Q3 G10 2023test-Booklet-Template

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

PERIODICAL TEST

Quarter 3

PERIODICAL TEST
QUARTER 3
FILIPINO 10 PANITIKANG
SCIENCE 10
PANDAIGDIG

Prepared by:
KAREN KAYE A. BAGAIN

Prepared by:
CRISANTE L. MARUQUIN
Subject Teacher
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem sa ibaba.
Piliin mula sa mga opsyon ang kumakatawan sa iyong kasagutan. Itiman ang bilog
ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang tumutukoy sa akdang pampanitikan na Mitolohiya?


A. kuwentong pinagmulan ng mga bagay o lugar
B. kuwentong kinasasangkutan ng diyos at diyosa
C. ang mga tauhan ay mga hayop at mayroong aral sa dulo
D. hango sa Bibilya na sangkot ang mga pangaral ni Hesukristo

2. Ang kasanayang komunikatibong gramatikal ay naglalayong mabigyang kakayahan ang


nagsasalita ng epektibong pakikipagtalastasan gamit ang mga angkop na tuntuning
panggramatika. Ano ang HINDI kabilang sa tuntunin ng epektibong paggamit ng kasanayang
gramatikal?
A. pagbaybay
B. paglalarawan
C. tamang pagbigkas
D. pagbibigay-kahulugan

3. Ang mga sumusunod ay katangian ng anekdota maliban sa isa, ano ito?


A. salaysay ng tunay na nangyayari sa buhay ng tao
B. nagsasalaysay ng nakawiwili at nakatutuwang pangyayari
C. nagpapabatid ng magandang karanasan at kapupulutan ng aral
D. panitikang nagsasalaysay ng pangyayaring likhang isip o piksyon

4. Mapupuna sa anekdota ni Nassreddin na puno ito ng katatawanan. Ano ang pinakaangkop


na dahilan sa paggamit ng estilong pagpapatawa sa pagsasalaysay ng anekdota?
A. mag-iwan ng aral
B. makapagbigay-aliw
C. maging maganda ang salaysay
D. mapukaw ang interes ng tagapakinig o mambabasa

5. Sa anong larangan nakilala si Mulla Nassredin?


A. pagkanta
B. pagsayaw
C. pagbabalita
D. pagpapatawa

6. Anong tawag sa isang sangay ng panitikan na naglalarawan ng buhay at kalikasan na likha


ng mayamang guniguni o imahinasyon ng makata?
A. tula B. epiko C. simbolismo D. talinghaga
7. Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang pahayag
o pananalita maliban sa isa, ano ito?
A. nagtataglay ng malalim o hindi lantad na kahulugan
B. sinasalamin nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng anumang wika
C. binabago nito ang orihinal na kahulugan ng pangungusap na kinabibilangan
D. hinahamon at pinapalawak nito ang kaalaman at bokabularyo ng mambabasa

8. Ano ang pinakamantandang epiko sa buong mundo at kinikilala bilang kauna-unahang


dakilang likha ng panitikan?
A. Beowulf B. Ibalon C. Gilgamesh D. Iliad at Odyssey

9. Saan galing ang salitang Greek ng epiko na nangangahulugang salawikain o awit?


A. Epis B. Episo C. Epix D. Epos

10. Anong anyo ng panitikan ang naglalaman ng isang maikling salaysay tungkol sa isang
mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan?
A. mito B. dagli C. alamat D. maikling kuwento

11. Ano ang suliranin ni Kibuka sa akdang “Mga Alaga”?


A. ang kanyang pagreretiro
B. pagkamatay ng alagang baboy
C. hindi sistematiko ang papalit sa kanya
D. hindi pagpansin ng kanyang mga dating kasamahan sa trabaho

12. Ang talumpati ay isang uri ng sanaysay na binibigkas. Alin sa mga sumusunod ang isa pang
uri ng sanaysay?
A. tula B. nobela C. lathalain D. talambuhay

13. Ano ang tawag sa isang tiyak na ipinapahayag ng isang tao na ginagamitan ng bantas na
panipi (“ “) upang ipakita ang eksaktong sinasabi ng isang partikular na tao?
A. di-tuwing pahayag C. pormal na pahayag
B. tuwirang pahayag D. impormal na pahayag

14. Anong tawag sa pahayag na ito na binabanggit lamang muli kung ano ang sinabi ng isang
tao na ginagamitan ng pariralang pang-ukol?
A. di-tuwing pahayag C. pormal na pahayag
B. tuwirang pahayag D. impormal na pahayag

15. Ano ang tawag sa isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga
pangyayaring naghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas at nag-iiwan din ng isang
kakintalan sa isip ng mambabasa?
A. dula C. nobela
B. karilyo D. Maikling kuwento
Para sa bilang 16
Pagkakaiba ng Kulturang Africa at Persia
Ni Critopher Sobremesana

Marami sa atin ang tinitingnan ang kultura bilang isang nakaraang usapin. Ito ay nakaugat
na sa bawat lahi na maaaring talakayin sa paraang konstruktibo.
Uminog ang pamumuhay at gawi ng mga taga-Africa sa mitolohiya noong unang
panahon. Naniniwala sila sa mga diyos-diyosan, mga espiritu at sa mga namatay.Gayundin
sa puwersa ng kabutihan at kasamaan. Laging naiuugnay ang mga mitolohiya ng Africa sa
bundok, dagat, ilog, puno, tubig, hangin, apoy at supernatural.
Ang Persia ay isa sa may pinakamagandang literatura sa mundo. Marami sa kanilang
akda ay naglaho subalit ang kay Achaemenid na naisulat ang natira. Ang pinakaugat ng
kanilang panitikan ay nakasetro sa kanilang mga dakilang manunulat at paniniwala.
Sa paglaon ng panahon, mas lalo pang umusbong ang iba’t ibang panitikan mayroon ang
dalawang bansang ito. Nagbago man ang panahon subalit buhay pa rin ang tinatawag na
kultura at paniniwala.

16. Ang lahat ay maaaring nakabatay sa tinatawag na paniniwala, kilos o gawi at kultura ng
isang bansa. Alin sa sumusunod ang pagkakatulad ng dalawang bansa ayon sa teksto sa
itaas?
A. Naniniwala ang dalawang bansa sa tinatawag na pagkakaisa sa pipiliing lider o
pinuno.
B. Nakabatay sa kanilang kultura at paniniwala ang mga naisusulat na kabahagi ng
literatura.
C. Mayroong pagkakapareho ang dalawang bansa sa pamamagitan ng paniniwalang
espirituwal.
D. Pareho lamang ang tingin sa bawat isa na kailangang paunlarin ang sarili at bansa
para sa bukas.

Para sa bilang 17-18


Naimbitahan si Mullah Nassredin upang magsalita at magtalumpati sa harap ng maraming
tao. sa kaniyang pagsisimula ay natanong ni Mullah kung alam ba nila ang kanyang
sasabihin, sumagot sila ng hindi kung kaya’t siya ay umalis sapagkat wala siyang panahong
magsalita sa mga taong hindi alam ang kanyang sasabihin. Kinabukasan, muli siyang
inimbitahan at muling tinanong ng kaparehong tanong ang mga tao at sumagot sila ng Oo
kung kaya’t muli na naman siyang umalis sapagkat ayaw niyang aksayahin ang oras dahil
alam na nila ang sasabihin nito. Sa ikatlong beses, ang sagot na ng mga tao ay kalahating
Hindi at Oo kung kaya’y nasambit niya na ang mga kalahating nakaalam ay sila ang
magsasabi sa hindi nakaaalam at siya ay umalis.
17. Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan upang siya ay makilala
bilang pinakamahusay sa larangan ng pagpapatawa?
A. siya’y komedyante sa kanilang lugar
B. isa siyang marunong na mananalumpati
C. ginamit niya ang kanyang talino sa pagpapatawa
D. nakapagtanghal siya ng ilang nakatutuwang eksena
18. Mula sa pahayag, ano sa tingin mo ang nais na ituro ni Mullah sa mga tao?
A. may mga bagay-bagay na kailangan na bigyang-halaga
B. huwag magpakabobo sa lahat ng bagay dahil natututuhan ito lalo kapag may
determinasyon
C. buksan ang malawak na imahinasyon sa kung ano man ang maaaring
mangyari sa hinaharap
D. gamitin ang isipan sa matalinong paraan lalo na sa pakikinig at pagtugon
tanda na nauunawan ang tinuran

19. Ano ang sinisimbolo ng Ina sa tulang “Hele ng isang Ina sa Kaniyang Panganay”
A. Mapagmalasakit sa mga anak
B. Ang Ina ang nagsisilbi na ilaw ng ating tahanan.
C. Takbuhan ng mga anak kapag sila ay may problema
D. Ang ina ang nag-aaruga sa kaniyang mga anak dahil sa kaniyang pagmamahal ay
gagawin maitaguyod lamang ang kaniyang mga anak.

20. Itaga mo sa bato, ang aking mga sinambit ay pawang katotohanan. Ano kahulugan ng
damdaming ipinahayag?
A. Nag-aalala C. Pagsang-ayon at Pagsalungat
B. Nanunumpa o nangangako D. Nagpapayo o Nagmumungkahi

21. “….Ang karunungan ay para sa tao, ngunit huwag mong lilimuting iya’y natatamo ng mga
may puso lamang.” Ano ang binibigyang-diin ng pahayag ayon sa opinyon?
A. Sa tauhan iikot ang panunuri subalit kasangkot ang paligid nito.
B. Binibigyang-tuon ang saklaw ng paligid ng tauhan tungo sa galaw nito.
C. Ang pakikibaka ng tauhan tungo sa kaniyang suliranin at mga nasa paligid nito.
D. Komunikasyon ng tauhan patungo sa kaniyang diwang nalimot na ng panahon.

Para sa bilang 22-23


”Ang espirituwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay
nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin an
gating bansa na nalulugmok sa di pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi,
ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga tao sa mundo, ito ay dahil sa naging
pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.”
Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela
22. Ano ang ibig sabihin ng salitang rasismo na binaggit sa bahaging talumpati na iyong
binasa?
A. pagtanggi at paglaban sa batas
B. pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad
C. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso
D. hindi pagkakapantay-pantay ng pagtingin sa magkaibang lahi

23. Ano ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo?


A. pagtanggi sa rasismo C. espirituwal at pisikal na kaisahan
B. pagkalugmok ng sarili D. paghihiwalay ng mga tao sa mundo
24. Talagang ang mga Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging
modernong ito ay ginawa na rin akong moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang
sumabay sa makabagong panahon. Anong uri ito ng pahayag?
A. payak C. di-tuwiran
B. tuwiran D. hugnayan

25. “Gamit ang ekwe, napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam ng
kaunting sundot ng budhi si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya si Ogbuefi Ezeudu
ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si
Ikemefuna.” Ano ang ibig sabihin ng salitang nasalungguhitan?
A. malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria
B. yari sa shell na ginamit bilang palamuti ng mga Africano at ginamit din sa ritwal at
paniniwalang panrelihiyon
C. espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng mascara ang tribo at sumasanib sila kung
ay nais lutasin na isang krimen.
D. isang tradisyonal na kagamitang pangmusika na yari sa mga sanga ng kahoy. Isang
uri ng tambol na may iba’t ibang uri.

Para sa bilang 26
“A negative mind will never give you a positive life”.
26. Paano mo bibigyan ng pinakamalapit na salin ang kasabihang ito?
A. Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.
B. Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.
C. Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sayo sa magandang buhay.
D. Ang negatibong pag-iisip ay hindi magbibigay sayo ng positibong buhay.

27. Gamit ang mga salitang Mullah Nassreddin, pinakamahusay, kilala, katatawanan, Persia at
pagkukuwento, paano mo gagawing epektibo at malinaw na mensahe kapag pingasama-sama
ang mga salita na ginamitan ng kasanayang komunikatibong diskorsal?
A. Katatawanan at pagkukuwento sa Persia kilala na pinakamahusay si Mullah
Nassreddin.
B. Pinakamahusay si Mullah Nassreddin sa Persia kilala sa katatawanan at
pagkukuwento.
C. Pinakamahusay Sa Persia si Mullah Nassreddin sa pagkukuwento ng
katatawanan at kilala.
D. Si Mullah Nassreddin ay kilala bilang pinakamahusay sa pagkukukwento ng
katatawanan sa bansang Persia.

Para sa bilang 28
Bakit kaya rito sa mundong ibabaw
Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.
Panambitan ni Myrna Prado
28. Paano mo gagamitin sa iyong sariling pangungusap ang kahulugan ng nasalungguhitang
matalinghagang salita sa tula?
A. Maraming kuwalta ang mga tao sa mundo
B. Kumikinang ang mga salapi sa aking paningin.
C. Mukhang pera ang mga taong kumakapit sa patalim
D. Madatong ang mga taong kaiba ang gawain sa mundo

Para sa bilang 29
Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko,
Ngunit muling tumayo;
Nagkabunga ng ginto!

Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos

29. Paano mo gagamitin sa iyong sariling pangungusap ang kahulugan ng nasalungguhitang


simbolo sa tula?
A. Inosente ang mga taong may mabuting hangarin sa buhay
B. Palaguhin ang ugaling mabait at matapang upang ang mundo’y umayon sa iyo
C. Ang dedikasyon sa trabaho ay nagdudulot ng mabuting pakinabang sa mundong
ginagalawan ng lahat
D. Ang taong dumaan sa pagsubok na kaniyang nilampasan at nagsilbing susi sa
kaniyang pagtatagumpay

30. Paano mo ipapahayag ang ekspresyong naglalahad ng damdaming nagbababala?


A. Tara, punta tayo roon.
B. Hindi kita iiwan, pangako iyan.
C. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin.
D. Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis.

Para sa bilang 31
“Sir, masaya na pong namumuhay ang kapatid ko kasama ang kaniyang pamilya. Nairaos
din po naming ang kaniyang dote…at sa ngayon po ay pinag-iipunan ko na rin po ang aking
kasal…”

31. Paano mo lalapatan ng pinakaangkop na pangkalahatang damdamin sa pagtatapos ng


kuwento at bakit?
A. Nagwakas itong masaya dahil ikakasal na siya.
B. May halong saya at lungkot dahil ikakasal na siya.
C. Natapos nang kasiya-siya ang kuwento dahil nakaraos din sa hirap kahit papaano
D. Natapos itong malungkot dahil nananatili pa ring salat sa buhay ang kanilang
pamilya.

32. Mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa. Paano mo lalapatan ng angkop na


opinyon na naayon sa isyung panlipunang inilahad?
A. Itinuturing na kapag mataas ang demand ay mababa ang supply.
B. Sa tingin ko nangyari ito dahil sa kalamidad na nararanasan ng bansa.
C. Batay sa aking paniniwala, walang kinalaman ang mga naglilipanang sakit sa
isyung ito.
D. Marami siguradong mga supplier ang nagsasagawa ng hoarding upang mapataas
ang presyo.

33. Ang pagkamatay ng isang flight attendant ay nagdulot ng pagkadawit ng maraming tao.
Paano mo lalapatan ng angkop na opinyon na naayon sa isyung panlipunang inilahad?
A. Ayon sa eksperto, Aortic Aneurysm ang ikinamatay nito.
B. Iginiit ng ina ng dalaga na ang kanyang anak ay ginahasa.
C. Sa palagay ko, pare-pareho lamang silang biktima ng panghuhusga ng iilang
netizen.
D. Napatunayan ng eksperto na waalang kasalanan ang mga kaibigan ng dalaga sa
pagkamatay nito.

34. Taong 2020 nang lumaganap ang COVID 19 sa buong mundo. Sa kasalukuyan, nagtala na
muli ng DOH ng mga kasong namatay dahil dito. Bilang saksi at nakararanas sa panahong ito
tungkol sa nasabing isyu, paano mo igagawan ito ng isang tuwirang pahayag upang malaman
ito ng lahat?
A. “Maghintay tayong maging maayos ang lahat.” Wika ko.
B. Sa aking palagay, makabubuti kung iisang uri ng vaccine ang bibilhin ng
pamahalaan para sa lahat ng mamamayan.
C. Nangangamba akong darami pa ang magiging kaso ng Covid 19 sa bansa kung
hindi lahat susunod sa health protocols.
D. Bilang patunay, inilabas na ng DOH ang datos bg bilang ng may COVID 19 sa ating
bansa alinsunod na rin sa utos ng pangulo.

35. Ang Mobile Legends: Bang Bang ay isang Multiplayer Online Battle Arena na dinisenyo
para sa mga mobile phones. Mayroong dalawang magkasalungat na grupo na naglalaban para
maabot __________ wasakin ang base ng kalaban habang pinoprotektahan nila ang kanilang
base para kontrolin ang kanilang daanan, mayroong tatlong "lanes" at kilala bilang "top",
"middle" and "bottom", na kumokonekta sa magkabilang base. Anong angkop na pang-ugnay
ang mailalapat mo upang mabuo ang pangungusap?
A. na
B. at
C. ng
D. nang
Para sa bilang 36
“Earth provides enough to satisfy every man’s needs, but not every man’s greed”.
– Mahatma Gandhi
36. Ano ang pinakamalapit na salin sa pahayag na ito?
A. Ang mundo ay nakapagbibigay nang sapat upang matugunan ang
pangangailangan ng bawat tao, subalit hindi ang kasakiman ng tao.”
B. “Earth ay nagbibigay ng sapat na upang masiyahan ang pangangailangan ng
bawat tao, ngunit kasakiman hindi lahat ng tao”.
C. Ang mundo ay naglalaan nang nararapat na pangangailangan ng tao ngunit
hindi ang kasakiman ng tao.
D. Ang ating mundo ay sagana sa pagbibigay nang sapat nating pangangailangan
subalit ang kasakiman ay hindi.

37. Ang mga sumusunod na pahayag ang ay nagpapakita ng kasanayang komunikatibong


gramatikal maliban sa isa, ano ito?
A. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na dating mga Persiano noong sila ay
mga bata pa.
B. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa
kanilang lipunan.
C. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro
at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat.
D. Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din ang pinakamahusay
sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa.

38. Tulad ng bansang Pilipinas ay nangangailangan ng matatag, malakas ang loob at matapang
na pinuno upang mapasunod ang lahat ng sinasakupan nito. Alin sa ideya o konsepto ang
tamang pagpapahayag ng opinyon?
A. “…….Dapat lamang na ipagpatuloy ang serbisyo niya sa bayan.”
B. “Makakapagpasa ba ng batas ang isang ordinaryong mamamayan?”
C. “…….Hindi ho pwedeng magserbisyo siya nang hindi nakaupo sa pulitika.”
D. “…….Hindi kailangan ng bansa ang napakamaraming batas……magaling.”

39. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tuwirang pahayag, maliban sa isa, ano ito?
A. Sa totoo lang may naimbento ng bakuna para sa Covid-19 virus.
B. Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring maging dahilan ng paghihirap ng
maraming tao.
C. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, bumaba na ang bilang ng mga nagpositibo sa
Lungsod ng Navotas.
D. Marami na ang gumaling sa Covid-19 virus, sa katunayan makikita ito sa
bagong datos ng Kagawaran ng Kalusugan.
Para sa bilang 40
Ayaw ni Okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit na iwinawaksi ang tumatak sa
pagkato ng kaniyang amang si Unoka sa kanilang pamayanan. Tamad, baon sa utang,
mahina at walang kuwenta sapagkat ni isang laban ay walang naipanalo ang kaniyang ama.
Mag-isang hinubog ni Okonkwo ang kaniyang kapalaran. Nagsumikap maiangat ang buhay,
nagkaroon ng maraming ari-ariang sapat upang magkaroon ng tatlong asawa. Titulo sa mga
laban, at higit sa lahat pagkilala mual sa katribo.
40. Ano ang mahihinuna sa pagkatao ni Okonkwo batay sa kaniyang desisyon sa buhay?
A. mapaghiganti
B. may isang salita
C. puno ng hinanakit
D. may determinasyon sa buhay

41. Bakit kaya lubos na nakatutulong ang pagsasaling-wika ng mga akda sa pagpapahalagang
pampanitikan?
A. nakikilala ang mga kasangkot na tauhan sa akda
B. nagagawang maunawan ang nais iparating ng akda
C. nairerebyu ang akda gamit ang mga iba’t ibang elemento sa pagsusuri
D. nakikilala nang lubusan ang mga natatanging kultura ng iba’t ibang bansa.
42. Bakit mahalaga ang gramatika sa pagsasalaysay?
A. naipapakita ang kakayahan sa pagbuo ng pangungusap o talata
B. nailalahad ang mga nais sabihin sa kapwa at may haplos ng pakikipagkapwa-tao
C. naihahatid nang malinaw ang mga salita sa tamang ayos at gamit nito sa loob ng
pangungusap o talata
D. naiiwasan ang mga samot-samot na mga bagong salita na nakapaglilito sa mga
tagapakinig at kausap

43. Bakit mahalagang gamitin ang simbolismo sa pagsulat ng tula?


A. mayaman sa bokabularyo ang mga simbolismo
B. malawak ang sakop nito kung kaya’t kailangan ng masusing pagsusuri
C. mayroon itong kakaibang kahulugan na nagpapahirap sa nilalaman ng tula
D. napagaganda at nagiging mas masining ang kalalabansan ng akdang sinulat ng
may-akda

44. Bakit mahalaga ang mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng damdamin at layon?


A. mas magiging malaya ang tao sa kanyang nais sabihin
B. naipapakita ang mga kalidad ng kakayahang akademik sa gawain
C. nakabubuo ng makabuluhang kahulugan ang mga salitang binibitawan
D. nagkakaroon lalo ng intrapersonal na kakayahan ang taong may pagpapahalaga sa
sarili

45. Bakit nakatutulong sa pagsulat ang mga salitang pang-ugnay sa isang pangungusap o
talata?
A. napapaganda ang mensahe ng sulatin
B. napag-uugnay-ugnay ang mga ideya sa sulatin
C. nakikita ang koneksyon ng mga inilahad sa sulatin
D. mas malinaw na naipaparating ang nais na kaisipan ng sulatin

46. May inilunsad na proyektong “Pera sa Basura” ang paaralan upang maging malinis ang
kapaligiran at kumita ng pera buhat sa basurang itinatapon ng mga mag-aaral. Paano mo
igagawan ng sariling opinyon mo ang nabanggit na pahayag?
A. Lalong dumami ang nagkalat na basura sa paaralan
B. Lalong naging tamad ang mga mag-aaral na maglinis.
C. Nalutas ang suliranin sa maruming kapaligiran at kumita pa ng salapi.
D. Walang pakialam ang namumuno sa paaralan sa maruming kapaligiran.

47. Unang araw ng pasukan. Masayang gumising si Ramon at sabik na sabik na pumasok.
Tinawag sila isa-isa ng guro upang magpakilala. Hindi nakapagsalita si Ramon. Paano mo
igagawan ng sariling opinyon mo ang nabanggit na pahayag?
A. Natakot siya sa kaniyang guro
B. Tumalikod siya sa guro at kaklase.
C. Hindi nakikinig si Ramon dahil siya’y naglalaro.
D. Nahiya siya sa kanyang mga kaklase kaya hindi siya nakapagsalita.

48. Si Rean May ay mula sa ibang bansa. Siya ay bagong lipat sa paaralan. Sabi ng kanyang
kaklase, huwag siyang kausapin ng Ingles upang mapilitang magsalita sa Filipino. Hindi nila
alam na Wikang Filipino ang kanilang ginagamit sa bahay dahil mga Pilipino ang kanyang mga
magulang. Paano mo igagawan ng sariling opinyon mo ang nabanggit na pahayag?
A. Iwasan na mapalapit sa baguhan
B. Pabayaan lamang ang bagong dating ang lalapit
C. Hindi marunong magsalita ng Wikang Filipino si Rean May
D. Kailangang hindi kaagad mag-isip ng patapos, dapat alamin at kilalanin ang
baguhan.

49. Gagawin ng magulang ang lahat para sa mga anak. Paano mo ipahihiwatig ang iyong
sariling opinyon batay sa pahayag?
A. Nanatli siyang matatag at nakakapit sa Diyos.
B. Ganoon na lamang ang kanyang pag-alala niya sa amin
C. Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kaniyang sarili
D. Inakala ko katuwang niya ang aking ama sa pagpapalaki sa amin

50. Napakarami nang biktima ng panlolokong pinangakuan ng trabaho sa lungsod. Paano mo


igagawan ng sariling opinyon mo ang nabanggit na pahayag?
A. Napag-alaman kong kung hindi ka paloloko, walang manloloko.
B. Kung ako ang tatanungin, ang pag-unlad ng tao ay nasa pagsisikap at pagdarasal.
C. Sa tingin ko dumarai ang nabibiktima dahil sa hindi ipinagbibigay alam sa mga may
kapangyarihan
D. Huwag magtiwala agad sa mga taong magaling mangusap palibhasa teknik
lamang nila iyon para mapapaniwala tayo
Inihanda ni: Binigyang-pansin ni: Itinala ni:
KAREN KAYE A. BAGAIN (SGD) MERINA G. RAMOS (SGD) VANESSAB.
AGUINALDO
Guro sa Filipino Ulong-Guro III Punongguro I

You might also like