Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

NARVAEZ, YEZHA MAE E.

BSCRIM 2-B

Kamusta ka?

Magandang araw sa aking kapwa mga kamag-aral at sa aming butihing guro. Ako nga pala si
Yezha Mae Narvaez Narito ako sa inyong harapan upang talakayin ang isa sa mga problema na
kinakaharap ng ating bansa. “Depression” sa ilalim ng Mental Health ay isa sa problema na
kinakaharap ng ating bansa lalo na, ng mga estudyante. Mas lumala ito ng dumating ang
pandemya na COVID-19 sa ating bansa. Ano nga ba ang depression? Gaano kalaki ang impak
nito sa buhay nila? Masu-sulusyunan pa ba natin ang suliraning ito?

Ang depresyon ay isang medical na kondisyon na kung saan naaapektuhan ang isip ng tao kung
saan lubhang naaapektuhan ang aktibidad at kalooban ng isang tao kabilang na ang kanyang pag-
iisip, pag-uugali, damdamin at pakiramdam. Ayon sa isang artikulo na inilabas ng National
Library of Medicine (NIH), Sa panahon ng pandemya, ang pasanin sa kalusugan ng isip ay tila
lumala na ang mga pagtatangkang wakasan ang buhay sa mga kabataang Pilipino ay tumaas sa
7.5% noong 2021 mula sa 3% bago ang pandemya. Bilang estudyante double ang aming
naramdaman na pag babago noong dumating ang pandemya, ang kinasanayang araw-araw na
pag pasok sa eskwelahan, at pakikinig nang harapan sa guro ay nawala at napalitan ng pag tutok
at pakikinig ng mga aralin sa harap ng aming telepono. Ang pag ba-bagong ito ay nag bunga ng
masyadong pag iisp at pag ka stress ng mga kabataan na pwedeng humantong sa depresyon. May
mga hakbang na maaari nating gawin para masiguro ang ating kalusugang pangkaisipan. Dapat
tayo magkaruon ng malasakit sa ating sarili. Huwag nating kalimutang maglaan ng oras para sa
sarili at alamin ang ating mga pangangailangan. Mahalaga rin ang pagtanggap at pag-unawa sa
mga taong may mental health concerns. Dapat tayo maging bukas sa pakikipag-usap at pagtulong
sa kanila upang mas maunawaan natin ang kanilang nararamdaman.

Bilang isang kabataan na nakaranas ng ganitong uri ng sitwasyon.Sa simpleng pag kamusta sa
ating mga kakilala ay isa. Hindi rin dapat natin kalimutan ang physical health, sapagkat ito ay
may kaugnayan sa mental health. Tamang nutrisyon at regular na ehersisyo ay makakatulong sa
ating kaisipan. Sa huli, ang edukasyon ay susi sa pag-aangat ng kamalayan tungkol sa mental
health. Dapat tayo magtulungan na labanan ang mga suliraning ito.

You might also like