Professional Documents
Culture Documents
Komunikasyon Sa Akademikong Pilipino
Komunikasyon Sa Akademikong Pilipino
Komunikasyon Sa Akademikong Pilipino
ARALIN 3
Mga Tungkulin ng Wika
Ang pagkakaroon ng wika ay isang katanginang ikinaiiba ng tao sa maga hayop. Totoong
ang mga hayop ay may sariling paraan ng komunikasyon sa mga kapwa hayop ngunit iba ang
wika ng tao. Bawat indibidwal ay may sapat na kakayahang magamit ang isang wika. May
pitong tungkulin ang wika na kailangang pagtuuunan ng pansin upang sanayin ang sarili sa
bawat isang tungkulin sapagkat may mga pagkakataong kinakailangang gamitin ang isang
tungkulin sa isang sitwasyon at may mga pagkakataon din naman kailangang gamitin ang
dalawa o higit pang tungkuling pangwika sa isang sitwasyon. Inilahad ni Halliday sa kanyang
Explorations in the Functions of Language na ang tungkuling ginagampanan ng wika sa ating
buhay ay kinakategorya. May mga halimbawang madalas na ginagamit sa pagsasalita at
pagsusulat upang maging batayan ng bawat isa.