Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

IBONG ADARNA SCRIPT – SOLEIL (FULL)

SCENE 1
Tagapagsalaysay: Noong mga unang panahon, sa isang mapayapang
kaharian na tinatawag na Berbanya, naghari ang isang napakahusay at
mabait na si Haring Fernando. Kasama niya sa pamumuno ang kanyang
asawang si Reyna Valeriana, isang mapagmahal at minamahal na reyna
ng Berbanya. Kasama rin nila ang kanilang tatlong prinsipe na magigiting.
Ang panganay na si Don Pedro ay matapang, sumunod si Don Diego na
mahinahon, at ang matulungin na si Don Juan.

(Nakaupo sa kanyang trono ang hari habang ang tatlong prinsipe ay


nakaluhod sa harap niya)

Don Fernando: Kayong tatlo ay mapalad, taglay ninyo ang mataas na


kapalaran. Sa ngayon na kayo'y tumatanda na, pumili kayo sa dalawa,
maging pari o maging hari?

Don Pedro, Don Diego, at Don Juan: Mahal naming hari, nais naming
pamahalaan ang kaharian at ang bayan upang sila'y aming lingkuran ng
buong puso.

Don Fernando: Kung ganoon, maging handa sa mga hamon, ipakita ninyo
ang inyong galing sa paggamit ng espada.

Don Pedro, Don Diego, at Don Juan: Salamat po, mahal naming ama.

Don Fernando: Mabuhay ang tatlong prinsipe! (Mabuhay!)


KUWENTO 2:

Tagapagsalaysay: Isang gabi, habang mahimbing na natutulog si Don


Fernando, siya ay nanaginip tungkol sa kanyang bunsong anak na si Don
Juan. Sa panaginip, ito ay pinagtaksilan at pinatay ng dalawang traydor.

(Nakahiga si Haring Fernando sa kanyang higaan habang hindi mapakali


dahil sa kanyang panaginip)

(Sa kabila ng panaginip ng hari, si Don Juan ay inuugog ng dalawang lalaki


na hindi makikita o maaninag ang mga mukha)

Donya Valeriana: Mahal kong hari, ano ang nangyayari sa iyo?

Don Fernando: Ang ating bunsong anak, nanaginip akong siya ay


pinaslang at inihagis sa balon ng dalawang lalaki.

Tagapagsalaysay: Dahil sa masamang panaginip na ito, nagkasakit nang


malubha ang hari at walang sinumang manggagamot ang
makapagdiagnose. Kaya't sila ay naghanap ng isang manggagamot.

(Papasok ang isang manggagamot na naglalakad nang pabagal-bagal)

Manggagamot: Ang iyong karamdaman, Haring Mahal, ay bunga ng


panaginip. Bagaman ito ay malalim at delikado, mayroong epektibong
lunas. May isang ibon na tinatawag na Adarna na naninirahan sa Bundok
ng Tabor, kung saan matatagpuan ang Piedras Platas, ang tahanan ng
Ibong Adarna.
Tagapagsalaysay: Kaya agad na pinag-utos niya si Don Pedro na hulihin
ang Ibong Adarna.

Haring Fernando: Pedro, bilang panganay, hanapin mo ang tanging gamot


na makapagbibigay-buhay, ang Ibong Adarna.

Don Pedro: Ang pagtalikod ay hindi isang opsyon, pinapahalagahan ko ang


pagsunod sa inyong utos.

SCENE 3

Tagapagsalaysay: Nagsimula nga ang paglalakbay ni Don Pedro. Tatlong


buwan ang inabot niya sa pagtawid sa kaparangan, subalit hindi lamang ito
simpleng paglalakbay (Magpapatuloy ang paglalakad ni Don Pedro.)

Don Pedro: Anong hirap na dinaanan sa paglalakbay na ito, sana'y


makamit ko ang aking layunin nang mapayapa.
(Biglang nahulog ang sinasakyang kabayo.)

Don Pedro: Naku, ano itong kamalasang nawasak pa ang kabayong


sinasakyan. (Magpapatuloy ang paglalakad ni Don Pedro.)

Tagapagsalaysay: Sa mapait na kapalaran, nagtagal ang prinsipe sa


paglalakbay upang marating ang maalab na Tabor na kabundukan. Nakita
niya ang punongkahoy na puno ng mga sanga na mayamang sumasayaw
sa hangin; ang natatanging dahon ay nagningning. Habang siya'y
nasisiyahan, biglang sumagi sa kanyang isipan na marahil ito na ang
tahanan ng Adarna na kanyang hinahanap.
(Tumingin siya sa puno ng Piedras Platas)

Don Pedro: Bakit wala ni isang ibon na sumisid at dumapo sa punong ito?
Anong misteryo ang bumabalot sa kagandahan nito?

(Nagpatungo si Don Pedro sa ilalim ng puno)

Don Pedro: Matapos ang mahabang paglalakbay, maaaring sapat na ang


pahinga ko rito. (Inantok siya)

Tagapagsalaysay: Mukhang ito'y isang tukso at kapahamakan para kay


Don Pedro, ang Adarna na may kakaibang kapangyarihan ay dumating.
Nagsimula itong kumanta ng pitong matamis na awit, bawat isa ay isang
magandang paningin. Ang Adarna ay may ugaling dumumi bago matulog
sa sanga. Sa masamang kapalaran, nahulog ang patak ng Adarna sa puno
na sinandalan ni Don Pedro, at bigla itong naging isang buhay na bato.

Tagapagsalaysay: Ilang buwan ang lumipas at si Don Pedro ay wala pa,


kaya naman ay si Don Diego ang inatasang hanapin ang Ibong Adarna.
(Nakahiga si Don Fernando sa kanyang higaan habang si Donya
Valeriana ay malungkot at nagaalala samantalang si Don Diego naman ay
nakaluhod sa harap ng higaan ng hari)
Haring Fernando: Oh aking anak na Don Diego, matagal tagal nading
nawawala ang iyong kapatid. Maaari mo ba syang sundan upang
tulungang hanapin ang ibong adarna para ako ay gumaling?
Don Diego: Opo aking ama, makaka-asa po kayo. Sa aking pagbalik dala
ko na ang ibong lunas, pati si Don Pedro aking kaagapay.
Tagapagsalaysay: Yumao na nga si Don Diego baon sa puso at dibdib ay
makita ang kapatid magsama sa madlang sakit sa ngalan ng amang ibig.
(Sakay sa kanyang kabayo si Don Diego habang nilalakbay ang Bundok
Tabor)
Don Diego: Anuman pagsubok aking pagtitiisan, ang kapatid ko at Ibong
Adarna aking hahanapin. (Biglang manghihina at mamatay ang kabayo)
Don Diego: Pati ba naman ikaw ako’y iiwan mo rin. Sa paglalakbay ako’y
mag-iisa. Di bale ako magpapatuloy na sa aking paglalakbay.

Tagapagsalaysay: At lumipas din ang ilang buwan bago marating ni Don


Deigo ang puno ng Piedras Platas, kung saan nakatira ang Ibong Adarna.
Don Diego: Ano bang laking hiwaga, punong ganda’y nakakaakit sa mata.
Lumalalim na ang gabi, ako’y mamahinga muna.
Tagapagsalaysay: Matapos syang maupo sa bato ay tila inaantok nadin si
Don Diego kaya naisipan nyang sumandal sa puno ng Piedras Platas at ito
ay nakatulog. Maya-maya ay dumating na ang ibong adarna. Si Don Diego
ay walang kaalam alam na sa oras ng kanyang kahimbingan sa pag tulog
ay naka dating napala ang Ibong adarna at muli itong umawit. At dahil sa
ganda ng boses nito ay tila hindi nagigising si Don Diego kaya maya-maya
ay naiputan na din sya ng Ibong Adarna at naging bato gaya ng nangyari
sa kapatid niyang si Don Pedro.

You might also like