Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa panahon ngayun, pera ang nagpapatakbo sa buhay ng tao.

Kapag kapos sa pera, hindi mo mabibili


gusto mo, hindi mo makukuha gusto mo, lalo na ang gusto mong kurso. Isa yan sa mga problemang
kinakaharap ng karamihan sa mga kabataan ngayun. Ang pumasok sa isang bagay na labag sa kanilang
kalooban. Ngunit masisisi ba nila ang kanilang mga magulang kung hindi maibigay sa kanila ang kanilang
gusto at kung ano ang makakapagpasaya sa kanila? Ngunit hindi lahat ng tao ay nahihirapan kung anu
ang susundin nila dahil kung anu ang gusto ng puso nila ay yun din ang career nila. Kung iisipin ay
maswerte ang mga taong ipinanganak na mayaman dahil nakukuha nila kung anuman gustuhin nila.
Pero paano naman yung mga taong sinasakripisyo ang sariling kagustuhan para sa isang bagay na labag
sa kanilang kalooban ngunit kailangan nilang sundin para sa kapakanan ng pamilya? Gaano ito kahirap
para sa kanila? May kasabihan nga, "Make your passion your profession", pero paano mo gagamitin ang
kasabihang iyon kung ang pamilya, sitwasyon at kalagayan sa buhay ay tutol sa kung anuman ang
ninanais ng puso mo? Hindi madali magdesisyon sa buhay lalo na kung mayroong nakasalalay sayo at
kailangan mong isakripisyo ang kagustuhan mo para sa kapakanan ng mga mahal mo sa buhay.

Iba't-ibang dahilan ang mayroon ang mga kabataan kung bakit mas pinipili nila ang kanilang career kesa
sa kanilang passion. Maaaring dahil sa kagustuhan ng magulang o di kaya'y dahil sa mabilis kang
makakahanap ng trabaho sa huli. Pero ang kadalasang dahilan ay ang problemang pinansiyal. "Following
your passion doesn't always translate into a high-paying job" ika nga ni Job Simmons. Karamihan kasi sa
mga kabataan ay ang kanilang passion ay katulad sa pagsusulat na wlang masyadong kita ng pera kaya
tutol ang mga magulang. Ngunit kailangan ba talaga nating mamili? Hindi na e-enjoy ng kabataan ang
kanilang pinag aralan dahil hindi naman ito ang kanilang gusto pero dahil sa respeto at utang na loob
kaya nila naggagawa ang bagay na yun. Kinakaya nila ang kinakaharap nila ngayun dahil nilagay nila sa
isip nila na para rin ito sa pamilya nila.

Maraming pagsubok sa buhay ng tao na kailangang harapin at sinusubukan ang iyong sarili sa
pagdedesisyon sa pagpili kung anu ang mas makabubuti sa lahat. Na dumadating sa puntong kailangan
mong piliin ang kapakanan ng pamilya kesa sa pansariling kagustuhan. Kung hindi mo makukuha ang
ninanais ng puso mo ay pwede mo itong gawing inspirasyon sa pagpapatuloy at motibasyon na tapusin
ang kailangan mong gawin sa ngayun para sa huli ay ang gusto mo naman ang magagawa mo.

You might also like