pinakamalaking pamilihang mall sa buong mundo. Ang mall ay makikita sa Lungsod ng Pasay, Pilipinas na malapit lang sa Pangunahing Business Park ng SM, ang Look ng Maynila sa dulong timog-silangan ng Abenida Epifanio de los Santos o EDSA Ang mall ay tumatanggap nga 200,000 tao araw-araw. Gabi ng Enero 12, ngayong taon, bumiyahe ako sa Maynila kasama ang nanay ng aking pinsan para suportahan siya sa kanyang oath taking bilang isang nars. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko noong sabihin ng aking pinsan na sasamahan ko si tita na pumuna sa Maynila. Excited at kaba ang pumapalibot sa aking puso dahil ito ang unang beses na makikita ko ang Maynila. Halos hindi ako nakatulog sa biyahe dahil lahat ng aming nadadaanan ay bago lamang sa aking mga mata. Nakakamangha ang mga malalaking gusali sa gabi dahil ang mga ilaw nito ay parang bituin. Napakaganda at maliwanag ang mga daan kaya napakasayang pag masdan ang mga sasakyan na aming nakakasalubong at nadadaanan. Pagdating namin ng aking tita sa Maynila, agad kaming nagtungo sa aming tinuluyang hotel upang magpahinga. Nakakamangha dahil sa aming tinuluyan na hotel ay maraming iba iba ang lahi. Ang gaganda at ang popogi ng mga ito. Gandang ganda ako sa mga naglalakihang mga gusali, isa na dito ang mall na isa sa dinadayo ng mga turista at isa sa pinakamalaking mall sa pilipinas, ang Mall of Asia (MOA). Dati, pangarap ko lang ang makapunta sa MOA , ngunit ngayon ay nakita ko na. Kaharap lang mismo ng MOA ang hotel na aming tinuluyan ng nila tita, kuya at ang kasintahan nito. Ang pinakamemorable sa lahat ay ang pagdating namin sa Mall of Asia. Ito ang isang karanasan na hindi ko makakalimutan. Unang beses ko ring napasok ang MOA, at sa unang pagkakataon ay napahanga ako sa laki at ganda nito. Ang bawat tindahan, restawran, at atraksyon ay nagbibigay ng iba't ibang kulay at sigla sa lugar. Hindi ko alam kung saan ang uunahin kong pasukin na pamilihan sa dami nito. Nakakatakam ang mga kainan at magagandang bilihan ng mga damit. Ang una naming ginawa ay kumain, pinili ng aking tita na kainan ay ang Tokyo Tokyo. Dito ako unang nakatikim ng ramen, sushi at tempura. Nakakapanibago man ang mga lasa nito ngunit sobrang nakakabusong ito ng tiyan. Ang sumunod na pinuntahan ko kasama ang kasintahan ng pinsan ko ay sa TIMEZONE. Doon, naglaro kami ng ibat-ibang laro at sinubukan namin ang dinadayo ng mga may jowa sa timezone, ang tinatawag nilang photobooth. Nagpicture-picture kami doon at sobrang nag-enjoy ako sa mga nilaro namin Noong pabalik na kami sa hotel na aming tinuluyan. Sinabi ng tita ko sa akin na mag picture kami, para daw kahit papaano eh may magiging remembrance ako. Enero 14, araw kung saan ginanap ang pinakahihintay ng aking pinsan. Ang kanilang oath taking. Ito ay ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC). Inabot kami ng 2 oras doon, hanggang matapos ang programa. Pagbalik namin sa hotel, naghanda na agad kami ng aking tita para sa biyahe namin pauwi dito sa Ilocos Norte. Sila kuya at ate ay nagpaiwan sa Maynila dahil may mga ilalakad pa na papeles. Ang pagbisita ko sa Maynila ay hindi lamang isang simpleng paglibot, ito ay isang karanasan ng paglalakbay na tumatak sa aking isipan. Ang kagandahan ng lungsod ng Maynila ay mananatili sa aking puso. Dahil sa paglalakbay na iyon natutunan kong pahalagahan ang mga bagay na bago at hindi pa nasusubukan. Ang Maynila ay hindi lamang isang lugar na puntahan, ito ay isang paraiso ng kasiyahan at pagpapahalaga na dapat bisitahin ng bawat isa.