EMOTIVE

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

EMOTIVE

Mahal kong Maria,

Kumusta ka? Nawa’y nasa mabuti kang kalagayan sa oras na binabasa mo ang liham na ito.
Sumulat ako dahil sa hinaba-haba ng panahon na tayo ay magkakilala ay ngayon lamang ako nagkaroon
ng lakas ng loob upang ipagtapat sayo ang aking damdamin. Matagal na kitang iniibig, ngunit hindi ko ito
masambit sambit sa iyo sapagkat ako’y naduduwag. Hindi ako humihingi na suklian mo ang aking
nararamdaman, bagkus ay umaasa ako na mananatili tayong magkaibigan kahit alam mo na may
pagtingin ako sa iyo.

Sa iyo,

Juan

CONATIVE
“Hindi ba’t nakakasawa na ang mga lokal na palabas o pelikula na ipinapalabas sa mga sinehan na paulit
ulit naman ang mga paksa at madaling mahulaan ang mangyayari? Kaya’t nananawagan ako sa mga
direktor at prodyuser ng mga pelikulang Pilipino na gumawa ng mga matitino at mahuhusay na palabas
upang magkaroon ng magandang panonoorin ang taong-bayan na tatatak sa kanila.”

PHATIC
“Hi! Magandang araw sa iyo! Napapansin ko kasi na parang wala ka pang nakakausap sa mga kaklase
natin”

“Oo nga eh, nahihiya pa kasi ako”

“Naku alam moba nung una din akong pumasok dito nung nakaraang taon, hiyang hiya rin ako, pero
mababait naman ang mga teacher at kaklase natin dito kaya makakapalagayan mo rin sila ng loob”

“Ganun ba, naku salamat ha! Anggaan naman sa pakiramdam na may nakakausap na ako ngayon na
kaklase”

“Anukaba, pagdating ng mga ilang araw makakausap monaren sila lahat. Ano, tara sama ka sakin sa
canteen?”

REFERENTIAL
“Hoy Jerome, sinabi ko na sayo na wag kang kain ng kain ng galing sa fastfood diba? Tignan motong
binalita sa tv na inspeksyon ng mga kusina sa fastfood, o diba ang dumi? Saka ito pang report na tungkol
sa mga bata na tumataas ang kaso ng obesity at heart problems sa mga batang kasing edad mo dahil sa
kakakain ng fastfood. Odiba, hindi kita niloloko, gusto mo bang mangyari din sayo ang mga yon?”
METALINGUAL
Siguro dahil sa mga corrupt na mga nanunungkulan kaya hindi rin naibabalik sa atin ang mga serbisyo na
dapat ay natatamasa natin dahil sa pagbabayad natin ng buwis. Siguro ay ninanakaw nila ang kaban ng
bayan. Sana’y liitan na lamang ang presyo ng mga buwis dahil hindi rin nalang naman natin natatamasa
ang mga serbisyo na ating binabayaran.

POETIC
Bituin, o ako’y ningningan

Biyaya sa akin ang iyong kagandahan

Mga mata mong tila mundo ang tangan

Pati ang araw ay nasilaw sa iyong kariktan.

Mapansin mo’y tila paghuli sa hangin

Malapit lang sa iyo, oh mahabagin

Tibok ng aking puso ay hindi mapatid

Pagtingin sa iyo’y langit ang hatid.

You might also like