Professional Documents
Culture Documents
Pagkritika NG Nabasang Epiko
Pagkritika NG Nabasang Epiko
Pagkritika NG Nabasang Epiko
Tauhan:
Lam-ang- Isang binatang bayani na may kakaibang kapangyarihan
Don Juan at Namongan- Mga magulang ni Lam-ang
Tangabaran at mahiwagang aso- mga kasama ni Lam-ang sa kanyang
paglalakbay
Ines Kannoyan- Asawa ni Lam-ang
Sumarang
Tagpuan:
Lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union
Lupain ng mga Igorot
Ilog ng Amburayan
Kalanutian
Ilog kung saan manghuhuli ng mga isdang rarang
Suliranin:
Ang pangunahing suliranin sa kwento ay ang paghahanap ni Lam-ang sa
kanyang ama na si Don Juan na pinaslang ng mga Igorot. Isinumpa ni Lam-
ang na ipaghihiganti niya ang kaniyang Ama.
Tema ng kwento:
Ang epking biag ni Lam-ang ay naglalarawan ng mga katangian ng isang
bayaning mayroong kagitingan sa pakikipaglaban, pagmamahal sa kanyang
pamilya at bayan. Ipinikita rin nito ang mga katangian ng katapangan at
determinasyon sa mga pagsubok na kanyang nakaharap sa paglalakbay.
Impluwensay sa kasalukuyanng panitikan at kultura ng Pilipinas:
Ang epiko ng Biag ni Lam-ang ay mayroong malaking impluwensya sa
kasalukuyang panitikan ng kultura ng Pilipinas. Ito ang epikong nagsisimbolo
sa pagkakakakilanlan ng mga kultura ng isang Pilipino. Sa pamamagitan ng
kwentong ito, napapanatili nating mga Pilipino ang kahalagahan ng mga
kasaysayan, tradisyon, at kahalagahan ng ating mga ninuno. Bukod dito,
nabibigyan ng magandang aral at malawak na imahinasyon ang mga nasa
henerasyon ngayon patungkol sa tema at kwento ng epikong biag ni Lam-ang.
Opinyon:
Para sakin, ang epikong Biag ni Lam-ang ay may malaking parte sa
panitikang Pilipino. Sa kadahilanang, dala-dala nito ang pagkakakilanlan ng isang
lugar at kultura na kung tawagin ay Ilokano. Naipapakita nito ang pagpapahalaga ng
kasaysayang mga kwento na nagpapahayag ng malawak na kaisipan sa pagsulat,
mga tradisyon na nagpapahayag ng pagkakakilanlan ng isang Pilipino, at ang
pinaka mahalaga para sakin ay ang pagbigay ng respeto sa mga sinaunang Pilipino.
Kaya naman, tunay nga na napakahalaga ng epikong biag ni Lam-ang sa panitikang
Pilipino dahil ito rin ang isa sa nagbibigay inspirasyon at aral sa mga mambabasa
nag nagpapakita ng pagkakakilanlan ng isang Pilipino.