Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Paano Nakakatulong ang 'No Homework' Policy sa Pag-unlad ng Mag-

aaral
ni Kim Jenmeil R. Palado

"WALANG ASSIGNMENT SA WEEKENDS!" Ang mga salitang tila


nagbibigay ng saya sa mga estudyante. Ang salitang "walang assignment" ay tila
nagpapahiwatig ng pagbibigay-halaga sa kalusugan at pag-unlad ng mga estudyante
sa halip na ito'y maging mabigat na pasanin pa. Ito ay isang pagkilos na naglalayong
bawasan ang stress at pagod na maaaring dulot ng labis na trabaho sa bahay. Sa
ganitong paraan, maaaring makatulong ito sa pagpapabuti ng mental na kaayusan ng
mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mas marami o mas angkop na
oras para sa pahinga, paglalaro, at iba pang aktibidad na makakatulong sa kanilang
emosyonal na abilidad ng isang istudyanteng katulad ko. Kaya ako ay sang-ayon na
nakatutulong ang "No Homework Policy" sa buong pagkatao at pangangatawan ng
isang istudyante.

Una, ang “No Homework Act of 2023," ay ipinapanukala ni Revilla na walang


“mandatory homework or assignment” sa weekend at dapat lamang itong gawin ng
mga guro kapag weekday. Dapat iregulita o balansihin ang binibigay na takdang-
aralin sa mga estudyante. Katulad kong isang istudyante, bago ako pumasok ng
eskwelahan, gagawa muna ako ng nakalaan saaming takdang-aralin, papasok sa
eskwelahan at minsan, doon pa nag gagawa ng hindi natapos na takdang-aralin para
ipasa mamaya sa guro. Pagkapasa ng takdang-aralin, may panibago nanaman at
paulit-ulit ito hanggang hwebes. Paulit-ulit na may nakalaang takdang-aralin o
proyekto at hating-gabi na makakatulog. Dumating ang araw ng biyernes, may
ibinigay nanamang takdang-aralin si 'teacher'. Ang inaasahan mong pahinga
kinabukasan, mawawala. Nawalan nanga ng oras sa sarili, kulang pa ang tulog. Ayon
sa isang pag-aaral ng American Psychological Association (APA), ang sapat na oras
ng pagtulog at pahinga ay mahalaga para sa kalusugan ng pag-iisip at pisikal ng isang
indibidwal na aabot sa ⅗ang apektadong mga mag-aaral. Durog na durog na ang
sosyal at pangangatawang kalagayan ng isang estudyante.

Pangalwa, ang hindi pagkakaroon ng takdang-aralin tuwing biyernes para


gawin sa weekdays ay makakatulong upang mapabuti pa ng isang estudyante ang
kanyang talento at mental na kaayusan. Sa loob ng isang linggo ng mga regular na
takdang-aralin, maraming mga estudyante ang nababalot ng stress at pressure na dala
ng mga academic na gawain. Ang pagkakaroon ng isang araw na walang takdang-
aralin ay magbibigay ng pahinga at panahon para sa pagsasanay ng iba't ibang mga
talento. Halimbawa, ang isang estudyante na mahilig sa musika ay maaaring gamitin
ang oras na ito upang magpraktis ng kanyang instrumento o kumanta nang walang
anumang pressure mula sa mga akademikong tungkulin. Kaya binibigyang-diin ng
Memorandum No. 392 mula sa Kagawaran ng Edukasyon ang mahalagang papel ng
talento at mentalidad na pag-unlad ng isang mag-aaral. Maaari na ang pagbibigay ng
takdang aralin sa mga estudyante ay maging'remedial' o 'preparation' sa mga susunod
na aral na gagawin ngunit hindi pa ba nila ibibigay ang oras na yoon upang makapag
pahinga sa mga sunod-sunod na pinapagawa nilang aktibidad at takdang aralin sa
araw ng pagpasok sa nga estudyante? Dapat hindi abusuhin ang pagbibigay ng
takdang-aralin sa mga estudyante.

Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng "No Homework Policy," hindi lamang


nagbibigay ito ng kaligayahan at ginhawa sa mga estudyante, ngunit mahalaga rin ito
para sa kanilang kalusugan at pag-unlad. Ang magandang paraan upang isipin ang
takdang-aralin ibinibigay saatin ay ang paraang 'universal rule of thumb'. Kung hindi
mo ibibigay ng ayos o hindi mo talaga ibibigay ang isang bagay, walang epekto, pero
kung paulit-ulit mong ibibigay nang ibibigay nakakamatay din.

You might also like