Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Franz Aaron Lenric T.

San Juan

Grade 10 Fortitude

Performance Task-ARALING PANLIPUNAN

Piniling Propesyon _ Civil Engineer ( Inhinyerong Sibil )

1. Gampanin ng propesyong napili


- Ang pagiging Inhinyero ay may napakalawak na gampanin. Ang ilan
dito ay ang magplano, magdisenyo at mamahala sa konstruksyon ng
mga imprastraktura. tulad ng kalsada, tulay, paliparan, riles ng tren,
gusali. at iba pang pampublikong serbisyo.
2. Kalagayan ng propesyon sa loob at labas ng bansa
- Sa kasalukuyan napapanahon at kinakailangan ang propesyong ito
lalo na at paunlad ang mundo. Madaming mga proyekto na
pagpapalawak ng mga kalsada, pag gawa ng mga nagtataasang mga
gusali at daang pangtransportasyon na kasabay ng pagasenso ng mga
bansa hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa buong mundo.
3. Mga tulong na naiibigay ng propesyon sa Lipunan at kapwa
- Dahil sa pagasenso ng isang bayan, dumadami ang mga proyekto na
nakakatulong sa mga tao lalo na yung mga nasa liblib na lugar na
ngayon ay madali nang nararatig ang mga bayanbayan dahil sa mga
kalsadang ginagawa. Ito ay pinagisipan ng mga inhinyero dahil nais
din nilang makatulong sa mga tao at sa ikauunlad ng bayan.
Pinapanatili din nila ang kaligtasan ng mga tao laban sa mga
pagguho ng mga bundok pati narin kung paano patitibayin ang mga
tulay at daan.
4. Kahalagahan ng pagiging aktibo ng propesyon upang makamit ang
kaunlaran ng bansa
- Mahalaga ang propesyong ito sapagkat sa kanila nakasalalay ang pag
asensyo ng isang bayan at isang bansa. Sa kanila inaatang ang
ikauunlad at ikadadali ng trasportasyon. Ag may maganda at maayos
na kalsada at tulay ay susi sa mabilis na pagunlad dahil mabilis
makakarating ang mga gamit, prutas, pagkain, gamot galing sa isang
lugar papunta sa isang lugar. Kung aktibo ang propesyong ito,
makasisiguro tayong maiaayos ang kalagayan ng tao at mailayo sa
disgrasya dahil makikita na nila at mabibigyang solusyon ang mga
magbibigay panganib sa mga tao laban sa mga pagguho ng lupa at
mga pagbaha.

You might also like