Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mensahe sa mga Magsisipagtapos sa ika-anim na baiting

Sa kapitapitagang punong-guro ng_________________________________________na si


__________________________, sa mga sundalo ng karunungan, ang ating mga kaguruan, isang
mabiyayang araw sainyung lahat.
Sa inyong pitong taon ng pag-aaral, hindi lamang kayo natuto ng mga aralin sa aklat, bagkus
natutunan ninyo rin ang mga mahahalagang aral ng buhay. Sa bawat sulok ng silid -aralan, inyong
pinatunayan ang inyong husay at dedikasyon sa pag – aaral.
Ngayong nagtatapos na kayo sa elementarya, ito ang simula ng bagong yugto ng inyong
buhay. Ang mga pangarap at mga adhikain ay nasa inyong mga kamay. Nawa’y patuloy ninyo itong
pangalagaan at lalong magsumikap sa inyong mga layunin.
Sa inyong paglalakbay patungo sa sekondarya, tandan ninyo na ang bawat pagsubok ay isang
pagkakataon upang patunayan ang inyong sarili. Huwag kayong matakot sa mga hamon ng buhay, sa
halip harapin Ninyo ito ng buong tapang at tiwala sa inyong kakayahan.
Tunay lamang na ang mga gawain at hangarin ng paaralan ay tumugon sa tema na” Kabataang
Pilipino Para sa Mataas na Kinabukasan ng Bagong Pilipinas”. Sa inyong pagtatapos sa Elementarya,
ipinapahayag ninyo ang inyong simula bilang mga Kabataang Pilipino na may malalim na pagmamahal sa
inyong bayan. Sa bawat hakbang na inyong tatahakin, sana’y gabayan kayo ng inyong pagmamahal sa
bayan at pagnanais na maging bahagi ng positibong pagbabago.
Sa mga magulang, guro, at mga kaibigan na sumusuporta at nagbibigay ng inspirasyon sa mga mag -aaral,
maraming salamat sa inyong walang sawang suporta. Kayo ang mga gabay at ilaw ng mga batang ito, at
ang inyong pagmamahal at pagtitiwala ay nagbigay daan sa kanilang tagumpay.

Sa huling hirit, ipinapaabot ko ang aking pinakamalalim na pagbati sa inyong lahat.


Mabuhay ang mga bagong tapos na mag-aaral ng Elementarya! Patuloy ninyong ipagmalaki ang inyong
mga tagumpay at maging inspirasyon sa iba. Maraming salamat at pagpalain kayo ng Poong Maykapal sa
inyong mga susunod na hakbang sa buhay.

ELEANOR C.
CAPILITAN, ED.D
PSDS
Cluster-1

You might also like