Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas)

Lalawigan ng Laguna )
Munisipyo ng Mabitac ) S.S

SINUMPAANG SALAYSAY NG TESTIGO

Na, ako si Edna Suguitan y Dorado, may asawa mang-gagawa ng tikiw (pang export) 53
taong gulang, Ipinanganak noong September 12, 1969. Naniniran sa Brgy. Pag-asa, Mabitac,
Laguna.

Na, ako ay magbibigay ng aking salaysay sa ginawang pagkakalat nina Emilie Dumagat at
Ricardo Dumagat na kabit ni Ricardo Dumagat si Cristina Dorado.

Na noong buwan ng Abril 27, 2023 sa ganap na ika- 6:30 ng umaga ay agkakape po ako
at ng aking asawa sa bahay namin nang dumating sina Emilie Dumagat at Ricardo Dumagat
mag asawa at nagulat ako dahil ang aga nila nagpunta sa bahay.

Na, sa tagpong ito ay tinanong ko sila kung anong kailangan nila sa amin at sinabi ni
Emilie Dumagat sa akin na “Alam mo bang kabit ng asawa ko si Cristina Dorado at nagsalita din
si Ricardo ng “ Oo kabit ko yan, may relasyon kami noon ” sabi ni at sinabi pa niya sa amin ng
asawa ko na “ may tatlong lalaki payon, may matanda at may mga bata bata, bantayan niyo
pag-may dalang face towel pamunas nila yon.”

Na kinagulat at kinagalit ko na,an ang kanilang mga sinasabi kaya minabuti kong
paalisin na sila sa aming bahay at sa pangyayaring ito ay umalis na sila at tuloy parin ang
pagkakalat nila ng tsimis sa mga madadaanang tao sa amin na kabit daw niya si Cristina
Dorado noon na hindi ko makuha mula sa kanila kung ano gusto nilang mangyari sa ginagawa
nilang pagkakalat ng tsismis.

Na, ginawa ko ang salaysay na ito ng walang nag udyok, pumilit o nagbigay ng pabuya
upang gawin ko ang ang mga bagay na ito bagkos kusang loob ko ltong ginawa at sa katunayan
ang lahat ng ito ako ay lumagda ng aking tunay na pangalan sa ibaba ng aking salaysay;

Wakas ng salaysay: July 31, 2023

Edna Suguitan y Dorado


Nagsasalaysay

PINANUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-____ ng Agosto 2023 dito sa


Sta. Cruz, Laguna

_______________________________________

You might also like