DLP Rambi

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Paaralan: UNIVERSITY OF Markahan UNANG

NORTHERN : MARKAHAN
MASUSING
BANGHAY PHILIPPINES
ARALIN Guro: Araw ng June 29,
(Detailed Pagtuturo: 2023
Lesson Asignatura: ARALING PANLIPUNAN Antas: 9
Plan) (EKONOMIKS)

Oras
Agoho 9:00-10:00

I. MGA LAYUNIN
(Objectives)
A. Pamantayang
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang
Pangnilalaman
batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw napamumuhay.
(Content Standard)
B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahingkonsepto ng
Pagganap Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.
(Performance
Standard)
C. Mga Kasanayan sa Nasusuri ang kahalagahan ng pag-alam sa kaibahan ng pangangailangan sa kagustuhan, at
Pagkatuto ang pag-alam sa mga salik na nakaiimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan ng tao.
(Learning
Competencies)
D. Mga Layunin ng
Pag-aaral
(Learning Objectives)
Pangkabatiran Natatalakay ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan at ang mga salik na
(Cognitive) nakaiimpluwensiya sa mga ito;
Pandamdamin Napahahalagahan ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan;
(Affective) at
Sayko-Motor
(Psychomotor)
Nakakabuo ng matalinong pagpapasya sa pagpili ng pangangailangan at kagustuhan
II. NILALAMAN
Karapatang Pantao
(Content)
III. MGA KAGAMITANG PANTURO
(Learning Resources)
A. Sanggunian (AP9MKE-Ie-11)
(References)
1. Mga Pahina sa Gabay Pahina: 28-32
ng Guro
2. Mga Pahina sa Pahina: 37-49
Kagamitang
Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Pahina: 37-49
4. Karagdagang K-12 Gabay Pangkurikulum, Araling Panlipunan 1-10,
Kagamitan mula sa p188https://sites.google.com/site/kahuluganngekonomiks/services/mga-salik-na-
portal ng Learning nakakaimpluwensiya-sa-pangangailanagan-at-kagustuhan
Resource
B. Iba pang Laptop, Marker, Powerpoint Presentation, Cardboard, Flash cards, Pyramid of Maslow’s
Kagamitang Theory of Needs, Printed Pictures, Cartolina
Panturo
IV. PAMAMARAAN Gawaing Guro
Gawaing Mag-aaral
(Procedures)
A. PAGBATI
A. Balik-aral sa
nakaraang aralin o
pagsisimula ng bagong Magandang Umaga mga bata! Magandang Umaga ma’am!
aralin.

B. PANALANGIN
Bago tayo magsimula, maari bang tumayo muna ang
lahat para sa isang panalangin? Hannah, pwede bang
ikaw ang magdaulo ng panalangin natin ngayong
araw? Our Father…

C. PAGTALA NG LUMIBAN
Ms. Secretary, may lumiban ba sa araw na ito?
Wala po ma’am

Mahusay!

D. PANUNTUNAN SA SILID-ARALAN:
1. I-off o ilagay sa “silent mode” ang cellphone.
2. Maging masigasig at makilahok sa talakayan sa
silid-aralan.
3. Makinig at sumunod sa mga panuto.
4. Respetuhin ang guro at mga kaklase.
5. Umupo ng maayos.
Maliwanag ba, Grade 9?

Maliwanag po ma’am!
E. PAGBABALIK ARAL:
Sige nga, kung talagang may natutunan kayo sa
tinalakay natin kahapon, maari bang ishare ninyo ito sa
klase?
Ang ating tinalakay kahapon ay
tungkol sa kakapusan at
kakulangan.

Magaling!

Ano nga ulit ang kakapusan at kakulangan?


Ang kakapusan ay hindi
kasapatan ng pinagkukunang-
yaman upang mapunan ang
pangangailangan at kagustuhan
ng tao. Samantala, ang
kakulangan ay isang kaganapan
kung saan nagkakaroon ng
pansamantalang pagkukulang sa
suplay ng isang produkto.

Napakahusay! Bigyan nga ng limang bagsak si Nicole!

Sir, siya si John I ang dating hari


ng England

Sir, Siya ang lumagda sa Magna


Carta isang dokumentong
naglalahad ng ilang karapatan ng
mga taga-England.

ANO BA AKO SAYO, GUSTO O KAILANGAN MO?

I. PAGANYAK

Okay mga bata, Sa araw na ito, tutungo tayo sa


panibagong aralin. Magkaroon tayo ng isang laro na
tinatawag na “Ano ba ako sayo, Gusto o Kailangan
mo?” Ang gagawin ay magpapakita ako ng mga
larawan dito sa ating flash cards at ito ay tukuyin niyo
kung ano ba ito sayo, ito’y ba gusto mo o kailangan.

Maliwanag ba mga bata?

Opo! Maliwanag po ma’am!

Mahusay! Simulan na natin ang ating laro. Ito ang


unang larawan, ano ito sa inyo? Sabihin na rin kung
anong rason kung bakit niyo nasabi.

Kailangan po! Kase ito ang ating


tirahan kaya kailangan po natin
ito.

Magaling! Ito naman ang susunod:

Kailangan po! Kase ito


kakailanganin natin upang
mamuhay at ito rin ay
masustansya.

Magaling! Tama !
Ito po ay Gusto! Kase gagamitin
ko lang naman po ito kung kailan
ko gusto at hindi ko po sya
madalas nagagamit.

(Pinakita isat-isa ang mga sampong larawan) (Sinagutan ang mga larawang
pinakita)

Okay magaling mga bata, Palakpakan!!

C. Pag-uugnay ng mga Napakahusay! Ngayon, may ideya na ba kayo sa kung Yes ma’am!
halimbawa sa ano ang tatalakayin natin ngayong araw?
bagong aralin
Ang mga bagay na kailangan at
Ano ito, Kristen? gusto po namin ma’am!

Magaling! Handa na nga kayo sa talakayan natin


ngayong araw.

MGA PANGANGAILANGAN KO AT
KAGUSTUHAN KO

Panuto: Papangkatin ko ang klase sa dalawa. Batay sa


nauna nating aktibiti, gumawa naman kayo ngayon ng
venn diagram at ilista ang inyong mga
pangangailangan at kagustuhan. Ipi-presenta ninyo ito
sa harap. Bibigyan ko kayo ng 5 minuto para gawin
ito.

Maliwanag ba klas? Yes ma’am!

Time’s up! Ngayon naman, pauunahin natin ang group Pangangailangan:


2 sa pagprepresenta.
- Pagkain
- Bahay
- Tubig
- Damit
- Bahay

Kagustuhan:
- Cellphone
- Gaming Laptop
- Make up- Kit
- Concert Ticket

Maraming Salamat group 2! Atin naming pakinggan


ang group 1. Kailangan:
- Pagkain
- Tubig
- Bahay
- Damit
- Pera
- Cellphone

Kagustuhan:
- Bike
- Jollibee
- Mcdo
- iPad
- Apple watch

Mahusay! Lahat ng inyong mga inilista ay may


kaugnayan sa Pangagailangan at Kagustuhan ng tao.
Handa na po!
Ngayong araw, tatalakayin natin ang mga ito pati na
rin ang Teorya ng Pangangailangan at mga salik na
Nakaiimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan
ng tao. Handa na ba kayong matuto?

Okay, magaling!

D. Pagtatalakay ng Bago natin talakayin ang kabuuan ng lahat ng mga


bagong konsepto at pangangailangan, alamin muna natin kung ano nga ba
paglalahad ng ang kahulugan ng salitang (Magtataas ng kamay ang mga
bagong kasanayan Pangangailangan. Sino sa inyo ang gusting magbasa, at mag-aaral)
#1 magbahagi ng sariling opinion dito?
“Ako po ma’am!”
Sige, Janea! Pakibasa ang nasa screen.

Ma’am, ang pangangailangan po


sa sarili kong opinion ay ang mga
bagay na mahahalaga sa pang-
araw-araw na pamumuhay natin.
Kung wala po ang mga ito,
mahihirapan po tayong manatiling
buhay. Gaya nga po ng nasa
halimbawa, ito ang mga bagay na
dapat mayroon tayo upang
mabuhay.
Mahusay, Janea! Tunay nga ang iyong sinabi. Ang
ating mga pangangailangan ay mahalaga upang
mabuhay ang tao ng maayos sa kanyang mga pang-
araw araw na gawain. Hindi ito dapat na ipagkait
sapagkat isa itong karapatan ng bawat nilalang na
makuha o makamit sa kanyang buhay. Ang mga
pangangailangang ito ay nagbibigay ng saya at ng
saysay sa buhay ng isang tao. Sinumang magnanais na
tanggalin ito sa kanya ay maaring maparusahan o
makapagdulot ng kabawasan sa moral na pamumuhay
ng isang tao.

Sa kabilang banda, sino naman ang gustong magbasa


at magbahagi ng kanyang ideya tungkol sa kahulugan (Magtataas ng kamay ang mga
ng kagustuhan? mag-aaral)
“Ako po ma’am!”
Knoxx, pakibasa ang nasa screen.

Ma’am ang mga kagustuhan


naman po ay kadalasan ang mga
bagay na naiuugnay sa mga luho
natin. Kadalasan, ito ang mga
bagay na hindi naman natin
kailangan ngunit gusto natin itong
mapasaatin.

Magaling! Tama si Knoxx klas. Ang kagustuhan ay


tumutukoy sa mga bagay na nagbibigay kaginhawaan
at kasiyahan sa buhay ng isang tao. Ito ay ginawa ng
isang tao upang mas mapabuti ang kanyang buhay,
mas maging masaya, mas maging komportable at mas
lumago ang kanyang sarili. Ito ay maaring hindi
magkakatulad sa bawat nilalang sapagkat iba't iba ang
kanilang mga ninanais na kagustuhan. Maaaring ito ay
magdulot ng maganda sa isang nilalang o maging
dahilan ng lungkot, lumbay o pagkalungkot sa
indibidwal kapag itoy hindi niya nakamit.
Kaya kapag tayo ay bibili ng isang gamit, tanungin
natin ang ating sarili: "Kailangan ko ba ito o gusto ko
lang?". Mahalaga na magsuri muna para matiyak ang
mas mahahalagang bagay at makita ang kahalagahan
ng pera para hindi ito masayang.

Naiintindihan ba, klas? Opo, ma’am!

Magaling! Ngayon naman, tignan natin kung talaga


bang alam ninyo ang kaibahan ng pangangailangan at
kagustuhan.
Halimbawa, may kompyuter ang isang graphic artist,
pangangailangan o kagustuhan? Pangangailangan, ma’am!

Tama ka dyan! E paano kung ang isang mangingisda


ang mayroong kompyuter. Pangangailangan o Kagustuhan po ma’am!
kagustuhan?

Mahusay, Grade 9! Talagang nakikinig kayo sa ating


diskusyon.

E. Pagtalakay ng Ngayon naman ay tatalakayin natin ang teorya ng


bagong konsepto at pangangailangan na nagmula sa isang psychologist na
paglalahad ng si Abraham Maslow. Upang maintindihan natin at
bagong kasanayan malaman ang teorya ng pangangailangan ay hahatiin
#2 ko ulit ang klase sa limang grupo. Makinig kayong
mabuti sa direksyon na ibibigay ko.

BUNOT KO, TALAKAYIN KO


Panuto: Bawat lider ng grupo ay bubunot ng isang
papel na mayroong kulay (red, orange, yellow, blue,
violet). Ang bawat kulay ay may kaakibat na lebel sa
teorya ng pangangailangan. Pagkatapos nito, hahatakin
ng bawat lider ang papel na nakausli sa ating pyramid.
Sa loob ng tatlong minute, magbbrain-storming kayo,
at talakayin ang inyong mga napag-usapan ng walang
kodigo. Pagalingan ito!

Maliwanag ba, klas? Maliwanag po, ma’am!

(Bubunot at hahatakin ng mga


mag-aaral ang kanilang mga
Lahat ng mga lider, maaari ng bumunot, at hatakin ang topiko)
nilalaman ng iyong tatalakayin sa ating pyramid.

Timer starts now!

Yes ma’am!

(Pagkatapos ng tatlong minuto)


Ang Pangangailangang
Pisyolohikal ay itinuturing na
Okay, time’s up! Lahat ng lider, maaari nang idikit sa
pinakapangunahing
pisara ang mga paksang nabunot ninyo. Mauuna ang
pangangailangan. Nakapaloob
pinaka-huli at pinaka-mahalaga sa lahat ng
dito ang pangangailangan sa
pangangailangan ng tao. Handa na ba kayo, Red
pagkain, tubig, hangin, pagtulog,
Team?
kasuotan, at tirahan. Ang
kakulangan o kawalan sa mga ito
ay maaaring magdulot ng sakit o
kamatayan.
Ang pinakamababang bahagi ng
piramide, kabilang dito ang mga
bayolohikal na pangangailangan
sa pagkain, tubig, hangin, at
tulog. Nasa ibaba siya sapagkat
ito ang pinakaimportante sa lahat
dahil kung wala ang mga ito hindi
tayo mabubuhay.

(10 claps)

Pangangailangang
Panseguridad o pangkaligtasan
ang pagnanais ng tao na ma
Tama! Mahusay na pagtalakay. Bigyan natin ng
sampung bagsak ang red team! buhay na mayroong kapayapaan,
katahimikan, kaayusan, at
kalayaan mula sa takot at
pangamba ang siyang mga
Orange Team, kayo na ang susunod. halimbawang nakapaloob dito.
Kasama rin ang kasiguraduhan sa
hanap-buhay at kalusugan. Ito ay
matatamo lamang kung ang
indibidwal ay natugunan ang
naunang pangangailangan.

Sa buhay natin ngayon ay higit


kailanman na kailangan natin ang
seguridad at kaligtasan. Ang
bawat miyembro ng pamilya at ng
lipunan ay sangkot dito, kaya
dapat ay pala-isip tayo sa
kaligtasan natin at ng ibang tao sa
ating paligid.

(10 claps)

Pangangailangang Panlipunan
naman pagkaroon ng pamilya,
kaibigan, grupong kinabibilangan,
Napakahusay din, orange team! Bigyan din natin ng
at makilahok a mga gawaing
sampung bagsak ang orange team!
panlipunan. Sabi nga ni John
Donne, "No Man is an island."
Sunod naman ang yellow team. Ang di pagtugon sa
pangangailangang ito ay maaaring
magbunga ng mga sayko-sosyal
na suliranin tulad ng
pagkamahiyain, pagkalungkot, at
iba pa.
Ito ay ang lahat ng mga hindi
maiiwasang pakikipag-ugnayan
upang magarantiya ang
kagalingan ng paksa sa loob ng
isang kapaligiran at konteksto ng
lipunan. Ang mga halimbawa ng
mga pangangailangan sa lipunan
ay ang pagkakaibigan, pag-ibig,
pagmamahal, paglilibang, isang
pakiramdam ng pagiging
kabilang, pagmamahal o respeto.

(10 claps)

Pagkamit ng Respeto sa Sarili


at Respeto ng ibang tao. Ang
Magaling! Sampung bagsak din para sa yellow team! respeto sa sarili at respeto mula sa
ibang tao ay nagbibigay ng lakas
ng loob sa isang indibidwal sa
pag tugon sa mga hamon ng
Blue team, it’s your time to shine! buhay. Madalas, an isang taong
may suliranin sa
pangangailangang ito ay
nagpapakita ng nababang
moralidad na siyang hadlang
upang magkaroon siya ng mataas
na dignidad.

Kailangan ng tao na
maramdaman ang kanyang
halaga sa lahat ng pagkakataon.
Ang respeto ng ibang tao at
tiwala sa sarili ay nagpapataas
ng kanyang dignidad bilang tao.

(10 claps)

Kaganapan ng Pagkatao. Ang


taong nasa antas na ito ay may
Mahusay! Bigyan natin ng sampung bagsak ang blue mataas at malawak na pananaw.
team! Hindi siya kinakikitaan ng takot
na harapin ang mga pagsubok at
inggit sa kanyang kapwa.
At ang pinakahuli ay ang Violet team!
Ipinaliwanag ni Maslow na
nakasasalay sa naunang antas ang
mga pangangailangan. Makikita
sa laraan na habang umaakyat ang
isang tao sa bawat antas ng
kaniyang pangangailangan, may
mga negatibong epekto naman
kung sakaling di matugunan ang
mga nauna.
Ang kaganapan ng tao ay ang
pinakamataas na
pangangailangan. Masasabing
ganap na ang pagkatao mo kung
naramdaman mo ang pagiging
kontento sa mga narating mo sa
buhay, sa pamilya man o trabaho.
Sa oras na makamit mo ang
pangangailangan na ito, magiging
mas bukas ka na sa pagtulong,
pakipagsalamuha, at
pagpapanatili ng lipunan na
kailangan upang umunlad ito.
Magiging mas bukas ang iyong
isip at palad sa mga mamamayan
upang matulungan mo silang
mapalago ang kanilang buhay, at
kinalaunan ang ekonimiya ng
iyong lipunan.

Napakagaling na diskusyon mula sa inyong lahat! Ang


Teorya ng Pangangailangan ay binuo ni Abraham
Maslow. Ang Teorya ng Pangangailangan ay
tumatalakay sa mga pangangailangan ng tao.
Masasapatan ang buhay ng isa o makakaramdam ng
kasiyahan kapag natugunan ito.

Dumako na tayo sa pang-huling topiko natin sa araw


na ito.
Ang Mga Salik na Nakaiimpluwensiya sa
Pangangailangan at Kagustuhan.
Edad. Ang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay
nagbabago batay sa kanyang edad. Bumibili at
gumagamit ang isang kabataan ng mga produkto at
serbisyo batay sa kanyang panlasa. Ngunit sa kanyang
paganda, nagkakaroon ng limitasyon sa kanyang
Kailangan:
pagkain at mga gawain upang makaiwas sa mga sakit.
- Pagkain
- Bahay
Sa edad ninyo ngayon, magbigay nga kayo ng mga - Tubig
kailangan at mga gusto ninyo? - Pera
- Damit
- Gamit pang-eskwela

Gusto:
- iPhone
- iPad
- Motor
- Make-up
- Branded na damit

Antas ng Edukasyon. Ang pangangailangan din ng


tao ay nagkakaiba-iba rin batay sa antas ng kanyang
pinag-aralan. Ang isang tao na may mataas na antas ng
pinag-aralan ay nagiging particular at mapanuri sa mga
bagay at serbisyo na kanyang binibili at ginagamit.

Katayuan sa Lipunan. Ang katayuan ng isang tao sa


lipunan, maging sa kanyang pinagtatrabahuan ay may
malaking impluwensya sa kanyang pangangailangan at
kagustuhan. Kung ang isang indibidwal ay nasa mataas
na antas sa lipunan o pinagtatrabahuan, siya ay
nangangailangan ng mas mahigpit na seguridad o top-
of-the-line na computer upang maging mas maging
produktibo.

Panlasa. Ang isang indibidwal ay bumibili o


gumagamit ng mga bagay sa batay sa kanyang panlasa
o preference. Ang pagpili sa nais na brand ng kasuotan,
pagkain sa mga fastfood o restaurant, o maging ang
panonod ng sined ay ilan lamang sa mga naaapektuhan
ngsalik na ito.

Kita. Ang salik na ito ay may malaking impluwensya


sa pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan. Kapag
malit ang kita ng tao, nagkakasya na lamang siya sa
pagbili ng mga bagay na abot ng kanyang badyet.
Kadalasan, mas prayoridad nya ang mga pangunahing
pangangailangan tulad ng pagkain, gamot, damit, at
upa sa bahay. Ngunit, kapag mas malaki ang kita ng
tao, mas malaki ang paggasta hindi lamang sa mga
pangunahing pangangailangan kundi maging sa mga
kagustuhan o hilig-pantao.
Kapaligiran at Klima. Ang pisikal na kapaligiran ng
tao ay may malaking epekto sa pagkain, pananamit, o
sa knayang pamumuhay sa pangkalahatan. Ang isang
tao na nakatira sa isang malamig na lugar ay
nangangailangan ng heater at makakapal na damit na
siya niyang pananggalang sa lamig.
Ang electric fan naman, cooler, o air conditioning unit
naman ay mas kailangan sa maiinit na lugar. Maging
ang mga pangangailangan sa hanap- buhay ay
nakadepende sa pook na iyong pinatatrabahuan. Maliwanag po, ma’am!

Maliwanag ba mga bata?

F. Paglinang sa Bakit ba mahalaga na ating isaalang-alang at Mahalaga na ating isaalang-


Kabihasaan pahalagahan ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa alang at pahalagahan ang mga
pangangailangan at kagustuhan ng tao? salik sapagkat nagbibigay ito
sa atin ng kaalaman.

Mahalaga na ating isaalang-


alang at pahalagahan ang mga
salik sapagkat ito ang
magsisilbing gabay natin sa
pagpili ng ating
pangangailangan at kagustuhan.

Magaling!

Sa paanong paraan nakakaapekto ang mga salik na Sa pamamagitan ng mga salik


nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at na binanggit ay nagkaroon
kagustuhan ng tao? ako ng realisasyon na pumili
ng pangangailangan at
kagustuhan sa isang sitwasyon
na kinalalagyan ko ngayon.

G. Paglalapat ng aralin ANO ANG PRIORITY KO?


sa pang-araw-araw na Panuto: Sa parehong grupo, bibigyan ko kayo ng Mga posibleng sagot:
buhay budget na 15,000 para sa isang buwan. Paano ninyo
ibabadyet ang pera na mayroon kayo? Pagkain – 5,000
Allowance – 2,000
Kuryente – 3,000
Groceries – 4,000
Kagustuhan- 1,000

Magaling!

Anu-ano ang dapat taglayin ng isang tao upang Dapat ay mayroon ang isang tao
magkaroon ng matalinong pagpapasya sa pagtamo ng kaalaman. At itinutuon sa
ng kanyang mga pangangailangan? pang-araw-araw ang mga bagay
na kailangan dahil kapag alam
mo kung ano ang mga gusto
mo at kailangan ay mas
madali mong malaman kung
anong bagay ang dapat bigyan mo
ng prayoridad at halaga.

Mahusay!
Alin sa mga salik nanakakaimpluwensiya Lahat ng mga salik ay
sapangangailangan atkagustuhan ang naranasan ko na. Halimbawa dito
naranasanmo? Sa papaanongpagkakataon mo sa Pilipinas ang klima natin
itonaranasan? ngayon ay mainit. Ito ang
nagbigay daan sa akin upang
bumili ng electric fan at air
condition unit.

Ang naranasang kong salikay


edad at panlasa. Nung bata
pa ako gustong gustokong
kumain ng mga chichirya o
“junk food” pero ngayon na
nagkakaedad na ako ay mas
gusto ko na ang mga
masustansyang pagkain.

H. Paglalahat ng Sa kabuuan, ano ang pagkakaiba ng pangangailangan Ang pagkakaiba po ng


Aralin at kagustuhan, klas? pangangailangan sa kagustuhan
ay; pag sinabing
pangangailangan, ito ang mga
pangunahing bagay na dapat
bigyan natin ng prayoridad dahil
kung wala ang mga ito, hindi tayo
mabubuhay.

Ang mga halimbawa ng


pangangailangan ay Pagkain,
Tubig, Bahay, Damit. Samantala,
ang kagustuhan naman ay ang
mga bagay na ninanais ng isang
tao para sa pansariling kasiyahan,
ngunit kahit wala ito ay
makakayanan pa rin nyang
mabuhay.

Magaling!

Paano natin malalaman kungang isang bagay ay isang Ang bagay ay isang
pangangailangan o kagustuhan? pangangailangan kung kailangan
niya ito upang mabuhay araw-
araw. Ang isang bagay ay
kagustuhan kung ito ay
nagdudulot ng kasiyahan.

Ang bagay ay isang


pangangailangan kung ito ay
nakaka-tulong upang maging
produktibo at ang isang bagay
ay kagustuhan kung ito ay
hindi nakakadagdag sa pagiging
produktibo ng isang tao.

Mahusay!

Ano – ano ba ang mga salikna nakakaimpluwensiya Ang mga salik na nakaka-
sapangangailangan atkagustuhan ng tao? impluwensiya sa pangangailangan
at kagustuhan ng tao ay edad,
antas ng edukasyon, katayuan
sa lipunan, panlasa, kita,
kapaligiran at klima.

Sa simpleng paraan, paano mo maipapamalas ang Sa paglalapat nito sa aking pang-


inyong pagpapahalaga sa mga salik na araw-araw na buhay sa paggawa
nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at ng mga desisyon tungkol sa aking
kagustuhan ng tao? pangangailangan at kagustuhan.

Sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ng konsepto nito.

Sa pamamagitan ng pag-iisip ng
tama at pagiging masinop sa
pagpili ng mga bagay na mas
kailangan.

I. Pagtataya ng Aralin PUNAN ANG PATLANG


Panuto: Pumili ng kasagutan saloob ng kahon.
Tukuyin kung anongsalik na nakakaimpluwensiya ito
sa kagustuhan at pangangailangan ng tao.

TEST I

Mga Sagot:

________1. Gusto nang magkapatid na Jean at Jen 1. Edad


na mamasyal sa park, ngunit mas kailangan ng
kanilang lola na magpahinga sa bahay.
________2. Ang istilo ng pananamitng mga 2. Panlasa
kabataan ngayon ay ibang-iba sa istilo ng mga
pananamit ngmga nakatatanda.
________3. Kagalang-galang angmga pulis at 3. Katayuan sa lipunan
guro sa suot nilanguniporme.
4. Klima
________4. Mabili ang heater, sweater at jacket sa
Baguio.
________5. Nakabili ng magarang bahay si Carlo 5. Kita
na isang presidenteng pribadong kompanya, malayo
sabuhay niya dati noong siya ayempleyado pa
lamang.

TEST II

_______6. Mga bagay na lubhang mahalaga upang ang


tao ay mabuhay at kung ipagkakait ito, magdudulot ito 6. D
ng sakit o kamatayan.
A. Edad B. Kagustuhan C. Kita D.
Pangangailangan

_______7. Mga bagay na ginusto lamang ng tao at


maaring mabuhay ang tao kahit wala ito. 7. B
A. Edad B. Kagustuhan C. Kita D. Pangangailangan

_______8. Ito ay nauukol sa pangangailangang


panlipunan. Hangad ng isang tao na siya ay matanggap 8. D
at mapasama sa iba’t ibang uri ng pangkat at pamilya.
Ang kawalan nito ay maaring magdulot sa kanya ng
kalungkutan at pagkaligalig.
A. Makisalamuha B. Mabuhay C. Pangkaligtasan D.
Pagpapahalaga

_______9. Kabilang dito ang mga pangangailangan


para sa kaligtasan at katiyakan ng buhay gaya ng 9. C
hanapbuhay, pinagkukunang-yaman, at seguridad para
sa sarili at pamilya.A. Makisalamuha B. Mabuhay
C. Pangkaligtasan D. Pagpapahalaga

_______10. Ang mga pangangailangan tulad ng


pagkain, tubig at hangin. Ang kakulangan sa antas na 10. D
ito ay maaring maging sanhi upang siya ay makaranas
ng karamdaman at panghihina ng katawan. A.
Makisalamuha B. Pagpapahalaga ng iba C.
Pangkaligtasan D. Pisyolohikal

Magaling! Ngayong alam niyo na ang kahulugan at


kaibahan ng pangangailangan sa kagustuhan, tiyak na
ito na rin ang magdidirekta sa inyo tungo sa
matalinong pagdedesisyon. Nawa’y maging
mapagmatyag tayong lahat sa pagpili ng mga bagay na
kailangang bigyan ng importansya. Baunin ninyo lahat
ng ito tungo sa pagiging isang masinop at matalinong
mamimili!
Takdang Aralin: Tanungin ang iyong magulang o
J. Karagdagang
nakatatandang kamag-anak kung ano-anong bagay
Gawain para sa
ang pinaglalaanan nila ng malaking halaga sa araw-
Takdang Aralin at
araw. Itoba ay pangangailangan o kagustuhan?
remediation.
Itala ang mga bagay na ito sainyong kwaderno
at iulat ang natuklasan sa klase

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80%
napagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan ng
iba pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng Mag-aarl na
magpapatuloy sa
Remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyonan sa tulong ng
aking punong-guro at
Superbisor.
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa
guro?

Prepared by:
Kriatoffer Louie Musa
BSEd Social Studies 2

You might also like