dalawang bandera, tatayo naman kayong lahat. Pagkilala sa sarili Layunin ng mga Baitang 1
a. naipamamalas ang pag-unawa
sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili
b. nasasabi ang batayang
impormasyon tungkol sa sarili
c. naipagmamalaki sa iba ang
impormasyon tungkol sa sarili Layunin ng mga Baitang 2
a. Natutukoy mo ang iyong
sarili
b. napapahalagahan at naipagmamalaki mo ang iyong sarili
c. nasasabi mo ang mga bagay
patungkol sa iyong sarili Paano mo ipinapakilala ang iyong sarili sa unang araw ng iyong klase? Pangalan EDAD Kaarawan Pangalan ng mga magulang Tirahan Halimbawa Unang araw ng klase. May dawalang etudyante na naguusap. Si Anne at Ronnel. Sila ay nagtatanungan tungkol sa isa`t isa. Hi. Ako si Anne. Anong pangalan mo? Hello. Ako naman si Ronnel . Ilang taon kana? Limang taong gulang na ako. Ikaw? Anim na taong gulang na ako. Saan ka nakatira? Nakatira ako sa Sta.Cruz Lubao Pampanga. Ako naman ay sa Sta.Monica Lubao Pampanga. Pareho pala tayong taga Lubao. Pwede ba tayong maging magkaibigan Ronnel? Oo naman Anne. Lahat tayo ay may pangalan , magulang, kaarawan, edad at tirahan.
Ito`y mga batayang impormasyon na
dapat nating malaman sa pagpapakilala ng sarili, ito`y magagamit natin.
Kaya dapat itong alamin upang tayo ay
makilala ng ibang tao. Tandaan : Bawat batang katulad mo ay may karapatang magkaroon ng pangalan. May iba`t- ibang pinagmulan ang pangalan ng isang tao. Dapat na ipagmalaki mo ang iyong sariling pangalan dahil ito ay ibinigay sa iyo ng iyong magulang. Alamin naman natin ang ating mga pangarap sa buhay. Ano-ano naman ang inyong mga kinahihiligan? Ang pagkilala sa sarili ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan nito, nalalaman natin ang sariling emosyon.
Mas madaling makontrol ang mga bagay.
Malalaman mo rin ang iyong mga gusto.
Higit sa lahat , malalaman natin ang
ating mga kahinaan at kung paano ito masosolusyonan . Grade 2 Gumawa ng isang ID. Iguhit ang inyong larawan sa kahon na makikita at isulat ang mga impormasyon tungkol sa sarili. Grade 1 Ano-ano ang mga impormasyon na ito? Mahalaga ba ang mga impormasyong ito? Gawain Grade 1 Punan ang mga patlang. Ako si _______________, ___ taong gulang. Ipinanganak noong ika-___ ng _________. Ang aking magulang ay sina ________________ at _______________. Nakatira kami sa ____________.
Grade 2 Gumawa ng isang diary at ibahagi ang mga pangarap na gustong makamit sa hinaharap. Takdang-Aralin Grade 1
Alamin ang pinagmulan ng iyong pangalan.
Itanong sa mga magulang kung bakit ito ang ibinigay na pangalan sa iyo. Isulat ito sa inyong araling panipunan na kwaderno.
Grade 2
Gumupit ng mga larawan ng mga tao. Isulat
ang titik B kung babae at L kung lalaki. Maraming salamat sa pakikinig!!!