Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 39

DepEd Oriental Mindoro

Curriculum Implementation Division

Filipino
E.A.S.E.L.
4
Quarters 1 & 2

Evaluation and Assessment


of Students Epitome of Learning
Evaluation and Assessment of Students Epitome of Learning (EASEL)
Filipino Grade 4
First to Second Quarters
First Edition, 2023

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the
work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may,
among other things, impose as a condition the payment of royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to
locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher
and authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education, Division of Oriental Mindoro


Schools Division Superintendent: Maria Luisa D. Servando, PhD, CESO VI
Curriculum Implementation Division Chief: Charity R. Agabas-Capunitan

Development Team of the Material


Authors: Noemi G. Mercado at Ginalyn O. Gante
Editors: Lolemar M. Panganiban, Connie S. Malvar, Germalyn D. Mojado, Jenilyn H. Abo, Maria Fe L.
Gonzales, Maricel C. Villanueva, Minerva F. Gusi,Phd, Ceferina F. Supnet, Flordeliza R.
Ortal,Phd, Arlyn B. Gervacio, Liezl E. Orbeta, Maribel M. Marayan, Marivic G. Anonuevo,
Monsela M. Cataquis, Neressa C. Montallana, Juliana B. Asi, Nerisa H. Salazar, Rinabel N.
Asugui
Reviewer: Magdalena B. Morales
Illustrators: Rico L. Arcasitas, Chienalyn P. Buñag, Christian G. Capit, Mae Annelyne S. De La Cruz,
Jamilah E. Dela Cruz, Jeffrey L. Olympia, Danielle R. Rañeses, PhD
Project Coordinator: Elmar T. Alzate
Layout Artist: Jeffrey L. Olympia
Cover Design Artist: Rico L. Arcasitas

Management Team:
Maria Lusia D. Servando, PhD, CESO VI Magdalena B. Morales
Rafael G. Manalo Clemente E. Politico
Haide M. Padua, EdD Thervel M. Saez
Charity R. Agabas-Capunitan Clarita G. Villaruel
Elmar T. Alzate Roberto A. Almedilla II
Dindo M. Generato. EdD Elmer P. Concepcion
Oscar C. Linga, DD, DCEd Arvin Q. Delen
Maria Magdalena D. Lo John Patrick L. Ramos

Printed in the Philippines by:


Department of Education, Division of Oriental Mindoro

Office Address: Sta. Isabel, Calapan City, Oriental Mindoro, 5200


Telephone: (043) 2887810
E-mail Address: oriental.mindoro@deped.gov.ph
FILIPINO 4
Kwarter 1

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Piliin at isulat ang titik ng
wastong sagot sa sagutang papel.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili at ibang tao sa
paligid. F4WG-Ia-e-2

SITWASYON 1

Para sa aytem 1-3

Maaga akong gumayak patungong . Tuwang-tuwa akong pumasok sapagkat

makikita ko nang muli ang aking mga kaibigan. Inihanda na ni ang aking baon.

Niyakap ko si Nanay nang buong higpit at masaya akong nagpaalam.

Ginalyn O. Gante, MT1, Evangelista ES, SDO- Oriental Mindoro

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 1

Maaga akong gumayak patungong . Sa tulong ng larawan, alin sa sumusunod na


pangngalan ang angkop gamitin sa pangungusap?

A. paaralan B. palengke C. parke D. simbahan

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 2

Inihanda ni ______ ang aking baon. Alin sa sumusunod na pangngalan sa ibaba ang angkop
gamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap?
A. ate B. kuya C. nanay D. tatay
Kategorya ng Aytem: Paglikha

Tanong 3

Kung bubuoin mo ang pangungusap gamit ang pangngalan ng lugar.Alin sa mga pangngalan sa
ibaba ang angkop dito?
Maaga akong gumayak patungong ______________.
A. balkonahe B. kantina C. paaralan D. parke

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nabibigyang kahulugan ang salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon. F4PT-Ia-1.10
Naibibigay ang kahulugan ng salita ayon sa: -Kasingkahulugan -Kasalungat -Gamit ng Pahiwatig
(context clues) -Diksyunaryong kahulugan

Kategorya ng Aytem: Pag-alaala

Tanong 4

Ang mga salita sa diksiyonaryo ay may _____________na kahulugan. Alin sa pamimilian sa


ibaba ang tamang sagot?
A. di- pormal C. payak
B. pahiwatig D. pormal

Kategorya ng Aytem: Pag-unawa

Tanong 5

Isa sa mga inaasam ng aking ama ang makapagpatayo ng isang maliit na simbahan sa aming
lugar. Ano ang kahulugan ng salitang inaasam?
A. pangarap na nais makamit o matamo.
B. permanenteng estado ng panunuluyan.
C. proseso ng pagpapaunawa ng isang idea o konsepto.
D. halaga ng pera na nakalaan bilang pondo sa isang gawain o pangangailangan.

Kategorya ng Aytem: Pag-unawa

Tanong 6

Palakat si Mario dahil sa sakit na nararamdaman. Ano ang pormal na depinisyon ng salitang
may salungguhit sa pangungusap?
A. hagulhol
B. iyak na may tangis
C. bulong na may hinanakit
D. hiyaw o sigaw kung may masakit sa katawan
Kategorya ng Aytem: Paglalapat

Tanong 7

Pinabili ka ng iyong ama ng kalahating kilong asukal sa tindahan. Ibinilin niya sa iyo na ingatan
mo ang sukli. Bilang pagsunod inilagay mo ito sa iyong kalupi. Kung bibigyan mo ng angkop na
kahulugan ang salitang may salungguhit, alin sa sumusunod ang iyong gagamitin?
A. bag B. bayong C. bulsa D. pitaka
SITWASYON 2

Sa klase sa Filipino,
Guro: Maaari ba ninyong ibigay ang kahulugan ng salitang piging?
Mga mag-aaral : Opo
Mario: Ang kahulugan ng salitang piging ay salusalo.
Mina: Para sa akin, ang salitang piging ay nangangahulugan ng maraming
pagkain na pinagsasaluhan.
Lina: Hapag-kainan po.

Kategorya ng Aytem: Ebalwasyon

Tanong 8

Sino sa mga mag-aaral ang nakapagbigay ng pormal na kahulugan ng salitang piging? Bakit?
A. Si Mina, dahil nailarawan niya ang kahulugan ng salita.
B. Si Mario, dahil naibigay niya ang pormal na depinisyon ng salita.
C. Si Lina, dahil naibigay niya ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pahiwatig.
D. Sina Mina at Lina, dahil nabigyang kahulugan ang salita sa pamamagitan ng
paglalarawan at pahiwatig.

Kategorya ng Aytem: Ebalwasyon

Tanong 9

Ang prinsesa ay nabuhay nang marangya sa kanilang mayamang kaharian. Alin sa sumusunod
na salita ang nagbibigay ng kahulugan sa salitang may salungguhit ayon sa pahiwatig?
A. angat sa buhay B. mahirap C. mayaman D. maykaya

Kategorya ng Aytem: Paglalapat

Tanong 10

Kung ibibigay mo ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap sa ibaba.


Alin ang gagamitin mo?
Si Lorna ay tumingala sa langit dahil sa nabighani siya sa napakaliwanag na buwan.
A. naakit B. naaliw C. namangha D. nahikayat

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

Natutukoy ang mga elemento ng kuwento (tagpuan, tauhan, banghay). F4PB-Ia-97

SITWASYON 3
Para sa aytem 11-14
Masayang Bakasyon
Buwan pa lamang ng Pebrero, kumuha na ng ticket ang pamilya ni G. Roland Castro
patungong Davao. Nagpasya ang pamilyang magbakasyon sa darating na Holy Week dahil
labintatlong taon ng hindi nakababalik sa probinsya ang mag-anak.
Dumating ang araw na pinakahihintay, masayang nagtungo ang pamilya sa Ninoy
Aquino International Airport (NAIA). Tatlong taon pa lamang ang anak nilang si Eric nang huli
silang nagbakasyon kaya’t nararamdaman ng binata ang labis na kaba sa pagsakay sa
eroplano.
Mag-iikawalo na ng gabi nang makarating sila sa Davao. Kinabukasan maaga silang
gumayak upang pasyalan ang taniman ng saging. “Maproseso po pala Itay ang pagtatanim
ng saging”, wika ni Eric sa ama. “Oo anak, pakinig mo ba ang ugong ng eroplano na iyon?
Ang eroplano na iyon ang nagdidilig at nag-spray sa mga saging upang mapanatiling
malulusog at malalaki ang bunga ”. Napagod ang pamilya at nagbalik na muli sila sa
tahanang kanilang tinutuluyan.
Sa pangatlong araw, nagtungo naman ang pamilya sa “sea of clouds”. Mangha-mangha
sila sa animo’y karagatan ang nakalatag na ulap. Malamig ang simoy ng hangin at halos
humahalik na sa mukha ang mga ulap. Sobrang nag-enjoy ang mag-anak sa kanilang limang
araw na bakasyon.
Ginalyn O. Gante, MT1, Evangelista ES, SDO- Oriental Mindoro
Kategorya ng Aytem: Pag-alaala

Tanong 11

Sino ang nagbakasyon sa Davao?


A. pamilya ni G. Rolan C. pamilya ni G. Rolando
B. pamilya ni G. Roland D. pamilya ni G. Rollan

Kategorya ng Aytem: Pag-unawa

Tanong 12

Ang mag-anak ay nagpasyang magbakasyon sa Davao dahil labintatlong taon na silang hindi
nakababalik sa probinsya. Sa anong elemento ng kuwento ito nabibilang?
A. banghay B. tauhan C. tagpuan D. suliranin

Kategorya ng Aytem: Pag-unawa

Tanong 13

Buwan pa lamang ng Pebrero, kumuha na ng ticket ang pamilya ni G. Roland Castro patungong
Davao. Sa anong elemento ng kuwento kabilang ang salitang may salungguhit?
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. suliranin

Kategorya ng Aytem: Ebalwasyon

Tanong 14
Ang pagkuha ng ticket, pagsakay ng eroplano at pamamasyal sa “sea of clouds” ng pamilya ni G.
Roland. Saang bahagi ng elemento ng kuwento ito nabibilang?
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Natutukoy ang bahagi ng binasang kuwento- simula, kasukdulan-katapusan. F4PB-Ii-24

SITWASYON 4

Para sa aytem 15-17


Bagyo sa Mindoro
Ang lalawigan ng Oriental Mindoro ay isa sa lugar na dinadaanan ng bagyo tuwing
sumasapit ang buwan
Tanong # 7 ng Disyembre. Bago pa dumating ang sakuna, abala na ang mga
mamamayan sa paghahanda tulad ng pag-aayos ng mga tirahan, pagtalas ng malalagong sanga sa
bakuran, pag-iimbak ng mga pagkain na hindi kaagad nabubulok. Inihahanda rin ang mga pang-
unang lunas tulad ng gamot, pangbandage, ilawan,at inaayos ang mga pangunahing kagamitan
. Alin ng
tulad sa mga sumusunod
damit. Nakatuonang
dinkatapusang
ang kanilangbahagi ng kuwento?
pansin sa pakikinig ng balita upang malaman kung
A. Nakatuon ang pansin sa pakikinig ng balita.
anong oras, direksyon at kung gaano ito kalakas ang bagyong darating.
B. Sa Walang humpay na
oras na tumama angnaglilinis ng kapaligiran.
bagyo, lahat ay nananatili sa loob ng kanilang tahanan at taimtim
C. Tulong-tulong ang buong pamilya at makikita ang diwa ng pagkakaisa
na nagdarasal. Pagkatapos ng bagyo, walang humpay na naglilinis ng kapaligiran. Tulong-tulong
D. Abala na ang mga mamamayan sa paghahanda tulad ng pag-aayos ng mga tirahan.
ang buong pamilya at makikita ang diwa ng pagkakaisa.
Ginalyn O. Gante, MT1, Evangelista ES, SDO- Oriental Mindoro

Kategorya ng Aytem: Pag-alaala

Tanong 15

Ayon sa kuwentong binasa, alin sa sumusunod ang panimula?


A. Paglilinis sa buong kapaligiran.
B. Pamamalengke at pag-iimbak ng pagkain.
C. Pagdarasal nang taimtim na maging ligtas sa bagyo.
D. Pananatili sa loob ng tahanan at pananalangin nang taimtim.

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 16

Alin sa sumusunod ang kasukdulan ng kuwentong binasa?


A. Pagdating ng bagyo sa kalupaan.
B. Paghahanda sa mga first aid at ilaw.
C. Paglilinis sa bakuran nang walang humpay.
D. Pananatili sa loob ng tahanan at pananalangin nang taimtim.

Kategorya ng Aytem: Paglalapat


Tanong 17

Sa talakayan sa loob ng klase, nais ng iyong guro na ibigay mo ang katapusang bahagi ng
kuwento. Alin sa mga sumusunod ang ibibigay mo?
A. Paglilinis sa buong kapaligiran.
B. Paghahanda at pag-iimbak ng pagkain.
C. Pagdarasal nang taimtim para sa kaligtasan.
D. Pananatili sa loob ng tahanan at pananalangin nang taimtim.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nakasusulat ng talata tungkol sa sarili. F4PU-Ia-2

Kategorya ng Aytem: Paglikha

Tanong 18

Kung gagawa ka ng talata tungkol sa iyong sarili ayon sa mga sumusunod na pangungusap,
paano mo ito isusulat?

I. Ang aking mga magulang ay sina G. Edwin D. Oliva at Gng. Je-Ann D. Oliva na mula sa
tahimik na barangay ng Evangelista, Naujan, Oriental Mindoro

Ako ang pinakabunso sa tatlo naming magkakapatid at kasalukuyang nag-aaral sa


II. Evangelista Elementary School na nasa ikaapat na baitang.

III. Ako si Angelyn D. Oliva, sampung taong gulang. Ipinanganak noong April 20, 2010.

Aking sarili
IV.
Gusto kong maging guro balang araw tulad ng aking mommy Gina. Kaya, hindi ko
V.
sasayangin ang pagkakataong makamit ko ang aking pangarap sa buhay.
A. VI, IV, III, I, II C. V, III, I, II,IV
B. IV, III, II, I, V D. III, IV, I, II, V

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Naisasalaysay muli nang may wastong pagkakasunod-sunod ang napakinggang teksto gamit ang
mga larawan, signal words at pangungusap
F4PS-Ib-h-6.1 F4PS-Ib-h-91 F4PS-IIh-i-6.2

SITWASYON 5

Para sa aytem 19-20


Mahiwagang Payong
Papasok na si Ana sa paaralan nang may nakasalubong siyang isang
matandang babae. “ Ineng maaari bang makahingi ng pagkain? Nagugutom ako’, wika
ng matanda. Walang pag-aatubiling binigyan kaagad ito ni Ana. “ Lola, ito po ang
Kategorya ng Aytem: Paglikha

Tanong 19

Kung isasalaysay mong muli nang may wastong pagkakasunod-sunod ang napakinggang
kuwento gamit ang pangungusap, paano mo ito bubuoin?
A. Nagpasalamat sa Diyos si Ana.
B. May nasalubong siyang matandang babae.
C. Bumuhos ang malakas na ulan.
D. Papasok na si Ana sa paaralan.
E. Binigyan niya ng pagkain ang lola.

A. A, C,B, D, E C. D, B, E, C, A
B. E, B, C, A, D D. B, A, D, E, C

Kategorya ng Aytem: Paglikha

Tanong 20

Oras na ng klase ninyo sa asignaturang Filipino. Ikaw ang naatasan ng iyong guro na pumunta
sa unahan upang isalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang larawan. Paano mo ito
bubuoin?

A B C D
A. A, C, D, B C. D, B, C, A
B. B, C, A, D D. B, A, D, C

Kategorya ng Aytem: Paglikha

Tanong 21
Bilang isang magaling na chef na tulad ko, halika pagsunod-sunurin natin ang tamang paraan ng
pagluluto ng bigas. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod nito?
I. Pangatlo, hintayin na maluto ang bigas.
II. Ikaapat, ihain ang kanin habang mainit.
III. Pangalawa, pagkatapos mahugasan, ilagay ang dalawang tasa ng tubig at takpan.
IV. Una, ilagay ang bigas sa rice cooker, hugasan ng dalawang beses gamit ang
kalahating litro ng tubig.
A. I, II, III, IV C. III, IV, II, I
B. II, III, IV, I D. IV, III, I, II
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
Nasasagot ang mga tanong sa napakinggan at nabasang kuwento, tekstong pang-
impormasyon, at SMS (Short Messaging Text).F4PB-Ia-d-3.1 F4PB-Ia-d-3.1 F4PN-Ih-3.2

SITWASYON 6

Para sa aytem 22-25


Project YAKAP, pormal nang inilunsad, mga mag-aaral handa na
Malaki ang naging epekto ng pandemya sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral
lalong higit sa pagbasa, dahil dito pormal nang inilunsad ang interbensyong Programang
“Yamang Aakay sa Kasanayan at Aangat sa Pagbasa (YAKAP) sa Evangelista Elementary
School (EvES), Pebrero 20, 2021.
Layunin nitong mapataas ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa at
pag-unawa sa binasa. May mga tulong pinasyal at babasahing dumating sa paaralan buhat sa
mga concerned citizen at alumni ng paaralan.
Laking pasasalamat ng reading coordinator na si Gng. Ginalyn O. Gante sa mga taong
nagkaloob ng mga aklat. Samantala, nakipagtulungan ang Sanguniang Barangay sa
pangunguna ni Konsehal Julita Agustino sa programa ng paaralan.
Ginalyn O. Gante, MT1, Evangelista ES, SDO- Oriental Mindoro

Kategorya ng Aytem: Pag-unawa

Tanong 22

Ano ang layunin ng Project YAKAP ng Evangelista Elementary School?


A. pagbasa B. pagbilang C. pagsulat D. panonood

Kategorya ng Aytem: Ebalwasyon

Tanong 23

Sa iyong palagay, makatutulong ba ang Project YAKAP sa paaralan? Bakit?


A. Opo, dahil layunin nito na mapalakas ang katawan ng bawat mag-aaral.
B. Opo, dahil layunin nito na mapataas ang antas ng kasanayan sa pagbilang.
C. Maaari po, dahil layunin nito mapaunlad ang kasanayan sa Agham at teknolohiya.
D. Opo, dahil pokus ng proyekto ang mapataas ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral
sa pagbasa at pag-unawa sa binasa.

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 24
Ano ang naging epekto ng pandemya sa mga mag-aaral kung kaya’t ang paaralan ay naglunsad
ng Project YAKAP?
A. Bumaba ang kaalaman sa pagbilang.
B. Nakaranas ng depression bunga ng pandemya.
C. Maraming mag-aaral ang humina ang katawan.
D. Marami ang nahihirapang magbasa at umunawa sa binasa.

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 25

Alin ang nakatulong sa programa upang mailunsad ito sa paaralan?


A. Paghiling ng mga magulang sa pamunuan ng paaralan.
B. Pakikipagkasundo ng mga magulang, guro, at punongguro.
C. Pagkakaroon ng tumulong sa programa pinansyal at babasahin.
D. Pag-uutos ng punongguro sa reading coordinator ng paaralan.
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
Nakasusulat ng natatanging kuwento tungkol sa natatanging tao sa pamayanan, tugma o
maikling tula F4PU-Ia-2 F4PU-Ic-2.2
Kategorya ng Aytem: Paglikha

Tanong 26

Kung ikaw ang susulat ng tulang may tugma, paano mo ito isusulat gamit ang mga salita sa
ibaba?
Sa bayan ng Naujan _____________
Mga tanawing, kaysarap __________
Ilog, sapa, at talon sa kabundukan
Kaysarap, doon ay magtampisaw.

A. makikita, mararating C. matatagpuan, puntahan


B. masisilayan, silipin D. pasyalan, bakasyon

Kategorya ng Aytem: Paglikha

Tanong 27

Buoin ang tula na may tugma sa pamamagitan ng paglalagay ng akmang salita. Piliin sa mga
salita sa ibaba ang dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng tula.
Kaalaman ng mga mag-aaral sa kanila’y nakasalalay
Kalidad na edukasyon 100% ibinibigay
Mga mag-aaral inaalagaang _______
Iyan si Sir at si Mam palaging nakaagapay.

A. sadya B. tunay C. totoo D. talaga

Kategorya ng Aytem: Paglikha


Tanong 28

Sa asignaturang Filipino, ibinigay ng iyong guro bilang takdang-aralin ang pagsulat ng


natatanging kuwento sa natatanging tao sa pamayanan. Napili mo ang Kapitana ng inyong
barangay. Paano mo isusulat ang kuwento gamit ang mga sumusunod na pangungusap sa
ibaba?

Mahusay na namumuno sa barangay. Simple kung manamit, payak ang


pamumuhay, mapagpakumbaba at isang simpleng kabarangay. Ito ay ilan lamang sa
I.
mga paglalarawan ng mga nakakakilala sa isang kapitana at magaling sa
pamamahala ng barangay.

II. Lumaki at isinilang siya sa aming barangay. Nagkapagtapos ng pag-aaral sa


elementarya, sekondarya at kolehiyo na may natatanging karangalan.

III. Tunay na kahanga-hanga ang aming kapitana. Hindi matatawaran ang


kanyang husay at galing sa pakikisama sa mga mamamayan ng barangay.
IV. Simpleng Buhay sa Dulo ng Tagumpay

A. IV, II, I, III C. III, I, II,IV


B. II, I, II, III D. III, IV, I, II

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

Nababasa ang maikling tula nang may tamang bilis, diin, ekspresyon at intonasyon F4PB-Ic-16

Tanong 29

Kategorya ng Aytem: Pag-unawa

Basahin ang tula nang may wastong diin. Piliin ang salitang may tamang diin mula sa tula na
nasa loob ng kahon.
Sa iyong ngiti , ako ay nabibighani
Binigyan mo ng kulay, puso kong matamlay

A. ngiti B. ngitî C. ngitì D. Ngití

Kategorya ng Aytem: Pag-unawa

Tanong 30

Basahin ang tula nang may wastong diin . Alin sa sumusunod ang may tamang diin sa salitang
alerto?
Sa bawat sulyap mo, alerto ako
Baka mawala ka pagkisap ng mata ko
A. alertò B. alertó C. alerto D. alertô

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggan/napanood na isyu o


usapan F4PS-Id-i-1
Kategorya ng Aytem: Ebalwasyon

Tanong 31

Ang isang taong epektibong magsalita sa harap ng maraming tao ay madaling makakuha ng
respeto sa ibang tao. Ngunit ano sa tingin mo ang mangyayari kung hindi nabibigyan ng saglit
na pagtigil o paghinto ang pagsasalita ng isang tao?
A. may malinaw na ideya
B. mas maganda ang pagsasalita
C. magiging mas malinaw ang pagsasalita
D. magiging malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig
Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 32

Dugo’t pawis ang puhunan ng mga magsasaka sa masaganang ani sa kanilang sakahan. Subali’t
hindi kaila sa lahat na mababa ang halaga ng mga ani nila pagdating sa merkado.
Alin sa sumusunod ang magiging reaksyon mo sa pahayag na ito?
A. Bigyang pansin ang mga magsasaka.
B. Pahalagahan ang produkto ng mga magsasaka.
C. Ang magsasaka ay masipag sa gawain sa bukid.
D. Tulungan ang mga magsasaka sa paghahanap ng ahente ng produkto nila.

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 33

May inilunsad na proyektong Pera sa Basura ang inyong barangay upang maging malinis ang
kapaligiran at kumita ng pera buhat sa basurang itinatapon sa bawat tahanan. Ano ang reaksyon
mo sa isyu?
A. Makipagtulungan upang mabawasan ang basura sa paligid.
B. Makiisa sa paglutas ng problema at kikita ng pera ang proyekto.
C. Makialam sa proyektong isinusulong ng namumuno sa barangay.
D. Makipagtulungan sa paghahanap ng solusyon sa problema ng barangay.
Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 34

Sa mga liblib na pook, ang mga manggagamot ay kailangang-kailangan. Isa sa mga problema sa
mga malalayong lugar, ang kawalan ng doktor, kaya’t hindi nabibigyan ng pangunahing lunas
ang mga maysakit. Alin ang maibibigay mong reaksiyon sa pahayag na ito?
A. Malaking pera ang kikitain doon.
B. Napakarami ng doktor sa siyudad.
C. Magaling ang mga doktor sa siyudad at sa liblib na pook.
D. Dumulog sa pamahalaan at humingi ng doktor na maipapadala roon.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nasusunod ang napakinggang panuto o hakbang ng isang gawain F4PN-Ie-j-1.1

Kategorya ng Aytem: Paglikha


Tanong 35

Kung sasabihin sa iyo ng iyong guro ang panuto sa ibaba. Alin sa mga pagpipilian ang iyong
susundin?
Gumuhit ng malaking bilog. Sa gitna ng malaking bilog maglagay ng magkatabing maliit
na bilog. Sa baba ng dalawang maliit na bilog, gumuhit naman ng tatsulok.

A. C.

B. D.

Kategorya ng Aytem: Ebalwasyon

Tanong 36

Bakit mahalagang sumunod sa mga napakinggang panuto o hakbang ng isang gawain?


A. upang maging ligtas sa bawat pagkilos
B. upang umunlad ang sariling kakayahan
C. upang makamit ang tagumpay sa gawain
D. upang maunawaan ang panuto o hakbang

Kategorya ng Aytem: Ebalwasyon

Tanong 37

Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap sa ibaba.


A. Bunso, kunin mo ang kutsilyo sa kusina, nakapatong iyon sa mesa.

B. Bunso, pumunta ka sa kusina, sa may gilid ng pinto malapit sa gasul, may makikita
kang asul na plastic, sa loob nito, kunin mo ang susi ng cabinet, at makikita mo roon
ang kutsilyo.
C. Bunso, kunin mo ang kutsilyo sa kusina.

Sa mga pangungusap, alin ang panutong mabilis mong masusundan? Bakit?

A. Pangungusap A, dahil malinaw at maayos ang panuto.


B. Pangungusap C, dahil hindi paligoy-ligoy ang panuto.
C. Pangungusap A at C, dahil simple at malinaw ang panuto.
D. Pangungusap B, dahil kung susundan at uunawain makakasunod sa panuto
.
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
Naibibigay ang kahalagahan ng media (hal. pang-impormasyon, pang-aliw, panghikayat)
F4PDI-e-2

Kategorya ng Aytem: Paglalapat


Tanong 38

Bilang mambabasa , ano ang tulong na maibibigay sa iyo ng magasin?


A. Pang-aliw C. panghikayat
B. pangkaalaman D. pang-impormasyon

Kategorya ng Aytem: Paglalapat


Tanong 39

Ano ang maibibigay o maitutulong ng infographics sa mag-aaral na tulad mo?


A. libangan B. hikayat C. impormasyon D. Kaalaman

Kategorya ng Aytem: Paglalapat

Tanong 40

Mahilig manood ng balita sa telebisyon ang batang si Mario. Nais niyang manood araw-araw
upang malaman niya ang mga napapanahong balita. Ano ang kahalagahan ng media sa pang-
araw araw na buhay ni Mario?
A. pang-aliw C. panghikayat
B. panggulo D pang-impormasyon
.
Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 41

Gusto ni Angie na magnegosyo sa online. Alin sa mga sumusunod na media ang dapat niyang
gamitin?
A. facebook live B. pahayagan C. tape recorder D. telebisyon

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi tungkol sa
sariling karanasan. F4WG-If-j-3

Kategorya ng Aytem: Paglalapat

Tanong 42

Nena: Handa ____ na bang tulungan kami sa paglilinis?

Alfred: Oo, hihintayin ko lang si Lino para may katulong tayo.

Anong akmang panghalip panao ang nararapat mong gamitin sa usapan?


A. ka B. mo C. nila D. niya

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 43
Sa sumusunod na usapan alin ang may tamang pagkakagamit ng panghalip panao?
Usapan 1
Bibo: Nanguha kami ng hinog na bayabas sa may gilid ng bundok.

Alfred: Kami rin, namitas kami ng pinya sa taniman nina Lolo Carlos at Lola Inda.

Usapan 2

Bibo: Nanguha siya ng hinog na bayabas sa may gilid ng bundok.

Alfred: Kami rin, namuti sila ng pinya sa taniman nina Lolo Carlos at Lola Inda.
Usapan 3
Bibo: Nanguha sila ng hinog na bayabas sa may gilid ng bundok.

Alfred: Ako rin, namuti kanila ng pinya sa taniman sina Lolo Carlos at Lola Inda.

Usapan 4
Bibo: Nanguha sila ng hinog na bayabas sa may gilid ng bundok.

Alfred: Ako rin, namuti kanila ng pinya sa taniman sina Lolo Carlos at Lola Inda.

A. usapan 1 B. usapan 2 C. usapan 3 D. usapan 4

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (pananong) - isahan-- maramihan sa usapan at
pagsasabi tungkol sa sariling karanasan. F4WG-Ifg-j-3

Kategorya ng Aytem: Paglalapat

Tanong 44

Alin ang gagamitin mong panghalip pananong sa pangungusap sa ibaba?


_____ ang ating pambansang bayani?
A. Ano C. Sino
B. Ano-ano D. Sino-sino

Kategorya ng Aytem: Ebalwasyon

Tanong 45

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may tamang gamit ng panghalip na maramihan?
A. Ano ang gagawin mo sa Baguio?
B. Ilan ang sasama papuntang Baguio?
C. Sino-sino ang mga pupunta sa Baguio?
D. Alin ang pinakagusto mo sa aking pasalubong?

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (panaklaw)-tiyakan-isahan/kalahatan-di-tiyakan
sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
F4WG-If-j-3
Kategorya ng Aytem: Paglalapat

Tanong 46
Sa asignaturang Filipino nagkaroon ng pagbabalik-aral tungkol sa tamang paggamit ng
panghalip panaklaw. Kung ikaw ang tatawagin ng iyong guro, alin sa sumusunod ang pipiliin
mo?
I. Alinman sa kanila ay maaring makilahok sa palatuntunan.
II. Pawang mga kabataan ang naroon sa plaza.
III. Iyan ang mga kabataang maaasahan.
IV. Sila pa rin ang mga kabataang magkakasama sa hirap at ginhawa.
Kategorya ng Aytem: Ebalwasyon

Tanong 47

Ang sumusunod na pangungusap ay gumagamit ng panghalip na panaklaw maliban sa isa, alin


ito?
A. Ang mga kabataan ay panay ang sigaw dahil sa saya.
B. Dito sila dadaan bago tumuloy sa pagdaraosan ng kompetisyon.
C. Kaunti lamang ang lumahok sa kompetisyon ngayong taon na ito.
D. Bawat isa ay may angking galing kaya mahirap pumili kung sino ang mananalo

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nakasusulat ng liham na nagbabahagi ng karanasan/pangyayari sa nabasang kuwento

Kategorya ng Aytem: Paglikha

Tanong 48

Kung gagawa ka ng liham na nagbabahagi ng karanasan/pangyayari ayon sa mga sumusunod


na datos, paano mo ito bubuoin?
Mahal kong Roland, Kumusta ka na? Nais kong ibalita sa iyo ang naging
I V.
karanasan namin noong nagbakasyon kami sa Davao nang
.
Gina nakaraang Holy Week.
II. Pumunta kami sa Tagbinta Falls noong unang araw.
Napakaganda talaga at napakalamig ng tubig. Nagdala kami
Evangelista, Naujan ng prutas tulad ng durian at pomelo.
III. Oriental Mindoro Noong huling araw, namasyal kami sa “Sea of Clouds”.
Hunyo 6, 2023 Sobrang nakaaaliw at napakalamig doon. Para kasi kaming
malapit na sa langit sapagkat humahalik sa aming pisngi ang
Nagmamahal, mga ulap.
IV. Padadalhan kita ng litrato sa sunod na pagliham ko sa
iyo. Balitaan mo rin ako tungkol sa buhay mo diyan sa
Canada.
A. I,II,III,IV, V C. III, I, V, IV, II
B. II, III, IV, V D. IV, V, I, II, III

Kategorya ng Aytem: Paglalapat

Tanong 49

Kung ikaw ang tatanggap ng liham, ano ang magiging reaksiyon mo pagkabasa nito?
A. Malulungkot dahil naalala ako ng aking kaibigan.
B. Iiyak sapagkat hindi nakasama sa pamamasyal ng kaibigan.
C. Sisigaw sa galak dahil nakatanggap ng sulat galing sa kaibigan.
D. Matutuwa sapagkat naalalang sulatan ng aking mahal na kaibigan.

Kategorya ng Aytem: Ebalwasyon

Tanong 50

Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng isang liham?


A. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa tao.
B. Bahagi ito ng ating pang-araw-araw na buhay.
C. Nagbibigay kasiyahan at kagalakan sa puso ng sumulat at sinulatan.
D. Mabisang paraan ng pakikipagkomunikasyon at nagpapahayag ng saloobin.

Susi ng Pagwawasto

1. A 11. B 21.D 31.D 41.A


2. C 12.C 22.A 32.B 42.A
3. C 13. C 23.D 33.B 43.A
4. D 14.A 24.D 34.D 44.C
5. D 15.B 25.B 35.A 45.C
6. A 16.A 26.C 36.A 46.A
7. D 17.A 27.B 37.A 47.D
8. D 18.B 28.A 38.D 48.C
9. B 19.C 29.D 39.C 49.D
10. C 20.A 30.D 40.D 50.D

Inihanda nina:

NOEMI G. MERCADO
Dalubguro II/Simon Gayutin Memorial Elementary School

GINALYN O. GANTE
Dalubguro I/Evangelista Elementary School

Pangkalahatang Nagwasto ng Sipi:

LIEZL E. ORBETA
Elementarya

Sinang-ayunan ni:

MAGDALENA B. MORALES
EPS-FILIPINO

FILIPINO 4
Kwarter 2
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang bawat seleksiyon. Piliin at isulat ang titik ng
wastong sagot sa sagutang papel.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nasasagot ang mga tanong mula sa napakinggan at nabasang alamat, tula, at awit
F4PN-IIIb-3.1

SITWASYON 1

Alamat ng Bulkang Taal


Noong unang panahon, may isang maliit na isla sa gitnang lawa ng Taal. Malinis,
mapayapa at maraming likas na yamang matatagpuan doon.Sa islang iyon, nakatira ang isang
dalagang nangangalaga sa lahat ng mga likas na yaman. Kilalang-kilala ang dalagang ito
dahil sa kaniyang kagandahan at pagiging bukas-palad. Kahit sino ay maaring pumitas ng
mga bungangkahoy at mga dahong ginagamit sa panggagamot.
Isa lamang ang paalala ng dalaga sa lahat ng bibisita sa isla-huwag silang pipitas ng
mga prutas at dahon na hindi nagpapaalam sa kaniya. Ang biling ito ng dalaga ay sinunod ng
mga tao ngunit hindi nagtagal ay nalimutan na nila ang bilin ng dalaga. Inabuso nila ang
kaniyang kabutihan. Lihim silang pumipitas ng mga prutas at dahon ngunit napag-alaman ito
ng dalaga. Bilang parusa sa kanila, biglang umangat ang isla at naging bundok. Mula sa
tuktok ng bundok ay bubuhos ang usok, apoy, at mga bato na ikinatakot ng mga tao. Mula
noon, hindi na nila nakita ang dalaga. Sa tuwing may dadalaw sa kaniya at kukuha ng
anomang bagay rito ay nagagalit siya at nagbabantang parurusahan ang mga taong ito.
Halaw mula sa Filipino 4 Pagbasa p. 232 ni Maria Fe L. Gonzales/MT II/Victoria Central
School

Kategorya ng Aytem: Pag-unawa

Tanong 1

Paano inilarawan ang isla sa alamat?


A. makulay at kakaiba C. masukal at madilim
B. mapayapa at malinis D. malayo at magubat

Kategorya ng Aytem: Pag-alaala

Tanong 2

Kailan nangyari ang kuwento?


A. noong isang araw C. noong isang buwan
B. noong unang panahon D. noong isang taon

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Naisusulat nang wasto ang baybay ng salitang natutuna sa aralin; salitang hiram; at salitang
kaugnay ng ibang asignatura
F4PU-IIa-j-1

Kategorya ng Aytem: Pag-alaala

Tanong 3
May mga salitang pinag-aaralan sina Jose at Caloy. Ang mga ito ay tungkol sa salitang hiram.
Pinagtatalunan nila ang mga salitang nakasulat sa pisara kung itoy hiram o katutubo kagaya ng bisita,
silid-aklatan, queso, bulwagan at batalan. Anong salita ang hiram sa mga nabanggit?
A. bulwagan B. batalan C. quezo D. bisita

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa napakinggang teksto F4PN-
IIb-12

Kategorya ng Aytem: Ebalwasyon

Tanong 4

Para sa aytem 4-5


Malapit na ang pagsusulit ni Niza pero hindi pa rin siya nakababayad nang buo
sa kaniyang matrikula. Nang magsabi siya sa kaniyang nanay, malungkot nitong
ipinaliwanag na hindi pa nagpapadala ng pera ang kaniyang tatay at problema rin niya
ang panggastos sa bahay.

Ano kaya ang resulta ng hindi pagpapadala ng pera ng kanyang tatay?


A. Nawalan ng trabaho ang kaniyang tatay.
B. Hindi pa sumusuweldo ang kaniyang tatay
C. Hindi nabayaran ang matrikula ni Niza.
D. Ayaw na niyang bayaran ang matrikula ni Niza.

Kategorya ng Aytem: Ebalwasyon

Tanong 5

Batay sa sitwasyong binasa, bakit maaantala ang pagkuha ni Niza ng pagsusulit?


A. May sakit ang ina.
B. May malaking problema ang pamilya.
C. Hindi pa nagpapadala ang kaniyang ama.
D. Nawalan ng mapagkukunan ang kaniyang ama.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nagagamit nang wasto ang pang-uri (lantay, paghahambing, pasukdol) sa paglalarawan ng tao,
lugar, bagay at pangyayari sa sarili, ibang tao at katulong sa pamayanan
F4WG-IIa-c-4

Kategorya ng Aytem: Paglalapat

Tanong 6
Anong kaantasang pasukdol ang gagamitin mo sa pangungusap na ito?
Si Arabella ay ____________ sa klase.
A. masipag B. matalino C.masinop D pinakamasipag

SITWASYON 2

Bahay Kubo
Nakakita ka na ba ng bahay kubo? Ito ay isang uri ng tahanan sa isang komunidad. Binubuo ito
ng iba-ibang uri ng materyales tulad ng pawid, sasa, kawayan, kogon, o sawali maging bilog na
kahoy at pinagtagpi-tagping lumang lawanit. Ang bubong ay puwedeng yari sa pawid o kogon at
ang kabahayan naman ay yari sa kahoy, sasa at may sawaling dingding. Kadalasan ay may batalan
din sa isang bahay kubo na nagsisilbing lagayan ng tubig na may malaking tapayan. Nakawiwiling
tumira sa isang bahay kubong ganito ang pagkakayari.
Noemi G. Mercado/MT II/Simon Gayutin Memorial Elementary School/SDO-Oriental
Mindoro

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 7

Alin ang tamang paglalarawan ng isang bahay kubo?

A. Nakakawiling tumira sa isang bahay kubo.


B. May sawaling dingding ito at batalan sa kusina.
C. Ito ay isang uri ng tahanan sa isang komunidad.
D. Ito ay yari sa pawid, sasa, kogon, kawayan at semento.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di pamilyar sa pamamagitan ng pag-
uugnay sa sariling karanasan
F4PT-IIb-1.12

SITWASYON 3

Paglalaro, Mainam
Maraming benepisyong dulot ang paglalaro lalo na sa mga bata. Napabubuti nito ang
kanilang critical thinking skills at mental development. Mainam na hikayatin ng mga magulang ang
pisikal na aktibidad ng kanilang katawan tungo sa maayos na paglaki.
Iba- ibang uri ng laro ang puwedeng ipagawa sa mga bata upang umunlad ang kanilang
pisikal na pangangatawan at isipan.
Hinihikayat din dapat ang "unstructured learning" kung saan hinahayaan ang mga batang
suriin ang kanilang mga paligid at pairalin ang iba't ibang uri ng paglalarong may kaugnay sa
sining, palakasan, at pagbabasa.
Halaw sa Yamang Filipino 4 Binagong
Edisyon

Kategorya ng Aytem: Pag-unawa

Tanong 8
Batay sa lathalain, ano ang ibig sabihin ng “unstructured learning”?

A. Pinaiiral ang ibat ibang uri ng paglalaro


B. Sistematikong uri ng pagpapaunlad ng isipan at katawan
C. Hinahayaan ang mga batang suriin ang kanilang paligid
D. Isang uri ng paglalarong may kaugnayan sa sining, palakasan, at pagbabasa.
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating karanasan/ kaalaman
F4PB-IIa-17

SITWASYON 4

Tuwing inuutusan ng nanay si Bertong itapon sa tamang basurahan ang mga basura,
inihahagis na lamang niya ang mga ito sa bakanteng lote.

Kategorya ng Aytem: Ebalwasyon

Tanong 9

Ano kaya ang maaaring mangyari?


A. Dadami ang basura sa bakanteng lote.
B. Mapaparusahan ng may ari ng lote si Berto.
C. Babalewalain ng nanay ang ginagawa ni Berto.
D. Mapapagalitan ng nanay si Berto kapag nalaman.

SITWASYON 5

Isang umaga habang nagwawalis si Jenelyn, may narinig siyang ungol ng isang
tuta. Nakita niyang basang-basa at nangangatal ito sa lamig. Ipinagtanong ni Jenelyn sa mga
kapitbahay kung kanino ang basang tuta ngunit walang umamin.

Kategorya ng Aytem: Ebalwasyon

Tanong 10

Ano ang kahihinatnan ng pangyayari?

A. Ipamimigay ni Jenelyn ang tuta sa kapitbahay.


. B. Hahayaan ni Jenelyn ang tuta sa ilalim ng halaman.
C. Kukunin ni Jenelyn ang tuta at aalagaan na lamang.
D. Ilalagay niya sa initan ang tuta para matuyo ang katawan.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Naibibigay ang paksa ng napakinggang teksto F4PN-IIc-7
(Tekstong babasahin ng guro para sa pakikinig)

Luntiang kapaligiran, maraming punongkahoy, malinis na ilog, estero, kanal at sapa


gayondin ang kalsada, iskinita, at kalye ang mga kabilang sa pinapangarap nating komunidad.
Isama pa rito ang mga ibong lumilipad sa himpapawid, mga isdang malayang lumalangoy sa
ating karagatan at ibang anyong tubig. May pag-asa pang manumbalik ang kagandahan ng
kapaligiran sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagmamalasakit sa Inang kalikasan.
Pagbabago, simulan na ngayon!
Halaw sa Yamang Filipino 4 Binagong
Edisyon

Kategorya ng Aytem: Pag-unawa

Tanong 11

Ano ang paksa ng tekstong napakinggan?

A. Kahalagahan ng mga hayop


B. Kabutihan ng mga pananim sa paligid
C. Kahalagahan ng luntiang kapaligiran
D. Pagmamalasakit sa Inang Kalikasan

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nagagamit ang uri ng pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng nasaksihang pangyayari
F4WG-IId-g-5

Kategorya ng Aytem: Pag-alaala

Tanong 12

Nakita ko siya sa palengke kahapon. Anong aspekto ng pandiwa ang may salungguhit sa
pangungusap?
A. Imperpektibo C. Perpektibo
B. Kontemplatibo D. Superlatibo

Katagorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 13

Alin sa mga pangungusap ang ginamitan ng pandiwang nasa aspektong komtemplatibo?


A. Sila ay maliligo sa ilog sa isang araw.
B. Kakabigay ko lang sa iyo ng ipinadalang regalo.
C. Isinusulat ni Eva ang mga paalaala ng kanyang guro.
D. Si Ate Lorie ay nagtitinda ng puto at kutsinta sa bayan.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nasasabi ang sanhi at bunga ayon sa nabasang pahayag, napakinggang teksto, at napakinggang
ulat. F4PB-IId-i-6.1/F4PN-IIi-18.1/F4PN-IIIi-18.2

SITWASYON 6
Sama-samang nagduduyan ang magkakaibigang Ana, Felisa, Mario, at Lucy. Iniugoy nila
ito nang malakas. Sa bigat at lakas ng pagkakaugoy, nabali ang sangang pinagkakabitan ng
duyan. Nagulat ang magkakaibigan sa nangyari.

Kategorya ng Aytem: Ebalwasyon

Tanong 14

Kung ang sanhi sa sitwasyon ay sama-samang nagduyan ang magkakaibigan at malakas ang
pagkakaugoy ng duyan, alin naman ang bunga nito?
A. Iniugoy nila ito nang malakas.
B. Napatawa ang lahat sa pangyayari.
C. Nabali ang sangang pinagkakabitan ng duyan
D. Napagkaisahang magduyan ang magkakaibigan.

SITWASYON 7

Patakbong pinuntahan ni Melanie ang dalampasigan sa Lawa ng Rinate sa may


Pakira. Naroroon ang mga angel fish. Masisiglang lumalangoy. “Salamat, Melanie at sa buong
pamayanan ng Pakira sa paglilinis na isinagawa ninyo kasama ang mga Barangay Opisyales.
“Panatilihin ninyo ang kalinisan ng tubig ng lawa at ng buong kapaligiran”, sambit ng
tagapamanihala ng proyekto. Nakasalalay sa malinis na tubig ang pagdami ng mga isda sa lawa.
Noemi G. Mercado/MT II/Simon Gayutin Memorial Elementary School/SDO-Oriental
Mindoro

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 15

Base sa pahayag, ano ang angkop na sanhi para sa inilahad na bunga?


Naroon ang mga angel fish. Masisiglang lumalangoy
A. Nagtipon- tipon ang mga mamamayan sa pamayanan.
B. Pinangunahan ng mga Barangay Opisyal ang paglilinis.
C. Pansamantalang itinigil ang paglilinis sa Lawa ng Rinate.
D. Nagsagawa ng paglilinis sa kapaligiran ng Lawa ng Rinate sakop ng Pakira.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nakasusulat ng timeline tungkol sa mga pangyayari sa binasang teksto
F4PU-IIc-d-2.1

SITWASYON 8
Dong, Ang Aking Bunso
Ipinanganak si Al Francis G. Mercado o mas kilala bilang Dong sa aming lugar
noong Hunyo 7, 2003 sa Senior Tesoro Medical Clinic, Poblacion 2, Victoria, Oriental Mindoro.
Nagsimula siyang pumasok sa Day Care sa aming Barangay Poblacion IV taong 2007. Dahil hilig
niya ang paglalaro ng bola, nagsimula siyang magsanay sa Kasibulan noong nasa elementarya
siya taong 2009 at laging napipili bilang manlalaro ng football hanggang 2013. Nakapagtapos siya
sa elementarya noong 2015. Ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Sekondarya sa Good
Shepherd Academy, Inc. hanggang 2021. Ngayong 2023, siya ay nag-aaral sa kolehiyo ng
kursong marino sa Southwestern College of Maritime, Business and Technology sa Calapan City.
Noemi G. Mercado/MT II/Simon Gayutin Memorial Elementary School/SDO-Oriental
Mindoro

Kategorya ng Aytem: Paglikha

Tanong 16

Kung ikaw ang gagawa ng timeline, mula sa binasang teksto, paano mo ito isusulat base sa mga
impormasyon?

I. 2003- Ipinangangak si Dong sa Senior Tesoro Medical Clinic


II. 2007- Pumasok ng Day Care sa Poblacion IV
III. 2013- Napili bilang manlalaro ng football sa sekondarya
IV. 2009- Napabilang sa Kasibulan
V. 2015- Nagtapos ng elementarya
VI. 2023- Nag-aaral sa kolehiyo bilang marino sa Calapan City

A. I, II, V, II, IV, VI C. I, II, II, IV, VI, V


B. I, II, IV, III, V, VI D. I, II, IV, III, VI, V

Kategorya ng Aytem: Pag-unawa

Tanong 17

Base sa timeline, alin ang dalawang huling pangyayari sa mga datos?


A. Nagtapos ng sekondarya si Dong sa Good Shepherd Academy, Inc.
Kasalukuyang nag-aaral ng marino sa Calapan City

B.Ipinanganak siya noong Hunyo 7, 2003.


Nag-aral ng Day Care noong 2007.

C. Napasali sa Kasibulan noong 2009.


Napili sa football noong 2013.

D. Nakapagtapos ng elementarya noong 2015.


Nag-aaral ng kolehiyo ngayong 2023.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nailalarawan ang elemento ng kuwento (tagpuan, tauhan, banghay, at pangyayari)
F4PN-IIe-12.1
SITWASYON 9

Plasido, Batang Sintonado


Mahilig makinig ng mga awiting Tagalog si Plasido, isang batang nasa ikaapat na baitang.
Isang araw habang naglalakad siya sa gilid ng madamong gulayan ni Aling Sepa, pasipol sipol
siya sa pag-uwi.
Tuwing tanghali, pagkatapos niyang kumain, humihimig siya ng iba -ibang awitin
tungkol sa pagkakaibigan. Ngunit may problema sa kanya. Siya ay sintonado. Wala sa tono ang
mga himig nya. Gayonpama’y nawiwili pa ring makinig ang mga kaklase niya sa kanyang mga
likha kahit ang mga ito ay wala sa tamang himig at tono.
Minsan sa kanyang klase kay Gng. Geneta, napagkaisahan ng mga kamag-aral niyang
pakantahin si Plasido. Hangang-hanga ang lahat. Sa wakas, nasa tono na si Plasido. May ngiti na
sa kanyang labi.
Noemi G. Mercado/MT II/Simon Gayutin Memorial Elementary School/SDO-Oriental
Mindoro

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 18

Alin sa sumusunod ang angkop na tagpuan sa kuwentong iyong binasa?


A. Ngunit may problema sa kanya. Sintonado siya.
B. Nasa madamong na taniman ng gulay ni Aling Sepa.
C. Pinagkaisahang pakantahin si Plasido sa silid aralan.
D. Isang araw habang naglalakad sa madamong gulayan ni Aling Sepa.

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 19

Ang sumusunod ay mga tauhan sa kuwento, MALIBAN sa isa. Alin ito?


A. Aling Sepa B. Gng. Geneta C. Plasido D. Santino

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos, ginawi , sinabi at naging damdamin F4PS-IIe-f-12.1

Kategorya ng Aytem: Paglalapat

Tanong 20

“Dapat ay nag-aral ako kagabi sa halip na naglaro ng gadget. Sana’y hindi ako bumagsak sa
pagsusulit”, himutok ni Aleli. Kung ikaw si Aleli, ano ang gagawin mo?

A. malulungkot B. magmamaktol C. magsisisi D. magtatampo


Kategorya ng Aytem: Pagtataya

Tanong 21

Pabalik-balik si Richard. Hindi siya mapatali sa kanyang lugar. Madalas na tumitingin sa


kanyang relo. Hindi pa kasi dumarating ang bus na maghahatid sa kanila patungo sa piyer.

Paano mo ilalarawan ang kilos ng tauhan?


A. naiinip B. nag-aalala C. natatakot D. natataranta

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (pamatlig) – Patulad, pahimaton, paukol – paari,
panlunan, paturol sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan
F4WG-If-j-3

SITWASYON 10

Basahin ang dayalogo.


Perla: Ako’y napadaan diyan sa may tindahan sa may kanto. Narinig ko ang usapan
tungkol sa aksidenteng nangyayari araw-araw sa kalsada. Naku! Ay talaga namang
pagkakahigpit nga ng mga motorista sa kalye.
Morena: Aba nga. Tinalakay po ba ________ ang dahilan ng mga aksidente?
Sana’y lagi nilang isaisip ang kaligtasan sa kalsada upang maiwasan ang
aksidente.

Kategorya ng Aytem: Paglalapat

Tanong 22

Sa dayalogong iyong binasa, anong panghalip na pamatlig ang iyong gagamitin?


A. dito B. doon C. rito D. roon

Kategorya ng Aytem: Paglalapat

Tanong 23

Sa pangungusap na ito, Pinaghahandaan ng mga mag-aaral ang pag-uulat na kanilang gagawin.


_________ sila sa bahay ng kanilang kamag-aral at nag-uusap.

Alin ang angkop na pamatlig para sa pangungusap?


A. Heto B. Hayan C. Hayun D.Riyan
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
Nagagamit ang aspekto (panahunan) ng pandiwa sa pagsasalaysay ng nasaksihang pangyayari
F4WG-IId-g-5

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 24

Alin sa mga pangungusap ang ginamitan ng pandiwang nasa aspektong kontemplatibo?


A. Si nanay ay nagluluto ng masarap na bibingka.
B. Kakagising pa lamang ni Mutya.
C. Kami ay mamimitas ng mga hinog na bayabas.
D. Dinidilig ni Ising ang halaman ni Inay.

Kategorya ng Aytem: Paglikha

Tanong 25

Kung bubuo ka ng pangungusap gamit ang mga salita sa ibaba, anong pangungusap na may
pandiwang kontemplatibo ang malilikha mo?

1.sa Robles
2.tuwing Linggo
3.ay namamasyal
4.nina James
5.Ang mag-anak

A. 1-2-3-4-5 B. 3-1-2-4-5 C. 4-2-3-1-5 D. 5-4-3-2-1

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa ugnayang salita-larawan. F4PT-IIb-f-6

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 26

Suriing mabuti ang salitang may salungguhit sa pangungusap sa ibaba, alin ang angkop na
kahulugan para rito gamit ang larawan?
Salamat, aking ina, sa pag-aaruga mo sa akin.

A. B. C. D.
(Ang mga larawan ay gawa ni Jeffrey L. Olympia,
Illustrator mula sa Victoria Central School)
Kategorya ng Aytem: Pag-unawa

Tanong 27

Alin sa sumusunod na salita ang angkop na kahulugan ng salitang may salungguhit?


Maraming kabataang artista ang pinarangalan para sa kanilang natatanging
pagganap sa nakaraang 2023 Summer Film Festival sa Metro Manila.

A. Pinagsawaan
B. Pinapurihan
C. Pinagpaguran
D. Pinasinayahan

Ang larawan ay mula sa https://www.youtube.com/watch?v=NdIo8sAwWyc

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nakasusulat ng talatang naglalarawan F4PU-IIe-g-2.1

Kategorya ng Aytem: Paglikha

Tanong 28

Kung gagawa ka ng paglalarawan batay sa mga datos sa ibaba, paano mo ito susulatin?

I. Tuwang –tuwa si Manang Precy sa ginawa ni Ate Abby.


II. Ibinalik niya kasi ang sobrang sukli sa tindahan ni Aleng Lorna.
III. Biyernes ng hapon, nakauwi na mula sa paaralan si Ate Abby. Inutusan siya
ng kanyang ina, si Manang Precy upang bumili sa tindahan ng mantika.
IV. Nakabili na si Ate Abby, nang pauwi na siya ay napansin niyang sobra ang
sukli sa kanya ni Aleng Lorna.

A. III, I, II, IV B. III, IV, I, II C. III, IV, II, I D. III, I, IV, II


SITWASYON 11

Bellang Marikit, Batang Paslit


May isang batang maliit sa aming lugar. Kung tawagin siya’y Bellang marikit. Tatlong
taong gulang siya. Bibo, madaldal, palangiti, magalang, may angking kagandahan at mahusay
sumayaw ang ilan sa kanyang mga katangian. Hindi siya utal. Tuwid manalita at may angking
kahusayan din sa pagtula.
Minsan, ako’y napadaan sa kanilang tahanan upang kausapin ang kanyang
Ina. Aba, sinalubong agad ako at nagwika, “Sino po ikaw? Hinahanap nyo po ba ang mama ko?”
tanong niya sa akin. Ako’y natulala at humanga nang bahagya. Tanging nasabi ko’y, “Yes, baby
girl, nandyan ba siya”?
Noemi G. Mercado/MT II/Simon Gayutin Memorial Elementary School/SDO-Oriental Mindoro

Kategorya ng Aytem: Paglikha

Tanong 29

Upang makompleto ang mga datos para sa talatang naglalarawan, alin sa sumusunod na
pangungusap ang akma para dito?
A. Naging idolo ko siya.
B. Pinasaya niya ako sa paglalambing niya.
C. Nagkuwento na siya tungkol sa kanyang mama.
D. Pinapasok niya ako nang akoy magtanong tungkol sa kanyang mama.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nagagamit ang panagano ng pandiwa-pawatas- pautos, pagsasalaysay ng napakinggang usapan
F4WG-IId-g-5

Paalaala: Para sa Tanong 30-31, babasahin ng guro ang usapan habang nakikinig ang mga mag-aaral. Susuriin nila
ang tamang gamit ng pandiwa.

“Isuot mong mabuti ang


“Ate Helen, sasali rin iyong helmet at guwantes
ako sa paligsahan sa Para ikaw ay safe sa
pagbibisekleta. Puwede pagbibisekleta mo sa kalye”.
ga
po”?
“Oo naman, ___________ ka
palagi para mapasali ka sa
palig sahan. Gagawa ka ng mga
istratehiya para alam mo
gagawin mo”.

(Ang mga larawan ay gawa ni Jeffrey L. Olympia,


Illustrator mula sa Victoria Central School)
Kategorya ng Aytem: Paglalapat

Tanong 30

Alin ang angkop na pandiwa para sa usapan?


A. magsanay B. magsasanayC. nagsanay D. nagsasanay

Kategorya ng Aytem: Paglikha

Tanong 31

Kung bubuo ka ng pangungusap na ginagamitan ng pandiwang nasa anyong pawatas, alin sa


sumusunod ang pipiliin mo?
A. Maglalaba ka ba ngayong umaga?
B. Tumalon sa bakod ang magnanakaw.
C. Sumimba ang mag-anak na Reyes kanina.
D. Kumuha ka ng tatlong takal na asukal sa grapon.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nakasusunod sa nakasulat na panuto F4PB-IIi-h-2.1

Kategorya ng Aytem: Paglalapat

Tanong 32

Maraming basura ang naipon matapos ang ginawang peace rally sa inyong barangay. Alin sa
sumusunod ang gagawin mo para masunod ang panutong: Paghiwa-hiwalayin ang mga basura?
Paghiwa-hiwalayin ang mga basura

A.
B.
C.
D.

(Ang mga larawan ay iginuhit ni Jeffrey L. Olympia, Illustrator mula sa Victoria Central School?

Kategorya ng Aytem: Paglalapat

Tanong 33
Sa inyong computer laboratory ay nakapaskil ang larawan sa ibaba. Ano ang inyong gagawin
kapag nakita mo ito?

A. Hayaang nakataas ang switch ng ilaw.


B. Ibaba ang switch ng ilaw kung hindi na ito gagamitin.
C. Ilaan ang switch ng ilaw para sa ibang gagamit.
D. Panatilihing laging nakabukas ang switch ng ilaw.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nakasusulat ng panuto gamit ang dayagram F4PU-IIf-2

Kategorya ng Aytem: Pagtataya


Nabubulok

Tanong 34 basura
Tingnan ang dayagram, alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng Di-nabubulok
angkop na panuto tungkol dito?

A. Panatilihin ang kalinisan sa silid- aralan.


B. Bawal mamitas ng mga bulaklak sa hardin.
C. Iwasan ang mag- ingay sa loob ng simbahan.
D. Paghiwalayin ang mga nabubulok sa hindi nabubulok.

Kategorya ng Aytem: Paglikha

Tanong 35

Kung ang nakasulat sa dayagram ay “Clean as You Go”, anong kaisipan ang maaaring iugnay
dito?
Clean

YOU
GO
AS

A. Iwasan ang kalat sa kapaligiran. C. Ang kalinisan ay kayamanan.


B. Daig ng maagap ang masipag. D. Panatilihin ang katahimikan.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nakasusulat ng sariling talambuhay at liham na humihingi ng pahintulot na magamit ang silid-
aklatan F4PU-IIh-i-2.3

Kategorya ng Aytem: Paglikha


Tanong 36

Kung gagawa ka ng liham na humihingi ng pahintulot sa paggamit ng silid-aklatan ayon sa mga


sumusunod na datos, paano mo ito bubuoin?

Lubos na sumasainyo, Mahal na G. Ricardo, Paaralan ng Victoria


I. Ginang Felize R. II. III. Central
Atienza Poblacion IV, Victoria,
Punongguro Or. Mdo.
Hunyo 12, 2023
Pagbati!
IV. Kami ay lubos na humihingi ng pahintulot sa inyong
tanggapan upang payagan ang aming mga mag-aaral na G. Arthur Ricardo
makagamit ng inyong silid-aklatan para sa pagsasaliksik Punongguro
ng tungkol sa Lalawigan ng Oriental Mindoro. Paaralan ng Victoria
Inaasahan po naming ang inyong positibong pagtugon. Central
Maraming salamat po. V

A. III, V, II, IV, I B. III, II, V, IV, I C. III, V, II, I, IV D. III, V, IV, I, II

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 37

Suriin ang liham sa paghingi ng pahintulot na makagamit ng silid-aklatan.

Poblacion IV, Victoria,


Oriental Mindoro
Mayo 10, 2023
Mahal na Gng. Reyes,

Magandang araw.
Kami ay humuhingi ng pahintulot na makagamit ng inyong silid-aklatan
upang makapagsaliksik ang mga piling mag-aaral ng aming paaralan sa asignaturang Filipino.
Lubos na gumagalang,
Gng. Noemi Mercado
Gurong Tagapayo

Paano niya isinulat ang kaniyang liham?


A. sa pamamagitan ng pagtawag sa kaklase at magsaliksik
B. sa pamamagitan ng pagdikit ng larawan sa silid-aklatan
C. sa pamamagitan ng pagsama sa magulang sa paaralan upang magsabi
D. sa pamamagitan ng wasto at magalang na pagsulat ng liham na humihingi ng
pahintulot
Kategorya ng Aytem: Pagtataya

Tanong 38

Sa iyong palagay, pahihintulutan kaya sila ni Gng. Reyes na makagamit ng silid-aklatan para sa
kanilang pananaliksik? Bakit?

A. Hindi po sapagkat kulang na ang aklat sa kanilang silid.


B. Opo, sapagkat marami silang gagamit na magkakaklase.
C. Hindi po, dahil hindi tama ang kanilang liham na ginawa.
D. Opo, dahil naging maayos at magalang ang kanilang liham.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Napagsusunod-sunod ang mga detalye/ pangyayari sa tekstong napakinggan sa pamamagitan
ng tanong F4PN-IIh-8.2

SITWASYON 12

Paalaala: Para sa Tanong 39-40, babasahin ng guro ang teksto habang nakikinig ang mga mag-aaral.
Mahiwagang Kopita
Isang araw sa gilid ng Bundok Hikok, may dalagang laging pumupunta sa malawak na
damuhan. Siya si Robita. Mahilig siyang kumuha ng iba-ibang prutas sa kanilang taniman.
Kinukuha niya ang katas ng prutas upang gawing inumin. Lagi niya itong ginagawa. Pinatutuyo
niya ang mga balat ng prutas upang maging panlaban sa lamok.
Minsan habang naghahanda siya ng mga pagkain sa kusina, napansin niya ang isang
kopitang kakaiba ang kulay at napakaliit. Nilagyan niya ito ng inuming inihanda niya. Nag-iba
ang kulay nito. Naging napakatingkad na ginto. Nagulat siya sapagkat nang gamitin niya ito,
guminhawa ang pakiramdam niya. Nagtakal muli siya ng inuming inihanda mula sa mga
pinagsama-samang prutas. Uminom siyang muli. Presto! Muling guminhawa ang pakiramdam
niya. Mula noon, ang mga nagiging panauhin niya ay pinaiinom sa mahiwagang kopita.
Noemi G. Mercado/MT II/Simon Gayutin Memorial Elementary School/SDO-Oriental
Mindoro

Kategorya ng Aytem: Paglalapat

Tanong 39

Kung ikaw si Robita, ano ang una mong gagawin?


A. Kinuha niya ang sabaw ng prutas.
B. Napansin niya ang isang maliit na kopita.
C. Nagtakal muli siya ng inuming inihanda niya.
D. Kumuha siya ng mga prutas sa kanilang taniman.

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 40

Aling bahagi ng teksto ang pinakahuling nangyari?


A. Nagtakal siya ng inumin sa kopita.
B. Pinatuyo niya ang mga balat ng prutas.
C. Pumunta siya sa malawak na damuhan.
D. Guminhawa ang pakiramdam niya at ng mga bisita.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nagagamit nang wasto ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos F4WG-IIh-j-6

Kategorya ng Aytem: Paglikha

Tanong 41

Inatasan kang bumuo ng pangungusap na nagpapakita ng gamit ng pang-abay mula sa mga


parirala sa ibaba, alin sa mga ito ang mabubuo mo?

ang mga tanod/masigasig na nagroronda/sa bawat barangay/at gumaganap sa tungkulin


1 2 3 4
A. 2-1-3-4 B. 2-4-1-3 C. 2-4-3-1 D. 2-1-4-3

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Tanong 42

Ang mga sumusunod na pangungusap ay gumamit ng pang-abay at pandiwa MALIBAN sa isa.


Alin ito?
A. Matangos ang ilong ng aking kaibigan.
B. Magaling kumanta ang paborito kong artista.
C. Matiyaga naming tinapos ang aming proyekto.
D. Ang mga manonood ay malakas pumalakpak.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Natutukoy ang mga sumusuportang detalye sa mahalagang kaisipan sa nabasang teksto
F4PB-IIh-11.2

SITWASYON 13

Ang niyog ang may pinakamaraming gamit sa lahat ng mga puno na alam ko. Mahusay
na panggatong ang katawan nito.Ang mga dahon nama’y ginagawang basket, walis, at mga
kagamitang pambubong. Ang bunga ang pinakamahalagang bahagi nito. Ginagawa itong gata,
copras, at langis.Ang balat ng bunga ay ginagawang iskoba, bunot, at mga kutson. Ang bao ay
nagagawang mga alkansiya, butones, plorera, disenyo sa bahay at laruan.Mula naman sa laman
ng bunga, maaring makakuha ng langis na maaaring gawing kendi at gamot. Nanggagaling din
sa laman nito ang mga sangkap na magagamit para sa paggawa ng keyk, ice cream, pabango at
iba pa.

Kategorya ng Aytem: Paglalapat

Tanong 43

Anong pantulong na detalye ang gagamitin mo upang ipahayag ang diwa ng teksto?
A. Mahusay na panggatong ang mga sanga nito.
B. Hindi nabulok ang katawan nito dahil hindi naman kasintigas ng ibang puno
C. Galing sa ugat ng niyog ang mga sangkap sa paggawa ng pabango, sabon, a iba pa.
D. Ang mga dahon nito’y ginagawang basket, walis, at mga kagamitang pambubong.

Kategorya ng Aytem: Pagtataya

Tanong 44

Batay sa tekstong binasa, bakit kaya may pinakamaraming gamit ang puno ng niyog?

A. Sapagkat naglalaman ito ng mga sangkap sa paggawa


B. Sapagkat ang bao nito ay nagagawang mga alkansiya, butones, plorera, at laruan.
C. Sapagkat mula naman sa laman ng nga bunga nito ay maaring makakuha ng langis at
makagawa ng kendi at gamot.
D. Sapagkat nanggagaling din sa bunga nito ang mga sangkap na magagamit para sa
pabango, sabon, sorbetes, ulam, at keyk.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nagagamit nang wasto ang pang-abay at pandiwa sa pangungusap F4WG-IIh-j-6

Kategorya ng Aytem: Paglalapat

Tanong 45

Buoin ang pangungusap.


Ang mga bayani ay ________________ na nakipaglaban sa mga dayuhan upang maipagtanggol
ang ating bansang Pilipinas.

Aling pang-abay ang angkop para sa pandiwang may salungguhit ang pangungusap?
A. buong-tapang B. buong-husay C. buong pusong D. buong ligayang

Kategorya ng Aytem: Paglikha

Tanong 46
Kung bubuoin mo ang pangungusap sa ibaba, aling pang-abay ang gagamitin mo?
_________ magsalita ang anawnser sa ginanap na Miss Universe.
A. Mahusay B. Marami C. Pabulong D. Pasigaw

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nagagamit nang wasto ang pang-abay at pang-uri sa pangungusap F4WG-IIh-j-6

Kategorya ng Aytem: Pag-alaala


Tanong 47

Maraming nagkakasakit ngayon dahil masama ang panahon. Anong bahagi ng pananalita ang
may salungguhit?
A. pang-abay B. pandiwa C. pangngalan D. pang-uri.

Kategorya ng Aytem: Pag-alaala

Tanong 48

Alin ang angkop na salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap? ________magluto ang
aming kusinera sa aming restawran.
A. Mahusay B. Malaki C. Mabigat D. Masarap

Kategorya ng Tanong: Paglikha

Tanong 49

Nagpapatulong ang iyong kapatid sa takdang aralin tungkol sa pagbuo ng pangungusap na may
pang-abay at pang-uri. Tinulungan mo siyang mabuo ito. Alin ang tamang pangungusap ang
nabuo niya sa mga salitang iyong ibinigay?

may magandang dalagang/Sa aming lugar/ng Pandanggo sa Ilaw/mahusay sumayaw


A B C D
A. A-B-C-D B. B-A-D-C C. C-D-A-B D. D-C-A-B

Kategorya ng Tanong: Pagtataya

Tanong 50

Bakit pang-abay ang uri ng salitang may salungguhit sa pangungusap na ito?


Mahusay sumayaw si Gina kaya siya ang napili upang manguna sa mga mananayaw
ng paaralan.
A. Naglalarawan ito sa panggalang Gina.
B. Nagbibigay –turing ito sa salitang napili
C. Nagbibigay turing ito sa salitang mananayaw
D. Naglalarawan ito sa salitang sumayaw

Susi sa
Pagwawasto
1.
1. B 11. D 21. B 31. D 41. B
2. B 12. C 22. D 32. C 42. A
3. C 13. A 23. A 33. B 43. C
4. C 14. C 24. C 34. D 44. A
5. C 15. D 25. D 35. A 45. A
6. D 16. B 26. B 36. B 46. A
7. C 17. D 27. B 37. D 47. D
8. D 18. B 28. C 38. D 48. D
9. A 19. D 29. D 39. A 49. B
10. C 20. C 30. A 40. D 50. D

Inihanda nina:

NOEMI G. MERCADO
Dalubguro II/Simon Gayutin Memorial Elementary School

GINALYN O. GANTE
Dalubguro I/Evangelista Elementary School

Pangkalahatang Nagwasto ng Sipi:

LIEZL E. ORBETA
Elementarya

Sinang-ayunan ni:

MAGDALENA B. MORALES
EPS-FILIPINO

You might also like