Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kasaysayan ng Lyceum of the Philippines University

Ang Lyceum of the Philippines University (kilala rin sa tawag na L.P.U./LPU o sa Lyceum lamang) ay isang institusyon para sa mataas na pag-aaral. Ito ay may apat na iba't-ibang kampus: Lyceum of Batangas, Lyceum of the Philippines - Laguna, Lyceum - St. Cabrini College of Allied Medicine, at ang pangunahing kampus - Lyceum of the Philippines na matatagpuan sa Intramuros,Maynila. Ito ay itinatag ng ikatlong pangulo ng Pilipinas na si Jose P. Laurel noong 1952. Sa dating lugar na pinagtitirikan ng Ospital ng San Juan De Diyos sa Intramuros, Maynila matatagpuan ngayon ang Lyceum. Ito ay itinatag ng dating pangulo na si Jose P. Laurel noong Hulyo 7, 1952 na noon, hanggang ngayon ay patuloy na naglalayong mapagtibay ang kagalingan ng mga kabataang pilipino. Binase ang pangalang "Lyceum" sa "lykeion", lugar sa sinaunang Athens kung saan nagtuturo si Aristotle. Ang Lyceum ay sinusunod ang mga katagang "Veritas et fortitudo" na nangangahulugang katotohanan at katapangan na sinusunod sa mga pangunahing layon ng paaralan. Hindi lamang ang mismong paaralan ang naitatag ni dating pangulong Laurel, sa mga prinsipyo at paniniwala din niya nabuo ang mga pangunahing layon ng Lyceum.

You might also like