Professional Documents
Culture Documents
Script Ni Ryan
Script Ni Ryan
GANAP MO…
BUKANG-LIWAYWAY
(papasok si Ryan ng excited at may nakitang papel)
Tita Julie: Ryan… Ryan….Ryan….Maghanda ka na ng hapunan! Bilis! Wag tatamad tamad! (galit)
Puro ka nalang guhit! Tingnan mo nga yan
Tita Julie: Wag mo akong abusuhin! Hindi ako salot katulad mo! Hindi ako Muslim. Mga malas kayo!
Dahil sayo Nawala ang ate ko.. Wala kang magandang maidulot sa lipunan.
Dapat lang sa mga kalahi mo…Ang sumabak sa gyera. Kasi walang kwenta kayo
Ryan: Opo
T: Ano to!? Bat walang lasa tong tinola mo? Aba hindi ka nan ga makapagsalita ng maayos pati ba n man sa pagluluto!
T: Ah ganun…Ako pa ngayon ang sinisisi mo? Oh Ayan, kasalanan ko naman diba? Hindi nko kakain… sayong sayon a
lahat yan! Nakakahiya nman sayo diba! (shout)
R: Bakit ba ganun si mamu… hindi naman siyanganun dati ah (crying) ang bait bait pa nga nya sa akin eh.. Dahil ba sa
totoo ang sinabi nya… na malas kmi. Na wala kaming kwenta, pero diba pare-parehas lang nman ang lahat ng tao. Dahil
ba sa pagkamatay ni ina… wala nman akong kasalanan dun diba? Mahal na mahal ko rin naman si ina.. ayoko rin nman
syang mamatay… sana bumalik na yung mamu kong dating mapagmahal,… ( kinukuha mga gamit)
T: Makinig ka, bukas diba sabado, wag kang papasok ng Madrasah… dahil kailangnan mong ibenta ang mga kakanin kay
Aling Maring! Para may tulong ka naman! Hindi puro ka nlng lamon! Naiintindihan mo?!!
T: Wala akong PAke! At saga dagdag gastos lang yun! Mahirap maghanap ng pera ngayon! Wala nan ga tayong makain..
Ano ba nakukauha mo sa pagsali dyan! Makakatulong bay an sa pang-araw-araw na gastos natin..? Pero hindi… Kaya
magtigil tigil ka…
R: opo
T: (habang umiiyak) Patawarin mo ang mamu.. naging malupit ako sayo. Pasensya na kung hindi ako kasing lakas mo.
Pasensya na kung hindi ko pinaalam ang pagkamatay ng ina mo. Pero konti nlng… Matatanggap ko rin .. sana mahintay
mo pa ako… mahal na mahal ko ang pamangkin ko…. (kinumutan ng maayos at umalis)
UMAGA….(nagising si Ryan)
R: Buti nlng napatanghali ng gising si mamu.. makakadalo rin ako sa contest ng Madrasah.
(Nilipit ang hinigaan at nagmamadaling lumabas)
(bumalik si Ryan at… sinisilip kung magigising si Tita Julie.. may nahulog na gamit kay Ryan:)
T: (nagising) Ryan.. Asan ka b?! Maghanda ka nga ng pananghalian..! Alas dose na.. Ryan..! Saan ba nagpunta yung
batang yun.. (Nakita nya yung nahulog na gamit ni Ryan at bumalik sa pagkakaupo)
(naghihintay si Tita sa pagdating ni ryan)
T: Diba sabi ko sayo wag ka nga pumasok sa Madrasah..dahil kailangang mong ilako mga kakanin kay Alin MAring.. Pano
tayo magkakapera nyan..? Ngayon anong kakainin natin..? (lalapit sya kay Ryan at kukunin ang medalya sa leeg) eto, eto
eto, hayan ha…. Ha ha.. (galit)
T: (galit na galit) Anong tama na… ha.. wala ka talgang kwenta!!! Hindi ka talga marunong sumunod… wala kang
kwenta!!!! Wala kang utang na loob…!!! Pasalamat ka nga kinupkop kita! Dahil sayo namatay ate ko..!!! OO… dahil sayo
Nawala ang ate ko…!!! Naiintindihan mo?!!! Kung hindi kalang sana nagpumilit… sana buhay pa ang ate ko…
( continue crying…. Heavy emotions) 1 minute… then babangon si ryan mula sa pagkakahiga habang umiiyak…
R: (umiiyak na may hikbi) Mamu… mamu… hindi ko nman ginustong mamatay si ina… at saka pwede naman akong
umalis para hindi ka na mahirapan… wag npo kayong magalit sa akin. Eto po premyo ko po.. pambili ng bigas… ( kukunin
yung painting…) at saka para sa inyo po ito mamu… salamat po sa pag-aalaga… pasensya npo kayo… nagging pabigat po
ako sa inyo..
(paalis na sana si Ryan nang sinubukang tingnan ni Tiya Julie ang painting)
R: Tayo po yang dalawa mamu… gusto ko po kasing magpunta sa dalampasigan na kasama po kayo at masilayan ang
bukang liwayway…. alam ko nman po na hindi kayo papayag eh… kaya ginuhit ko nlang.. nagustuhan nyo po ba?...
T: Ryan, pamangkin ko… patawarin mo ang mamu.. pasensya na sa naging trato ko sayo.. patawarin mo ko.. Alam mo
naman, na mahal na mahal ko ang ina mo diba?.. kasi, sya lang ang kapatid ko… kaya hindi ko kinaya nung nawala sya sa
akin… kaya ikaw ang napag buntunan ko ng galit at lungkot.. Pero pinapangako ko sayo… mula ngayon, aalagaan at
mamahalin kitang Mabuti. Papatapusin narin kita ng Arabic.. kung yan ang gusto mo..
T: syempre, hindi yun totoo.. (habang isinusuot ang muslim hat) lahat ng tao ay pantay pantay, kahit ano man ang antas
mo sa buhay, at kung anong pinang galingan.. dahil ang kabaitan ay hindi nasusukat sa dugo, kundi sa puso… kaya ko
lang naman nasabi sayo yun yung dati dahil sa inis ko sa papa mo dahil iniwan kayo ng ina mo. Pero wag kang mag-alala,
kung nasaan man sya ngayon… tiyak magiging masaya sya. Pag nalaman nya na ang relihiyong pinili mo ay ang relihiyon
nya, at higit sa lahat, dahil mabait kang bata..
R: talaga po..? ibig po bang sabihin nun, hindi po talaga kayo galit sa akin?
T: Hindi nga… at mula ngayon, ituturing na kitang parang sarili kong anak…
R: (kukunin yung painating) kung ganun… pwede po ba nating gawin sa totoong buhay yung ginuhit ko? Pwede po ba
tayong manuood ng bukang liwayway?
(mag yayakapan)
CURTAINS….