang aral.
B. Pagsang-ayon sa iisang Diyos.
C. Pagdalo sa kanilang pagtitipon.
D. Pag-iingay sa oras ng kanilang pagsamba.
37. Bakit mahalaga ang paggalang sa paniniwala ng iba?
A. Para maging tanyag ka.
B. Para marami kang kaibigan.
C. Para matuwa ang iyong guro.
D. Para igalang ka rin ng iyong kapuwa

38. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba


tungkol sa Diyos?
A. Malakas na nakikinig ng radio habang nagdarasal.
B. Pinagtatawanan ang batang nagbabasa ng Koran.
C. Batang tinutukso ang batang may hawak na rosary.
D. Nakikinig nang may paggalang ang mga batang Muslim habang pinag-uusapan ang
mga gawain ng Katoliko.

39. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba


tungkol sa Diyos?
A. Si Mika na hindi nakikinig ng misa ng pari dahil siya ay Seventh Day Adventist.
B. Walang pag-aalinlangan na nakinig sa sermon ng pari si Maureen kahit na siya ay
Born Again Christian.
C. Ayaw pumunta ni Lisa sa imbitasyon sa kanya sa kasal ng kapatid ng kaklase niya
dahil siya ay Muslim.
D. Tumanggi si Marco na dumalo sa binyag ng nakababatang kapatid ni Jordan
sapagkat siya ay Iglesia Ni Kristo.

40. Niyaya ka ng iyong kamag-aral sa kanilang bahay-sambahan para makinig ng aral mula
sa kanila pastor. Ano ang gagawin mo para hindi mapahiya ang iyong kamag-aral?
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Hindi ako papasok sa kanilang bahay- sambahan.
C. Buong puso kong tatanggapin ang kaniyang paanyaya.
D. Magdadahilan ako na may pupuntahan kami sa araw na iyon.

Prepared by: Checked and Verified by:

MARY ROSE R. NIOGAN MARIETA S.SAN MIGUEL


Teacher III Master Teacher I

Noted by:

JOYANY ST. GUTIERREZ


Principal IV
ANSWER KEY: ESP 3 Q4
1. A
2. B
3. C
4. B
5. D
6. D
7. D
8. D
9. B
10. D
11. D
12. D
13. D
14. D
15. D
16. B
17. A
18. C
19. D
20. D
21. D
22. D
23. A
24. A
25. A
26. D
27. C
28. D
29. A
30. C
31. A
32. C
33. D
34. C
35. D
36. D
37. D
38. D
39. B
40. C

You might also like