Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

REMEDIAL CLASS

ESP 8 1St quarter MELC 1 & 2

Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may positibong
impluwensya sa sarili

Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan,pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang


nakasama, naobserbahan o napanood.

Gawain:Puso Ko, Impluwesiyado ng Pamilya ko!

Panuto: Tukuyin sa binasang salaysay ang parirala na sa tingin mo ay nakapagbigay sa iyo ng


positibong impluwensiya sa sarili.

Malinaw sa mag-asawang Lem at Sen ang mga responsibilidad sa mga anakat pagtataguyod ng
pamilya. Bagamat maaga silang nag-asawa pero sinikap namakahanap ng trabaho para sa
magiging pamilya. Ipinagbubuntis pa lamang siAnton ay ibinibigay na ang lahat ng
pangangailangan nito upang masiguro naligtas at malusog na isisilang. Lumaki si Anton na
ibinibigay hindi lamang ang mga materyal na pangangailangan dahil para sa mag-asawang Lem
at Sen, ang
tunay na kahulugan ng pagmamahal ay oras. Oras na may kasamang pagsisikap na ibigay at
gawin ang makakabuti para kay Anton. Lumaki si Anton na nag-aaral nang mabuti, buo ang
tiwala sa sarili, lalo sa kanyang mag talento at kakayahan, laging handang tumulong at magsilbi
sa kapwa at kumakapit sa malakas na pananampalataya sa Diyos dahil sa ganitong mga paraan
siya pinalaki ng kanyang mga magulang- nakikinig, sumusunod, nag-aaral at nanalangin.
Bagamat may mga kahinaan din, pero ginagawa niya itong inspirasyon upang lalong magsikap.
Natutunan ni Anton ang ganitong pananaw sa buhay mula sa pamilyang kanyang kinalakhan.
Katulad ng kanyang mga magulang na unang nangarap para sa kaniya, si Anton ay patuloy din sa
kanyang pagsisikap na makatapos ng pag-aaral, matupad ang pangarap na makatulong sa
pamilya, kapwa at pamayanan.

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Aling mga parirala sa salaysay ang nagpapahayag ng karanasan sa
pamilya na kapupulutan ng aral at positibong impluwensiya sa sarili?
Isulat ang mga ito sa pisara.
2. Paano mo nasabi na ito ay kapupulutan ng aral at mayroon positibong
impluwensiya sa sarili?
3. Ano ang iyong naramdaman sa gawain?
Gawain 2 ....Family First! THINK, PAIR and SHARE
Mag-isip ng isang karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral at may
positibong impluwensiya sa sarili.
Iguhit o isulat ito sa sariling kwaderno.
Matapos ang limang minuto, atasan na ibahagi ito sa katabi.

Pamprosesong Tanong:
1. Kumusta ang iyong naramdaman sa gawain?
2. Itaas ang kamay ng nagustuhan o naging madali ang gawain.
(Kung sakali may hindi nagtaas ng kamay, maaaring nahirapan sila sa
gawain at may ibang karanasan na salungat sa pinag-aaralan. Pansinin
at kilalanin ang mga mag-aaral na ito.)
3. Sino ang nais magbahagi ng kanyang ginawa?
4. Ano ang iyong natuklasan o natutunan sa gawain?

Pagpapalalim

Ang pamilya ay itinuturing na pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng


pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro at romantikong
pagmamahal na kapuwa nangangakong magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay,
magtutulungan sa pag-aaruga at pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga anak (Pierangelo
Alejo 2004).
Mayroong iba’t ibang pamamaraan na maipakikita ang kabutihan ng isang pamilya. Ang
pagpapakita ng taos-pusong pananampalataya, pagpapatawad at pakikisalamuha sa iba ay
bunga ng wagas na pagmamahal. Ito ay dahil sa ipinagkaloob ng Diyos ang pag-ibig sa tao.
Ang pagiging isang modelong magulang ay nagsisilbing mabuting impluwensiya sa mga anak.
Ito ay nakatutulong upang maitanim sa kanilang murang kaisipan at mahubog ang kanilang mga
sarili. Maraming layunin ang pamilya, isa na rito ang pangalagaan ang kanilang mga anak, na
mahubog sa kanila ang pagiging responsableng indibidwal na may pananalig sa Diyos.
Kung ang bawat kasapi ng pamilya ay sama-samang magbasa ng banal na aklat, nanalangin para
sa isa’t isa at pagiging modelo ng magulang sa paghubog ng paniniwala ay malaki ang
impluwensiya sa pagkakaroon ng matatag na pananampalataya ng mga anak. Sa totoong buhay,
maraming gawi ang kailangang malinang ng magulang sa sarili upang makalikha ng positibong
impluwensiya sa mga anak na maaring mamana at ipagpatuloy din ng mga anak sa kani-kanilang
sariling pamilya. Kung
ipinakita sa isang pamilya ang pagmamahalan, magiging mapagmahal at mapagbigay sa
ibang tao ang anak o kasapi ng pamilya. Kung naipakita ng magulang ang kahalagahan ng
simpleng pamumuhay, magkakaroon ng mabigat na pagpapahalaga ang mga anak sa totoong
kahulugan ng buhay, magiging matipid at matalino sa pagbili ng mga pangangailangan
ang mga ito.

You might also like