Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tekstong Prosidyural

Ano ang Tekstong Prosidyural?


Ito ay isang uri ng tekstong tungkol sa serye ng mga gawain na may layuning
makamit ang inaasahang hangganan o resulta.

Ito ay nagbibigay ng kaalaman para sa maayos na pagkakasunod- sunod ng mga


hakbang sa pagsasagawa ng isang gawaing o proyekto.

Mga Elemento ng Tekstong Prosidyural:


1. Layunin o Target na awtput
Nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan ng proyekto ng prosidyur.
Maaring llarawan ang mga tiyak na katagian ng isang bagay kung susundin ang gabay.

2. Kagamitan (Ingredients o Instruments)


Nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitan kakailangnin upang
makompleto ang isagawang proyekto.

3. Metodo (Methods)
Serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.

4. Ebalwasyon
Naglalaman ng mga pamamaraam kung paano masusukat ang tagumpay ng
prosidyur na isinagawa.

5. Mga Hakbang
Ang mga hakbang ang pinakamahalagang bahagi ng tekstong prosidyural. Sa
bahaging ito nakalahad ang mga panuto kung paano gagawin ang buong proseso.

6. Tulong na Larawan
Ang paglalagay ng tulong sa larawan ay nagsisiling gabay sa mambabasa.

Kahalagahan ng Tekstong Prosidyural


1. Dahil sa pagsunod ng mga hakbang, mayroon kang magagawang produkto
o awtput.

2. Nagkakaroon ng kaalaman kung paano gumawa ng isang produkto.

Mga Tiyak na katangian ng wika ng isang Tekstong Prosidyural


1. Nakasulat sa kasalukuyang panahunan.

2. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.

3. Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan sa


pamamagitan ng paggamit ng mga panghalip (e.g mo, natin).
4. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa intruksiyon.

5. Gumagamit ng malinaw na pag-ugnay at cohesive devices upang ipakita ang


pagkakasunod sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto (e.g. Una, Ikalawa
Ikatlo, atbp.).

Iba’t Iba’ng uri ng Tekstong Prosidyural


 Paraan ng pagluluto ( Recipes)
Pinaka karaniwang uri ng Tekstong Prosidyural; Ito ay nagbibigay ng
panuto sa mambabasa kung paano magluto.

 Panuto (Instructions)
Ito ay naggagabay sa mga mambabasa kung paano maisagawa o likhain
ang isang bagay.

 Manwal
Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at patakbuhin
ang isang bagay.

 Mga Eksperimento
Sa mga eksperimebto, tumutuklas tayo ng bagay na hindi pa natin alam.

 Pagbibigay ng direksyon
Mahalagang magbigay tayo ng malinaw na direksyon para makarating sa
nais na destinasyon ang ating ginagabayan.

You might also like