f10 - 2nd Grading Exam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEP.ED.Region X - Northern Mindanao


DIVISION OF LANAO DEL NORTE
SAMBURON INTEGRATED SCHOOL
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 10
TALATANUNGAN

PANGKALAHATANG PANUTO: Isulat lahat ng sagot sa inyong talatanungan.

I. Panuto: Piliin at markahan ang tamang sagot sa iyong talasagutan.

1. Katawa- tawa at magaang mga paksa o tema at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.
a. Komedya b. Melodrama c. Tragikomedya d. Saynete
2. Ang tema o paksa nito'y mabigat o nakakasama ng loob, nakakaiyak, nakakalunos, ang mga tauhang karaniwang
nasadlak sa kamalasan, mabibigat na suliranin, kabiguan, kawalan at maging kamatayan.
a. Trahedya b. Melodrama c. Tragikomedya d. Saynete
3. Ito ay sadyang namimiga ng luha sa manonood na para bang wala nang masayang bahagi sa buhay kundi pawang
problema at kaawa- awang kalagayan na lamang ang nangayayari sa araw- araw. Ito ay karaniwang napapanood sa
mga de-seryeng palabas sa telebisyon.
A. Komedya b. Melodrama c. Tragikomedya d. Saynete
4. Sa anyong ito ng dula ay magkahalo ang katatawanan at kasawian kung saan may tauhang katawa- tawa tulad ng
payaso para magsilbing tagapagpatawa subalit sa huli ay nagiging malungkot dahil sa kasawian o kabiguan ng
mahahalagang tauhan.
A. Komedya b. Melodrama c. Tragikomedya d. Saynete
5. Itinuturing sa isa sa mga dulang panliban ng mga huling taon ng pananakop ng mga espanyol sa ating bansa. Ang
paksang ito ay naglalahad ng mga kaugalian ngbisang lahi o katutubo, sa kanyang pamumuhay, panganib at
pakikipagkapwa. Isang halimbawa nito ang la india elegante y negrito amante ni francisco balthazar na isa sa mga
libangang saynete nang panahon ng espanyol.
A. Trahedya b. Melodrama c. Tragikomedya d. Saynete
6. Dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kwento. Ang mga aksyon ay slapstick na walang ginawa kundi
magpaluan, maghampasan, at magbitiw ng mga kabalbalan. Karaniwan ito napapanood sa mga comedy bar.
a. Saynete b. Proberyo c. Parody d. Parse
7. Anyo ng dulang mapanudyo, ginagaya ang mga kakatuwang ayos, kilos, pagsasalita, at pag- uugali ng tao bilang
isang anyo ng komentaryo o pamumuna o kaya'y pambabatikos na katawa- tawa ngunit may tama sa damdamin ng
mga kinauukulan.
a. Saynete b. Proberyo c. Parody d. Parse
8. Kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain ang kuwento ay pinaiikot dito
upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.
a. Saynete b. Proberyo c. Parody d. Parse
9. Isinasagawa ang ____ tuwing buwan ng Mayo. Ito ay pagtatanghal tungkol sa paghahanap ni Reyna Elena sa krus
na pinagpakuan kay Kristo. Ito ay naging kaugalian na sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Bulacan, Bataan, Rizal at
Kabikulan.
a. Tibag b. Senakulo c. Sarsuwela d. Panunuluyan
10. Hindi maaaring mawala ang ______ sa mga liwasan pagsapit ng kuwaresma o mahal na araw. Nagtatayo ang
parokya ng isang entabladong malapit sa simbahan at ito ang magsisilbing dulaan.
a. Tibag b. Senakulo c. Sarsuwela d. Panunuluyan
11. ito ay dulang pumapaksa rin sa relihiyon. Ang salitang moro ay hango sa salitang Moors o salitang tawag sa mga
Muslim sa kaharian ng Albania sa bayan ng Granada sa Espanya.
a. Tibag b. Moro-moro o komedya c. Sarsuwela d. Panunuluyan
12. ito ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog na nahihingil sa mga punong damdamin ng
tao tulad ng pag-ibig, kapootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan, at iba pa o kaya naman ay tungkol sa mga
suliraning panlipunan o pampolitika.
a. Tibag b. Senakulo c. Sarsuwela d. Panunuluyan
13. Tuwing sasapit ang pasko isinasagawa ang ________. Ginaganap ito sa bisperas ng Pasko o Disyembre 24 ng gabi
bago mag-misa de gallo. Sina Maria at Jose ay naghahanap ng bahay na masisilungan at mapagsisilangan kay
Hesus.May ilang bahay ang kanilang pinakiusapan subalit mabibigo sila sa dahilang pawang walang bakante
hanggang sa makarating sila sa simbahan kung saan ang altar ay ginawa ng kubong sabsaban at ditto sila titigil upang
si Maria ay manganak.
A. Tibag b. Senakulo c. Sarsuwela d. Panunuluyan
14. isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guni-guni, pinaparating sa ating damdamin at
ipinahahayag sa pananalitang may angking kariktan o aliw-iw.
a. dula b. tula c. awit d. alamat
15. ang pare- pareho o halos magkakasintunog na dulum pantig ng bawat taludtod ng tula. Ang mga dalumpatinig na
ito ay maaaring nagtatapos sa patinig o katinig.
a. sukat b. tayutay c. tugma d. taludtod
16. Ito nng bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong. Ang karaniwang sukat na ginagamit ay ang labindalawa,
labing- anim, at labing walong pantig. Basahin ang halimbawa sa ibaba.
a. sukat b. tayutay c. tugma d. taludtod
17. Ang pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng dula nakakapagdaragdag ito sa ganda at balanse ng tula bukod pa
sa nakapagbibigay rin ng pagkakataon para sa makata na magbabago ng tono ng paksa sa kanilang tula.
a. tugma b. saknong c. taludtod d. sukat
18. Ito ay mga salitang binabanggit sa tulang nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
a.simbolisomo b. sukat c. tayutay d. larawang-diwa
19. Ito ang mga simbolong o mga bagay na ginagamit sa tulang may kinakatawang mensahe o kahulugan at
nagpapalalim sa diwa o esensiyang taglay ng tula.
a.simbolisomo b. sukat c. tayutay d. larawang-diwa
20. Ang ____ ay mga pahayagna di tuwarin o di literal ang kahulugang taglay at sa halip ay may nakabubling mas
malalim na kahulugan.
a. tayutay b. idyoma c. matatalinghagang salita d. kariktan
21. mga pahayag na karaniwang hango mula sa karanasan ng tao, mga pangyayari sa buhay at sapaligid subalit
nababalutan nang higit na malalim na kahulugan.
a. tayutay b. idyoma c. matatalinghagang salita d. kariktan
22. Isa pang uri ng matatalinghagang pagpapahayag kung saan sadyang lumalayo ang nagpapahayag sa karaniwang
paraan ng pagsasalita upang higit na mapaghanda o mabigya ng halina ang isunusulat o sinasabi.
a. tayutay b. idyoma c. matatalinghagang salita d. kariktan
23. paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga pariralang ng, gaya, at iba pa.
a. pagtutulad b. pagmamalabis c. pagwawangis d. pag-uyam
24. naghahambing din ito tulad ng pagtutulad ngunit ito ay tiyak naghahambing at hindi gumagamit ng pariralang
tulad ng, gaya ng, at iba pa.
a. pagtutulad b. pagmamalabis c. pagwawangis d. pag-uyam
25. lubhang pinapalabis o pinakukulang ng isa tao sa isang bagay na walang buhay.
a. pagtutulad b. pagmamalabis c. pagwawangis d. pag-uyam
26. pagbibigay-katangian ng isang bagay na walang buhay.
a. pagtatawag b. pagpapalit-saklaw c. pagbibigay-katauhan d. pag-uyam
27. pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuoan.
a. pagtatawag b. pagpapalit-saklaw c. pagbibigay-katauhan d. pag-uyam
28. ito naman ay ang tila pakikipag-usap sa karaniwang bagay sa malayo o wala naman.
a. pagtatawag b. pagpapalit-saklaw c. pagbibigay-katauhan d. pag-uyam
29. ito ay isang pangungutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang kapuri-puri ngunit kabaliktaran naman
ang kahulugan.
a. pagtutulad b. pagmamalabis c. pagwawangis d. pag-uyam.
30. Ang _____ay isang sining ng pakikipagtalastasan na naglalayong ilahad ang kaisipan at damdamin hinggil sa isang
paksa sa pamamagitan ng wasto at mabisang pagbigkas.
a. tula b. dula c. pagtatalumpati d. pagkukuwento

II. Panuto: Piliin sa kabilang hanay ang kahulugan ng mga sumusunod na Idyoma. Titik lamang ang isulat sa patlang.
Hanay A Hanay B
_______31. Alog na ang baba a. Payat na payat
_______32. Anak-pawis b. Libingan
_______33. Bahag ang buntot c. Walang trabaho
_______34. Balat-sibuyas d. Patay na
_______35. Buto’t balat e. Mayabang
_______36. Huling hantungan f. Duwag
_______37. Usad-pagong g. Matanda na
_______38. Kamay na bakal h. Magpasensiya
_______39. Maghigpit ng sinturon i. Masaya
_______40. Mahaba ang pisi J. Mabagal
_______41. Malaki ang ulo k. Maawain
_______42. Nagbibilang ng poste l. Mahirap
_______43. Nakalutang sa ulap m. Magtipid
_______44. Pantay ang paa n. Mahigpit na pamamalakad
_______45. Pusong-mamon o. Maramdamin

III. Tukuyin ang tayutay na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa linya.
____________________46. Siya ay ubod ng gandana mistulang isang bulaklak.
____________________47.Bumaha ng dugo.
____________________48.Ang bansang Pilipinas ay 1st world class country.
____________________49.Maraming puso ang sugatan ng siya’y ikasal.
____________________50. Lumuhod ang mga tala.

You might also like