Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

EL FILIBUSTERISMO

KABANATA - 10
TALASALITAAN

KARALAITAN
Pag kakaroon ng hindi sapat na
yaman para matustusan ang
pangunahing pangangailangan sa
buhay tulad ng pag kain , tirahan ,
at damit , na nag reresulta sa
kakulangan ng dignidad.
TALASALITAAN
NAKIPANULUYAN -Nakitira o nakituloy ng
panandalian.
NAGDARAHOP – Naghihirap
ISANGGUNI – Kumunsukta
REBOLBER – Baril
TINUTUDYO – Tinutukso
KAPAHAMAKAN – Kamalasan
INAGLAHI – Inalipusta
TULISAN – Magnanakaw o masasamang
loob
INDULGENCIA – Ang kalidad ng awa o
pagpapatawad
BUOD
•Nakipanuluyan si Simoun sa tahanan ni Kabesang Tales na nasa
pagitan ng San Diego at Tiyani.Sa kabila ng kahirapan, dala ni Simoun
ang pagkain at ibang pangangailangan, pati na ang dalawang baul k
kaban ng alahas.
•Ipinakita ni Simoun ang kanyang rebolber kay Kabesang Tales.

•Dumating sina Kapitan Basilio, Sinang, asawa ni Sinang, at Hermana


Penchang upang bumili ng mga alahas.Binuksan ni Simoun ang maleta
ng alahas na may iba’t ibang uri, ayos, at kasaysayan. Namili si Sinang
ng hiyas habang sinabi ni Simoun na siya rin ay bumibili din ng alahas.
•Tinanong ni Simoun si Kabesang Tales kung may ipagbibili itong
alahas.Iminungkahi ni Sinang ang kwintas na tawaran ni Simoun ng
limandaang piso. Nalaman niyang ito ay pag-aari ni Maria Clara, ang
kanyang kasintahan na naging madre.
•Ayon kay Hermana Penchang, hindi dapat ipagbili ni Kabesang
Tales ang kwintas at dapat kausapin muna niya ang anak na si
Huli. Pumayag si Simoun na sangguniin muna ito.
•Paglabas ni Kabesang Tales, nakita niya ang prayle at ang
bagong may-ari ng kanyang lupa. Kinabukasan, nawala si
Kabesang Tales, kasama ng rebolber ni Simoun. Naiwan ang
isang sulat at ang kuwintas ni Maria Clara. Sa sulat, humingi ng
paumanhin si Kabesang Tales at sinabing sumapi siya sa mga
tulisan.
•Pinag-ingat din niya si Simoun sa mga tulisan.Hinuli ng mga
gwardiya sibil si Tandang Selo. Natuwa si Simoun dahil
natagpuan na niya ang taong kailangan niya, na may tapang at
tumutupad sa pangako.
•Samantala, tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales noong gabing
iyon: ang prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa
nito na putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng
bangkay ng babae ay may papel na may nakasulat na “Tales” na
isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.
THANK YOU !!
REPORTING – JANUS WYNDEL A.
MALAPAD
PAKSA – FILIPINO
GURO – JERRY VILLARAZO
GRAD0 AT PAITANG – 10-B

You might also like